Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kahalagahan ng wika

1. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay


naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman
natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

2. Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang
dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.

3. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling


komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.

4.Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan Sagisag ng pambansang


pagkakakilanlan Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng
damdamin at diwa ng mga mamamayanSa pamamagitan ng mga salita
nagkakaunawaan ang mga tao

5.Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika

sa sarili

sa kapwa

sa lipunan

kahulugan ng wika

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan
ay “dila”. Ito ay nangangahulugan ng paraan ng paghahatid ng ideya, opinion o
pananaw na maaring gawin na pasulat o pasalita. Ang wika ay isang sistema na
binubuo ng pag-unlad, pagkuha, pagpapanatili at paggamit ng mga komplikadong
sistema ng komunikasyon.
Mga katangian ng wika:
1.) may balangkas

2.) binubuo ng makahulugang tunog

3.) pinipili at isinasa-ayos

4.) arbitraryo

5.) nakabatay sa kultura

6) ginagamit

7.) kagila-gilagis

8.) makapangyarihan

9.) may antas

10) may pulitika

MGA ANTAS NG WIKA

Kolokyal/pambansa: ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang


pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga
wikang Ingles at Filipino Kolokyalismong karaniwan: ginagamit na salitang may
“Taglish” Kolokyalismong may talino: ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/Panlalawigan: wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye): pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na
nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
Kolokyal/pambansa. Pampanitikan/panitikan: wikang sumusunod sa batas ng balarila at
retorika.

Mga makrong kasanayan

Pakikinig

Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa tunog o salita na


narinig. Ang prosesong ito ay nagaganap sa pamamagitan ng auditory nerve at utak.
Nagsisilbing stimuli ang tunog na napakinggan, ito ay dadaan sa auditory nerve
papunta sa utak upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri.
PAGSASALITA

-Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng


verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika,
upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

Mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita:

Kaalaman

Kailangan alam mo ang paksa sa isang usapan.

Hindi mo malilinlang ang iyong tagapakinig.

Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.

May sapat na kaalaman sa kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.

Kasanayan

Kailangan may sapat na kasanayan sa pag- iisip ng mensahe sa pinakamaikling


panahon.

Tiwala sa sarili

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita:

Tinig-Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay


ang himig.

Bigkas-Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.

Tindig– Kailangang may tikas.

Kumpas-ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang


binibigkas kasabay ng kumpas.

Kilos– Ang mga mata, balikat, paa at ulo – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring
makatulong o makasira sa isang nagsasalita.

Talumpati– ay masining na pagpapahayag ng kaisipan,damdamin,kaalaman tungkol sa


tiyak na paksa sa tiyak na tagapakinig. Ito ay magalang na pananalita sa harap ng
publiko hinggil sa mahalaga at napapanahong paksa na nagbibigay
kaalaman,nagtuturo,naghihikayat, nagpapagan apo nanlilibang.

Layunin ng Talumpati
Mapabatid ang mga mahalagang ideyatungkol sa paksa

Pukawain ang madla

Makapagpanatili ng antensyon,interes at makapagpakilala sa isang hinagap


Makapagbigay ng kasiyahan sa madla

Makapagpaniwala sa mga tagapakinig sa mgapaksang binabangit

Anyo ng Talumpati

Impromtu

Maluwag o Daglian

Handa

Pagbasa

Ano ba ang pagbasa?

Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba


ang pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang
kaisipang nakapaloob dito. Narito ang ilan:

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya


sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid
ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang
kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang
indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na
kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng
kanyang pagkatao.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang
mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may
malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat,
at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan
at makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng
disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng
pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa
iba.Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing
pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng
mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag ni Johnston(1990) na ito’y isang kompleks o
masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng
mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng
kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong
pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay
ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Pagsulat

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang
maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag
kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalaga ang pagsulat dahil:

kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa ngayon.

Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng


resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay
bahagi ng pananagumpay.

Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng


balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo,
sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.

Mga Bahagi ng Pagsulat

Panimula

Katawan

Konklusyon

Rekomendasyon

Proseso ng Pagsulat

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming


pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang
kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-
ugnayan sa buong mundo.
Panonood

Ang Panonood ay isang kakayahang pangkomunikasyon na umuunawa sa mga


nakikitang imahe sa kapaligiran ng isang tao at ito rin ay nakakatulong sa
pagpapaunlad ng kaalaman sa pamamaraang pagkuha nang mas malalim na hinuha
mula sa mga bagay na nakita at narinig.

You might also like