Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Earl Cyrus A.

Labor BSED 4
Fatima College of Camiguin

Bakit maluwag ang balat ng baka

Noong araw may isang mayamang lalaki na nag aalaga ng isang baka at isang kalabaw.
Katulong niya ang mga ito sa bukid, sa pagtatanim at sa ibang mga gawain.

Isang araw naisipan ng dalawang hayop ang maligo sa ilog. Inalis nila ang kanilang mga
damit at lumblub sila sa tubig. Masaya silang lumangoy langoy nang matanaw nilang
dumarating ang mabagsik nilang amo na may dala dalang malaking pamalo.

Sa pagmamadali nilang makabihis naisuot ng kalabaw ang baro ng baka at naisuot naman
ng baka ang baro ng lakabaw. Tumakbo sila para wag maabutan ng among galit na galit.

Mabilis na nakalayo ang baka dahil luwag para sa kanya ang isinuot na baro. Ang
kalabaw naman ay hindi nakatakbo dahil sa kasikipan ng suot. Inabutan siya ng amo at
hinampas ng hinampas mula noon luwag na ang damit ng baka, at matuling tumakbo
kaysa sa kalabaw.

You might also like