Mission Story 2Q 2019 Tag.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Pansanlibutang Ulat

Dibisyon ng Timog Amerika


(South American Division)

Ikalawang Tremestre
Abril, Mayo, Hunyo
2019

Central Luzon Conference


Nilalaman

Sulat ng Editor

PERU

Taga-syudad na may dalang Bibliya Abril 6

PARAGUAY

Takot Magtanim Abril 13

Walang Kapayapaan sa Meditasyon April 30

URUGUAY

Bakit ako isinilang Abril 27

Nananabik sa Dios Mayo 4

Nag-aalab para kay Jesus Mayo 11

ARGENTINA

Isinilang na maging misyunero Mayo 18

Nag-ampon ng Dalawang Batang Lalaki Mayo 25

BRAZIL

Kahilingan sa Bagong Taon Hunyo 1

Mabilis na Sagot sa Dalawang Panalangin Hunyo 8

Mula Marxist Patungong Adventist Hunyo 15

Hindi Malilimutang Alok Hunyo 22

Mga Pagod ng Misyunero Hunyo 29

Programa para sa Ikalabing Tatlong Sabado

Ang Gawain ng Iyong Handog


Tatlong taon na ang nakalipas, bahagi ng Ikalabing-tatlong Sabadong handog ay nakapagpagawa
ng lumulutang na iglesia “floating church” sa ilog ng Amazon sa Brazil. Mababasa ang kwento tungkol sa
“bangkang simbahan” sa isyu ng Mayo 29.

Mahal na Pangulo ng Paaralang-Pang Sabado,


Tinampok ngayong tremestre ang South American Division, na siyang namamahala sa mga
gawain ng iglesia ng Seventh-Day Adventist sa Argentina, Bolivia, Brazil, Chile, Ecuador, Falkland Islands,
Paraguay, Peru and Uruguay, gayundin ang ang mga katabing isla sa Karagatan ng Atlantiko at Pasipiko.
Ang rehiyon ay tahanan ng halos 340 milyong katao, kabilang na ang 2.48 milyong kaanib ng
Seventh-Day Adventist. Ito ay may isang Adbentista sa bawat 137 katao.
Ang apat na proyekto sa tremestreng ito para sa ikalabing tatlong Sabadong handog, ay mga
“sentro ng impluwensya” (centers for influence), ito ay mga lugar na ginagamit ng mga kaanib ng iglesia
ng Seventh-Day Adventist upang maka-ugnay (connect) sa lokal na konumidad. Tatlo sa mga “sentro ng
impluwensya” (centers for influence) sa Brazil at Peru ay nasa bakuran ng mga bagon simbahan ng
Seventh-Day Adventist. Ang pang-apat na “sentro ng impluwensya” (centers for influence) ay sa isang
sentro ng komunidad na nag-aalok ng pag-aaral ng English, pag-aaral sa musika at iba pang mga gawain
para sa mga bata at talubata (teens) sa Cusco, Peru. Layunin ng sentrong ito na makapagpatayo ng
bagong iglesia sa Cusco. Para paghandaan ang tremestreng ito, kinapanayam ko ang mga taong nakatira
sa apat na syudad na makatatanggap ng ikalabing tatlong Sabadong handog, gayundin ang mga taong
nabiyayaan ng ikalabing tatlong Sabadong handog, tatlong taon na ang nakararaan. Mababasa mo ang
kanilang kwento sa mga pahina ng babasahing ito. Pagkatapos mong mabasa ang kanilang kwento,
nasisigurado kong makikilahok ka sa pagpapalaganap ng pabalitang Si Jesus ay malapit ng dumating!

Mga Tampok
Kung nais mong maging mas masigla ang iyong klase sa Sabbath School sa espesyal na paraan
ngayong tremeste, maari mong bisitahin ang aming Facebook page sa link ng
facebook.com/missionquarterlies. Linggo-linggo kami ay nagdaragdag ng mga naaangkop na tulong sa
bawat kwentong pangmisyon.
Ang babasahing ito ay naglalaman ng mga ilang napapanahong kwento mula sa South
American Division. Para sa mga karagdagang kwento, dumalaw sa bit.ly/sad-archive na siyang
magdadala sa iyo sa lahat ng mga kwento sa buong dibisyon. At sa link na ito, maari ka ring pumili ng
mga kwento ayon sa bansa o tema. Maari mong ring i-download ang PDF version ng magasin ng
Children’s Mission sa bit.ly/childrenmission at mga video ng Mission Spotlight sa bit.ly/missionspotlight.
Marami ring pondo ng larawan na maaring i-download at i-print sa bit.ly/bank-coloring-page.
Kung ikaw ay nakatagpo ng isang mas epektibong paraan upang ibahagi ang mga kwentong
pangmisyon, maari mo itong ibahagi sa akin sa mcchesneya@gcadventist.org.
Maraming salamat sa iyong paghikayat sa mga kaanib upang magkaroon ng kaisipang makilahok
para sa mga gawaing pangmisyon.

Andrew McChesney
Editor

Ang ikalabing tatlong Sabadong handog ngayong tremestre ay tutulong upang:

 Makapagpatayo ng bagong iglesia at komunidad na nakasentro sa kalusugan sa Aruana, Brazil


 Makabili ng maaring pagtayuan ng simbahan at sentrong pangkomunidad sa Salvador, Brazil
 Makapagbukas ng komunidad na nakatuon sa mga kabataan na may paaralan ng English sa Cusco, Peru.
 Makapagpatayo ng iglesia at sentrong pangmedikal sa Pucallpa, Peru.
Taga-syudad na may dalang Bibliya
Alejandro Qquerar, 52 /Peru Abril 6

Labing-walong taon na si Alejandro (all-aye-KHAN-dro) ng unang pumasok sa grade 1.

Maaring inisip ng ibang tao ng matanda ng siya ng pumasok sa paaralan, pero ang lahat ng tao
sa kanilang nayon sa Ccacaccollo (kaka-KOLO), ay labing walong taon bago pumasok sa paaralan noong
1980’s. Iniisip kasi ng mga taga-nayon na mas mahalaga na magtrabaho ang kanilang mga anak sa bukid
kesa pumasok sa paaralan at matuto.

Isang kaklase nila ang nagdala ng radyo sa paaralan, at seryosong nakinig si Alejandro (all-aye-
KHAN-dro) sa mga programang pangrelihiyon tungkol sa huling araw. Natakot siya. Gusto niyang
malaman pa ang ibang detalye.
Di nagtagal ay natupad ang kaniyang pangarap ng ang tagapamahala ng pang ebanghelyong
programa sa radio ay nagtayo ng pang-gabi gabing programa sa gymnasium ng kanilang paaralan. Labis
ang kagalakan ng puso niya habang nakikinig siya sa tagapagsalita na nagkukwento ng tungkol kay Jesus.
Nasiyahan din ang ibang taga-nayon sa pagpupulong, at ang mga tagapamahala ng programa ay
nagbukas ng iglesia para sa kanila. Si Alejandro (all-aye-KHAN-dro) at ang kaniyang mga kaibigan ay
dumadalo sa pagsamba kung Linggo sa tuwing nakatatakas sila sa gawain sa bukid.
Nakita ng apat na lider ng iglesia at napakalaking interes ng mga taga-nayon at nilutas nila ang
pangangailangang ito sa pamamagitan ng pamimigay ng Bibliya. Kaya nga’t bumyahe sila ng isang oras
patungo sa pinakamalapit na syudad, ang Cusco, at sinuyod nila ang buong lugar sa paghahanap ng
Bibliya. Pero bigo sila.
Bigong-bigo, ang apat na lider ay naglalakad isang umaga, sa isa sa mga kalyeng yari sa
cobblestone (isang bilog na bato na mas malaki kaysa sa isang maliit na bato at mas maliit kaysa sa
isang malaking bato , na dating ginagamit para sa mga kalye), ng napansin nila ang isang grupo ng mga
tao, at may dalang Bibliya ang bawat isa, na papasok sa isang gusali. Dahil inisip nila na maaaring isang
tindahan ng aklat o libro ang nasabing gusali na maraming tinitindang Bibliya, sinundan ng mga lider na
ito ang mga tao. Isa itong simbahan ng Seventh-Day Adventist, at ang mga tao ay patungo sa Paaralang
PangSabado.
Nanatili ang mga lider mula sa programa ng Paaralang PangSabado hanggang sa ikalawang
serbisyo. Inimbitahan silang kumain ng tanghalian at sumama sila sa mga kapatiran sa pag-aaral ng
Bibliya kinahapunan. Lubhang natuwa ang mga lider na ito sa kanilang natutunan. Nag-usap usap sila at
sinabing “Kalahati lang ang alam natin tungkol sa mensahe para sa huling araw. Pero ang mga taong ito,
alam ang buong kwento.”
Nang oras ding iyon ay nagdesisyon ang mga lalaking lider na ito na maging Seventh-Day
Adventist. Humingi sila ng tulong sa pastor upang maipaliwanag sa kanilang mga kanayon ang buong
katotohanan sa Bibliya. Dalawang kaanib o myembro ang sumama sa kanilang nayon at nagsermon sa
kanilang simbahan kinabukasan, araw ng Linggo.

Hindi narinig ni Alejandro (all-aye-KHAN-dro) ang mensahe sapagkat naroon siya sa bukid at
nagtatrabaho. Pero sinabi ng mga kaibigan niya na huwag na siyang mag-abala sa pagsimba sa susunod
na Linggo. Ang buong iglesia ay naging Seventh-Day Adventist at ang mga susunod na araw ng
pagsamba nila ay Sabado na.
Pumunta si Alejandro (all-aye-KHAN-dro) ng Sabadong iyon para alamin kung ano ang nangyari.
Naniniwala siya sa bagong katotohanang kaniyang narinig, kasama na dito ang kautusang ibinigay sa
halamanan ng Eden, ang ikaapat ng utos, ang ipangilin ang ikapitong araw ng kapahingahan. Siya ay
naging Adbentista.
Nang sumunod na taon ay tumigil na sa pag-aaral si Alejandro (all-aye-KHAN-dro), na noon ay
labing-syam na taong na, upang tuluyang magtrabaho sa bukid. Nagsimula din syang ibahagi sa lahat ng
nais making, ang tungkol sa nalalapit ng pagbabalik ni Jesus.
Ang kaniyang pag-ibig sa Dios ay nagkaroon ng pambihirang bunga. Si Alejandro (all-aye-KHAN-
dro), isang simpleng tao, pandak at limitado ang pinag-aralan, ay nakapagpatayo ng anim (6)na iglesia sa
loog ng halos 30 taon. Naipatayo niya ang unang iglesia noong 1985, di pa nagtatagal ng siya ay
mabinyagan noon, at nakapagpapatayo ng bagong iglesia tuwing ikatlo o ikalimang taon. Mahigit 800
tao ang nabinyagan dahil sa kaniyang impluwensya.
Si Alejandro (all-aye-KHAN-dro), na ngayon ay 52 taong gulang na, ay patuloy na nagpupuri sa
Dios dahil sa mga bunga, pero sinasabi niyang ang tunay na dahilan ay ang mga tapat na Adbentista na
nagdadala ng kanilang Bibliya sa Cusco, isang Sabado ng umaga noon.
“Sa palagay ko, mahalagang palagi nating dala ang ating Bibliya sa tuwing tayo ay pupunta sa
simbahan para makita ng mga tao ng tayo ay mga Kristiano.” Ang sabi niya. “Kung ang mga Seventh-
Day Adventist sa Cusco ay hindi nagdala ng Bibliya ng araw ng iyon, malamang hindi nagtagpuan ng
aking mga kababayan ang tunay na iglesia.”

Ang kanilang nayon, na may 500 na naninirahan, ay halos mga Adbentista ng ngayon. Ang
kaniyang iglesia ay may 300 nabinyagang myembro.
Bahagi ng ikalabing tatlong Sabadong handog ngayong tremestre ay makatutulong na
makapagpatayo ng sentrong pangkomunidad na nag-aalok ng pag-aaral ng English, pag-aaral ng musika,
at iba pang mga gawain para sa mga bata at kabataan. Ang mithiin ng bagong sentrong pangkomunidad
ay makapagpatayo ng bagong iglesia sa lugar na iyon. Maraming salamat sa inyong handog pangmisyon.

Mula kay Andrew McChesney

*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq

*Alam nyo ba na si Alejandro (all-aye-KHAN-dro), kagaya ng karamihang nakatira sa Peru, ay


nakapagsasalita lamang ng Quetchua (KETCH-wa). Para siya ay makapanayam, ang Adventist Mission ay
nangailangan ng dalawang tagapagsalin: ang isa ay para magsalin mula sa salitang Quetchua patungong
Espanyol, at ang pangalawa ay mula Espanyol patungong English.

*Ikwento na ang iglesia ng Cusco na may mga kaanib o myembro na may dalang Bibliya ay isang
napakalaking tulong kay Alejandro, nagbibigay ng pagkain, pera, at mga gamit panrelihiyon para sa
kaniyang pag-abot sa komunidad.

*Panoorin ang video ni Alejandro sa link:bit.ly/ Alejandro-Querar


Takot Magtanim Hugo Sanz,64/Paraguay
Abril 13

Natakot si Hugo Sanz ng hinilingan siya ng pastor na magtayo ng iglesia sa isang hindi pa naabot
na lugar sa Asuncion, ang kabisera ng Paraguay.

