Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Ano ba ang nagagawa ng laro sa buhay natin?

Alam nating lahat na kaya nitong


pasayahin, palungkutin at inisin ang ating buhay. Pero pano kaya kung
pinaglaruan tayo ng tadhana?

Athina: Ako nga pala si Athina, Athina Campul ang kompletong pangalan ko. Grade 12
student at mahilig rin akong magbasa ng libro pag wala akong magawa. Nais kong
ibahagi sa inyo ang isang kwento ng tatlong taong napaglaruan ng tadhana.

*Tumunog ang Bell*

Nakaupo ako sa Loob ng Library habang nagbabasa

Shakey: (Maingay) Athina, Tara na! Puro ka aral. Tama na yan

Athina: Wait lang

Shakey: (Pilit na hinihila si Athina)

Athina: (ayaw tumayo)

Shakey: (hinila si Athina nang sobra)

Athina: (napatayo, nahila, nabunggo sa bookshelf, nahulog ang mga libro sa kanya pati
na rin ang mga gamit niya)

Shakey: Hala! Sorry! (Tumulong na pulutin ang mga libro pati na rin ang mga gamit ni
Athina) Tara na!

Athina: Wait lang! (Mahinhin niyang sinabi)

Sa tournament

Shakey: Woah! Nakaka-excite!

Athina: (tahimik lang)

Habang naglalakad kami papunta sa backstage

Shakey: Ah! (nasaktan)


Lalaki: Ano ba yan! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo

Shakey: Wow ah! Ang dami ko nang nabunggo, ikaw lang nagreklamo!

Lalaki: Aba! Sumasagot ka?

Shakey: Ano? Lalaban ka?

Athina: (Aawatin sila) Guys, tama na. (Mahinhin niyang pag-awat)

Sa pag-awat ko, natamaan ng kamay ni Shakey ang mukha ko.

Shakey: Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! (Tinuro ang lalaki)

Lalaki: Ako pa talaga ah! Bahala ka nga dyan! (Sabay alis niya)

Shakey: Walk out? Yabang ah!

Athina: Hayaan mo na. Nasapak mo na nga ako eh.

Shakey: Tara na.

Umupo na ako kung saan ko panonoorin ang laban.

Sa backstage

Shakey: Yes naman! Malapit na ang laban.

Host: Live audience, mga nanonood ng tv sa bahay nila! Handa na ba kayo?

Audience: (Hiyawan, tilian, palakpakan) Oo!

Shakey: (Ganado at biglang nagulat nang makita ang katabi niya)

Shakey at Lalaki: IKAW NA NAMAN?

Lalaki: Ba’t ka nandito?

Shakey: Ikaw kaya magtanong sa sarili mo nyan.

Lalaki: Akala ko audience ka lang.


Shakey: Akala ko nga rin eh. Apir!

Lalaki: (Aapir)

Shakey: (Iiwas ang kamay) Di tayo bati! Anong audience lang ako?

Host: Players, go to your respective seats after I call your name.

Pagkatapos i-announce ng host ang mga stats and achievements ng bawat


manlalaro, tsaka nito sasabihin ang pangalan. Habang hinihintay ni Shakey ang
pangalan niya…

Host: First team…

Natawag na ang tatlong pangalan ng unang team.

Host: Next, he had 5 straight wins, 3 gold medals, 2 silver medals…

Shakey: Wow, ang galing naman nun. Parang pamilyar yung stats, pero syempre hindi
yan yung lalaking kinaiinisan ko, yabang nun eh. Imposible!

Host: He is Jom Agbanawag, also known as “Dyanpolmil”! (Sumigaw ang lahat)

Biglang naglakihan ang mga mata ni Shakey. Kaba sa dibdib ang kanyang
naramdaman nang makita niya ang lalaki sa kanyang tabi ay naglakad papunta sa
upuan nito.

Shakey: Dyan… pol… mil? Idol? IDOL? (Sabi niya sa isip niya) Kalaban ko idol ko?

Flashback

Shakey: (Nanonood ng live stream ni Dyanpolmil) Ang galing niya talaga. Nakaka-
inspire! Sana makita ko siya balang araw. Ano kaya itsura niya? Lagi kasing tago yung
mukha niya eh. Pasikret-sikret pa akala mo talaga. Pagnakita talaga kita, sobrang saya
ko na at pwede na akong mamatay!

Balik sa eksena
Gulat pa rin at bigla niyang naalala ang kahihiyan na ginawa niya sa harap ng idol
niya.

Shakey: Nakakahiya! Gash, pwede na nga akong mamatay! Bahala na, Mayabang
naman yun eh, dapat lang sa kanya ‘yun.

