Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Joylyn Panubagan

Ang pagmamahal ng magulang sa Anak

Hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang aking pasasalamat sa aking


magulang ang salitang "Salamat" ay di sapat,

Minsan naitatanong ko sa aking isipan bakit nga ba

ang mga kabataan ngayon puro pag-ibig nag nasa isipan,

At kung silay masaktan ,tiyak,luhaan

Kaya bago kayo magmahal ng ibang tao

Mahalin mo muna ang totoong nagmamahal sayo

Walang iba kundi ang magulang mo,

Magulang na may dalawang tumatayo dito

Ang babae na tinatawag nating mama,momshey,nanay,inay

at kung tawagin ay ilaw ng tahanan

Hindi nyo lang napapansin

Ang pagiging ina ang pinaka mahirap na trabaho dito sa mundo

Walang day off ,wAlang break time at walang sweldo

Ang lalaki naman ay tinatawag nating ama,papa,daddy,podra o

Haligi nang tahanan


Sila ay naghirap para matustusan ang iyong pangangailangan

Palagi silang alerto na nakabantay sayo upang mailayo ka sa piligro,

Kahit ang kapalit ay sakit na sakripisyo

Para lang maibigay ang gusto mo

At yan ang pagmamahal ng magulang sa anak,

Nakalimotan mo na ba?

Pinaghirapan ka nila,

Na naging bunga ng kanilang pagmamahalan

Dahil sa wakas mayroon na silang tatawaging anak,

Oo anak at ikaw iyon,

Pero ano ang nangyari sayo?

Habang lumalaki ,lumalaki ang iyong ulo.

Ikaw ay hindi nakikinig sa tuwing silay nagagalit

Dahil feeling mo tama ka, feeling mo lang yan te,

Dahil ang totoo mali ka,

At hindi man lang makapagtanong na kumain naba sila?

Okay lang ba sila?


Ang importante ay masaya ka kahit, silay nagdurusa

Mabuti pa yong girlfriend/boyfriend mo

Palagi mong sinasabihan ng i love you,

I love you baby, I love you honey, at I Love you mahal

Pero sa simpling I love you sa magulang

Hindi mo man lang ito pinagutan,

Anong klaseng anak ka!

Ang pagmamahal ng magulang ay nag-iisa

Pag-ibig ng magulang ay hindi mo makikita sa iba

Kaya hanggat maaga pa, Ipadama mo sa kanila na mahal mo sila

Dahil hindi mo malalaman ang takbo ng panahon

Baka sayong pagbangon, Huli na ang lahat

You might also like