Professional Documents
Culture Documents
4 Quarter Aralin 6
4 Quarter Aralin 6
Ang mga rehiyon ng bansa ay may iba-ibang katangiang pisikal. May pagkakataon na magkatulad ang katangian nito subalit
magkakaiba sa klima at sa uri ng pananim. Ang kalagayang ito ay may malaking epekto sa uri ng pamumuhay ng bawat lalawigan.
Ano ang maitutulong ng rehiyon upang magkaroon ng pag-uugnayan ang kaniyang mga lalawigan> Ang suliranin sa kawalan ng
isang rehiyon ay matutugunan ng ibang rehiyon gayundin ng mga lalawigang sakop nito. Halimbawa: ang maraming bigas na ani sa
Oriental Mindoro ay ipinadadala sa ibang lalawigan ng rehiyon at iba pang panig ng bansa na may kakulangan sa bigas.
Ang mga lalawigan ng Batangas at Bataan na sagana sa produktong dagat ay dinadala sa mga palengke sa iabng pang karatig
lalawigan at lungsod tulad ng Maynila. Ang perlas na galling sa Palawan ay dinadala sa ibang lalawigan upang gawing sangkap sa
paggawa ng alahas.
Ang mga prutas tulad ng manga mula sa Zambales ay dinadala sa iba-ibang pamilihan sa mga karatig na lalawigan at sa
Kamaynilaan. Marami pang ibang produkto na nabibili sa iba’t ibang lalawigan. May alam ba kayong produktong binibili pa n gating
lalawigan sa ibang lalawigan? May alam din ba kayong produktong ipinagbibili natin sa ibang lalawigan?
PAARALAN PANGKAT/SEKSYON III
GRADE III GURO ASIGNATURA ARALING
DAILY LESSON LOG PANLIPUNAN
PETSA AT ORAS NG MARKAHAN IKAAPAT NA
PAGTUTURURO MARKAHAN
I. LAYUNIN 2 ARAW
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamalas ang pang-unawa sa mga gawaing pangkabuhayan at bahaging gina -
gampanan ng pamahalalaan at ang mga kasapi nito, mga pninuno at iba pang nag -
lilingkod tungo sa pakakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Hayaan ang bawat pangkat na pangatwiraan ang
paglalahad ng bagong kasanayan tanong na nakaatas sa kanila.
#2 Pangkat 1 – Paano nakikipag-ugnayan ang iyong lalawigan sa ibang lalawigan ng rehiyon?
(sagot: 1. Ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pakikipag-ugnayan sa ibang
lalawigan kung ang pag-uusapan ay mga produkto ng mga lalawigan. 2. Sa NCR ang
bawat namumuno ng mga lungsod ang nakikipag-ugnayan.
Pangkat 2 – Paano nakatutulong ang produkto ng isang lalawigan sa ibang lalawigan?
(sagot: Natutugunan nito ang suliranin sa kawalan ng isang rehiyon gayundin ng mga
lalawigan na sakop nito.)
Pangkat 3 – Paano nakatutulong ang pag-uugnayan ng mga lalawigan sa pag-unlad ng
ekonomiya?
(sagot: Nakatutulong ang pakikipag-ugnayan ng mga lalawigan sa pag-unlad ng
ekonomiya dahil nabibigyan ng trabaho/hanapbuhay ang mga naninirahan dito.)
Pangkat 4 – Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagdaraos ng mga festival ng
produkto sa ugnayan ng mga lalawigan o rehiyon? Bakit?
(sagot: 1. Nakatutulong ang pagdaraos ng mga festiva upang makilala ang mga
pangunahing produkto ng saing lalawigan. 2. Nakatutulong ang mga festival upang
makilala ang mga produkto ng iba’t ibang lalawigan ng bansa ng mga turista/dayuhan?
F. Paglinang sa Kabihasaan Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon.
(Tungo sa Formative Assessment) 1-2. Sino ang posibleng makikipag-ugnayan sa ibang mga lalawigan kung nanga –
ngailangan sila ng produkto.
3. Ano ang dahilan ng makikipag-ugnayan ng isang rehiyon sa ibang rehiyon?
4-5. Paano nakatutulong ang pagdaraos ng festival sa ugnayan ng lalawigan/rehiyon?
Sagot: 1. C 2. D 3. E 4. A 5. B
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Bilang mag-aaral kung ikaw ay pinuno ng pamahalaang lungsod makikipag-ugnayan ka rin
araw na buhay ba sa ibang rehiyon o lalawigan?
H. Paglalahat ng Aralin Bakit kailangan makipag-ugnayan ang lalawigan sa ibang rehiyon?
Pagpapahalaga:
Mahalaga ba ang pakikipag-ugnayan ng rehiyon?
I. Pagtataya ng Aralin Sabihin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.
_____1. Nahihirapang makabili ang isang lalawigan sa iba pang lalawigan ng produkto sa
mga mangangalakal.
_____2. Mabibili sa mga palengke ang mga produkto sa tulong ng ibang lalawigan.
_____3. Nakakatulong ang pag-uugnayan ng mga lalawigan sa pag-unlad ng ekonomiya
dahil nabibigyan ng trabaho/hanapbuhay ang mga naninirahan dito.
_____4. Ang pakikipag-ugnayan ng isang lalawigan sa ibang lalawigan ay hindi naka –
tutulong upang makilala ang mga pangunahing produkto ng isang lalawigan.
_____5. Nakatutulong ang pakikipag-ugnayan upang makilala ang mga produkto ng iba’t
ibang lalawigan ng bansa ng mga turista/dayuhan.
(sagot: 1. MALI 2. TAMA 3. TAMA 4. MALI 5. TAMA
J. Karagdagang Gawain para sa Gumawa ng collage ng mga produkto lalawigan ng lalawigan na iniluluwas sa ibang
takdang-aralin at remediation lalawigan.
Inihanda ni
Maritiz S. Jonco
Teacher 1/MES