Host: The other team, first, 4 straight wins, 1 silver medal… Shakey Villarica, also
known as “SheikiJ”!

Nagpalakpakan ang mga nanonood.

Jom: Pwede na rin, Tsk! KS lang yan.

Natapos na ang introduction. Magsisimula na ang laban. Habang pumipili ng


hero…

Shakey: (Kinakabahan) Gosh! Paano ‘to? Kakayanin kaya namin ‘to?

Game announcer: Welcome to Mobile Legends. Five seconds to enemy reaches the
battlefield, smash them. All troops deployed.

Nagstart na ang game.

Shakey: Kaya namin ‘to!

Jom: Basic!

Bulong nila sa isip nila.

Makalipas ang kalahating oras ng laban, nabasag na ang mga tore ng bawat team.
Nexus na lang ang natitira. Habang nagka-clash, isa-isang namamatay ang mga
kakampi ng bawat team. Hanggang sina Jom at Shakey na lang ang natitirang
naglalaban.

Shakey: Grabe! Ang tindi ng laban. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ako na lang ang
pag-asa ng team namin. Kapag namatay ako, didiretsuhin na lang niya ang Nexus
hanggang sa matalo kami nang tuluyan. (Bulong niya sa isip niya)
Jom: Kaya ‘to! Konti pa lang naman nababawas sa buhay ko. Yung kanya, kalahati na
lang. (Bulong niya rin sa isip niya)

Hanggang sa sinubukan atakihin ni Shakey si Jom kahit kalahati na lang ang


buhay niya. At nabawasan ni Shakey ang buhay ni Jom ng sobra. Pero hindi
nagpaawat si Jom at nagpantay ang buhay nila.

Shakey: Ang lakas!

Jom: Isang tira na lang.

Sa madaling salita, natalo ni Jom si Shakey. Ang team ni Jom ang nagwagi.
Tahimik ang mga nanonood at biglang nagsigawan.

Shakey: (Napaluha at di kinaya) Athina! (pinuntahan si Athina)

Athina: Okay lang ‘yan, ang galing mo nga eh.

Shakey: Pero mas magaling siya. (iyak)

Athina: Ano ba ‘yan, hayaan mo na ‘yun.

Shakey: (patuloy sa pag-iyak)

Sa restroom

Jom: Grabe ang tindi ng laban! (sa isip niya) Siya lang ang nakalaban ko na nahirapan
ako nang sobra.

Kaibigan ni Jom: Tara na.

Jom: Sige (lumabas sa restroom, nakita si Shakey)

Jom: Magsosorry kaya ako? (iniisip nya)

Shakey: (umiiyak) Ikaw! Balang araw tatalunin kita!

Jom: Aba! Naghamon pa

Athina: (inaawat si Shakey) Tama nay an Shakey, tara na.


Shakey: (Nagsungit kay Jom)

Habang nagsisiuwian na silang lahat…

Jom: (nag-ring ang phone, sinagot) Hello, Ma?

Jaira: Anak, lilipat ka na ng ibang school. (sabay patay ng phone)

Jom: Ma? Ma!

Isang Linggo na ang nakalipas…

Shakey: Ang saya, saya ko! Wala na akong sama ng loob! (Naglalakad ng masaya at
maingay papunta sa classroom)

Sa Classroom

Shakey: Good morning Athina!

Athina: Aga-aga, ingay agad.

Shakey: Syempre, masaya ako!

Athina: Kita ko nga.

Ms. Gallo: (pumasok) Good morning Class!

Mga Estudyante: Good morning ma’am Gallo!

Ms. Gallo: You may now take your sit. May bago kayong kaklase at nais ko siyang
ipakilala sa inyo.

Pumasok ang bagong Estudyante

Shakey: (Nagulat)

Ms. Gallo: Siya nga pala si Jom Agbanawag.

Jom: (Nakayuko, tumingala at nakita si Shakey) What?


Ms. Gallo: So, Mr. Agbanawag, maaari ka nang umupo, doon na lang sa tabi ni Ms.
Villarica dahil bakante ang upuan doon.

Shakey: Bakit bakante pa kasi dito sa tabi ko? Panira naman ng araw, ang saya saya
ko na eh! (sa isip nya)

Jom: (umupo) tsk

Shakey: Hmmp!

Athina: (pigil ang tawa)

Kinabukasan

Sa hallway, naglalakad sina Shakey at Athina

Shakey: (Nakita si Jom at tumigil)

Jom: (Tumigil sa paglakad)

Nagkatapat at nagkatinginan silang dalawa,

Jom: Tabi.

Shakey: Ikaw ang tumabi.

Jom: Ikaw ang umalis.

Shakey: Sabi ko tabi!