Ang maputing buhok na direktor ng seguro (insurance) sa Asuncion Adventist Hospital ay


naglilingkod sa Central Seventh-Day Adventist Church, ang pinakamalaking iglesia sa syudad na may 300
myembro. Pero kailanman ay hindi sya naglingkod kasama ng mga tao sa labas ng iglesia.

“Natatakot ako,” ang sabi niya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang magpatakbo ng iglesiang
mag-isa.” Kinausap ni Hugo ang kaniyang asawa, na may karanasang gumawa kasama ng mga taong
may ibang pananampalataya dahil ito ay nakapagtrabaho sa Adventist Development and Relief Agency.
Siya ay pumayag na tumulong.

Ilang linggong nanalangin si Hugo at patuloy siyang nakokonsensya ng nalaman niyang ang lugar
ng pinaplanong simbahan sa Nueva Sajona (nyo-va sa-KHON-ia) ay dalawang bloke lang ang layo mula sa
kanilang bahay. Pumayag siyang mangasiwa sa gawain ng pagpapatayo ng iglesia.

“Sinimulan ko ito dahil ako ay nakokonsensya,” ang sabi niya. “Pero sa tulong ng ibang tao ay
nagawa namin iyon. Pumunta kami dito, at ng nakita namin ang pangangailangan ay nagpasimula na
kaming gumawa.” Maliliit lang ang unang mga hakbang. Umupa si Hugo ng isang gusali, isang “sentro
ng impluwensya”, at bumuo ng mga seminar gaya ng pagluluto ng mga pagkaing pampalusog at klase sa
pagtigil-sa-paninigarilyo sa tulong mga ibang myembro mula sa ospital. Siya at ang iba pang mga
myembro ay nakipagkaibigan sa mga taga-roon.

Kumalat ang balita tungkol sa bagong sentrong pangkomunidad. Isang myembro ang gumawa
ng facebook page at nagpaskil ng mga larawan. Ang istasyon ng radyo na Nuevo Tiempo, ang lokal na
kaanib (affiliation) ng Adventist Church’s Hope Channel, ay nagbibigay ng mga patalastas o pahiwatig.

Paglipas ng isang taon, noong 2015, ang sentrong pang impluwensya ay nagsimulang magdaos
ng regular na pagpupulong tuwing Sabado na tinawag na “Isang Araw na Malayo sa Sanlibutan.”

“Isang araw ito kung saan malilimutan ng mga tao ang kanilang problema at ituon lamang ang
isip sa Bibliya.” Ang sabi ni Hugo. “Magkakasama kaming umaawit at nag-aaral ng Bibliya, at ang mga
taong nakadalo na sa aming seminar ay napag-isip isip na kami ay malulusog dahil sa Bibliya. Nagsimula
na silang manalangin sa Dios.”

Habang nag-aaral ng Bibliya, ang mga taga komunidad ay namangha sa mga payo tungkol sa
kalusugan. Natutunan nila na ang mabuting kalusugan ay nakukuha sa pamamagitan ng tamang pagkain
at gayon din sa pananalangin, kapayapaan at kay Jesus. Isa sa kanilang paboritong talata ay
matatagpuan sa 3 Juan 2 na nagsasabi, “

Minamahal, ang hangad ko ay sumagana ka sa lahat ng bagay at magkaroon ka ng mabuting
kalusugan gaya naman ng kasaganaang taglay ng iyong kaluluwa.” Isa pang paborito nila ay nasa Filipos
4:7 na nagsasabi, “ At ang kapayapaang mula sa Diyos, na higit sa anumang pang-unawa, ang siyang
mag-iingat sa inyong mga puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”

Ang sunod-sunod na nakawan sa gabi ay nakaabala sa gawain ng sentrong pangkomunidad


noong 2016. Apat na beses binasag ng mga magnanakaw ang salamin sa bintana at ninakaw ang mga
gamit na electronics, upuan at lamesa. Inilipat ang seminar sa bahay ni Hugo.

Nang taon din iyon, ang pandaigdig na iglesia ng Adbentista ay nakaipon sa pamamagitan ng
mga Ikalabintatlong Sabado handog upang matulungan ang sentrong pangkomunidad na maitayo bilang
isang iglesia. Sa tulong ng pera, binili ng lokal na iglesia ng Adbentista ang lugar ng sentrong
pangkomunidad, pinalawak ito at binago ang mga pasilidad, at pinabuti ang seguridad.

Ang bagong Nueva Sejona (nyo-va sa-KHON-ia) Seventh-Adventist Church at ang sentrong
pangkomunidad ay nagbukas noong 2018 na mayroon ng sariling pastor. Nanatiling lider ng layko si
Hugo – at sinabi niyang hindi ako naging ganito kasaya.

“Nagtrabaho ako sa iglesia ng Adbentista sa loob ng 20 taon, pero ang ilang taon ko dito ang
naging pinakamasaya sa aking buhay dahil gumawa ako kasama ng mga tao sa mundo.” Ang sabi ni
Hugo, 64 taong gulang na. ”Dati gumagawa ako para sa mga taong nasa loob na ng iglesia. Pero ngayon,
hindi lang ako nagsasalita kundi gumagawa, at nagpapahayag ng pag-ibig ng Dios sa ibang paraan.
Pakiramdam ko ay ginagawa ko ang misyon na binigay ng Dios para sa aking buhay.”

Salamat sa inyong ikalabing tatlong Sabadong handog noong unang tremestre ng 2016 na
tumulong upang maipatayo ang Nueva Sejona (nyo-va sa-KHON-ia) Seventh-Adventist Church, sa
Asuncion, Paraguay. Maraming salamat sa inyong mga handog pangmisyon na sumuporta sa mga
gawaing misyunero sa buong mundo.

Mula kay Andrew McChesney

*Panoorin ang video ni Hugo sa link:bit.ly/ Hugo-Sanz

*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq

Pahiwatig Pangmisyon

*Ang Paraguay ay may 61 iglesia, 95 na kumpanya at 12, 519 na myembro. Sa populasyong 31,838,000,
isa sa bawat 544 katao ang Adbentista.

*Ang kauna-unahang manggagawang Adbentistang dumalaw sa Paraguay ay si Lionel Brooking, isang


kolpotor, na nagbenta ng mga libro sa Gran Chaco sa Paraguay noong 1892. Noong Agosto 1900,
dumating si E.W. Snyder at ang kaniyang asawa mula sa United States. Iniulat ng mga Adbentistang
kolportor, na isang Aleman (German) sa Colonia Nacional (National Colony), sa Paraguay, ang
tumanggap ng mga aral ng Adbentista sa pamamagitan ng pagbabasa ng babasahing Aleman na
ipinadala sa kanila ng kaniyang kapatid sa Uruguay.
Walang Kapayapaan sa Meditasyon Gustavo Javier Caballero, 40/Paraguay
Abril 20

Sinamahan ng espiritista si Gustavo sa isang kwato para makipag-usap sa mga patay sa isang
lugar sa Asuncion, kabisera ng Paraguay.“Ibibigay nila ang mga kasagutang kailangan mo”ang sabi ng
espiritista .
Nawawalan na ng pag-asa si Gustavo na makakuha ng kasagutan. Nahihirapan siyang matulog
sa gabi at nagmemeditasyon (meditation) dalawang beses maghapon – isang oras sa umaga at isang
oras sa gabi – para mapaglabanan ang stress. Ang meditasyon ay nakapagbibigay ng pansamantalang
kapayapaan, pero isang daang ulit itong babalik pagkatapos.
Kasama ng espiritista, nakaririnig siya ng magugulong mga tinig, nagsisigawan sa loob ng kwarto.
Nakakakita siya ng mga taong pabalik-balik na naglalakad at biglang nawawala. Para silang mga
demonyo. Nang nakita ng espititistang natatakot siya, ito ay nagsabi, “Huwag kang mag-alala. Hindi ka
nila sasaktan. Pinag-aaralan lang nila ang isip mo at ang iyong nararamdaman.”
Pagkatapos ng karanasang iyon, muling binalikan ni Gustavo ang kaniyang buhay. Ang kaniyang
mga magulang, na kaanib ng isang Kristianong denominasyon, ay ipinasok siya sa isang paaralan ng
Seventh-Day Adventist sa edad na 12 taon, sa mungkahi ng isang kapit-bahay. Nagpakita lamang siya ng
maliit ng interes sa klase ng Bibliya, at ang mga kaibigan niya sa kanilang lugar ay tinuruan siyang
uminom at gumamit ng ipinagbabawal na gamut noong siya ay malapit ng magtapos.
Gumamit si Gustavo ng marijuana, alcohol at cocaine tuwing walang pasok para mabawasan ang
kaniyang mga alalahanin. Pero nagsimula siyang magdusa sa patuloy na pagsakit ng kaniyang ulo at
pagkahilo. Pumunta siya sa isang psychologist para humingi ng tulong at pinayuhan itong subukan ang
Meditasyong Pangsilangan (Eastern Meditation).
Natagpuan ni Gustavo ang espiritista sa isang pangsilangan templo (eastern temple) at natuto
siya ng meditasyon at yoga. Para makapagmuni-muni (meditate), paulit-ulit niyang binibigkas ang mga
salita mula sa isang patay ng wikang Indian. Ito dapat ay nakapagpakalma sa kanya at nag-ugnay sa
isang payapang lugar kung saan ang kaniyang isip ay mabablanko.
Ang kaniyang buhay ay pansamantalang naging maayos. Pero nagsimula siyang makarinig ng
mga tinig at makakita ng kung anu-ano habang siya ay parang nangangarap bunga ng meditasyon. “Para
akong nababaliw,” ang sabi ni Gustavo. Kailangan ko ng tulong,” Humingi siya ng tulong sa espiritista,
na tumakot sa kanya ng ipinakita sa kanya ang parang mga patay na tao.
Pagkatapos noon ay naalala niya ang kaniyang pag-aaral noon ng Bibliya sa isang paaralang
Adbentista. Nakipag-ugnayan siya sa isang pastor ng Adbentista at sa isang Adventist mental health
worker para humingi ng tulong. Ipinanalangin siya at pinayuhang itigil na niya ang meditasyon, yoga at
mga ipinagbabawal na gamot. Nagsimulang dumalo si Gustavo sa simbahan tuwing Sabado.
Napatunayan niyang madaling tigialan ang meditasyon at yoga, pero ang ipinagbabawal na
gamot o droga ay hindi. Habang nagsisikap si Gustavo, siya ay nanalangin at nakatagpo siya ng tulong sa
Bibliya. Ang mga gabing hindi siya makatulog, pinaniwalaan niya ang nakasulat sa Isaias 26:3 na
nagsasabi, “Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa iyo, sapagkat
siya'y nagtitiwala sa iyo. Gayon din ang nakasulat sa Filipos 4:13 na nangangakong, “Lahat ng mga bagay
ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.”
Ibinigay ni Gustavo ang kaniyang puso kay Jesus sa edad 34. “Naghahanap ako ng kagamutan,
ng isang taong makatutulong sa akin na gumanda ang aking pakiramdam,” sabi niya. “Sa iglesia,
nalaman ko na ako pala ay anak ng Dios. Ako ay pinalaya ng Kaniyang buhay.”
Pagkatapos niyang mabinyagan ay nakakita siya ng video tungkol sa “meditasyong
pangKristiano” at nagdesisyon siyang subukan ito. At napansin niyang parang katulad lang ito ng Eastern
Meditation, pero, sa halip na paulit-ulit na salita mula sa isang patay ng wikang Indian, mga talata sa
Bibliya ang dapat banggitin. Ikinagulat niya ng lubos ang naging resulta nito.
“Nawalan ng kontrol ang aking isip, at parang nablanko din ito kagaya ng dati,” ang sabi niya.
“Naramdaman ko ang isang enerhiya na umakyat sa aking buong katawan , at may mga tinig na
nagsasabi kung ano ang dapat kong gawin.”
Natigilan si Gustavo, hindi ito makagalaw, hanggang sa bumalik ang kaniyang kamalayan.
Pagkatapos noon, ilang mga dating kaibigan na kasama niyang sumubok ang nagsabi kay
Gustavo na inutusan daw sila ng mga boses ng araw na iyon na bumalik sa dating paraan ng meditasyon.
Nagdesisyon si Gustavo na hindi na muling gagawin ang ganoong paraan ng meditasyon. Sa
halip pinili niyang basahin ang Bibliya at doon magmuni-muni sa Salita ng Dios at hindi sa paraan ng
Eastern Meditation. Ang lugar na iyon ay lubhang mapanganib, ang Dios ay hindi gumagabay sa
ganoong uri ng meditasyon.”
Naniniwala din siya na ang yoga ay isang paraan ng Diablo.
Sa yoga, gagaan ang iyong pakiramdam, hindi mo na kailangang magbasa ng Bibliya o papasukin
si Jesus sa iyong buhay,” ang sabi niya. “Sa iyong palagay, ang mga espiritu ay gumagawa sa iyo at
parang iyon ay sapat na.”
Ngayon, 40 taon na si Gustavo at nagtatrabaho bilang isang kolportor o literature evangelist at
isang massage theraphist. Isa rin siya sa masigasig na myembro ng sentrong pangkomunidad na kaugnay
ng Nueva Sejona (nyo-va sa-KHON-ia) Seventh-Adventist Church, tumanggap ng ikalabing tatlong
Sabadong handog noong 2016.
Sinabi niya sa kaniyang mga kapit-bahay na ang droga at meditasyon ay hindi solusyon.
Masarap ang epekto ng droga at meditasyon, pero pansamantala lamang, at pagkatapos noon
ay mas malala pa ang iyong mararamdaman” ang sabi niya. “Ang tanging solusyon ay si Kristo. Tanging
kapag ikaw ay nananalangin saka gagaan ang iyong pakiramdam – magkakaroon ng tunay na
kapayapaan.”
Mula kay Andrew McChesney
*Panoorin ang video ni Gustavo sa link:bit.ly/ Gustavo-Caballero
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
Trivia
*Mas mataas ang bilang ng mga taong marunong magbasa sa Paraguay kesa sa United States. Ang mga
mamamayan ng Paraguay na may edad na 15 taon pataas ay nakasusulat at nakababasa ng may 95%
literacy rate kumpara sa United States na 84% lamang.
Bakit Ako Isinilang Graciela Musetti, 52/Uruguay
Abril 27

