Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Aborsyon
II. A. Ang ating mundo ay isang perpektong simbolo ng buhay. Buhay na kung saan lahat ay
kumpleto, lahat may karapatang maging malaya at lahat ay may karapatang mamuhay ng
payapa. Ang buhay na inihandog sa atin ay maituturing na isang regalo na karapat-dapat
nating itanaw na utang na loob at ipagpasalamat sa Maykapal. Dapat din natin ingatan
sapagkat ang Ama na siyang lumikha lamang ang may karapatan na bawiin ito. Ngunit
nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang bagay at regalo na ipinagkaloob at
ipinagkatiwalaaan sa atin ng Maykapal ay walang awang nilalapastangan at binababoy ng
iilan sa atin. Bangungot kung ituring na tila kinatatakutan ng mga bagong sibol na binhi na
nagtatangkang sirain o wakasan ang kanilang karapatan at mga pangarap sa buhay. Ang
nasabing halimaw o bangungot na kitatakutan na mga bagong sibol na binhi ay ang Abortion
o Aborsyon. Ano nga ba ito? Ano ang mga kadahilanan o pinag-uugat nito?
B. Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang Aborsyon sa ating
lipunan. Marami ng mga kababaihan ang mas pinipiling sumailalim sa ganitong paraan kaysa
ang buhayin at lingapin ang nasa sinapupunan nila. Marahil sa napakaraming kadahilanan at
madalas dito ang kahirapan at kahandaan ng isang babae at lalaki na magsama. Kung ating
susuriin, iisipin nating hindi makatarungan ang kanilang ginagawa at nakabababng moral
bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga sa ibang tao at paninira sa
kanilang pagkatao Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng
populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang labindalawang milyon na ang bilang ng
mgaPilipino sa Pilipinas at araw-araw ay nadadagdagan pa ito. Dahil sa dumaraming kaso ng
maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad, patuloy na bumibigat ang
problema ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa paglobo ng populasyon na
karaniwang nagiging dahilan hindi lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang
kaso sa bansa ng aborsyon. May dalawang uri ng aborsyon. Una ay ang kusa o miscarriage.
Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ang ikalawa
ay ang sapilitan o induced. Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang
sanggol.
III. Mga Argumento sa Isyu
A. Buod
B. Mga Impormasyong
C. Ebidensiya
IV. Posisyon
V. A. Ating tandaan, ang abortion o aborsyon ay hindi makatarungan at makataong paraan
upang masolusyunan ang problema na isang tao may dinadala sa sinapupunan. Ang tanging
paraan ay tanggapin ito ng maluwag sa puso, maging ito man ay bunga ng intensyon o hindi
inaasahan. Dapat nga ay ipagpasalamat mo ito sa Maykapal sapag pinagkatiwalaan at
ipinagkalooban ka niya ng isang regalo. Sabi nga nila "Babies are always a blessing",
sapagkat sila ay mga Anghel na nagdadala ng mga ngiti at lunas sa kalungkutan sa loob ng
isang tahanan.
B. Bilang mga mag-aaral ay dapat nating malaman at
buksan ang diwa ukol sa napapanahong isyu na ito. Ano nga ba ang magagawa natin ditto?
Palagganapin natin ang 5R’s ng DOH laban aborsyon:
1. Ready facilities o ang patuloy na pag-a-upgrade ng mga pasilidad para sa pagpapaanak
upang matiyak na lahat ng health centers ay may kapasidad na makapagsagawa ng
normal na panganganak.
2. Ready skilled health workers, na isa sa pinakaimportanteng factors sa maternal
mortality. Ang mga doktor, midwives at nurses ay apat na may training sa pagpapaanak.
3. Ready funds- Ayon sa DOH, ang pagkakaroon ng anak ay isang mahalagang
responsibilidad ng mga magulang kaya’t dapat na magtabi ang mga ito ng sapat na pera
para sa panganganak. Ang mga mahihirap na pasyente na miyembro ng PhilHealth ay
maaari naman anilang mag-avail ng libre na ibinibigay ng gobyerno sa pamamagitan ng
mga lokal na pamahalaan.
4. Right knowledge, o sapat na kaalaman ng isang babae, bago magdesisyon kung
magbubuntis
5. Responsible parenthood. pagiging responsableng magulang at kalusugang pang-
reproductive.
VI. Sanggunian

http://www.remate.ph/2014/03/5rs-laban-sa-aborsyon-inilabas-ng-doh/

http://kalusugan.ph/%E2%80%9Cpampalaglag-ng-bata%E2%80%9D-aborsyon-sa-pilipinas-at-
bakit-ito%E2%80%99y-nakasasama/

http://www.answers.com/Q/Pano_malulunasan_o_maiiwasan_ang_aborsyon

You might also like