Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Filipino 8 | S. Y.

2016 – 2017 Pahina 1 ng 4

Pangalan: Ikaapat na Markahang Pangkat Marka


Pagsusulit O St. Agnes
O St. Catherine
Filipino 8
I. Pagsusulit sa Pakikinig
Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing teksto ng guro, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.
________ 1. Sino ang Bathalang tinutukoy sa teksto?
________ 2. Saan nakatira si Bathala ayon sa teksto?
________ 3. Ano ang naisipang gawin ni Bathala upang malunasan ang labis na kalungkutan?
________ 4. Saan gawa ang kanyang lilikhaing tao?
________ 5. Saan iniluto ni Bathala ang kanyang nilikhang tao?
________ 6. Kanino inihalintulad ang unang ginawa ni Bathala?
________ 7. Anong katangian mayroon ang ikalawang hinubog ni Bathala?
________ 8. Ano ang kulay ng ikatlong pagsubok ni Bathala sa paggawa ng tao?
________ 9. Kaninong lahi ng tao inihalintulad ang ikatlong pagsubok ni Bathala sa paggawa
ng tao?
________ 10. Ano ang pamagat ng tekstong napakinggan?

II. Pagbasa
Panuto: Basahin at unawain ang inilalahad ng bawat teksto at pahayag at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat nang MALALAKING TITIK ang tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
BAWAL ANG MAGBURA.
Bilang 11 - 15
Sa mga panaghoy ni Florante ay pamamaalam na ang naririnig mula sa kanya. Nagsasaad siya ng
pamamaalam kay Laura nang biglang dumating ang dalawang leong akmang kakain sa kanya. Subalit
himalang huminto ang mga ito at tila tumitig at nakinig sa kanyang panaghoy. Nagpaalam din siya sa
bayan niyang Albanya. Nabanggit din niya ang kanyang hinanakit hindi lamang sa kanyang bayan kundi
maging kay Laura dahil inakalang tinalikuran na siya ng dalaga sa harap ng nakaambang kamatayan.
_____ 11. Ang binasang teksto ay tungkol sa ________ ni Florante.
A. pamamasyal B. pakikipagtunggali C. pamamaalam D. pakikipagsapalaran
_____ 12. Anong damdamin ang namayani sa tekstong nabasa?
A. kaligayahan B. pangamba C. kalungkutan D. pagkabalisa
_____ 13. Anong emosyon ang naramdaman ng mga leon habang nakatitig kay Florante?
A. pagkabigla B. pagkaawa C. pandidiri D. pagkasabik
_____ 14. “Nabanggit din niya ang kanyang hinanakit hindi lamang sa kanyang bayan kundi maging
kay Laura” Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa itaas?
A. tuwa B. tampo C. takot D. lungkot
_____ 15. Mula sa binasang teksto, anong kilos ang maaaring maglarawan sa salitang panaghoy?
A. pagtulog B. pag-iyak C. pagkanta D. pag-iisip

Bilang 16 – 20
Dumating na araw ng pagtatanghal ng dula sa Atenas na labis na pinaghandaan ng mga mag-
aaral. Napiling gumanap sina Florante at Adolfo bilang sina Etyokles at Polinese, mga anak ni Edipo na
kapwa pinag-aagawan ang trono sa pagiging hari. Nabahiran ng karahasan ang nasabing pagtatanghal
dahil ginamit ni Adolfo ang pagkakataong ito at isiniwalat ang kanyang pagbabalat-kayo dahil sa
matinding pananaghili kay Florante. Tototohanin sana ni Adolfo ang pagpatay kay Florante kung hindi
lang sana nasalag ni Menandro ang espada ng binata at nabitawan ito. Kinabukasan ay nabalitaan nilang
inihatid na si Adolfo sa Albanya.

_____ 16. Ano ang naganap sa Atenas na pinaghandaan ng mga mag-aaral?


A. pagtatalumpati B. pagsayaw C. paglalaro D. pagtatanghal
_____ 17. Sino ang nagligtas sa buhay ni Florante mula sa kapahamakan sa dula-dulaan?
A. Etyokles B. Polinese C. Adolfo D. Menandro
Filipino 8 | S. Y. 2016 – 2017 Pahina 2 ng 4

