Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pre-Spanish Period

Ang bayan ng Pangil ay isa sa pinakaunang tinirhan sa Laguna. Mayaman ang lugar na ito
sa kasaysayan ng Espanyol, Amerikano at Hapones. Ang mga nadiskubreng artifacts noong 12th
century ng Ming at Sung Dynasty ay sinasabing mula sa mga intsik na nandarayuhan at
mangangalakal na nanuluyan sa lugar na ito. Ayon naman sa oral literature, ang unang namuno
sa lugar na ito, na ngayon ay binubuo na ng apat na hiwahiwalay na barrio ay si Gat Pangil. Si Gat
Pangil ang nagsama-sama sa apat na sinaunang nanirahan para makabuo ng kaharian ng Tagalog
sa lugar na ito.

Pablo Cabago

- nanirahan sa Dambo 30 years ago,


- Pinanganak sa Banilan, Pakil, Laguna

NAME AND IDENTITY


- Bago sumapit ang civil war ng bansa, mayroon ditong mga kalabaw na gala. Pag dating
ng hapon, palibhasay mainit, naghahanap ang mga kalabaw ng masisilungan. Malapit
sa Sitio Anilao, mayroong apat na puno ng Dambo. Lapit lapit ang mga ito at pag dating
ng tanghali, sumisilong ang mga kalabaw. Bawat kilos ng mga kalabaw, walang ibang
inuuwian ang mga ito kundi ang apat na puno ng Dambo kaya namutawi sa mga
sinaunang tao na kapag ito ay nagtanong sa kanyang kasamahan kung nakita niyo ba
ang kalabaw kong iyon ay andoon sa puno ng Dambo. Simula noong araw na iyon,
walang ibang bukambibig kundi ang Dambo na iyon. Dumating ang panahon, tinawag
ang lugaw na ito na Dambo. (SECONDARY SOURCE)
- Noong sinaunang panahon, nagkaroon ng mga babaeng ginagawang pambayad upang
makuha ang isang lugar. (Banilan hanggang Kabulusan – Pakil. Dapat hanggang dito
ay Mabitak.) (Spanish Period. SECONDARY SOURCE)
- Dambo ay pinakamatandang barangay (hindi pa panahon ng hapon naging barangay
na ito). Matala-tala ay pinakabatang barangay (1958 naging barangay).
- Panahon ng cabesa, teniente del barrio nabuo ang barangay ng Dambo.

SPANISH PERIOD

- Sa pangkabuhayan, sa lupa kumakapit ang mga tao dito.


- Salat ang kaisipan ng mga tao tungkol sa mga komunidad dahil ang mga ito ay hindi
nag-aayos ng kanilang mga barangay. Hindi mahilig dumayo ang mga tao sa ibang
lugar. naka-settle lang sila sa Dambo at puro pagsasaka ang inaatupag.

JAPANESE PERIOD
- takot ang mga hapon na lumikas dito (Dambo) dahil marami ditong mga sundalong
guerilla.

AFTER JAPANESE PERIOD

- Pinagpatuloy lang ang pagsasaka. Inaani ang kanilang mga pananim. Kuntento na sila
sa katayuan nila sa buhay.

MGA PAGBABAGO SA DAMBO


- malaki ang pagbabago sa Dambo dahil ang mga tao dito noon ay hirap na hirap. Ang
mga bahay dito ay halos walang bubong tulad ng yero.
- Noong araw, ang bundok ng Sierra Madre ay puno ng palapa at kugon. Ito ang
ginagamit nila bilang bubong.
- Noong dumating na ang civilized na panahon kung saan napag-aral na ang kanilang
mga anak, nagkaroon ng trabaho, nakapag-abroad, ay tumaas ang naging pag-unlad ng
pamumuhay ng mga tao dito.
- Nakabili ng konting sinasaka sa malaking lupain, nakapag-pabahay ng magaganda.
- Ang pagsasaka ang naging tulay para mapag-aral ng kanya kanyang pamilya ang
kanilang mga anak.
- Sa Italy at Canada nagsisipunta ang karamihan sa mga tao kaya nagkaroon ng pag-
unlad ang bawat pamilya.

PAARALAN SA DAMBO 1962

- Ang eskwelahan ang sentro ng barangay. Ang nagpagawa nito ay si Congressman


Lagumbai.

SIMBAHAN

- Karamihan ay Katoliko. Iilan lang ang sekta born again.


- Matagal na ang kapilya dito mga 20 years. Kubo lang ang kapilya dito noon; mga
kawayang tinadtad. Donate ng mga nagsipag-abroad galing Italy.

You might also like