Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAGSISIYAM SA MAHAL NA PUSO NI HESUS

(“No Mas Amor Que El Tuyo”: a Filipino song for the Sacred Heart of Jesus)

No Mas Amor Que El Tuyo Walang Higit na Pagibig


No mas amor que el Tuyo Walang higit na pag-ibig,
O corazon divino, O Mahal na Puso
El pueblo Filipino, Ang bayang Pilipino
Te da su corazon. Alay sa puso mo
En templos y en hogares, Sa templo sa tahanan,
Te invoque nuestra lengua, sambit naming ang ‘Yong ngalan.
Tu reinaras sin mengua Maghari kang tunay
De Aparri hasta Jolo. Sa Aparri hanggang Jolo.
Coro: Koro:
Ha tiempo que esperamos Malaon na naming pangarap
Tu imperio en el Oriente, Paghahari mo sa Silangan,
La fe de Filipinas Pananampalataya nami’y
Es como el sol ardiente, ‘singwagas ng araw
como la roca firme, Sintatag ng kabundukan
Inmensa como el mar. sinlawak ng karagatan
La iniquidad no puede Kailanma’y di pabibihag,
Ser de estas islas duena bayan mo sa kasalanan
Que izada en nuestros montes, Tanghal sa tanang dako
Tu celestial ensena, ang banal mong sagisag
Las puertas de infierno Ang sumpa ng karimlam
No prevaleceran. di magtatagumpay.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA PUSO NI HESUS