Athina: Ako na! Ako na tatabi! (naglakad ng mabilis)

Sa Canteen, nakapila si Jom, biglang dumating sina Shakey at Athina

Jom: Ba’t ka nandito?

Shakey: Aba! Nauna ka lang, yabang mo na ah!

Jom: Nagtatanong lang ako.

Shakey: Ano naman?


Jom: Ewan ko sayo! (sabay kuha ng binili nya at umalis na may kasamang pangaasar)

Sa classroom

Sir Marin: (nagtuturo)

Shakey: (natutulog)

Jom: (binato ng papel na lukot)

Shakey: Ah! (nagising)

Jom: Bawal matulog.

Shakey: Pake mo ba?

Jom: Ako na nga nagmamalasakit, ikaw pa ‘tong galit!

Shakey: Sinabi ko bang magmalasakit ka ah?

Sir Marin: Agbanawag! Villarica! Ba’t ang ingay nyo? Kayo na lang magturo, Gusto
n’yo?

Classmates: (nagtawanan)

Shakey: Sorry po sir! (tumingin ng masama kay jom)

Jom: (tinaasan ng kilay)

Shakey: (tinaas ang kamao)

Isang Araw, sa bahay ni Jom

Jom: (walang magawa at nakahiga sa sofa)

Naju: Papasok na ako sa trabaho, anak.

Jom: Sige po.

Naju: (Lumabas ng bahay)


Jom: (Binuksan ang T.V.)

Biglang tumunog ang phone niya at di pinansin.

Jom: (Nanonood ng T.V.)

Tumunog ulit ang phone niya.

Jom: Ingay naman!

Naboring na si Jom sa pinapanood niya. Pinatay niya ang T.V.

Jom: (Tinignan ang phone) Ang dami naman!

Nakita niya na mayroon siyang sampung message galing sa iisang babae lang.

Jom: Ano ba ‘to? (Tinignan ang message)

Nabasa niya na manghang-mangha sa kanyang paglalaro at niyaya siya ng


babaeng iyon sa isang restaurant.

Jom: Wala namang masama, nalibre pa ako sa pagkain.

Sa restaurant

Jom: (Papasok sa restaurant at nakita ang babaeng nakausap niya)

Babae: Hi!
Jom: (Ngumiti lang at umupo)

Babae: Grabe! Hindi ko akalaing mapapansin mo ang message ko.

Jom: (Ngumiti lang)

Babae: By the way, ako nga pala si Andrea Diaz, just call me Andrea or Drea for short.

Jom: Oh!

Andrea: Grabe! Kaedad lang kita pero ang galing-galing mo talagang maglaro! Bilib na
bilib talaga ako sa ‘yo.
Jom: Paano mo nga pala ako nakilala?

Andrea: Ah! Ganito kasi ‘yan. Nung bata pa ako, meron kasi akong kaibigan na mahilig
din maglaro ng mga online games. Tuwing naglalaro s’ya, kasama ako. Hindi ko nga
alam kung bakit na-enganyo ako manuod ng laro nila, basta ang saya-saya lang kapag
nanunuod ako ng laban nila. Tapos, yung nag- tournament nung nakaraan pumunta ako
doon at nanuod. Tapos doon ko nalaman ang pangalan mo. Sayang nga eh, ang galing
din nung nakalaban mong babae, kaso nag-CR kasi ako nung sasabihin na yung
pangalan niya, di ko tuloy s’ya nakilala. Ano ba pangalan niya?

Jom: Sha-

(Waiter): Sir ano po ang order nyo?

Andrea: Ah! Ako po ang magoorder para sa kanya. (Pumili sa menu) Ito po, tapos eto,
para sakin naman ito at ito.

(Waiter): Sige po Ma’am. Wait n’yo na lang po.

Andrea: Sige, thank you! (Tingin kay Jom) ano na nga pinaguusapan natin?

Jom: Nakalimutan ko na nga eh.

Andrea: Ah, Sige, okay lang, Saan nga pala nagtatrabaho ang daddy mo?

Jom: Manager sa Elibomnegel Institution.

Andrea: What? Oh my Gash! Is this Destiny? Daddy ko ang may ari ng kompanya na
‘yon!

Jom: What? Ba’t di kita nakikita?

Andrea: Kasi, lagi akong nasa office ni Daddy.

Jom: Ah!

Andrea: Oh wait! I just realized, daddy mo si Mr. Naju?

Jom: Yes, why?


Andrea: Close ko yung daddy mo ng sobra! This is so Amazing!

Jom: Seriously?

Andrea: Uh-huh!

Jom: This is not good! (Sabi niya sa isip niya)

(Waiter): Sir, Ma’am, Nandito na po ang order n’yo! Enjoy your date!