Isang babae ang nakatayo sa istasyon ng bus sa Montevideo (Mon-the-vi-DAY-oh), kabisera ng


Uruguay. Mayroon siyang pera sa kaniyang pitaka para sa isang mahalagang dahilan, at naghihintay siya
ng bus. Bigla nalang siya ay nanginig. Pakiramdam niya ay may gumalaw sa loob niya. Dumating ang
bus at huminto, pero siya ay lumayo. Sa halip ay tumawid siya at pumunta sa panaderia o bakery para
bumili ng cookies.
Pag-uwi niya ay sinalubong siya sa pinto ng kaniyang asawa.
“Ang bilis mo naman?” ang tanong nito.
“Oo, nagdesisyon ako na huwag ng gawin iyon,” ang sabi niya.
Paglipas ng ilang buwan, isinilang si Graciela (gras-EE-yela) Musetti.
Hindi pinahintulutan ni Maria, ina ni Graciela (gras-EE-yela), na limutin nalang ang anak niya.
Kakaibang Pagkabata
Lumaki si Graciela (gras-EE-yela) na naglalaro sa mga nitso.
Noong siya ay 18 buwan pa lamang, ang kaniyang 18-taong gulang na kapatid na babae ay
namatay sa isang kalunos-lunos na sunog sa pabrika na kumitil sa buhay ng 20 trabahador. Araw-araw,
dinadala siya ng kaniyang ina sa sementeryo, at habang ito ay nagluluksa sa puntod ng kaniyang
nakatatandang kapatid na babae, si Graciela naman ay patalun-talon sa mga nitso o puntod. Kinukuha
ng batang babaeng ito ang nga bulaklak mula sa mga korona at nilalagay sa mga bakanteng nitso.
Sa bahay, ipinakikilala si Graciela (gras-EE-yela) ng kaniyang ina sa mga bisita ng ganito, “Kinuha
niya ang isa kong anak na babae at ibinigay niya ang isang ito.” Pagkatapos ay ikukwento niya ang
nangyari noon sa istasyon ng bus, na para bang siya ay nagbibiro lang. “Hindi dapat isinilang o
ipinanganak si Graciela (gras-EE-yela),” sinasabi niya ito habang nakangiti.
Pakiramdam ni Graciela (gras-EE-yela) siya ang may kasalanan at nakararamdan din siya ng
ligamgam (insecurity). Pakiramdam niya ay pinalitan lang niya ang isang kapatid na babae na siyang ilaw
ng tahanan.
Ilang taon ang lumipas, at naghiwalay ang kaniyang mga magulang. Nagkaroon si Graciela (gras-
EE-yela) ng anak na lalaki sa edad na 15 taon. Pagkatapos noon ay namatay ang kaniyang panganay na
kapatid na lalaki dahil sa atake sa puso, at sa loob ng ilang buwan, sinamahan niya ang kaniyang ina
sementeryo para dalawin ang puntod nito.
Ilang taon pa ang lumipas, at ang nag-iisang natitirang kuya ni Graciela (gras-EE-yela) ay namatay
dahil nabangga ng kotse ang minamanehong bisikleta nito. Hindi na ito kayang sabihin pa ni Graciela
(gras-EE-yela) sa kaniyang ina. Pakiramdam niya ay nag-iisa siyang nakaligtas mula sa isang trahedya.
Tumanda na ang kaniyang ina at inalagaan niya ito hanggang sa ito ay mamatay. Sa kaniyang
mga huling taon, hindi na ito nakababangon dahil sa epekto ng stroke.
Isang araw, hindi sinasadya ni Graciela (gras-EE-yela) na mapakinggan ang Nuevo Tiempo, ang
lokal na kaanib (affiliation) ng Adventist Church’s Hope Channel sa radyo. Habang siya ay nakikinig sa
programa, natuon ang kaniyang pansin sa boses ng pastor, na nararamdaman niyang payapa at
banayad. Noong panahon ding iyon, nakikinig din siya sa isang pastor mula sa ibang istasyon ng radyo
na binabatikos ang kasamang nagtatag ng iglesia ng Adbetista na si Ellen G. White. Ang galit nito ang
nakakuha ng atensyon ni Graciela (gras-EE-yela), at nagdesisyon siya na gusto niyang makabasa ng aklat
ni Ellen G. white. Pero saan siya makakakuha ng kahit isa lang?
Pumunta si Graciela (gras-EE-yela) sa mga aklatan at tindahan ng mga libro, pero walang kahit
isang kopya man lang. Isang araw ang kaniyang anak ay punumta sa tindahan ng sapatos at napansin
nito ang isang aklat na nakapatong sa upuan. Tiningnan niya ito at dinala sa kaniyang ina. “Tingnan mo
ina, isa itong bagay na magugustuhan mo.”
Aklat mula sa Dios
Kinuha ni Graciela (gras-EE-yela) ang aklat o libro at binasa niya ang pamagat, “Ang Dakilang
Pag-asa,” sa ibaba noon ay nakalagay ang pangalan ng may-akda o nagsulat. Nanginig siya. “Ang Dios
ito na gumagawa sa aking buhay!” ang pasigaw na sabi niya. “Pinadala Niya sa akin ang librong ito.”
Walang duda si Graciela (gras-EE-yela) kay Ellen G. White – kahit pa bago niya basahin ang libro.
“Ginamit ng Dios ang librong ito para ako ay tawagin niya sa gawain.” Ang sabi niya. Tinawagan niya ang
Nuevo Tiempo para sa mga karagdagang impormasyon, at nagpadala ang istasyon ng isang Adbentistang
myembro, si Miguel Amaro Speranza, para magbigay ng pag-aaral sa Bibliya.
Di nagtagal ay nabinyagan si Graciela (gras-EE-yela) sa La Teja Seventh-Day Adventist Church na
pinondohan ng ikalabing tatlong Sabadong handog noon 2016. Ngayon, isa na siyang aktibong
myembro, nagbibigay ng pag-aaral sa Bibliya, at tumutulong sa mga taong nasa kanilang paligid. Dahil sa
kaniyang impluwensya, apat na tao ang nabinyagan.
Buong buhay ni Graciela (gras-EE-yela) ay nag-iisip siya kung bakit siya isinilang o ipinanganak.
Ngayon alam na niya ang kasagutan.
“Mula ng mga panahong ako sa nasa tiyan ng aking ina, ang Panginoon ay gumagawa sa akin,”
sabi ni Graciela (gras-EE-yela), na ngayon ay 52 taong gulang na. “Kung ipinalaglag ako ng aking ina
noon, sino ang mag-aalaga sa kanya? Sino ang mag-aalaga sa aking ama na ngayon ay 94 taong gulang
na at nasa banig ng karamdaman?”
“Ang Dios palagi ang may kontrol ng lahat ng bagay,” ang sabi niya. “Hindi ko alam kung ano
ang nakita Niya sa akin, pero iniligtas Niya ako. Umaasa akong makagagawa ako ng maraming alagad
para sa Kanya.”
Maraming salamat sa inyong ikalabing tatlong Sabadong handog noong 2016 na nakatulong sa
La Teja Seventh-Day Adventist Church, na makalipat mula sa maliit na inuupahang simbahan patungo sa
bagong sariling gusali at sentrong pangkomunidad.
Maraming salamat sa inyong handog pangmisyon na tumulong sa mga tao gaya ni Graciela
(gras-EE-yela) na madala palapit kay Kristo.
Mula kay Andrew McChesney
*Panoorin ang video ni Graciela sa link:bit.ly/ Graciela-Musetti
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq

Pahiwatig Pangmisyon
*Ang Uruguay ay may 59 iglesia, 50 na kumpanya at 7,890 na myembro. Sa populasyon ng Uruguay na
3,457,000, isa sa bawat 544 katao ang Adbentista.
*Ang kauna-unahang Adbentistang sa Uruguay ay si Mrs. Juan Rivoir, na dumating sa Uruguay kasama
ng kaniyang asawa noong 1890, kung saan, apat na taon bago sila dumating doon, ay nakikinig din ng
mga sermon ni Ellen G. White sa Piedmont, Italy.
Nananabik sa Dios Maria Cecilia Freire, 60/Uruguay
Mayo 4

Nasira ang buhay ni Cecilia ng iwan siya ng kaniyang asawa.

Tatlumpung taon siya noon, nakikipaglaban sa kanser sa matres (uterus), na dumaranas ng


matinding sakit. Inisip niya na baka kaya iniwan siya ng kaniyang asawa, ay dahil sa loob ng ilang buwan
ay hindi man lang siya mahawakan ng kaniyang asawa, at siyang lalong nagpabigat sa kaniyang
nararamdaman.

Pero iba ang iniisip ng kaniyang ina. Ibinibintang niya ang dahil ng kanilang paghihiwalay, ay
dahil sa pag- anib nito sa iglesia ng Seventh-Day Adventist. Ilang taon na ring nabinyagan si Cecilia mula
noong nagkaroon ng ebanghelyong pagpupulong sa kanilang lugar sa Mercedes, Uruguay. Pagkatapos
mabinyagan ay tumigil na si Cecilia sa pagpunta sa mga kasiyahan o party at tumigil na rin sa pag-inom
ng nakalalasing na inumin kasama ng kaniyang asawa.

Sa kabutihang palad ay naging matagumpay ang operasyon ni Cecilia ang natanggal ang
kaniyang kanser. Pero tumigil na rin siya sa pagpunta sa simbahan. Dahil sa kaniyang tatlong anak na
pinalalaki, kailangan niyang maghanap ng trabaho. Dahil sa nahirapan siyang maghanap ng trabaho sa
pagluluto ng walang Sabado, tumigil na siya sa pagsisimba.

Ilang taon ang lumipas at lumaki na ang kaniyang mga anak at nagkapag-asawa na. Pero masakit
pa rin sa damdamin niya ang paghihiwalay nila ng kaniyang asawa. Lalong tumindi ang sakit na kaniyang
nararamdaman ng mamatay ang kaniyang ina.

Pauwi Na

At si Cecilia ay nanirahan sa kaniyang anak na babae sa Montevideo (Mon-the-vi-DAY-oh),


kabisera ng Uruguay, kasama ng kaniyang manugang na lalaki (son-in-law) at tatlong apo. Nagsimula
siyang mag-isip tungkol sa Dios at humiling na sana ay mayroong malapit na simbahan ng Adbentista sa
kanilang lugar.

Sa anumang dahilan, nagsimula siyang makinig sa istasyon ng radyo na Nuevo Tiempo, ang lokal
na kaanib (affiliation) ng Adventist Church’s Hope Channel.

“Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagsimulang makinig sa radyo,” ang sabi niya. “Parang
ito ay paraan lang ng Dios na mahanap ko ang istasyon ng radyo.”

Isang araw habang siya ay nakikinig, narinig niya na magbubukas ang isang iglesia ng Adbentista,
13 bloke lang ang layo mula sa kanila. Pumunta siya sa Goes (GO-es) Seventh-Day Adventist Church
noong Enero, 1, 2017, ilang panahon lang mula ng ito ay magbukas. Gusto rin niyang mabinyagan na
agad, pero pinayuhan siya ng pastor na mag-aral na muli ng Bibliya upang manariwa sa isip niya ito.
Nabingyagan siya 5 buwan ang lumipas noong Mayo, 18. “Mula ng araw na iyon, ako ay naging masaya”
ang sabi ni Cecilia. “Binago ng Dios ang buhay ko. Inialis niya ako sa buhay na punong-puno ng pait at
pagdurusa.” Alam niya na iniaalis siya ng Dios sa lahat ng pait ng siya ay nagsimula ng ngumiti. Kahit
ang mga ibang myembro sa iglesia ay napapansin din at nagsabing, “Palagi kang nakangiti!”

Sumagot siya, “Palagi kasi akong masaya!”


Ipinananalangin ang Pamilya

Pagkatapos makabalik sa iglesia, nagsimula ng manalangin si Cecilia para sa kaniyang anak na


babae at sa kaniyang manugang na sana ay tanggapin din nila si Jesus. Sa kaniyang pananalangin,
napansin niya ang isang misyunerong Brazilian, na matatas (fluent) magsalita ng English. Ang kaniyang
manugang na isang Arkitekto, ay hindi marunong magsalita ng English, ay naghahanap ng maaring
magturo ng English dahil gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa. Sa pagsang-ayon ng misyunerong
Brazilian, sinabi ni Cecilia sa kaniyang manugang na nakatagpo siya sa simbahan ng magtuturo sa kanya
ng English.