PANALANGIN SA ARAW ARAW
O kaibig-ibig na Puso * ng matamis kong Hesus * na pinagsidlan ng kasantu-santusang Trinidad
* ng walang hanggang kayamanan * ng karunungan at kabanalan; * buong awa Mong pakinggan
* ang aking mga kahilingan * at pagkalooban Mo ako, * Jesus ko, * ng isang pusong katulad sa
Iyo * upang marapat kong gantihin * ang walang kahulilip na pagmamahal na ipinamalas Mo sa
akin. * Mapagbayaran ko ang mga nakaraan kong pagkukulang, * at sa pamamagitan ng kalinis-
linisang puso ni Maria * ay matamo ko * ang hinihiling ko sa pagsisiyam na ito, * kung tungo sa
lalong kapurihan ng Diyos * at kabutihan ng aking kaluluwa. Siya nawa.
UNANG ARAW
*(Dasalin ang Panalanging ukol sa bawat araw ng Pagsisiyam)
Kabanal-banalang Tagapamagitan ng tao, * Kristo Hesus, * na sa pagkakabayubay Mo sa krus *
at sa pagkakalagay Mo * sa pagitan ng Langit at Lupa, * sa pagsunod mo sa mg a utos * ng
Iyong Ama sa langit * ay tiniis mo ang pinakadustang kamatayan * upang ipagkaloob sa amin *
ang buhay na walang hanggan, * at minarapat Mo * na ang isang sibat * ay magbukas sa Puso
Mo * ng isang pinto na mapapasukan * ng mga magnanasang maligtas * sa sigwa ng kasamaang
nag-uumapaw sa mundo; * mapagkumbabang isinasamo ko po sa Inyo * na tanggapin Ninyo ang
lahat ng tao * sa loob ng Inyong Pusong kabanal-banalan, * tahanan ng kapayapaan at kalusugan,
* at doon ay ipalasap Ninyo sa amin * ang lahat ng kaaliwan * na Inyong inihanda sa mga
nagmamahal sa Inyo. Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Magsikap sa pagkakawang-gawa at pagmamahal sa mga kaluluwa at gawin ang lahat ng ito
alang-alang kay Hesukristo, at pagsikapan ang pagbabalik-loob ng isang makasalanan.
IKALAWANG ARAW
Katamis-tamisang Hesus ko, * sagisag ng kapatawaran at tagapag-bayad ng aming pagkakasala.
* Isinasakit ng loob ko, * Panginoon, * na gunam-gunamin ang iyong maawaing puso * na
naglulumo sa pagkakita * na ang mga tao * ay niwawalang halaga ang iyong Kamahal-mahalang
Dugo. * Iwalay Mo sila, * Hesus ko, * sa kanilang mga maling landasin. * Bihagin Mo silang
lahat sa Inyong Mahal na Puso * at sa kaningasan ng pag-ibig nila sa Iyo. * Kamuhian nawa nila
ang kanilang kasamaan, * at pagbayaran ang kanilang kahinaan, * at kalamlaman ng pag-ibig *
sa pamamagitan ng Pagmamahal sa Iyo, * pagpupuri at paglilingkod sa iyo * ng tapat sa lahat ng
araw ng kanilang buhay. * Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at lagging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Gumawa ng anumang pagbabayad-puri, tulad ng pagdalaw sa Santisimo Sakramento, pagbibigay
ng mabuting halimbawa at paggawa ng isang pagpapakasakit.
IKATLONG ARAW
O Hesus ko, * tunay na taga-samba ng Kataas-taasang Kamahalan, * na nagturo sa amin na
manatili sa pananalangin * sa gitna ng mga paghihirap * sa halamanan ng Hetsemani. *
Hinihiling ko po, Panginoon, * sa pamamagitan ng mga pakinabang* ng Inyong
Kamahalmahalang Puso, * na turuan Ninyo akong manalangin * at manatili sa pananalangin *
kahit na wala sa loob ko, * labag sa loob ko, * at mabigat sa loob ko ang manalangin. * Siya
nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Magparaan ng 15 saglit (minuto) sa pananalanging matahimik o hayag man sa harap ng
Santisimo Sakramento o anumang larawan ni hesus.
IKA-APAT NA ARAW
O Kaibig-ibig na Hesus! * Alang-alang sa maalab na ningas ng pag-ibig * na nag-uumapaw sa
Iyong Puso sa Belen, * sa huling hapunan, at sa Kalbaryo, * buong pagmamahal kong hinihiling
* na sa papagningasin ang isang titis * ng Banal na Pag-ibig na iyan sa Puso ko * upang mag-
alab ang dibdib ko * sa pagnanasa sa Kaluwalhatian ng Diyos * at kaligtasan ng tao. * Siya
nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Sikapin ang kalinisan ng kaluluwa at katawan upang tayo ay maging marapat na dambana ng
Espiritu Santo. Gumawa ng mga hibik ng pag-ibig sa Diyos.
IKA-LIMANG ARAW
O Banal na Guro ng mga kaluluwa, * Kristo Hesus, * na upang turuan kaming gumawa at
sumunod * ay minarapat Mong tumalima * ng maraming taon * kay Jose at kay Maria * at
naging ulirang manggagawa * bilang isang anluwage; * ipagkaloob Mo sa akin; * alang-alang sa
mga kapakinabangan ng Iyong Maamong Puso, * ang biyayang matutuhan kong manalangin,
gumawa at mabuhay * ng masunurin sa aking mga pinuno * sa lahat ng kanilang ipinag-uutos *
ayon sa Iyong Banal na batas. * Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Buong kapakumbabaang sundin at galangin ang inyong mga pinuno.
IKA-ANIM NA ARAW
O maamong kordero * na binagsakan ng mabalasik na patalim * ng katarungan ng Diyos Ama
dahil sa aming kasalanan! * O Hesus ko, sagisag ng walang hanggang pag-ibig * na inihahandog
araw-araw sa aming altar. * Kaanib ng mga kapakinabangan * ng lahat ng mga banal * at aking
Ina, * bilang kabayaran ng aking mga kasalanan, * ng kalamigan at kapabayaan * ng karamihan
ng mga taong nagpapanggap * na nagmamahal at naglilingkod sa Inyo. * Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Magpasalamat ng mga biyayang tinanggap at maglingkod sa Diyos ng maluwag sa puso. Magtiis
ng anuman alang-alang sa Diyos.
IKA-PITONG ARAW
O Mahal na Hari ng langit, * Kristo Hesus, * na ipinag-kanulo ng taksil na si Hudas. * Nakiki-
anib po ako, Panginoon, * sa kabababaan ng loob na Inyong isinagawa * nang Inyong hugasan
ang mga paa ng lalong imbi * sa lahat ng tao; * at hinihiling ko po sa Inyo * na pagkalooban
Ninyo po ako * ng kababaang loob * at katamisan ng Puso * upang patawarin ko at ibigin ang
aking mga kagalit * at ang mga may masamang nasa sa akin. * Nawa ay ibigin ko silang lahat *
ng buong puso * alang-alang sa pag-ibig ko sa Inyo. * Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Gumawa ng isang pagpapakababang-loob at sikapin ang pakikipagkasundo sa mga
pinagkasalanan sa pamamagitan ng paghingi ng tawad.
IKA-WALONG ARAW
O Pinakamaawaing Hesus, * na ang iyong buhay ay naging isang pagpapala sa tao * at hindi Mo
pinababayaan * ang pananalangin at pamamagitan * sa iyong Ama sa langit * sa kanilang
kapakanan. * Pakapakinggan Mo, * Mahabaging Puso, * ang aking mga hiling * at ipagkaloob
Mo sa akin ang biyaya na makilala Ka, * ibigin at sambahin ng lahat ng tao; * at masumpunagan
nawa ng lahat * ng dumudulog sa Iyo na humihingi ng tulong, * sa Iyong pusong maka-Ama *
ang kanilang kaaliwan. Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Buong pusong idalangin ang kaligtasan ng mga tao at ang kapayapaan ng mga kaluluwa sa
Purgatoryo alang-alang sa mga pakikinabang ng puso ni Hesus.
IKA-SIYAM NA ARAW
O Kabanal-banalang Hesus, * na nagmahal ng labis sa tao at minarapat ipahayag sa amin * ang
Inyong Pusong Kaibig-ibig * na naliligiran ng koronang tinik, * napaimbabawan ng isang krus, *
at pinaglagusan ng isang sibat * upang makilala namin ang dalisay Mong Pag-ibig. * Ipagkaloob
Mo sa akin, * Hesus ko, * ang biyayang samantalahin ko * ang kayamanang iyan * at sa Kaniya
at dahil sa Kaniya ay ibigin, * sambahin at purihin kita * magpasawalang-hanggan. * Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit, pakundangan sa
tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta Margarita Maria
Alacoque.)
Pinuno: Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.
Bayan: Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.
Pinuno:
Kabanalan
Sikaping mapalaganap ang pamimintuho sa Mahal na Puso ni hesus at akitin ang sinuman upang
maanib sa Apostolado ng Panalangin.