Jom: Date?

Andrea: Wow, at napagkamalan pa nya tayong couple! Bagay na bagay siguro tayo sa
isa’t isa! (Kinikilig)

Jom: Really? (Sa isip nya)

Natapos na silang kumain at umuwi na sila

Kinabukasan, sa School

Jom: (Pumasok sa classroom)

Shakey: (Nakatingin ng masama)

Jom: (Tinignan din ng masama si Shakey sabay umupo ng padabog)

Shakey: (Hawak ang lapis at tinuro si Jom)

Jom: (Napatingin)

Shakey: (Sabay guhit sa leeg na nagsa-sign na “Papatayin kita!”)

Jom: (Kalmado at walang pake)

Shakey: (Napikon, tumayo at parang sasaksakin si Jom)

Athina: Shakey (inaawat na kalmado pa rin)


Jom: (sinuot ang earphone nya)

Pumasok na ang teacher nila

Ms. Gallo: Meron kayong bagong classmate.

Andrea: Hello classmates! Jom nandito ka pala!

Jom: What? Kunwari ka pa eh, plano mo yan! (Sa isip niya)

Ms. Gallo: So, magkakilala pala kayo?

Andrea: Yes!

Jom: No!

Shakey: Drea? Naaalala mo pa ba ako?

Andrea: Um, sino ka ba? Parang pamilyar mukha mo? Ikaw ba yung kalaban ni Jom sa
tournament?

Shakey: Oo! At si Shakey ‘to! Kaibigan mo simula bata!

Andrea: Oh, wait! Shakey? Shakey! Gash! Shakey, I miss you! Ang galing galing mo
doon sa tournament! Di ko akalaing nakakasali ka na pala sa ganon! Di kita nakilala
agad, ang laki ng pinagbago mo!

Shakey: Ikaw nga rin eh! (Yumakap kay Andrea)

Jom: Wait, Magkakilala kayo?

Andrea: Yes!

Jom: Siya ba yung kababata mo na kinwento mo sa’kin?

Andrea: Yes! Ba’t nga pala di mo sinabi sa’kin ang pangalan n’ya?

Jom: Dumating na kasi yung waiter!

Shakey: Nag-date kayo?


Andrea: Yes!

Jom: No!

Andrea: And you know what! Sa company ko nagtatrabaho ang daddy n’ya! Ang galing
ng tadhana noh?

Shakey: Wow! (Sarcastic smile para sa malanding kaibigan)

Athina: (Bumulong kay Shakey) May kaibigan ka palang ganyan?

Shakey: (Tawa ng konti at bumulong) ‘Di ko nga alam na meron pala.

Isang araw, magkasama si Andrea at Shakey

Andrea: Shakes, pwede mo ba akong tulungan?

Shakey: Saan?

Andrea: Secret lang to ah. Wag kang magugulat.

Shakey: Ano?

Andrea: In-love ako kay Jom. (Pabulong pa)

Shakey: (Walang reaksyon)

Andrea: Ba’t di ka nagulat?

Shakey: Sabi mo wag akong magugulat eh.

Andrea: Ah, sige, pwede ka ng magulat.

Shakey: (Wala pa ring reaksyon)

Andrea: Oh? Bakit di ka pa rin nagulat?

Shakey: Eh hindi naman na talaga ako magugulat kasi halata namang gusto mo sya eh!
(Sigaw niya)

Andrea: Ah, ganun ba? Sa tingin mo halata na ba n’ya?


Shakey: Obvious ba?

Andrea: (Natawa)

Shakey: So, gusto mong tulungan kita na ma-inlove s’ya sayo?

Andrea: Oo! (Pa-cute pa)

Shakey: Ahh, ganito lang yan. Magbigay ka ng kahit ano sa kanya.

Andrea: Sure?

Shakey: Ikaw bahala.

Kinabukasan, ganon ang ginawa ni Andrea kay Jom at kahit anong araw pa iyan
meron siyang maiibibigay. Sa tuwing may balak si Andrea, sinasama niya palagi
si Shakey. May time na, pinaglalaro ni Andrea sina Jom at Shakey ng Mobile
Legends para mapanuod niya silang maglaro.

Jom: Hala! K.S.

Shakey: Ha? Di ah!

Jom: Weh?

Andrea: Ayan na! matatalo niyo na sila! Push!

Jom: (Inatake ang tore)

Shakey: Yes! GG!

Andrea: Galing talaga ni Jom! (Sabay bigay ng pagkain kay Jom)

Jom: Syempre! ‘Di ka gaya ng isa dito. (Tingin kay Shakey)

Shakey: Wow Ah! Ikaw lang nakasira ng Nexus, yabang mo na ah! Mas marami naman
akong kills, ako pa rin ang nagbuhat!