“Sa ganitong paraan, madadala ko siya sa iglesia,” ang sabi ni Cecilia. “Naging kaibigan niya ang
pastor at ang iba pang myembro ng iglesia at naging aktibo siya sa iglesia.”

Mas mahirap abutin ang kaniyang anak. Sa tuwing babanggitin niya ang tungkol sa Dios,
nagrereklamo ang kaniyang anak. “Gusto mo na naman akong papasukin sa iglesiang yan!”

Sa katapusan, sinabi ni Cecilia sa kaniyang anak, “Hindi iyon ang dahilan. Ang gusto ko lang,
kung mamamatay ako, gusto kong magkita tayo ulit sa muling padilat ng mga mata ko.’

Ang mga salitang iyon ang humipo sa puso ng kaniyang anak. Siya at ang kaniyang asawa ay
parehong nag-aaral nan g Bibliya ngayon para sa paghahanda sa kanilang pagpapabinyag. “Gumawa ang
Dios ng mga dakilang bagay sa aking buhay,” ang sabi ni Cecilia.

Si Cecilia, 60 taong gulang ay myembro ng Goes (GO-es) Seventh-Day Adventist Church na


nakatanggap ng ikalabing tatlong Sabadong handog upang makapagpatayo ng simbahan sa Montevideo
(Mon-the-vi-DAY-oh), Uruguay. Maraming salamat sa katapatan ninyo sa pangmisyong handog, na
nakatutulong upang maihanda ng mga tao gaya ni Cecilia at ng kaniyang pamilya para sa malapit ng
pagdating ni Kristo.

Mula kay Andrew McChesney


*Panoorin ang video ni Graciela na nagsasalita sa tabi ng baptisimal pool kung saan siya nabingyagan sa
Goes (GO-es) Seventh-Day Adventist Church. Panoorin sa link:bit.ly/ Cecilia-Freire
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
Trivia

*Ang salitang “Uruguay” sa wikang Guarani (wikang ginagamit sa Paraguay, Brazil, Argentina, Bolivia) ay
nangangahulugang “ilog ng mga ipinintang (painted) ibon.”

*Ang pambansang pagkain ng Uruguay ay Chivito. Isa itong tinapay na may palamang inihaw na
maninipis na karne ng baka, kamatis, mozzarella (isang uri ng keso galing sa gatas ng baka), mayonnaise,
nilagang itlog at olives at inilagay sa bonete (bun – isang uri ng tinapay na may iba’t – ibang hugis).
Kadalasan ito ay kinakain kasabay ng french fries.

*Ang Uruguay ay may literacy rate na 98.1% para sa matatanda, salamat sa pagtustos ng libre at
sapilitang pagpapaaral. Noong 2009, naging kauna-unahang bansa ito na nakapagbigay ng libreng
wireless internet at laptop sa bawat mag-aaral.

*Ang Uruguay ay tanging bansa sa South America kung saan ligtas inumin ang tubig sa gripo.

*Halos 95% ng elektrisidad ay galing sa renewable resources, karamihan ay mula sa mga wind farms.
Nag-aalab Para Kay Jesus Miguel Amaro Speranza, 69/Uruguay
Mayo 11

Si Miguel ay 69 pero punong-puno pa ng lakas.

Hindi pa nagtatagal, tinanggap ni Miguel ang imbitasyon mula sa isang kaibigan, si Yraldino
“Dino” Fernandez, na manguna sa pag-aaral ng Bibliya sa bahay ni Dino doon sa lugar ng mahihirap sa
distrito ng La Teja sa Montevideo (Mon-the-vi-DAY-oh), kabisera ng Uruguay.

Nagbibigay din sina Miguel at Dino ng pag-aaral ng Bibliya sa mga bahay doon sa distrito, lugar
kung saan walang simbahan ang Seventh-Day Adventist. Pagkatapos ng isang taon, ang mga nag-aaral
ng Bibliya ay inimbitahan sa isang serye ng pang-ebanghelyong pagpupulong tungkol sa Daniel and
Revelation. Labing anim na tao ang nabinyagan. “Pagkatapos ng pagpupulong, nagdesisyon kami na
magtayo ng iglesia,” ang sabi ni Miguel.

Si Miguel, kasama ng iba pang myembro ng iglesia at ng 16 na bagong myembro, ay umupa ng


bahay at doon sila nagsisimba tuwing Sabado. Dumami ang mga nagsisimba ng ang mga kaanib ay
nagsimulang mamigay ng pagkain at damit sa mga tao sa paligid. Ang inuupahang bahay ay sumikip, at
ang mga kaanib ay naghanap ng paraan kung paano palakihin ang kanilang lugar at mapaganda lalo ang
epekto ng kanilang gawain sa komunidad.

Ang problema ay nasolusyunan ng ang mga Adbentista sa buong mundo ay tumulong sa La Teja
Seventh-Day Adventist Church upang makabili ng sariling gusali at sentrong pamumuhay (lifestyle
center) sa pamamagitan ng ikalabingtatlong- Sabadong handog noong 2016. Nananabik si Miguel sa
mga bagong oportunidad na naghihintay sa iglesia. “Ang aming plano ay paglingkuran ang mga tao sa
paligid, kasama na dito ang mga walang tirahan,” ang sabi niya sa isang panayam doon sa may kusina,
kung saan ginagawa ang klase sa paghahanda ng masustanyang pagkain.”Maraming mahihirap na tao
ang nakatira dito.”

Pangalawang Kwento

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagdala si Miguel ng kaluluwa sa Panginoon. Siya at ang
grupo ng mga myembro ng iglesia mula sa El Prado Seventh-Day Adventist Church ay sanay na
bumabyahe para sa mga mahihirap, na nakatira lamang sa bahay na gawa sa malalaki at medyo
makapal na karton, sa mapanganib na bahagi ng Montevideo (Mon-the-vi-DAY-oh).

“Lima sa amin ay nagbibigay ng pag-aaral ng Bibliya tuwing Sabado.” Sabi ni Miguel.


“Nagdadala rin kami ng pagkain. Sinubukan naming maabot ang mga tao at matulungam sila sa kanilang
pangangailangan.”

Nagbibigay ang iglesia ng patuloy na tulong sa 47 na matatanda at 90 mga bata. Gumawa din
sila ng bahay kung saan may masisilungan ang mga tao sakaling bumaha tuwing tag-ulan.

Ang mga tao sa lugar na iyon ay nagsimulang pumunta sa iglesia ng Adbentista. Ang iba ay
dumarating sakay ng karitela.

“Bilang resulta ng gawain, nagkaroon kami ng 21 binyagan,” ang sabi ni Miguel.

Pangatlong Kwento
Nagtrabaho si Miguel ng 27 taon sa Adventist Development and Relief Agency (ADRA) sa
Uruguay, at isa sa kaniyang pinakagustong alaala, ay ang alaala ni Walter, isang taong walang tirahan,
may diabetes at putol ang paa na biglang dumating sa ADRA Center sa Montevideo (Mon-the-vi-DAY-
oh). Si Walter ay walang pagkain at walang matitirhan, at nakilala siya ni Miguel, at sa kanya rin
kahilingan ay humingi ng pag-aaral ng Bibliya.

Isang araw ng Sabado, habang nagluluto si Miguel at naghahanda ng kaniyang sermon,


nagtanong si Walter, “Ano ang isesermon mo?” Sinabi ni Miguel na ang inspirasyon ay nakuha niya sa
larawan na nakapaskil sa pinto ng kaniyang refrigerator. Makikita sa larawan ang isang bata na
naghahalungat ng kaniyang makakain sa basurahan at may nakalagay na tanong, “Ano ang inerereklamo
mo?” Binuksan ni Miguel ang kaniyang Bibliya at binasa ang nasa Lukas 9:13, “Bigyan ninyo sila ng
makakain.” Sinabi ng Panginoon iyon ilang sandal lang bago mangyari ang himala ng tinapay at isda.

Binalikan ni Miguel ang kaniyang pagluluto, at abalang nagsulat si Walter sa isang papel.
Pagkatapos ng ilang sandali, binigay ni Walter kay Miguel ang papel. “Kung makatutulong ito, ibinibigay
kong gamitin mo ito sa iyong sermon.” Ang sabi niya.

Binasa ni Miguel ang mensahe habang siya ay nagsesermon. Umiyak ang mga myembro.
Sumulat si Walter na parang ang Dios ang sumulat para sa mga tao. Ang sabi ng mensahe,
“Nagrereklamo kayo, pero tingnan ninyo, sa paligid ninyo ay nakatira ang napakaraming taong walang
tirahan, walang pagkain at walang damit. Mayroon kayong mga bahay para makapagpahinga, pagkain
at damit.”

Pagkatapos noon ay sinulat ni Walter ang tungkol sa kaniyang sarili, “Mayroon ako dating mga
kaibigan na nakakasama kong uminom at sumayaw. Pero ngayon sila ay nagrereklamo sa kanilang mga
problema, at ang sabi ko sa kanila, ‘Ano ang nirereklamo ninyo?, tingnan ninyo ako, may diabetes at
walang paa.” Ilang buwan ang lumipas, ibinigay ni Walter ang kaniyang puso kay Jesus. Pag-ahon niya
sa tubig noong siya ay binibinyagan, sumigaw siya, “Salamat sa Iyo, Jesus!”

Sa ngayon naririnig pa rin ni Miguel ang sigaw ng pagtatagumpay ni Walter. Isang buwan at
kalahati pagkatapos mabinyagan si Walter, namatay ito, “Umaasa akong makikita ko siyang muli
pagdating ng ating Ama upang tayo ay dalhin na sa langit.” Ang sabi ni Miguel. Umaasa akong
makakasama kong siyang muli pati na rin ang mga taong binigyan ng Dios ng pagkakataong magbahagi
ng pabalita.

Maraming salamat sa inyong ikalabing tatlong Sabadong handog noong 2016 na nakatulong sa
iglesia ng La Teja.

Mula kay Andrew McChesney


*Panoorin ang video ni Miguel na nagsasalita sa simbahan ng La Teja Seventh-Day Adventist Church sa
link:bit.ly/Miguel-Speranza
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
Pahiwatig Pangmisyon
*Ang kauna-unahang paaralan ng Seventh-Day Adventist sa Uruguay ay nabuo noong 1908, sa kolonya
ng Nueva Helvecia sa tahanan ni Julio Ernst, kasama si Otto Heydejer bilang isang guro. Ang Uruguay
Academy, na ngayon ay Uruguay Adventist Academy (Instituto Adbentista del Uruguay) na matatagpuan
sa Progreso, ay itinatag noong 1944.
Isinilang na maging Misyunero MarceloFernandez /Argentina
Mayo 18

Ako at ang aking asawa ay nananalangin sa loob ng 14 na taon para sa magkaanak.

“Kung ito po ay kalooban Ninyo, bigyan Mo po kami ng sarili naming anak o di kaya ay tulungan
Mo po kaming makapag-ampon.”

Pagkatapos ng maraming pagsusuri, sinabi ng aming duktor na napakaliit ng pagkakataon na


kami ay magkaanak. Malinaw din sa amin na napakahirap na mag-ampon sa aming bansa, sa Argentina.

Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagkakataong magtrabaho sa isang saradong bansa (mga


bansang bawal ang misyunero) sa malayong lugar at inisip namin, “Baka gusto ng Dios na mag-ampon
tayo ng anak sa ibang bansa.”

Naging maayos ang lahat ng bagay. Ang Seventh-Day Adventist Church sa Dibisyon ng Timog
Amerika (South American Division), kung saan nabibilang ang bansang Argentina ay pumayag na kami ay
lumipat sa loob ng limang taon. Ang mga lider ng iglesia sa saradong bansa ay pumayag na din,
gayundin ang mga may kaugnayang lider ng gobyerno. At pagkatapos noon ay nalaman ng asawa kong
si Elsa na siya ay nagdadalang tao o buntis.

Palabiro ang aking asawa, kaya nga’t naglagay siya ng cctv camera para marekord ang aking
reaksyon pagsinabi na niya sa akin ang balita habang kami ay nag-aagahan. May ibinigay siya sa aking
maliit na kahon, na sa una ay akala ko ay walang laman. Pero may nakita ako ang pregnancy test sa
loob. Kinuha ko ito at nakita kong ito ay positibo. Pinaghalong takot at saya ang aking naramdaman.
Nakita sa rekord ng video na ako ay natulala. Hindi ko man lang nayakap ang aking asawa. Tinitigan ko
lang ang pregnancy test na nasa aking kamay.

Nag-uunahan sa aking isipan ang mga tanong. “Panginoon bakit ngayon pa?” Naisip ko, “Ito ang
pinaka-kakaibang tyempo o timing sa lahat. Malamang ngayon ay hindi na papayag ang mga lider ng
gobyerno. Pati na rin ang mga lider ng iglesia sa saradong bansa. At gayundin ang Dibisyon ng Timog
Amerika (South American Division). Ang pagkakaroon ng anak ay magiging masyadong magastos at
nakaaabala pa sa gawain.”

Perpektong tyempo ng Dios

Pero ang tyempo o timing ng Dios ay perpekto.

