Sa lumipas na daang daang taon nagsimulang tumaas ang dami ng
populasyon. Simula sa 1 bilyon noong 1800, 2.3 bilyon noong 1940, 3.7 bilyon nooong 1970, at humiggit kumulang na 7 bilyon sa taong ito. Ang populasyuon ng tao ay dali daling lumubo sa nagdaang 4 na siglo. Sa pangyayaring ito ano ang ating aasahan sa kinabukasan? Ito nga ba’y magiging kapaki-pakinabang o magiging hudyat ng ating katapusan? Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ay minsa’y tinangkang solusyonan ng mga siyentipiko gamit ang makabagong technolohiya at mga imbensyon upang mabawasan ang pagdami ng populasyon ngunit nagpatuloy ang kinaugalian ng sangkatauhan at pinagwalang bahala ang maaring maganap sa kinabukasan. Sa patuloy na pagdami ng populasyon. Ito ay nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan. Urbanisasyon ay nagiging sanhi ng pagkasira ng kagubatan na nagsisilbing tahanan ng mga hayop. Modernisasyon ay ang nagiging dahilan ng pagdami kemikal at carbon dioxide na nagiging sanhi ng paiba-ibang klima at pagtaas na temperatura ng mundo. Dahil sa mga pangyayaring ito ay hindi malabong maganap ang nakasaad sa banal na libro na dadating ang araw ng katapusan. Karamihan ay binayaan ng mata upang makita ang tunay na kalagayan ng ating mundo ngunit tila natakpan na ng makapal na usok ang mga mata o tilay nagbubulag-bulagan upang matakpan ang mga nagawang kapabayaan. Nang dahil sa labis na populasyon, nasisira at unti-unti ng nauubos ang ating mga likas na yaman dahil sa walang pakundangan ng paglaspatangan upang mapunan ang labis na paghangad ng kayamanan. Kagubatan ay sinusunog upang gawing lungsod at maging pugad ng kalakalan para sa kaunlarang inaasahan. Ngunit hindi pinahalagahan ang buhay ng mga nilalang na minsa’y naging katuwang ng sangkatauhan. Sa mga lumipas na mga taon, mas lalong lumakas ang mga mapinsalang bagyo na tumupok ng mga tahananat ari-arian. Sumira ng mga sinimulan at pinagpaguran. Kumitil ng libong mga buhay. Itoy dahil sa labis na populasyon na nagiging sanhi ng paglala ng polusyon ngunit wala ni isa ang naghangad na pangalagaan at mapabuti ang kalikasan bagkus itoy pinabayaan. Sa pagdami ng populasyon kasabay ng pagdami ng mga nangangailangan upang may ipakain sa kumakalan na tiyan. Ngunit habang dumadami ang nangaangailangan ay mas kumukunti ang pinagkukunan ng likas na yaman at di magtatagal ay magkaubusan.
Kung ipagpapatuloy ang ganitong kaugalian ay ito ang magiging dahilan
ng ating katapusan. Katapusan ng buhay ng mga hayop sa kagubatan na katuwang ng mga tao sa paghahanap buhay, Katapusan ng mga likas na yaman na nagpupuno sa ating mga pangangailangan, At katapusan ng mga buhay ng mga nilalang na nagpabaya, nagpawalang bahala, nagpakagahaman, nagpakabulag, nagpakapipi, nagpakabingi, nagpakatalino ngunit wala na mang napatunayan. Ngunit kung ikaw, kayo, tayo ang bahagi ng henerasyon na ito. Bilang kabataan tayo ang pag-asa ng bayan upang maiwasan ang mga pangyayaring uubos sa ating lahi, uubos sa ating mga pangarap at wawasak sa ating nag iisang tahanan. Bilang kabataan at mag-aaral ng kasalukuyan ay sana’y magsisilbing ilaw sa panahon ng kadiliman at magiging gabay ng mga susunod na henerasyon ng ating lahi. Isa alang- alang ang edukasyon upang maipagmalaki tayo ng susunod na henerasyon. Labanan ang tawag ng kalamnan bagkus ituon ang atensyon sa mga mahahalagang bagay upang magtagumpay. Ano ang silbi ng pagkaroon ng marami anak kung maghihirap lang man din dahil sa kawalan. Kung kinakailangan ng mga batas para limitahan ang bilang ng ating populasyon ay maari kung ito’y makakabuti ngunit kung sana ang lahat ay may pagmamahal sa isa’t isa, pagpapahalaga sa mga biyaya ay hindi malabong magiging maganda ang bukas ng bawat isa.