Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Agila at Hawla

At sa dalampasigan nati’y dumaong

Bao’y aklat at kurus sa sasalubong

Punong salat nilalayong mapayabong

Nguni! mga sanga’y kamatayan ang bulong.

Silahis ng dugo sa bukang liwayway

‘Pininta nang pagdungaw ng haring araw

Ngunit lingid sa tanaw ng balintataw

Liwanag ay sa kaluluwa sisilaw.

Di naglaon sa saplot nagsipaghubad

Krus at bibliya sa likod ay kalasag

Maghari’y nakakubli sa layong huwad

At paglipas ng panaho’y inihantad.

Bukang liwayway ay nagbadya ng unos

Bayang payapa’y dalita ang humaplos

Nalugmok sa mga kumunoy ng hikahos

Dambana ng pagkaalipi’y ‘tinulos.

Kapatagan dinilig ng dugo’t pawis

Sa angking lupa’y pinatawan ng buwis

Tinuringang Indiyo ng mababangis

Ipiniit na’y tinagpas pa ang bagwis.


Mga agila sa anyong kahabag-habag

Ibinuka ang mga mura pang pakpak

Lakandula, Sulayman, Tamblot, Magalat,

Bankaw, Ladia, Dabao, at iba pang pangkat.

Katipunan, Propaganda itinatag,

Na sa Haring Espanya ay nagsipalag

Hanggang tanikala’y kanilang makalag

At baya’y muling malayang makalipad!

You might also like