Paano Ba Dapat Inoorganisa Ang Isang Lipunan?

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Riaerl Drenisse Z.

Moleta
12-Kalayaan
Paano ba dapat inoorganisa ang isang lipunan?

Sa lipunang ginagalawan natin, napakaraming mga bagay ang nagiging problema o isyu.
Magulo ang mga nasa posisyon ng gobyerno at maraming batas na ipinapatupad na tila
pumapabor sa kanilang interes. Dahil dito, sari-saring mga opinyon at perspektibo ang
inihahayag sa mga tao na ipinapakita nila sa iba’t ibang mga paraan. Ngunit sa dami ng mga
opinyon, mayroon nga bang makakapagsabi ng kung ano ang nararapat na gawin upang maging
organisado ang isang lipunan?

Para sa akin, ang tamang pag-organisa sa lipunan ay ang pagkakaroon ng maayos na


gobyerno na hindi umaabuso sa kanilang katungkulan. na Ayon kay Weber ang ​legitimacy​ ng
isang domination ay nakadepende sa sitwasyon ng nasa katungkulan at sa sumusunod dito.
Sinasabi niya na ang “dominance” ng awtoridad ay nakadepende sa pagsunod ng mga “obedient
staffs”. Maaring bumaba ang domination kung lalaban ang mga “obedient staffs” sa nakakataas
sa kanila. Sinabi rin niya na magkaiba ang ​authority​ at ang ​power.​ Sa depinisyon niya, ang
authority​ ay pagpapasunod ng tao nang hindi nangangailangan ng pananakot sa kanila.
Samantalang ang ​power​ ay ginagamit ng iba sa pamamagitan ng pananakot upang ang tao ay
mapasunod. Para sa akin, dapat ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi natatakot sa
gobyernong namumuno sa kanilang lipunan. Sa halip, dapat sinusunod nila ito sa pagnanais na
magkaroon ng mas maayos na bayan.

Pangalawa, dapat marunong makinig ang gobyerno sa hinaing ng taumbayan. Mahalaga


ang pagkakaroon ng opinyon mula sa publiko dahil sila ang direktang naapektuhan ng mga batas
na ipinapatupad ng gobyerno. Ayon kay Habermas, mahalaga ang ​public sphere​ dahil ito ay ang
tumutuligsa sa mga kamalian ng awtoridad. Ito rin ay ang pagiging bukas sa lahat nang walang
pangmamataas o pangmamaliit sa kapwa dahil sa estado sa buhay o paraan ng pamumuhay. Ito
rin ay talastasan upang makapaghayag ang lahat ng opinyon base sa kanilang mga perspektibo.
Ayon sa kanya, nagkaroon ng ​bourgeois public sphere​ kung saan ang mga tao mula sa iba’t
ibang lugar ay nag-uusap at nagtatalakayan tungkol sa mga problema at isyung kinahaharap ng
kanilang bansa. Inihayag rin niya ang ​discourse theory​, ito ay binubuo ng isang siklo. Una rito ay
ang paggawa ng isang batas, ito ay nagkakaroon ng direktang epekto sa mga tao kung kaya’t
natatalakay ito sa public sphere. Dito ay nag-uusap ang mga tao sa maaaring kamalian o
kakulangan ng isang batas kung kaya’t masasabi nila ang kanilang mga hinaing. Dito papasok
ang ​Political Science​ at dito mafifilter ang maaring gawin sa isang batas. Mahalaga ito dahil
dapat bukas ang mga namumuno sa lipunan sa mga pagbabago dahil ang mga batas ay para sa
ikakabuti ng tao kung kaya’t dapat makinig sila sa suhestiyon ng karamihan.

Panghuli, dapat ang mga gagawing batas ay ​sustainable.​ Ang bansang Pilipinas ay sagana
sa likas yaman kung kaya’t nararapat na pinangangalagaan natin ito. Ito rin ang nagbibigay ng
pagkakakitaan at trabaho sa ating kapwa Pilipino. Ayon kay Heidegger, Mabuting nakikita natin
ang realidad ngunit wag nating kalimutan na tignan din ang kagandahan nito. Isang magandang
halimbawa ang pagtingin ng mga tao sa mga likas yaman mula sa kalikasan, tinitignan ang mga
ito bilang ​standing reserves​ na nandoon lamang lalo na pagkailangan. Iniisip ng karamihan na
hindi ito nauubos at maaring kumuha kung gugustuhin. Kinakalimutan nila ang kagandahan nito
at ang nagagawa nito sa mga hayop at iba pang nabubuhay. Dito pumapasok ang konsepto ng
enframing na ipinakilala niya, maraming mga tao ang nakikita ang ​standing reserves​ lalo na pag
kailangan nila. Hinahanap nila ang maaring gawin dito nang hindi pinag-iisipan kung
nakakadulot ba ito ng pagkasira sa kalikasan.

Sa pangkalahatan, maaring magkakaiba ang opinyon ng tatlong ito. Ngunit masasabi


kong lahat sila ay may konsepto at punto na maari nating ikonsidera sa paggawa ng isang ideyal
na lipunan. Maraming tunggalian na mahirap iresolba lalo na’t malaki ang pagkakaiba-iba ng
mga Pilipino. Maraming pinaglalaban at ninanais makuha ang mga tao. Ngunit wag natin
kalilimutan na may pag-asa pa tayo, lalo na kung ang lahat ay magkakaisa at gagawin ang
tungkulin upang mapaunlad ang lipunang ito.

You might also like