Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III Gitnang Luzon


Sangay ng Bulacan
Distrito ng Sta. Maria
Santa Maria, Bulacan

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

I. LAYUNIN:

Pamantayan Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga ng iba’t ibang kwento
ang mga sagisag na naglalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pagmamalaki sa iba’t ibang kwento at sagisag na
naglalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


AP3KLR-IIa-b-1 Naisasalaysay ang pinag-mulan ng sariling lalawigan at karatig na lalawigan
sa pamamagitan ng malikhaing pamamahayag at iba pang sining (Santa Maria)

II. NILALAMAN

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro LM Pahina 98 -106
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

B. Kagamitan: Power Point Presentation, Manila paper, Pentel Pen

III. PAMAMARAAN:
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Paano nakatutulong ang mabuting pangangasiwa sa likas na yaman sa pag-unlad ng ating
sariling bayan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ano ang pagkakaunawa n’yo sa salitang “pinagmulan”?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ano ang pinagmulan ng pangalan ng iyong barangay?
Alamin natin ang pinagmulan ng ibang bayan at lalawigan.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Pagtatalakay sa teksto
 Paano nabuo ang Rehiyon?
 Pinagmulan ng Lalawigan ng Pampanga
 Lalawigan ng Nueva Ecija
 Lalawigan ng Bulacan
Pagsagot sa ilang tanong sa lalawigan

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Pagsasagawa ng Gawain A LM p.105
Indibidwal na Gawain

F. Paglinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
Presentasyon ng Gawain

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Masasabi ba ninyong makatotohanan ang pinagmulan ng lalawigan ng Pampanga? ng
Bulacan?ang ating bayang Santa Maria?

H. Paglalahat ng Aralin
Paano nabuo ang mga lalawigan sa rehiyon?
Saan nagmula ang pangalang Pampanga at Bulacan?
Saan nagmula ang Santa Maria?

I. Pagtataya:
Isalaysay sa pamamagitan ng maikling talata ang pinagmulan ng sariling lalawigan at
karatig lalawigan natin. (Bayan ng Santa Maria)

J. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa pinagmulan/kasaysayan ng iyong lalawigan.

Inihanda nina:

Sta. Maria West District


Sta. Maria Central District
Sta. Maria East District

Pinagtibay ni:

VIRGILIO L. LAGGUI, Ph.D.


Education Program Supervisor I – Araling Panlipunan
Schools Division of Bulacan
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III Gitnang Luzon
Sangay ng Bulacan
Distrito ng Sta. Maria
Santa Maria, Bulacan

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

I.LAYUNIN:

Pamantayan Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga ng iba’t ibang kwento
ang mga sagisag na naglalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pagmamalaki sa iba’t ibang kwento at sagisag na
naglalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


AP3KR-IIg-6 Natatalakay ang kahulugan ng “official hymn” at iba pang sining na
nagpapa-kilala ng sariling lalawigan at rehiyon (Santa Maria)

II. NILALAMAN

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro LM Pahina 156-162
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

B. Kagamitan: Power Point Presentation, tsart ng opisyal hymn

III. PAMAMARAAN:
A. .Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Iparinig sa mga bata ang pambansang awit ng Pilipinas

 Ano ang pamagat ng pambansang awit?


 Paano mo dapat inaawit ang pambansang awit ng Pilipinas?
 Bakit mahalaga ang magkaroon ng pambansang awit?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Bukod sa pambansang awit, anong himno ang inaawit nyo sa paaralan?

Ano ang isinasaad ng himno ng inyong paaralan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Narinig n’yo na ba ang awit tungkol sa ating bayan at lalawigan?
Paano inilalarawan ang ating bayan at lalawigan ng awit na ito?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Ipaskil ang sipi ng official hymn ng lalawigan at ng bayan ng Santa Maria at ipabasa nang
malakas. Iparinig ang himig ng awit. Talakayin. Sagutin ang mga tanong tungkol sa Himno ng
Santa Maria at Himno ng Bulacan.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Isagawa ang Gawain A
LM p. 171

F. Paglinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
Pagpapakitang-gawa (Ipaawit ang Himno ng Santa Maria)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Mahalaga ba para sa isang bayan at lalawigan ang magkaroon ng isang opisyal na himno?
Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin
Bakit dapat alamin o pag-aralan at matutuhan ang opisyal na himno ng lalawigan?

I. Pagtataya:

Pagpuno sa patlang ng liriko ng “Himno ng Santa Maria”.

Ang silahis ng umaga


Ginto’t butil ng ___________
Aming bayan sakdal ganda
Birhen _________ ng Sta. Maria
Taas Noo at buong giting
Anak ________ kami ay galing
Aming dangal hanggang libing
Isang ________ di alipin.
Aming bayang sinilangan
Tula at awit nitong buhay
Natitik na sa kasaysayan
Sta. Maria bayan kong _________
Oh bayan o bayan kong mahal
Pinagpala ka ng maykapal
O bayan, o bayan kong mahal
_____________ mo’y laging iingatan.

J. Takdang Aralin:

Palapatan ng angkop na kilos ang awitin. Ipakita ito sa klase.

Inihanda nina:

Sta. Maria West District


Sta. Maria Central District
Sta. Maria East District

Pinagtibay ni:

VIRGILIO L. LAGGUI, Ph.D.


Education Program Supervisor I – Araling Panlipunan
Schools Division of Bulacan

You might also like