Jom: Aba! Sumasagot ka?


Shakey: Oo, bakit?

Andrea: (Natawa sa kanila)

Tumawa silang lahat

Ilang araw na ang nakalipas hindi inaakala ni Shakey na magkakagusto siya kay
Jom

Shakey: Paano na ‘to Athina?

Athina: Bakit? (Nagbabasa)

Shakey: Sa ginagawa ni Andrea, parang ako pa yung nahuhulog kay Jom.

Athina: Weh?

Shakey: Nakakainis nga eh! Ilang araw ko ng pinpigilan ‘tong nararamdaman ko ayaw
pa rin mawala.

Athina: Tignan mo nga naman! Na-defeat na yang puso mo.

Shakey: Isipin mo, kakaiba ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa tournament
nagsimula ang lahat eh. Nakita ko ng personal ang Idol kong streamer. Nagkita kami ulit
ni Andrea pagkalipas ng ilang panahon tapos ‘di ko akalaing nagkakilala silang dalawa
ni Jom dahil din sa nangyari sa tournament tapos ang tatay pa nila, nagtatrabaho sa
iisang kompanya at kaibigan pa ni Andrea ang tatay ni Jom! E di wala na akong pag-
asa agad, at parehas pa silang nag-transfer sa school natin, tapos nagkatagpo-tagpo
kami!

Athina: Isa lang masasabi ko diyan.

Shakey: Ano?

Athina: Napaglaruan kayo ng tadhana.

Sa School
Andrea: Jom, Shakey, Athina, meet Juliana. Kaibigan ko s’ya sa kompanya namin,
ngayon ko lang nalaman na dito rin pala s’ya nag-aaral. Anak s’ya ng kaibigan ni daddy.
Sige, maiwan muna namin kayo! (Umalis)

Athina: Shakey, punta muna ako sa library.

Shakey: Ah sige!

Athina: (Kumindat sabay alis)

Shakey: What? (tumingin kay Jom)

Jom: (Tumingin din kay Shakey) Bakit?

Shakey: Ha? Ah! Wala!

Jom: Ah.

Tahimik silang dalawa

Jom: (Biglang nagsalita) Gusto mo bang tumambay muna sa labas?

Shakey: (Nagulat) Ah! Sige, okay lang!

Jom: Tara!

Sa labas ng classroom

Jom: Alam mo ba, manghang-mangha ako sayo noong nakalaban kita sa tournament.
Ikaw lang ang kalaban kong nahirapan ako?

Shakey: Weh? (Kinilig ng patago) Binubola mo lang ako eh.

Jom: Di nga!

Shakey: Wag mo nga akong pinaglalaruan! Di ako ML!

Jom: Hindi naman eh.


Shakey: Sure?

Jom: Oo

Shakey: Share?

Jom: Ewan ko sayo!

Shakey: (Natawa) Sarap mong pikonin!

Jom: Pinagtitripan mo lang ako eh!

Shakey: Alam mo ba-

Jom: Hindi.

Shakey: Ay!

Jom: Joke lang! Tuloy mo lang.

Shakey: Nagulat talaga ako nang malaman ko na kalaban kita sa tournament. Mas
nagulat pa ako nang malaman ko ang pangalan mo kasi, Idol kitang streamer. Di ko
alam yung itsura mo eh, tago kasi mukha mo kapag nag-istream ka, kaya hiyang hiya
ako nang malaman ko na inangasan kita. Sabi ko pa naman noon na kapag nakita kita
kita pwede na akong mamatay. Natuwa rin naman ako nang malaman kong
makakalaban ko ang matagal ko nang idol na streamer pero kinabahan talaga ako.
(Tumatawa)

Jom: Weh? Grabe naman! So, nauna ka pa pala kay Andrea

Shakey: Saan?

Jom: Sa pagmangha sakin.

Shakey: Ahh, oo nga eh

Jom: Ang galing naman (ngumiti)

Shakey: Nang alin?


Jom: (tumingin kay Shakey) Ng Tadhana

Shakey: (natulala at namula)

Humangin at lamig ang naramdaman nila kasabay ng mainit na dadamin.

Habang sina Andrea at Juliana ay naglalakad papuntang school…

Juliana: Bilisan mo! Male-late na tayo.

Andrea: Sige. (Papasok na ng gate)

Nakita ni Juliana si Shakey

Juliana: Uy! Si Shakey oh! Magsabay na lang kaya kayo.

Nang nginitian ni Shakey si Andrea…

Shakey: Drea magsabay na lang tayo pumasok ng room. Late na tayo, lagot na!