Walang sinumang tumanggi sa pagbubuntis ng aking asawa. Kahit pa ang mga lider ng
gobyerno, ang sagot nila sa aking nag-aalalang katanungan, “Walang problema, mahal namin ang mga
bata.” Ang aming anak na lalaking si Ezekiel ay ipinanganak tatlong buwan pagdating namin sa saradong
bansa. Nabuksan nito ang halos 80% ng mga pintuan upang makatulong ito na maging mga mabuting
saksi para sa Dios.

Agad naming nalaman na gusto pala talaga ng mga taga-roon ang mga bata. At mas magiliw sila
kung ikaw ay banyaga (foreigner). Pipigilin ka ng mga tao kahit saan para lang magpakuha ng larawan o
magpapicture. Ang mga matatanda na dala ang kanilang mga apo, ay talagang titigil para lang
makaalam at makibahagi ng mga tagubilin para maging mabuting magulang.
Nagkaroon kami ng napakaraming pagkakataon para makapaghasik ng binhi ng higit pa sa kaya
naming isipin. Kahit saan kami magpunta, pinalilibutan si Ezekiel ng mga tao.

Sa pamamagitan ng aming anak ay naging kaibigan namin ang mga nakatira doon sa gusaling
paupahan, at sa supermarket, pati na rin doon sa parke. Iniimbitahan namin ang aming mga kaibigan
tuwing may kaarawan o birthday at iba pag okasyon sa aming bahay. Maraming mga magulang ang
gustong makasama ng matagal ang kanilang anak at ang aming anak, kaya nga’t nagtanong sila kung
pwede silang sumama sa klase nito sa Sabbath School. Isang mag-asawang nakatira din doon sa gusaling
paupahan, ay may anak na babae na kasinggulang o ka-edad din ng aming anak at madalas kaming
dinadalaw. Ipinakita namin doon sa anak nilang babae ang pambatang Bibliya sa wikang English.

Ang paraan kung paano namin pinalalaki ang aming anak ay nagbigay ng malaking marka higit pa
sa aming pinangarap. Nakikita ng mga tao na niyayakap namin siya at siya ay masaya. Higit nilang
nakikita ang pag-ibig ng Dios.

Pangalawang Sorpresa

Isa pang nakamamanghang pangyayari ang naganap habang kami ay nagsasaya sa


makapangyarihang abilidad ni Ezekiel na sumaksi. Muling nagbuntis ang aking asawa, at ipinanganak
ang isang batang babae. Para sa mga taga-roon, ang magkaroon ng anak na lalaki at babae ay
nakamamangha. May mga ilang tao ang nagpapatigil sa amin sa kalsada para paulit-ulit na ipaliwanag sa
amin na ang pagkakaroon ng anak na lalaki at babae ay napaka-perpektong kombinasyon. Ngumingiti
kami sa kanila, nagpapasalamat, at itinuturo namin ang Dios na siyang pinakamagandang larawan ng
perpeksyon. Isa itong pagsaksi!

Sinabi ni Jesus sa Mateo 24:14, “At ipangangaral ang ebanghelyong ito ng kaharian sa buong
sanlibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” Ang
aming pagsaksi ay higit na malakas kesa ay pagsasalita. Sa palagay ko ay nais ng Dios na kami ay maging
buhay na saksi, at binigyan Niya kami ng pagkakataon na maranasan ito sa mas malalim na paraan.

Ginamit ng Panginoon ang aming anak para tuparin ang nakasulat sa Mateo 24:14 at magbigay
ng daan para sa Kaniyang Ikalawang Pagparito. Sa palagay ko mas maraming bituin si Ezekiel kesa sa
akin o sa aking asawa. Sinabi ng Panginoon sa Isaias 55:8 “Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi
ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.”
Perpekto ang mga paraan ng Dios.
Mula kay Marcelo Fernandez, sang ayon sa kwento niya kay Andrew McChesney

*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq


Pahiwatig Pangmisyon
*Ang Argentina ay may 606 iglesia, 438 na kumpanya. Mayroong 116,391 na myembro – isang
Adbentista sa bawat 381 katao sa bansa.
*Ang mga unang Adbentistang sa Argentina ay kinabibilangan ng apat na pamilya na dumating sa
Diamante, sa probinsya ng Entre Rios mula sa Tampa sa United States of Kansas noong 1890. Sila ay
mga magsasakang Aleman (German) na naninirahan na sa Russia at naging Adbentista sa United States.
*Noong Hulyo 1896, ang kauna-unahang pagpupulong ng Adbentista sa Argentina ay naganap sa Crespo,
Entre Rios; 150 katao ang dumalo.
Nag-ampon ng Dalawang Batang Lalaki Juanand Juanita/Argentina
Mayo 25

Patuloy na kumakatok ang mga bata sa pinto ng bahay nina Juan at Juanita sa bakuran ng ospital
ng Seventh-Day Adventist sa Africa.
Sina Juan at Juanita ay mag-asawang boluntaryong mediko (medical volunteer) mula sa
Argentina na gumaganap ng isang taong misyon (one-year-mission term) at nabubuhay lamang sa maliit
na sweldo, pero masaya nilang ibinabahagi ang kanilang bigas at iba pang simpleng pagkain mula sa
kanilang kusina.
Kaya nga’t gumising iyon sa kanilang isipan. Karamihan sa mga bata ay hindi na gutom,
maaaring may iba silang kailangan, baka kailangang pang-emosyunal. “Tinanong namin ang aming sarili
kung nakatutulong nga ba kami sa kanila.” Ang sabi ni Juan. Determinadong mas maunawain ang mga
bata, dinalaw nina Juan at Juanita ang kabataang naglilingkod sa kanila ng iba’t ibang gawain. Nabigla
sila pagdating sa bahay ng kabataan. Mayroon siyang dalawang maliliit na kapatid na lalaki, edad 3 at 5
taong gulang, na naiwan sa kanilang bahay at walang kasama. Bukod dito, taglamig noon, at may sakit
na ang mga bata.
Ang kabataan ay laging wala sa buong maghapon, at imposibleng mapainon nito ng gamot ang
mga kapatid araw-araw. Naalala nilang mayroon silang isa pang bakanteng kwarto, dinala nila ang
dalawang bata sa kanilang bahay sa bakuran ng ospital. Inimbitahan nila ang dalawang bata na doon na
muna tumira sa kanila sa loob ng sampung araw na gamutan.
Habang gumaganda ang lagay ng kalusugan nila, nalaman nina Juan at Juanita na wala na pala
silang ama. Ang kanilang ina ay nagtatrabaho sa malayo at hindi nito kayang padalhan sila ng pera.
Nagdesisyon ang mag-asawang patuloy na alagaan ang mga bata. Tinulungan nila ang mga bata sa
kanilang mahahalagang pangangailangan, pinag-enrol sa paaralang Adbentista at dinala nito sila sa
Sabbath School.
Sa tuwing nagwoworship ang pamilya, kinukwentuhan sila ng mga kwento sa Bibliya, at gustong-
gusto nila ang kwento tungkol sa mga himala, gaya ng paglabas ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa
Ehipto sa aklat ng Exodo. Sa kabila ng kanilang murang edad, nagkukusa ang mga batang tumulong sa
kanila. Isang umaga paggising ni Juanita, nakita niya sa kusina ang batang 5-taong gulang, nakatingkayad
(standing at the tip of his toe) sa harap ng lababo at naghuhugas ng plato.
“Nginitian niya ang aking asawa at sinabing alam niya na pagod kami at nais niyang tumulong
para makapagpahinga kami ng mas mahaba.” Ang sabi ni Juan. Lumipas ang ilang buwan at nangarap
sina Juan at Juanita na makilala ang ina ng mga bata. Inisip nilang siguro mapagmahal ito at isang
kapurihan na magkaroon ng mga anak na marangal.
Nang natapos na ang isang taong termino (one-year-term) sa Adventist Volunteer Services,
nakipagkasundo sila sa mga kaibigan kung sino ang maaaring kumupkop sa mga bata. Hindi nagtagal ay
bumalik sina Juan at Juanita para sa panibagong termino (term), at nalaman nila na ang nakatatandang
kapatid na kabataan ay namatay na. kinuha na ng kanilang ina ang mga bata.
Hinanap ni Juan ang ina at dinalaw ito pati na rin ang mga bata.
“Isang malaking pagpapala ang matagpuan sila.” Ang sabi ni Juan. Maganda siya. Nag-ukol kami
ng panahon sa kanya. Nahihiya na ang mga bata dahil medyo matagal nilang hindi kami nakita.”
Nang natapos ang ikalawang terminong misyon, nagdesisyon ang mag-asawa na dalawin sa
huling pagkakataon, ang mag-iinang pinagsamang muli. Tumira si Juan ng halos isang linggo sa kanila,
upang mas tumibay ang pakikipagkaibigan nila sa ina ng mga bata, habang tinutulungan nito siya na
gawin ang mga papeles at iba pang mga praktikal na problema. May trabaho si Juanita sa karaniwang
araw kay tuwing Sabado at Linggo lang siya nakakasama.
Binigyan nilang mag-asawa ang pamilya ng isang kahon ng mga librong pambata hango sa Bibliya
na may magagandang larawan, isang Bibliya para sa bawat myembro sa kanilang sariling wika, at ang
aklat ni Ellen G. White na “Ang Dakilang Tunggalian”. Sa ilalim ng puno ay pinangunahan nila ang isang
klase ng Sabbath School at pagsamba para sa buong komunidad, at pagkatapos ay nagpaalam na.
“Isa itong napakagandang sandali dahil naramdaman namin na isang magandang kabanata ng
aming buhay ang nagsara.” Ang sabi ni Juan. “Ipinagdarasal namin na didiligin ng Panginoon ang mga
buto ng katotohanan na aming itinanim.”
Ang karanasan sa Africa nina Juan at Juanita ay bumago sa kanilang mga puso. Napansin nila na
si Ellen G. White ay hindi lamang mabungang manunulat na may pananaw ng propesiya. Siya rin ay may
buhay na pananampalataya, na ipinamumuhay ang kaniyang mga sinasabi sa pamamagitan ng pag-
aalaga sa mga nangangailangang bata sa kaniyang sariling tahanan.
“Para sa akin, isa itong malaking pagbabago,” sabi ni Juan. “Karaniwan mong makikita ang mga
misyunero na gumagawa sa komunidad, pero gaano ba kadalas na dinadala nila ang gawaing misyunero
sa kanilang tahanan?”
Ang mga misyunerong gumagawa nito ay kayang tumanggap ng mga bisitang hindi nakikitang
anghel, ang sabi ni Juan, na nagpapatungkol sa paborito niyang sipi (passage) sa aklat ni Ellen G. White
na “Bukal ng Buhay” p925.2. (DA 639) “Sa pagbubukas ninyo ng inyong pinto sa mga nangangailangan at
nangaghihirap, ay pinatutuloy ninyo't tinatanggap ang di-nakikitang mga anghel. Inyong inaanyayahan
ang pakikisama ng mga kinapal na taga-Langit. Naghahatid sila ng banal na simoy ng kagalakan at
kapayapaan. Sila'y lumalapit na taglay ang mga papuri sa kanilang mga labi, at napapakinggan naman sa
langit ang tumutugong himig ng pagpupuri. Bawa't gawang kahabagan ay nagiging awit o tugtugin doon.
Ang mga manggagawang di-naglilingkod sa kanilang mga sarili ay itinuturing ng Amang nasa Kaniyang
luklukan na kabilang sa Kaniyang pinakamahahalagang kayamanan.”
Si Juan, na noon ay 30 taong gulang ng tinulungan nilang mag-asawa ang mga batang lalaki,
ngayon ay 34 taong gulang na – at nagsusumamo (appeal) sa mga Adbentista na matuto tayong
makiramdam – at ipamuhay ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagdadala nito sa ating sariling
tahanan, at sa tulong ng biyaya ng Dios, ay maabot natin ang mga puso ng tao.
“Isa itong karanasang nakapagpapabago ng puso para sa akin.” Ang sabi ni Juan, na lumaking
isang anak ng misyunero. “Pakiramdam ko ako ay naging misyunero, sa bukiran (mission field). Hindi na
ako ngayon anak ng isang misyunero, kundi ako ay isa ng ganap ng misyunero.”
Mga Gabay sa Pagkukwento
Mula kay Andrew McChesney
*Hindi ibinunyag ng Adventist Mission ang totoong katauhan nina Juan at Juanita, o di kaya ang bansa kung saan
nangyari ang kwento, sapagkat ang mag-asawa ay parehong nagtatrabaho bilang mga misyunerong mediko, sa
isang sensitibong bansa sa bahagi ng mundo. Hiniling nila na huwag ilathala (published) ang kanilang pangalan,
para huwag magambala o mapigilan ang mga darating pang mga gawain doon. Dahil dito, walang video na
maaaring gamitin ngayon.
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
Kahilingan sa Bagong Taon BeatrizdeJesusSantana,21/Brazil
Hunyo 1

