Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Luntiang kapaligiran, malamig na damyo ng sariwang hangin,

magandang anyo ng kabundukan at masaganing ani na hatid ng tribung


aming kinabibilangan, ito ang tribung Mangyan, isang katutubong
pangkat sa ating bayan na sa araw na ito’y magbibigay pasasalamat sa
seremonyang ritwal na ito upang purihin ang Maykapal sa mga
produktong aning ipinagkaloob sa amin sa panahon ng anihan.
Pagtatanim ang pangunahing kabuhayan ng tribong mangyan.
Pagkakaingin at pagtatanim ng saging, kape, gabi, mais at iba pang
gulay. Ang mga ito na rin ang kanilang kinakain sa araw-araw at
dinadala nila sa mga palengke o “tianggean” upang pagkakitaan. Bukod
sa mga bundok, lubhang mahalaga rin sa tribong Mangyan ang mga ilog.
Doon sila kumukuha ng tubig na maiinom at panggamit na rin sa
paliligo, paglalaba at iba pa. Ginagawa rin nilang daanan ang ilog sa
pamamagitan ng mga balsa. Kaya sa araw na ito, kaming katutubong
pangkat ng ating bayan na nagmula sa komunidad ng mga mangyan ay
inyong saksihan.

You might also like