Hindi pinansin ni Andrea ang pag-aya ni Shakey, dahil nakaramdam siya ng inis
ng makita niya si Shakey. Hanggang naalala ni Andrea ang lahat.

Flashback

Napansin ni Andrea at ni Juliana ang pamilyar na mukha.

Juliana: Uy! Andrea! Si Shakey at Jom ba ‘yun?

Andrea: Halika. Lapitan natin.

At nakita niya na si Jom At Shakey iyon.

Juliana: Hala! Andrea umalis na tayo dito. Mukhang pribado ang pinag-uusapan nila.

Hindi kumibo si Andrea at nanatili pa rin siyang nakikinig sa usapan nilang


dalawa.

Jom: Shakey, may sasabihin ako sa ‘yo. Sana huwag kang magugulat ah.
(Kinakabahan)
Shakey: Ano ‘yun?

Jom: Shakey, kasi ganito ‘yan. Hmm…

Shakey: Ano na? Ang tagal mo naman.

Jom: May gusto kasi ako sa ‘yo matagal na.

At laking gulat ni Shakey ng malaman niya ito.

Shakey: Hala Jom! Seryoso ka ba? (Hindi makapaniwala)

Jom: Sorry Shakey ahh, kasi hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa ‘yo.

(Malungkot niyang sinabi)

Shakey: Hala Jom! Ang drama mo naman. Sa totoo lang Jom, hindi ko rin mapigilan
ang sarili kong gustuhin ka.

Jom: (Nagulat at hindi makapaniwala) Weh! Huwag kang magbibiro, baka mapaniwala
ako ah.

Shakey: Totoo nga Jom!

At nang narinig ni Andrea ang lahat, biglang pumatak ang kanyang luha. Siya’y
tumakbo at pilit na pinunasan ang kanyang umaagos na luha. (End of flashback)

Kinabukasan, nang makita niya muli na magkasama sila…

Andrea: Hi Jom at Shakey!

Jom at Shakey: Hello!

Andrea: Uy! Jom! Halika, samahan mo ako sa canteen. Wala kasi akong makasama eh.
(Paawang mukha)

Jom: Pasensya na Andrea, Ihahatid ko pa kasi si Shakey sa room eh.

Shakey: Sige! Okay lang Jom, samahan mo na s’ya. Kaya ko naman mag-isang
pumunta.
Jom: Ayoko! Ihahatid nga kita.

Andrea: Ano ka ba Jom? Huwag mo nang pilitin, sige na please, samahan mo na ako.

Jom: O Sige! Isama na lang natin si Shakey.

Andrea: Okay! (Naiinis)

Nararamdaman ni Shakey na ayaw siyang isama ni Andrea.

Shakey: Alis na ako, may gagawin pa kasi ako.

Jom: Sige na nga! Abangan na lang kita after class.

Hinatak ni Andrea ang braso ni Jom.

Sa canteen

Andrea: Alam mo Jom, hindi mo na dapat samahan pa si Shakey.

Jom: Ha? Bakit naman?

Andrea: Wala lang, kasi, syempre, mamaya baka kung ano isipin nila sa inyo. Tapos,
baka kung ano pa masabi nila.

Nasiyahan si Andrea dahil sumunod sa kanya si Jom.

Sa silid-aklatan

Shakey: Hay naku! Nakakainis! Wala nang pumapasok sa isip ko. Pero tatapusin ko
‘tong binabasa ko. (Sambit sa kanyang sarili) Namimiss ko na si Andrea pati na rin ang
mga pinagsamahan namin.

Sa bahay ni Jom

Tumunog ang cellphone ni Jom at sinagot niya ito sa tagong lugar.

Jom: Hello pa!

Naju: Anak. (Malungkot)


Jom: May problema po ba?

Naju: (Tahimik)

Jom: Pa?

Naju: Anak, subukan mo naming gustuhin si Andrea.

Jom: Ha? Bakit pa? Ano meron?

Naju: Tatanggalan ako ng trabaho ng amo ko kung hindi mo magugustuhan ang anak
niya. Ngayon lang ito anak.

Jom: (Hindi makapagsalita)

Naju: Sige na ‘nak. Kailangan natin ‘to. Nagmamakaawa ako na si Andrea na lang ang
piliin mo. (Umiiyak)

Jom: Pa, bakit naman ganun? (Naiinis)

Naju: Sige na anak, please.

Jom: Sige po pa. Gagawin ko po ang lahat para magustuhan ko si Andrea.

Labag sa loob ni Jom ang sinabi niya.

Jom: Mahal po kita pa. Kaya gagawin ko po ‘to.