Itinaas ng mga kabataan ang kanilang mga baso ng alak habang kanilang binabanggit ang
kanilang kahilingan sa Dios, sa gabi ng kasayahan ng bagong taon, sa isang mabuhanging dalampasigan
sa isla ng Itaparica sa Brazil.
“Panginoon, gusto ko ng isang taong punong-puno ng pagpapala.” Ang sabi ng isa.
“Gusto kong yumaman.” Sabi naman ng isa.
“Gusto ko ng makilala ang aking mamahalin,” ang pakikipag-kaisa naman ng pangatlo.
Nakikinig lamang si Beatriz de Jesus Santana habang nagsasalita ang kaniyang mga kaibigan,
doon sa dalampasigan ng Aratuba, isang popular na tambayan o puntahan, isang oras lamang ang layo
sakay ng ferry mula sa kanilang bahay sa Salvador, isang syudad na may 3 milyon ang populasyon.
Nagtataka siya kung paanong ang pakikipagsaya at pag-inom ay makatutulong sa kaniyang buhay.
Pagkatapos ay nagsalita siya.
“Ayoko ng humingi sa Dios ng kahit na ano pa,” ang sabi niya. “Gusto ko lang pasalamatan ang
Dios sa lahat ng bagay na nangyari sa akin ngayong taon. Natanggap akong iskolar sa pamantasan
(university), at nagkaroon ng magandang internship sa isang kumpanya ng mga inhinyero. Maraming
magagandang bagay ang nangyari sa akin.” Nang sumunod na araw sa trabaho ni Beatriz, hindi naging
maganda ang kaniyang pakiramdam. Pagod na pagod siya pagkatapos ng bagong taon.
Ang kaniyang boss na si Ana Christina, ay naawa sa kanya at tinabihan siya. May ipinakita sa
kanyang 3-minutong video mula sa dalang cellphone. Interesadong nanood si Beatriz habang nagsasalita
ang pastor tungkol kay Jesus. Ang pastor ay hindi katulad magsalita ng kaniyang mga kaibigan.
Kinabukasan, nakatanggap si Beatriz sa kanyang cellphone ng isa pang 3-minutong video mula
kay Ana sa pamamagitan ng WhatsApp. Isa pang maikling video ang dumating kinabukasan. Pinanood
ni Beatiz ang mga video at namangha ito sa payapang kilos nito. Nakatira siya sa kaniyang lasenggo o
manginginom na ama, na hiwalay na sa kaniyang ina, at lagi silang nag-aaway. Ang pag-aaway nilang
iyon ang dahilan kung bakit natuto siyang pumunta sa mga kasiyahan at uminom.
Paglipas ng ilang araw, hinanap ni Beatriz sa goggle ang pangalan ng pastor. Nalaman niya na
ang pastor na si Ivan Saraiva, ay siyang tagapagpasalita o host sa telebisyon ng programang Portuguese
na “Nasusulat (It is Written)” sa istasyon ng Novo Tempo, ang lokal na kaanib (affiliation) ng Adventist
Church’s Hope Channel sa Brazil.
Nagsimulang manood si Beatriz ng “Nasusulat (It is Written)”, at sinusundan niya sa kaniyang
Bibliya para malaman kung totoo nga ang mga sinasabi ng pastor. Nabigla siya ng narinig niya ang
tungkol sa Sampung Utos at sa Ikapitong araw ng Kapahingahan.
Pagkatapos ng tatlong linggong pag-aaral ng Bibliya sa harap ng programa sa telebisyon, hiningi
ni Beatriz sa Dios ang kapatawaran sa lahat ng nagawa niyang kasalanan mula noon pa. Binuksan niya
ang kaniyang puso sa Dios, at sa kauna-unahang pagkakataon, naniwala siyang nakikinig ang Dios sa
kaniyang panalangin.
Naghanap si Beatriz ng simbahan maaari niyang puntahan. Isang kaibigan ang nag-imbita sa
kaniya, sa isang simbahan na nagsisimba sa araw ng Linggo, pero naalala niya ang ikaapat na utos
tungkol sa ikapitong araw ng kapahingahan, at inisip niya kung bakit ang simbahan ng kaniyang kaibigan
ay hindi sumusunod sa utos ng Dios.
Nakita ni Ana Christina ang bagong relasyon ni Beatriz sa Dios, at inanyayahan niya itong
sumama sa Sharing Jesus House Church (bahay pulungan na pinangalanang “Ibahagi si Jesus”), kung saan
dose-dosenang tao ang nagtitipon sa maliliit na pulutong upang mag-aral ng Bibliya tuwing Sabado at
gayon din sa karaniwang araw ng isang linggo.
Agad na napamahal si Beatriz sa bahay pulungan. “Niyayakap nila ako, at pakiramdam ko
tanggap nila ako,” ang sabi niya. “Naramdaman ko ang kapayapaan.” Nagulat din siya kung paano siya
pinakikitunguhan, at naisip niya, “Bakit ang mga taong ito ay lubhang nagmamahal sa akin?” Hindi nila
ako kilala, pero sinasabihan nila ako ng ‘maging maganda sana ang araw mo!’ Gusto nilang alamin kung
ano ang nalalaman ko sa Bibliya at kung paano ko ito pinag-aaralan. Mahal nila ako bago pa man nila
ako makilala.” May dalawang kabataan sa simbahan—sina Amanda at Victor—sila ang nagbibigay ng
pag-aaral kay Beatriz tuwing Sabado. Sa wakas ay ibinigay din ni Beatriz kay Jesus ang kaniyang puso, at
nabinyagan siya sa swimming pool sa bakuran ng bahay pulungan. Naiyak si Ana Christina sa nasaksihan
niya.
Sa ngayon, ipinagdarasal ni Beatriz ang kaniyang ama, ina at kaniyang nakatatandang kapatid na
lalaki na tanggapin na rin nila si Jesus. Ang kaniyang kapatid na lalaki ay nag-aaral na rin ng Bibliya sa
istasyon ng programang Portuguese na “Nasusulat (It is Written)”. “Hindi ako dati naniniwala sa
himala,” ang sabi ni Beatriz. “Akala ko imposible ang himala. Pero gumawa ang Dios ng totoong himala
sa aking buhay. May kulang sa pagkatao ko na hindi kayang punuan ng kasiyahan at alkohol. Isang
pagkukulang na kasing sukat ng Panginoon.”
Ipinagdiwang ni Beatriz ang nakaraang Bagong Taon sa bahay ng kaniyang mapapangasawa, isa
ring Adbentista pati ang kaniyang pamilya. Uminom sila ang inuming hindi nakalalasing na katas ng
ubas, at nagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang biyaya. “Gusto kong mas lalo pang mapalapit sa Dios,”
ang sabi ni Beatriz. “Gusto kong ang pag-ibig ng Dios sa puso ko ay walang hanggan.”
Bahagi ng ikalabing tatlong Sabadong handog ngayong tremestre ay makatutulong bahay
pulungan Sharing Jesus House Church, na makalipat mula sa inuupahan nilang lugar, patungo sa mas
malaking gusali, kung saan ito ay magbibigay ng mga klase tungkol sa malusog na pagluluto at seminar
sa kalusugan.
Maraming salamat sa inyong handog pangmisyon.

*Mula kay Andrew Mcchesney


*Panoorin ang video ni Beatriz sa link:bit.ly/ Beatriz-Santana
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq

Pahiwatig Pangmisyon

*Ang Argentina ay may 9,006 iglesia, 8,813 na kumpanya. Mayroong 1,666,125 na myembro – isang
Adbentista sa bawat 125 katao sa Brazil.
*Noong 1939, naitatag ang gawaing mediko ng mga Adbentista sa Brazil, ang pagkakatatag ng Boa Vista
Clinic (Good View Clinic), sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Antonio Alves de Miranda. Noong 1942,
napalitan ang klinika ng Casa de Saude Liberdade (Sao Paolo Adventist Hospital), sa ilalim naman ng
pamamahala ni Dr. Galdino Nunes Vieira, isang guro sa pamantasan na iniwan ang kaniyang trabaho
para lamang italaga ang sarili sa pagmimisyunerong mediko.
Mabilis na Sagot sa Dalawang Panalangin GilbertoFerreirada Silva,68/Brazil
Hunyo 8

Kahit kailan hindi naging interesado si Gilberto (zhu-BER-tu) sa pagpapasakop sa simbahan, at


hindi niya maunawaan kung bakit bigla nalang siyang naging interesado sa Bibliya. Dahil niya mapigilan
ang kaniyang sarili, ang retiradong manager ng bangko sa Brazil ay kusang nag-aral mag-isa.
Namangha si Gilberto (zhu-BER-tu) sa kaniyang mga nabasa. Pero may mga bahagi ng Bibliya
ang naguguluhan siya, at balisa siyang inisip ang kahulugan. Ninais niyang sana ay mayroong taong
tumulong sa kanya na magipaliwanag ang Bibliya. Pagsapit ng bagong taon, nagdesisyon siyang huwag
sumama sa tradisyon ng pamilya na manood ng mga paputok (fireworks) sa kalsada ng Salvador, isang
dalampasigan sa syudad na may 3 milyong katao ang populasyon.
“Panoorin ninyo ang mga paputok ng wala ako,” sinabi niya sa kaniyang asawa at tatlong mga
anak na pawang mga kabataang na. “Hindi muna ako sasama sa inyo ngayon.”
May plano na si Gilberto (zhu-BER-tu). Gusto niyang manalangin. Pagkatapos umalis sa bahay
ng kaniyang pamilya, nakiusap siya sa Dios na turuan siya sa Bibliya at ihayag sa kanya ang tunay ng
iglesia.
“Sinagot agad ng Dios ang panalanging iyon ng higit na mabilis kesa ano mang aking
panalangin,” sabi ni Gilberto(zhu-BER-tu).
Ang hindi niya nalalaman, nanalangin siya noon ng ikapitong araw ng kapahingahan. Ang
Disyembre 31 ay pumatak na Sabado ng taong iyon. Kinabukasan, Enero 1 ay Linggo.
Pagdating ng Lunes, unang araw ng trabaho sa buong taon, nakatanggap ng tawag si Gilberto
(zhu-BER-tu) mula sa dati niyang pinagtatrabuhang bangko. Gusto ng direktor ng bangko na pumunta
siya doon at pirmahan ang mga bagong kontrata sa mga bago niyang negosyo.
Pagdating sa bangko, nakita ni Gilberto (zhu-BER-tu) ang dati niyang kasamahan sa trabaho, na
nakaupo malapit sa lamesa ng direktor, at bigla niyang naalala na Kristiano pala ang taong iyon.
Pinuntahan niya ang lalaki, si Alvaro, pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata.
“Alvaro, may alam ka bang pwede akong mag-aral ng Bibliya?” tanong ni Gilberto (zhu-BER-tu).
Mabilis niyang nadugtungan ang kaniyang tanong. “Pero huwag mo akong ipakilala sa pastor. Huwag
mong subukang hikayatin ako. Gusto ko lang mag-aral ng Bibliya.”
Si Alvaro ay isang Seventh-Day Adventist pero hindi iyon alam ni Gilberto(zhu-BER-tu).
“Maari kang mag-aral ng Bibliya sa Cabula,” ang sabi ni Alvaro, na ang tinutukoy ay ang syudad
kung saan siya ay dumadalo.
“Ang layo nun,” ang sagot ni Gilberto(zhu-BER-tu). “Grabe ang trapik.”
Saglit na nag-isip si Alvaro, “may alam akong lugar,” ang sabi. “Ang mga tao ay nag-aaral lang ng
Bibliya. Hindi iyon simbahan.”
Kinabukasan, araw ng Martes, isinama ni Alvaro si Gilberto(zhu-BER-tu) sa Sharing Jesus House
Church (bahay pulungan na pinangalanang “Ibahagi si Jesus”), kung saan ang mga tao ay nagtitipon sa
maliliit na pulutong upang umawit at mag-aral ng mag-aral ng Bibliya. Gayunpaman, hindi kumportable
si Gilberto(zhu-BER-tu) na pumunta sa isang lugar na wala siyang kakilala, kaya nga’t inimbitahan niya
ang isang kaibigan ng pamilya, si Regina na samahan siya. Hindi sumama ang kaniyang asawa.
Namangha si Gilberto(zhu-BER-tu) sa pag-aaral ng Bibliya at inibitahan niyang muli si Regina na
samahan ulit siya sa susunod na pagpupulong.
“Sige, sasamahan kita,” ang sagot nito sa kanya. “Pero hindi ako magpapaanib sa iglesia.”
Sinasamahan palagi ni Regina si Gilberto(zhu-BER-tu) sa bawat pagpupulong, at malimit na nag-
susuot ito ng swimsuit sa ilalim ng kaniyang damit para makalangoy siya sa dagat pagkatapos noon.
Nabinyagan si Gilberto (zhu-BER-tu) sa pagtatapos ng taon, noong Disyembre 3, 2006.
Nabinyagan si Regina ng sumunod na taon.
“Hulaan mo kung sino ang nabinyagan kasama ko?” ang sabi ni Gilberto(zhu-BER-tu) na may
kislap pa sa kaniyang mga mata. “Ang aking ina.”
Bago siya binyagan ay sinabi muna niya iyon sa kaniyang ina, na nakatira sa kanayunan kasama
ng kaniyang kapatid na si Odete, isa ring Adbentista.
“Ina, ako ay bibinyagan sa simbahan ng aking kapatid,” ang sabi niya.
Sampung minuto pagkatapos ng usapang iyong sa telepono, tumawag ang kaniyang ina.
“Bakit hindi kaya sabay na tayong magpabinyag.”
“Handa ka ba para sa bautismo? Ang tanong ni Gilberto(zhu-BER-tu).
“Araw-araw ay binibigyan ako ng pag-aaral ng Bibliya ng kapatid mo,” ang sabi niya. “Ayokong
lumagpas ang pagkakataong ito na makasama ka sa pagpapabinyag.”
Siya ay nabinyagan sa edad na 84. Si Gilberto (zhu-BER-tu) ay 56.
Ngayon si Gilberto(zhu-BER-tu) ay 68 na at isa sa mga lider ng Sharing Jesus House Church.
Bahagi ng ikalabing tatlong Sabadong handog ngayong tremestre ay makatutulong sa bahay pulungan na
makalipat mula sa kanilang inuupahang lugar patungo sa mas malaking gusali, kung saan ito ay
magbibigay din ng mga klase tungkol sa pagluluto ng masustansyang pagkain at mga seminar sa
kalusugan.
Sinabi ni Gilberto(zhu-BER-tu) na namangha siya kung paano sinagot ng Dios ang kaniyang
panalanging pang Bagong Taon, na tulungan siyang maunawaan ang Bibliya at malaman ang tunay na
iglesia ng Dios, sa pamamagitan ng paghahatid sa kanya sa bahay pulungan sa loob lamang ng tatlong
araw.
“Paano ako nakarating sa iglesia? Sinabi niya sa isang panayam sa bahay pulungan, “Dahil iyon
sa pag-ibig ng Dios. Pero ang dahilan ng pagtatagal ko sa iglesia ay ang mainit na pagtanggap at paligid
na puno ng pag-ibig.”
Dagdag pa niya: “Sa palagay ko ang iglesiang ito ang bumasag sa maling opinyon ng mga tao. Galing ako
sa sanlibutan, at maraming kagaya ko ang nabinyagan – mga duktor, dentista, at mga abogado – mga taong normal
na hindi nagsisimba. Pero tinatanggap ng iglesiang ito ang mga taong ayaw magsimba, at kapag sila ay nabinyagan
na, ayaw na nilang umalis pa sa iglesia.”
*Mula kay Andrew Mcchesney
*Panoorin ang video ni Gilberto sa link:bit.ly/ Gilberto-Silva
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
Trivia
*Ang Brazil ang tanging bansa sa South America na nagsasalita ng Portuguese.
Mula Marxist Patungong Adventist Mar Palmeira,70/Brazil
Hunyo 15