HULING PANALANGIN ARAW ARAW SA AMANG WALANG HANGGAN


O Ama ng kaawaan * at Diyos ng kaaliwan! * Kahi’t dukha at di marapat dahil sa aking mga
kasalanan, * ay nangahas po akong lumagay * sa harap ng Inyong kamahalan * upang ihain sa
Inyo ang pusong banal * ng Inyong mahal na Anak, * na sa Kaniya at dahil sa Kaniya, * ay
iniibig at sinasamba po Kita * sa ngalan ng sa Inyo ay hindi nagmamahal * at hindi sumasamba*
bilang isang Ama at isang Diyos; * sa kaniya at dahil sa Kaniya * ay nais kong magbayad-puri sa
mga pag-alipusta, * paglait at kalapastanganan ng tao * sa Santisimo Sacramento ng Eukaristiya;
* Sa Kaniya at dahil sa Kaniya * ay nais kong pagbayaran sa Inyong kamahalan * ang lahat ng
pagkakautang ng lahat ng tao; * sa Kaniya at dahil sa Kaniya * ay inihahain ko ang lahat ng
kapakinabangan * ng mga banal * at ng mga kaluluwang tinubos * ng Kamahal-mahalang dugo
ni Hesus. * Huwag Ninyong itulot, * Amang kaibig-ibig, * na mapahamak kailanman * ang kahit
isang kaluluwa * sa mga tumatawag at dumudulog sa Inyo * sa pamamagitan ng Mahal na Puso
* ng Kaibig-ibig Ninyong Anak. * Sa Kanyang pamamagitan ay hinihiling ko sa Inyo, * Diyos
ko, * ang pagbabalik-loob ng mga kulang sa pananampalataya, * ang pagkabawas ng bilang ng
mga di nananalig, * ang kaligtasan ng mga makasalanan, * ang pananatili ng mga banal, * ang
kasaganaan ng Iglesya Katolika, * ang kapayapaan at pagkakasundo ng mga bayang Kristiyano,
* at ang kabanalan ng lahat ng tao. * Inihahain ko rin sa Inyong kamahalan * na nakapaibabaw
sa Puso * ng inyong Bugtong na Anak ang Inyong mga alipin * at ang mga adhikain ng aking
puso. *
(Dito ay banggitin ang mga taong nais na idalangin sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at
tuloy hilingin ang mga biyayang nais makamtan sa pagsisiyam na ito.)
Hinihiling ko po sa Inyo, * Diyos ko, * na pagkalooban Ninyo kaming lahat * ng isang pusong
maamo * at mababang-loob * at sa lahat ng bagay * ay tulad ng kay Hesus; * puspusin Ninyo
kami, * Panginoon, * ng inyong Banal na diwa; * panatilihin Ninyo kami sa Inyong piling * at
pagkaloob sa akin ang hinihiling ko sa inyo * sa pagsisiyam na ito * kung tungo sa lalong
kapurihan ng Diyos * at kabutihan ng aking kaluluwa. * Siya nawa.