Natapos na ang usapan

Jom: (Sumigaw)

Inis na inis si Jom at hindi napigilan ang pagsigaw.

Sa labas ng classroom

Nagdidilig si Andrea nang biglang maamoy ang pabango ni Jom.

Andrea: Good morning Jom! (Sabay ngiti ng malaki)

Jom: Morning! (Matamlay na ngiti) Pwede ba tayong mag-usap?


Andrea: Nag-uusap na nga tayo. Baliw!

Jom: Alam ko na ang plano mo Andrea. (Nagmamakaawang mukha)

Andrea: Oh! Umabot na pala sa ‘yo ang plano. (Medyo ilag pero hindi nagpadala sa
awa) Kung mahal mo ang papa mo, gawin mo na lang.

Jom: (Napakalungkot ng kanyang mukha dahil walang magawa)

Andrea: (Ngumiti ng malaki) Iwasan mo si Shakey at Huwag mo nang kausapin.

Jom: (Umiwas ng tingin at pumasok sa room)

Kinabukasan

Magkasama si Jom at Andrea

Jom: May pogi dun oh! Ayaw mo ba dun? (Tumawa)

Andrea: Baliw ka! Ano naman kung pogi? Nandyan ka naman. (Kinikilig)

Nagpapanggap si Jom sa kanyang nararamdaman. Kunwari masaya pero hindi


naman pala. Biglang nakita ni Jom si Shakey, napatulala, at napa-isip.

Jom: Hanggang kailan ba akong magkukunwaring masaya? Nagmamahal ng taong


hindi naman mahal? Puro pagpapanggap na lang ba?

Ibinaling na lang ni Jom ang atensyon sa iba. Hinawakan na lang ni Jom ang
kanyang ulo dahil sa kakaisip.

Sa bahay ni Andrea

Ka-chat ni Andrea si Jom

Andrea: Kumain ka na ba?

Jom: Oo, kumain na ako.

Andrea: Magpahinga ka na. Baka nagkokompyuter ka na naman dyan.


Jom: (Pekeng tawa) Hindi no!

Andrea: Sige tulog ka na. Maaga pa tayong papasok bukas. Good night!

Jom: Okay! Goodnight! See you tomorrow!

Sabay off ng phone at natulog si Andrea na may kasamang ngiti sa kanyang labi.

Andrea: Ako na ang mahal ni Jom! Hindi na si Shakey. (Ngumiti ng sobra)

Sa school

Hindi mapakali si Shakey dahil may iba sa kinikilos ni Jom. Nakita niya na
magkasama sina Jom at Andrea na nagkukulitan at hindi na mapaghiwalay.

Jom: (Tumatawa) Kasi nga di ba…

Andrea: Oo, naalala ko na naman… (Tumatawa)

Shakey: (Sabi niya sa isip niya) Ano meron? Bakit parang may mali? Nag-aminan
naman kami sa isa’t isa ah. Bakit ganun?

Nakita ni Shakey si Jom sa hallway na nag-iisa

Shakey: Jom!

Jom: Oh! Shakey!

Shakey: Ano meron sa inyo ni Andrea?

Jom: Huh? Ganito kasi ‘yun…

Gustong-gusto nang sabihin ni Jom ang dahilan ngunit naputol ang kanyang
sasabihin dahil biglang hinila siya ni Andrea palayo kay Shakey. Napatulala na
lamang si Shakey sa bilis ng nangyari. At ganun na lamang lagi ang eksena sa
tuwing may gustong tanungin si Shakey.

Sa canteen

Andrea: Alam mo ba…


Salita lang ng salita si Andrea at hindi nakikinig si Jom. Biglang nakita ni Jom si
Shakey na pumasok sa canteen. Nagkatinginan silang dalawa.

Shakey: (Malungkot ang kanilang awra)

Jom: (Umiwas ng tingin at tinuloy ang pagkain)

Andrea: Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?

Jom: (Oo na lang ng oo at tango na lang ng tango)

Sa Gate

Magkasabay na umuwi si Jom at Andrea. Nakasabay nila si Shakey. Lalapit sana


si Shakey, ngunit tinaasan na lang ng kilay ni Andrea si Shakey at umalis na lang
si Shakey sa harap ni Andrea.

Andrea: Tara na.

Jom: Okay

Hindi napansin ni Jom si Shakey dahil lutang sya.

Sa labas na ng gate

Shakey: (napaisip) Bakit parang ang laki ng galit ni Andrea sa akin? Pinagtataasan pa
ako ng kilay, may mali ba akong nagawa sa kanya?

Iyon parin ang nasaisip ni Shakey hanggang sa makauwi na siya.