Si Marita ay nabinyagan sa edad na 12 taong gulang sa Brazil.


Pero iniwan din niya ang iglesia sa panahon ng kaniyang kabataan, at 38 taon ang lumipas bago
niya binitiwan ang kaniyang paniniwala sa Marxism at maging makapangyarihang instrumento ng Dios sa
komunidad.
“Ang paniniwalang Marxism ang pumalit sa paniniwala ko sa Dios.” Ang sabi ni Maria, na mas
kilala ng mga kaibigan niya sa pangalang Marita.
Pinalaki ng Seventh-Day Adventist na ina, nagtuturo si Maria sa Sabbath School at naglilingkod
bilang lider ng kabataan sa kanilang iglesia noong panahong siya ay teen-ager pa. Pero tumigil na siyang
magsimba sa edad na 22 taong gulang pagkatapos na matisod sa sinabi ng isang may katungkulang
myembro ng iglesia. Ibinabad ni Maria ang kaniyang sarili sa pag-aaral ng sosyolohiya (pag-aaral ng
galaw at paglago ng lipunan) at niyakap ang aral ng pilosopong Aleman at sosyolohista (German
Philosopher and sociologist) na si Karl Marx tungkol sa karapatang pantao.
Dalawamput-limang taon ang lumipas. Nag-asawa si Maria, nagkaanak ng lalaki at nabalo o
nabyuda. Lumipat siya sa Montreal, Canada upang ipagpatuloy ang kaniyang pagpapakadalubhasa sa
Universite du Quebec a Montreal.
Habang naroon ay nakatanggap siya ng hindi inaasahang pagdalaw mula sa isang dating
kaibigan,si Pastor Luis Santana, isang pastor na Brazilian, kasama ang kaniyang asawang si Leoni.
Dumalo sa isang kasal si Pastor Luis sa United States at tumigil sa Montreal sa loob ng 8 araw para
dalawin si Maria bago ito umuwi. Siya at si Maria ay magkasama noon sa iisang iglesia noong sila ay mga
kabataan pa.
Araw-araw dinadalaw ni Pastor Luis at ng kaniyang asawa si Maria. Nagkukwento sila tungkol sa
Bibliya at tungkol sa pag-ibig ng Dios para sa kanya. Inimbitahan nila si Maria na bumalik na sa Dios.
Magalang na nakikinig si Maria pero nananatiling walang reaksyon.
Dalawang taon ang lumipas, bumalik si Maria sa Brazil para magturo bilang isang propesor sa
pamantasan (university). Linggo-linggo siyang tinatawagan ng asawa ni Pastor Luis sa loob ng tatlong
taon para dumalo sa pag-aaral ng Bibliya. Pero palaging nakakakita ng dahilan si Maria para hindi
sumama.
Isang araw, napansin ni Maria, habang siya ay naghahanda para sa kaniyang klase, na naisulat ni
Marx ang kaniyang kauna-unahang manuskrito (manuscript) noong 1844. Naalala niyang sinabi ng
kaniyang ina na ang Adbentismo ay nagsimula noong 1844, at naisip niya na maaaring ipinakilala ng
kaaway ang Marxism para salungatin ang mensahe ng Adbentista. Kinumpara niya ang Adventismo at
Marxismo. Nakita niyang tinuturo ni Marx na kayang baguhin ng tao ang mundo sa pamamagitan ng
kanilang sariling kapangyarihan, samantalang ang Adbentismo ay naniniwalang kailangan natin ang Dios
para magbago.
Hindi nagtagal, sinabi ni Maria sa kaniyang klase sa Sociology, “Ngayon ay naniniwala na ako na
si Jesus ang pinakamagaling na lider ng Rebolusyon o paghihimagsik, pero hindi siya anak ng Dios.”
Hindi makatulog si Maria ng gabing iyon.
Kinabukasan, isang babaeng mag-aaral o estudyante, si Dinalva, ay lumapit sa kanya ng luhaan.
“Sinabi mo sa klase na hindi ka naniniwalang si Kristo ay Anak ng Dios,” sabi ni Dinalva. Hindi
ako makatulog buong gabi. Nararamdaman kong gusto ng Dios na sabihin ko sa iyo na hindi ka
nagsasalita mula sa iyong puso. Ayaw mong tanggapin na naniniwala ka sa Dios dahil ikaw ay isang
Marxist.” Hindi alam ni Maria kung ano ang sasabihin.
Dalawang linggo ang lumipas, kumakain si Maria sa karinderya ng marinig niya ang koro (choir)
na nagpapraktis o nag-eensayo ng awit na “Maravilhosa Gracia” (Wonderful Grace of Jesus). Ito yung
awit na inaawit niya sa simbahan ng Adbentista noong bata pa siya. Tahimik na pumasok at naupo sa
huling upuan si Maria para makinig. Ilang sandali ang lumipas, pumasok si Dinalva at dumeretso kay
Maria. Niyakap niya ang propesor and umiyak na nagsabi, “Alam kong makikita kita dito! Nasa bahay
ako at nagpapakain ng aking anak, at nararamdaman kong kailangan kong pumunta dito.”
Natulala si Maria. Malayo ang bahay ni Maria doon, at pinili niyang pumunta doon sa kainan
malayo sa kampus ng paaralan. Nang matapos na ang pag-eensayo, naghiwalay na ang dalawa. Ang
karanasang iyong ang humikayat kay Maria na nais ng Dios na siya ay mag-aral ng Bibliya. At tinanggap
niya ang imbitasyon ng asawa ni Pastor Luis na sumali sa pag-aaral ng Bibliya isang beses sa isang linggo.
Nag-aral ng Bibliya si Maria kasama ni Pastor Luis at ng kaniyang asawa sa loob ng sampung taon
pero hindi niya matanggap na ang Bibliya ay Salita ng Dios. Sa wakas ang sabi ng asawa ni pastor,
“Kailangan mong humingi sa Dios ng pananampalatay. Nawala na ang pananampalataya mo.
Ipananalangin kita.”
Habang nananalangin ang asawa ni pastor, lumago ang pagnanais sa puso ni Maria na basahin
ang Biblia sa bahay nila. Binasa niya ang Bibliya sa loob ng dalawang buwan at siya ay muling
nabinyagan. Pero may problema siya. Ayaw niyang pumunta sa simbahan.
“Bakit hindi na lang tayo magpulong sa bahay?” ang tanong niya kay Pastor Luis.
Pinag-usapan ng dalawa ang ideya ng pagpapatayo ng lugar para sa mga taong interesdo sa
Bibliya pero ayaw pumunta sa simbahan. Hinilingan ng pastor si Maria na gumawa ng plano para sa
bahay pulungan. Inayos ng mga lider ang panukala, at naitayo ang Sharing Jesus House Church.
Nagsimula ang Sharing Jesus House Church na may 13 katao noong 2004. Ngayon ay
nakapagpabinyag na ito ng halos 200 katao.
“Natutunan ng mga taong mahalin ang iglesia ng Adbentista dito. Sila ay naniwala at
nabinyagan, pagkatapos ay pinadadala namin sila sa mga iglesia ng Adbentista sa buong Salvador,” ang
sabi ni Maria, na ngayon ay 70 taong gulang na at isa sa mga lider ng bahay pulungan.
Ang bahay pulungan ay tatanggap ngayon ng bahagi sa ikalabing tatlong Sabadong handog
ngayong tremestre para makalipat na sila mula sa kanilang inuupahang lugar patungo sa mas malaking
gusali, kung saan sila ay nagbibigay ng klase para sa pagkaing masustansya at mga seminar sa
kalusugan. “Marami din kaming mga awit,” sabi ni Maria. “Maraming maliliit na pulutong ang nag-aaral
ng Bibliya at nananalangin. At kaming lahat ay masayang naghihintay sa ikalawang pagbabalik ng Dios.
*Mula kay Andrew Mcchesney
Mga paalala sa pagkukwento
*Alamin na gusto ni Maria na tinatawag siya sa kaniyang palayaw na Marita.
*Panoorin ang video ni Maria na umaawit ng “Maravilhosa Gracia” (Wonderful Grace of Jesus) sa
Sharing Jesus House Church sa link:bit.ly/Maria-Palmeira
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
Hindi Malilimutang Alok Grecielly Nascimento,20/Brazil

Hunyo 22

Ang aking ina at ang aking amain (step-father) ay palaging nag-aaway sa loob ng aming bahay sa Aracaju,
Brazil. Habang tumatagal ay patuloy na lumalala ang sitwasyon, ang aking kabataan ay puno ng sigawan
at kaguluhan. Lumaki akong walang Dios at kahit minsan ay hindi ako pumunta sa simbahan.

Isang araw noon ng ako ay 18 taong gulang, isang mabait kong tiyahin ang dumalaw, at natulala
siya sa kaniyang nasaksihan. “Maganda talaga ang pamilya ninyo pero wala lang kayong Dios,” ang sabi
niya. “Pumunta tayo sa simbahan. Papasok tayo sa unang simbahan na makikita natin.”

Umalis kami sa bahay ng naglalakad; ang aking ina, ang aking amain, ang aking bunsong kapatid
na babae, ang aking kapatid na babae sa ama, ang aking kapatid na lalaki sa ama, at ako. Ang unang
simbahan na aming nadaanan ay ang simbahan ng Seventh-Day Adventist at pumasok kami. May ilang
kabataang kasalukuyang gumaganap sa pagpupulong pagebanghelyo, at pagkatapos noon ay
pumupunta sila sa mga bahay para magbigay ng pag-aaral sa Bibliya.

Nasa paaralan ako ng panahong iyon at hindi ko naabutan ang pag-aaral ng Bibliya. Pero nakinig
ang aking ina at ang aking mga kapatid, at nagsimula kaming pumunta sa simbahan. Kapayapaan ang
pumuno sa aming bahay – sa loob na maikling panahon. Pero bumalik sa pagtatalo ang aking mga
magulang at ang kanilang pag-aaway ay naging mas malala pa kesa dati. Isang araw hindi na kaya ng
aking ina at lumayas siya. Tumigil na kami sa pagpunta sa simbahan. Ayokong iwan ang aking mga
kapatid sa ama, kaya nga’t ako ay nagpaiwan sa aking amain.

Ilang buwan ang lumipas, at isang gabi ay tumunog ang telepono. Ang isang 26 taong gulang na
negosyante na nagngangalang Rafael ay naghahanap ng sekretarya at tinanong ako kung gusto ko ng
trabaho. Dumalaw siya sa aming paaralan ng araw na iyon at tinanong ang punong-guro (principal) kung
sino ang mairerekomenda niyang mag-aaral o estudyante, at narinig iyon ng aking 12 taong gulang na
kapatid sa ama at ako ay nirekomenda. Tinanggap ko ang trabaho.

Di nagtagal ay napansin kong ang aking boss ay hindi katulad ng ugali ng ibang boss.
Nananalangin siya bago magtrabaho. May mga pagkaing hindi niya kinakain. Isang araw, nakasakay ako
sa kanyang kotse at pinatugtog niya ang musikang narinig ko na sa simbahan ng Adbentista matagal na
panahon na ang nakalilipas. Sinabayan ko ang awit. Narinig ako ni Rafael at tinanong ako, “Alam mo ba
ang iglesia ng Adbentista?”