LITANYA SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS


Pinuno: Panginoon, maawa ka sa amin.
Bayan: Panginoon, maawa ka sa amin.
Pinuno: Kristo, maawa ka sa amin.
Bayan: Kristo, maawa ka sa amin.
Pinuno: Panginoon, maawa ka sa amin.
Bayan: Panginoon, maawa ka sa amin.
Pinuno: Kristo pakinggan mo kami.
Bayan: Kristo pakinggan mo kami.
Pinuno: Kristo pakapakinggan mo kami.
Bayan: Kristo pakapakinggan mo kami.
Amang Walang Hanggan, Diyos ng Sangkalangitan *(Maawa ka sa amin)
Anak na tumubos sa mundo, Diyos na totoo, *
Diyos Espiritu Santo, *
Santa Trinidad na iisang Diyos, *
Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang Hanggan, *
Puso ni Hesus, na nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng isang Birhen, *
Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang Hanggan, *
Puso ni Hesus, na nalangkap na lubos sa verbo ng Diyos, *
Puso ni Hesus, na walang hanggan ang Kamahalan, *
Puso ni Hesus, Banal na Templo ng Diyos, *
Puso ni Hesus, Tabernakulo ng Kataasang Diyos, *
Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng langit, *
Puso ni Hesus, maalab na hurno ng pag-ibig, *
Puso ni Hesus, balong malalim ng lahat ng Kabanalan, *
Puso ni Hesus, na Karapat-dapatan sa lahat ng Pagpupuri, *
Puso ni Hesus, na Pinagkakapisanan ng Dilang kayamanan ng karunungan at kaalaman, *
Puso ni Hesus, na tinatahanan ng buong Pagka-Diyos, *
Puso ni Hesus, na lubhang kinalulugdan ng Ama, *
Puso ni Hesus, na sa Iyong kasaganaan ay nakikinabang kaming lahat, *
Puso ni Hesus, na pinagnaisan ng mga burol na walang hanggan, *
Puso ni Hesus, na matiisin at lubhang maawain, *
Puso ni Hesus, Kayamanan ng tanang tumatawag sa Iyo, *
Puso ni Hesus, Bukal ng kabuhayan at kabanalan, *
Puso ni Hesus, Panglubag ng galit ng Diyos dahil sa aming kasalanan, *
Puso ni Hesus, na tigib ng karuwahaginan, *
Puso ni Hesus, na nagkawindang-windang dahil sa aming mga kasalanan, *
Puso ni Hesus, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, *
Puso ni Hesus, na Pinaglagusan ng isang sibat, *
Puso ni Hesus, Batis ng dilang kaaliwan, *
Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming magmuli, *
Puso ni Hesus, handog dahil sa aming kasalanan, *
Puso ni Hesus, Kagalingan ng mga nananalig sa Iyo, *
Puso ni Hesus, Pag-asa ng lahat ng namamatay sa Iyong grasiya, *
Puso ni Hesus, Ligaya ng lahat ng mga santos, *
Pinuno: Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,
Bayan: Patawarin Mo po Kami, Panginoon namin.
Pinuno: Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,
Bayan: Pakapakinggan mo po kami, Panginoon namin.
Pinuno: Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpang,
Bayan: Kaawaan mo po kami, Panginoon namin.
Pinuno: Hesus, maamo at mababang loob.
Bayan: Gawin Mo na ang Puso namin ay matulad sa Puso Mo.

PANALANGIN
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, * lingapin Mo po * ang puso ng Iyong lubhang
masintahing Anak * at ang mga pagpupuri at kabayarang inihain sa iyo * sa ngalan ng mga
makasalanan, * at ipagkaloob mong malumanay * ang kapatawaran sa mga nagmamakaawa sa
Iyo * sa ngalan din ni Hesukristong Anak Mo, * na kasama Mong nabubuhay at naghahari * sa
kasamahan ng Diyos Espiritu Santo, * magpasawalang hanggan. * Siya nawa.

Sabay sabay kantahin:


O Sacred Heart, O Heart divine
O Sacred Heart, O Heart divine
Do keep us near to thee
And make our love so like to Thine
That we may Holy be

Refrain:
Heart of Jesus hear
O heart of love divine
Listen to our prayer
Make us always Thine

O temple pure, O house of gold


Our heaven here below
What sweet delight
What wealth untold
From Thee do ever flow

Heart of Jesus hear


O heart of love divine
Listen to our prayer
Make us always Thine

You might also like