Sa kwarto ni Jom (Gabi)

Jom: (yakap ang unan at pinunasan agad ang luha)

May kumatok sa pinto at binuksan ni Jom ang pinto. Nakita niya ang kanyang
tatay at pinapasok niya ito.

Jom: May kailangan po ba kayong kunin, pa?


Naju: (nakayuko, umupo , at di umimik) Umupo ka dito sa tabi ko anak. (ngumiti ng
konti) Masaya ka ba?

Jom: Opo naman pa! Bakit naman hindi? (tumawa ng peke)

Naju: Alam kong hindi talga si Andrea ang nagugustuhan mo anak. Alam kong hindi ka
masaya.

Jom: Bakit n’yo po sinasabi, pa? (Masaya biglang lungkot)

Naju: Piliin mo na ang totoong mahal mo, anak.

Jom: Ha? Paano po yung trabaho n’yo, pa?

Naju: Ano ka ba, anak? May iba namang kompanya na kukuha sa akin. Sa galing kong
‘to? (Sabay tawa at ngiti) Pasensya ka na anak kung naipit ka sa sitwasyong iyon.
Gusto kitang makitang masaya at magmahal ng totoo. (Paluha na)

Jom: Salamat po, pa! (May konting luha dahil sa saya at niyakap niya ang papa niya)

Tinawagan ni Jom si Shakey pero hindi niya sinasagot ang tawag.

Sa bahay ni Shakey, naghuhugas siya ng plato, tumutunog ang phone niya pero
hindi pinapansin.

Jom: (Kumakatok) Shakey! Shakey!

Shakey: (Binubuksan ang pinto) Bakit ka nandito Jom? (Nagulat)

Jom: (Hinihingal)

Shakey: (Kumuha ng tubig) Jom, tubig.

Jom: (Uminom)

Shakey: Bakit ka naman kasi tumakbo? (Hinawakan ang likod ni Jom)

Jom: (Hinawakan ang kamay ni Shakey) May sasabihin ako sa ‘yo. (Seryosong mukha)
Buntis ako!
Shakey: Baliw! (Sabay tawa) Ano nga ‘yun?

Jom: Naaalala mo ba yung hindi ko pagpansin sayo nung mga nakaraang araw?

Shakey: Oo, Bakit ba Jom?

Jom: Binlock mail kasi ng papa ni Andrea ang papa ko. Kung hindi ko raw mamahalin si
Andrea, papaalisin niya ang papa ko sa kompanya nila.

Shakey: Bakit ka nandito ngayon? Baka makita o malaman ni Andrea na pumunta ka


dito sa bahay.

Jom: Hindi, kaya nga ako pumunta dito para malaman mo na pumayag na si papa na
mahalin ko ang taong gusto ko, at marami naman daw na kompanya ang kukuha sa
kanya.

Shakey: (Walang masabi at kinikilig)

Jom: Tsaka kaya nga ako nandito kasi ikaw ang gusto ko. (Medyo kilig)

Shakey: (Naiyak)

Jom: Huwag mo na lang patulan o pansinin si Andrea, baka magkagulo pa lalo.

Shakey: Sige Jom. Naiinis lang naman ako sa nalaman ko.

Pagkatapos ng mga iyon, nagpaalam na si Jom.

Shakey: Nakakainis naman. Naiinis ako sa mga pinaggagawa mo Andrea. (Sabi niya sa
isip niya)

Sa School

Nakatayo si Jom sa hagdanan at paakyat pa lang si Andrea.

Andrea: Jom, wait lang sabay na tayo! (Malaking ngiti)

Jom: (Walang imik, nakatingin lang kay Andrea)

Andrea: Huy! Tara na.


Naglalakad na sila at biglang hinawakan ni Jom si Andrea sa braso.

Jom: Itigil mo na itong kabaliwan mo Andrea.

Andrea: Huh? Anong pinagsasabi mo? (Umiwas ng tingin)

Jom: Gusto ko si Shakey, hindi ikaw Andrea. Mahirap magpanggap na gusto kita.

Andrea: (Paiyak na)

Jom: Sorry! Hindi ko kayang gawin lahat ng gusto mo. May ibang taong nakalaan para
sa ‘yo. Sorry Andrea, Sorry.

Tumakbo si Andrea pababa at patuloy siyang umiiyak. Dahil nahaharangan ng


luha ang mga mata niya, hindi inaasahan, may nakabangga siyang lalaki na
pamilyar sa kanya.

Andrea: Fhloyd?

Ang lalaking anak ng Chief sa Elibomnegel Institution.

Isa na naman ba itong laro ng tadhana na nagsisimula sa bungguan? Paano kaya


kung may nakabunggo ka, siya na kaya ang tadhana mo?

You might also like