Tumango ako.

Sinabi ni Rafael na siya ay isang Adbentista at inimbitahan niya akong sumama sa kanya sa
simbahan. Tumanggi ako pero mapilit siya, kaya nga’t isang Sabado ako ay pumunta. At pumunta ako ng
pangalawang Sabado at pangatlong Sabado. Pagkatapos noon ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili
sa pagdalo. Gustong gusto ko ang pagpupuri sa Dios, at nagsimula na akong mag-aral ng Bibliya. Nang
malaman ko ang tungkol sa pag-iikapu, ako ay nagsimulang magbigay agad ng aking ikapu.

Ako ay nabinyagan noong Pebrero 2017. Ang aking 12 taong gulang na kapatid sa ama na si
Jenivaldo ay nabinyagan din ilang buwan pagkatapos ko. Nakita ng aking kapatid na babae na nagbago
na ang aking ugali at ako ay nananalangin na. Ang aking pananamit ay hindi na gaya ng dati, at ang aking
pananalita ay nag-iba na rin. Ang aking dalawang kapatid na babae – si Yasmin, 18 taong gulang at ang
aking 15 taong gulang na kapatid sa ama na si Evelim ay magkasabay na nabinyagan.

Limang buwan pagkatapos ng binyagan, nag-alok sa akin ng pag-ibig at kasal si Rafael at


tinanggap ko siya. Ngayon ay nagpapatayo na kami ng bahay at magpapakasal kami pagnatapos na ito.

Ipinagdarasal ko ang aking mga magulang na matagpuan din nila ang Dios. Kami ng aking mga
kapatid ay matibay sa Panginoon. Ang aming buhay ay tunay na nabago. Ang paraan ng aming
pagsasalita, ang aming mga kaibigan, ang aming mga pananamit – lahat. Naglilingkod ako departamento
ng mga bata at departamento ng musika sa aming iglesia, habang ang aking mga kapatid ang siyang
sumasalubong at tumatanggap sa mga bisita. Ang aking kapatid na lalaki ay napakabata pa para
magkaroon ng gawain sa iglesia. Pero siya ay isang Pathfinder.

Bahagi ng ikalabing tatlong Sabadong handog ngayong tremestre ay makatutulong sa aming


iglesia sa Aracaju para makabili ng bagong gusali upang kami ay magkaroon ng sapat na lugar para sa
lahat ng gustong dumalo sa pagpupulong tuwing Sabado. Maraming salamat sa inyong handog
pangmisyon.

*Mula kay Andrew Mcchesney


Mga paalala sa pagkukwento
*Grecielly (grey-SHEl-lee)
*Basahin ang tungkol sa 8 taong gulang na batang babae sa klase ni Grecielly sa Sabbath School sa
link:bit.ly/ Grecielly-class
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq
*Panoorin ang video ni Marita sa link:bit.ly/Grecielly-Nascimento

Pahiwatig Pangmisyon
*Si Leo B. Halliwell ang kauna-unahang misyunerong mediko sa Bangka (boat-medical-missionary), ay
nagsimula ng kaniyang sikat na ministry para sa kabutihan (welfare ministry) noong 1931. Inilabas ang
Bangka sa ilog ng Amazon, na siya mismo ang nagdisenyo at gumawa. Ang kauna-unahan sa kanyang uri
– ang Luzeiro (Light Bearer). Ilang bangka pa ang sumunod na ginawa at nagamit sa mga sangang daan
ng Amazon. Ang paglalayag nito ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga tao. Maliban sa pamimigay
ng mga pagkain at damit, ang tulong mediko ay ibinibigay din sa maraming kadahilanan gaya ng malaria,
mga bulate sa tiyan, malnutrisyon, sakit sa balat, mga problemang sanhi ng klima, lokal man o
pangkalahatan at gayundin sa ngipin.
Mga Pagod ng Misyuner Natalia Galvao Marinho Guerro, 32 at Reno Aguilar Guerra,32
Hunyo 29

Ikalabing Tatlong Sabado Programa

(Paalala: hindi kailangang kabisaduhin ang salaysay, pero kailangang pamilyar sa kwento na hindi
naman kailangang basahin. Hilingan ang isang babae na magsalaysay ng unang-katauhan sa
karagdagang kwento)
*Panoorin ang video ni Reno at Natalia sa link:bit.ly/Reno-Guerra
*Makatatagpo ng mga larawan para sa kwentong ito sa link ng bit.ly/fb-mq

Ang sobrang init ng araw sa Amazon ang siyang lalong nagdagdag sa pagod nila.

Si Pastor Reno at ang kaniyang asawang si Natalia, ay nagdaong (docked) ng kanilang Bangka sa
malayong lugar sa Brazil sa nayon ng Democracia at nangatok sa bawat bahay para makapagbigay ng
mga imbitasyon para sa pangebanghelyong pagpupulong.

Pagkatapos noon ay naglakad ang mga misyunero ng 45 minuto sa maputik na kalsada papunta
sa kabilang nayon, kung saan ay pinuntahan din nila ang bawat bahay. Tatlong manggagawa ang
tumulong sa kanila sa pamamagitan naman ng pagdadalaw sa sa dalawa pang nayon.

Ginagawa ito ng mga misyunero araw-araw sa loob ng isang buwang serye ng


pangebanghelyong pagpupulong sa isang bukas na sentro ng komunidad sa Democracia.

Maraming tao ang dumating sa pagpupulong, karamihan ay nakasakay sa tatlong inarkilang


lumang pick-up na trak na binayaran na ng mga misyunero. Ang ibang tao ay naglalakad. Pero konting
taga roon sa Democracia ang kasamang dumadalo ng 150 katao.

Sa pagpasok ng pangalawang linggo ng pagpupulong, lalo ng nag-aalala sina Reno at Natalia.


Ang mahabang lakaran sa umaga at ang mga taong parang walang pakialam sa kanila ang nagpapahina
ng kanilang loob.

Ang ibang tao ay nagrereklamo dahil sa pagbabahay bahay nila palagi ay para na silang mga
ahente.

Ang iba ay duda sa itinatayong simbahan ng Adbentista na ginagawa ng mga inupahang tao ni
Reno. Ang mga taga nayon ay nabibilang sa mga taong nangingilin ng araw ng Linggo, at usap-usapan ng
kanilang pag-aalala na baka ito matulad sa kabilang nayon na nahati ang mga pamilya dahil may
dumating na isa pang relihiyong nangingilin din ng araw ng Linggo. Ayaw nilang magkabaha-bahagi ang
mga tao sa Democracia.

Pagkatapos ng isang normal na nakapapagod na araw, bumagsak na sina Reno at Natalia sa


kanilang bangka.
“Bakit nga ba tayo nandidito?” Ang tanong ni Reno. “Mukhang hindi pa hinog ang bukiran.
Mukhang walang tatanggap kahit isa sa kanila.”

“Ayoko na ng gawain ito,” ang sabi ni Natalia. “Mahal ko ang gawaing ito, pero hindi nila
tinatanggap ang katotohanan.” Sa kawalan ng pag-asa, binuksan ni Natalia ang kaniyang Bibliya sa
cellphone at pinindot ang buton para manghula ng talata kung saan matapat. “Paki-usap Panginoon,”
ang kaniyang panalangin. “Ipakita mo sa amin kung bakit kami naririto.” Bumungad sa kanya ang
Galacia 6:9 at kaniyang binasa. “Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng
takdang panahon ay mag-aani tayo, kung hindi tayo panghihinaan ng loob.”

“Ayan ang sagot! Ang sigaw ni Natalia. Nang sumunod na araw, isang babaeng hindi naman
katandaan ang sumigaw sa tuwa ng tumigil sina Reno at Natalia sa tapat ng kanilang bahay para
magbigay ng imbitasyon para sa pangebanghelyong pagpupulong. “Iyan ang aking iglesia!” ang sabi niya
na itinuturo ang logo ng Adventist Church’s Hope Channel sa kard ng imbitasyon. “Ito ang aking iglesia
sa loob ng apat na taon, at gusto kong ako ay mabinyagan.”

Napag-alaman ng mga misyunero na ang babae ay nakikinig sa Novo Tempo, ang lokal na kaanib
(affiliation) ng Adventist Church’s Hope Channel sa Brazil, sa loob ng apat na taon at nananalangin na
sana ay may dumating sa kanilang nayon na mga mangangaral na kagaya noong nasa radyo.

Ang babaeng iyon ay kasama sa 50 nabinyagan ng natapos ang pagpupulong noong Disyembre
2017. Kasama ring nabinyagan ang magkapatid na Franciene, 19 na taong gulang at Delciene, 16 na
taong gulang na nagsimulang dumalo mula ng binasa sa kanila ang mga pangako sa Bibliya.
Pinagbawalan sila ng kanilang mga magulang, pero tumuloy pa rin sila.

“Ayaw tanggapin ng aming tatay ang aming pananampalataya, at ayaw nila kaming mabinyagan
ngayon, kaya nga’t kami ay pumunta na lamang ng hindi sila kasama,” ang sabi ni Franciene sa rekord ng
video na ginawa noong araw ng kanilang binyag. “Pumunta si lola sa aming bahay kagabi para kausapin
siya. Sinabi niya na kapag kami ay nagpabinyag, bubugbugin niya kami. Pero kahit ayaw tanggapin ng
aming pamilya ang aming pananampalataya, gusto pa rin naming makasama si Jesus.”

Habang nakikinig siya sa magkapatid na nagkukwento tungkol sa kanilang pananampalataya,


naalala ni Reno ang kanilang kawalan ng pag-asa ilang linggo lang ang nakararaan. “Naalala ko ang
tungkol sa sinabi ko na baka walang tumanggap sa Bibliya,” ang sabi niya. “Pero ang Dios ay gumagawa
sa kanila mga puso.” Ang mga taga nayon na nag-aalala na baka ang bagong iglesiang itinatayo ay
magdulot ng paghihiwalay ng mga pamilya ay nagbago ang isip.

“Wow, ito ay kakaibang uri ng iglesia,” ang sabi ng isa. “Inaalala mo kami at ayaw ninyong
mahati ang komunidad,” ang sabi naman ng isa.
Ang Democracia ang huling lugar para sa tatlong pangebanghelyong pagpupulong na ginanap
noong 2017 sa pamamagitan ni Pastor Reno, pastor ng iglesiang bangkang Amazonia de Esperanca
(Amazon of Hope), isang programa ng ikalabing tatlong Sabadon handog noong 2016. Binautismuhan ni
Reno ang 286 katao at nakapagpatayo ng 3 iglesia noong 2017, ang unang 12 buwang paglalayag ng
iglesiang bangka.

Ang Bangka – na may lugar pulungan, may aircondition, projector, sound system at upuan para
sa 150 katao, ay bumabyahe patungo sa mga liblib na bahagi ng ilog Amazon. Bagamat ang espesyal na
maputik na pampang sa Democracia, ay siyang dahilan kung bakit hindi maaaring dumaong ang bangka
at hindi magagamit ang Bangka para sa pagpupulong, ito naman ay nagamit para sa ibang lugar.

Pagkatapos sa Democracia, sina Reno at Natalia, ay nakasisiguro, na walang lugar sa gawain ang
kawalan ng pag-asa. “Hindi tayo ang gumagawa. Ang Dios ang naghahanda ng gawain bago pa tayo
dumating,” ang sabi ni Reno. “Wala tayong dapat alalahanin dahil inihahanda ng Dios ang mga tao sa
kagubatan ng Amazon sa pamamagitan ng telebisyon at iba pang paraan.”

“Ang Dios ang gumagawa ng lahat ng bagay, at tayo ay mga instrument lamang para gabayan
ang mga tao patungo sa Kanya.” Sabi ni Natalia, na tumigil na sa kaniyang trabaho bilang abogado at
naging isang misyunero, “Pinasasalamatan ko ang Dios araw-araw para sa aming gawain.”

Nagpapasalamat ang mag-asawa sa lahat ng myembro ng iglesia sa buong mundo na nagtulong-


tulong para makabili ng bangka sa pamamagitan ng ikalabing tatlong Sabadong handog noong ikaapat
ng tremestre ng 2016.

“Ang iglesiang bangka ay paraan ng Dios para iligtas ang kaniyang bayan na nalimutan na ng mga
sistema ng pulitika, ekonomiya at kalusugan,” ang sabi ni Reno. “Pero ang mga taong ito ay hindi
kinalimutan ng Dios.” “Ang mga taga nayon ay naghihintay ng mga misyunero at naghihintay ng
makilala si Jesus,” ang sabi ni Natalia. “Kailangan lang ng Dios ng isang tao na magsasabing, ‘Narito po
ako, suguin Mo ako!”
Ikalabing Tatlong Sabadong Programa

Pambungad na Awit “Tis Love That Makes Us Happy”


The Seventh-day Adventist Hymal, no. 579
Pambungad na Salita Lider ng Paaralang Pang-Sabado
Panalangin
Programa “Mga Pagod ng Misyunero”
Paglilikom ng handog
Pangwakas ng Awit “I’ll go where You want me to go”
Seventh-day Adventist Hymal, no. 573
Pangwakas na panalangin

You might also like