_____ 18. “Kinabukasan ay nabalitaan nilang inihatid na si Adolfo sa Albanya.” Ano ang nais
ipakahulugan ng pahayag sa teksto?
A. nasiyahan ang paaralan sa ginawa ni Adolfo kay Florante
B. pinatalsik sa Atenas si Adolfo
C. nabigyang parangal si Adolfo sa kanyang pagganap bilang Polinese
D. hindi nasiyahan ang ama ni Adolfo sa pagganap ng kanyang anak
_____ 19. “...ginamit ni Adolfo ang pagkakataong ito at isiniwalat ang kanyang pagbabalat-kayo dahil sa
matinding pananaghili kay Florante.” Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. pagpapanggap B. paglalahad C. pagkukunwari D. paglantad
_____ 20. Batay sa pagkakagamit sa pangungusap, ano ang kasingkahulugan ng salitang pananaghili?
A. paghanga B. inggit C. pagsinta D. tuwa
Para sa bilang 21 – 30, tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit sa saknong.
BAWAL ANG MAGBURA.
149 “Ipinahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako’y Pers’yano,
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.”
_____ 21. Magkatoto
A. magkapareho B. magkaaway C. magkaibigan D. magkaiba
198 “Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin”
_____ 22. Hilahil
A. pagsubok B. tagumpay C. kapayapaan D. paglingap
_____ 23. Bathin
A. tawanan B. tanggapin C. tiisin D. unawain
89 “Katawan mo ama’y parang namamalas
ngayon ang bunso mong lugami sa hirap
pinipisang-pisang at iniwawalat
ng pawa ring lilong berdugo ng sukab.”
_____ 24. Lugami
A. lugmok B. masaya C. malugkot D. nakalampas
_____ 25. Lilo
A. tapat B. marahas C. taksil D. malumanay
171 “Iyong natatanto ang aking paglingap
anitong persyano sa nababagabag
simula ng hirap ibig kong matatap
at nang kung may daa’y malagyan ng lunas”
_____ 26. Nababagabag
A. nagsasalita B. nananaway C. natatakot D. naliligalig
_____ 27. Matatap
A. magpaalam B. maunawaan C. matapos D. maiyak

209 “Mahinhin ang asal at hindi magaso


at kung lumakad pa’y palaging patungo
mabining mangusap at walang katalo,
lapastanganin ma’y hindi mabubuyo.”
_____ 28. Katalo
A. kakampi B. kasangga C. kabagang D. kaaway
_____ 29. Lapastanganin
A. bastusin B. arugain C. kilalanin D. respetuhin
Filipino 8 | S. Y. 2016 – 2017 Pahina 3 ng 4

_____ 30. Mabubuyo


A. matutuwa B. makikinig C. magagalit D. masisikil

III.
A. Panuto: Piliin ang titik ng bahagi ng pangungusap na nagpamali rito. Kung walang mali, piliin ang huli.
BAWAL ANG BURA.

_____ 31. Hindi naiwasan nina Melanie ang malungkot dahil sa pagkawala ng alagang aso. Walang mali
A B C D
_____ 32. Natuwa sina Grace at Abby sa panonood ng pelikula tungkol sa kapaligiran. Walang mali
A B C D
_____ 33. Ang pancit na niluto ng nanay ay para kina Erin. Walang mali
A B C D
_____ 34. Ang buong klase ay kinausap nina Mary tungkol sa takdang aralin. Walang mali
A B C D
_____ 35. Nasaktan nang labis ang mag-aaral dahil sa pag-alis ng kanilang guro. Walang mali
A B C D
_____ 36. Ipinagtanggol ni Ayen ang kanyang sarili mula sa magnanakaw. Walang mali
A B C D
_____ 37. Lahat ay nakilahok sa mga gawaing inihanda ng paaralan maliban kay Emerald. Walang mali
A B C D
_____ 38. Nakiisa din ang mga kalapit-baranggay upang tulungan ang mga mamamamayang nasunugan.
A B C
Walang mali.
D
_____ 39. Katulad ko, nabasa at kinagiliwan raw ni Emily ang aklat tungkol sa mga bituin. Walang mali
A B C D
_____ 40. Sa paglipas ng panahon, nakaramdam din ng pangungulila si Roanne sa pag-alis ng ama.
A B C
Walang mali
D
_____ 41. Ikaw pala ang nautusan ng guro upang kuhanin sa mesa ang naiwan niyang aklat? Walang mali
A B C D
_____ 42. Ang mga guro ay natutuwa sa inihandang sorpresa ng mga mag-aaral para sa kanila kahapon.
A B C
Walang mali.
D
_____ 43. Ang mga mag-aaral ay sinasagutan nang maayos ang kanilang pagsusulit. Walang mali
A B C D
_____ 44. Pinagsabihan ng ina si Erwin dahil sa madalas na pag-uwi nang gabi. Walang mali
A B C D
_____ 45. Magiging abala ang bawat mamamayan dahil sa naganap na pista. Walang mali
A B C D
_____ 46. Upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya, nagtrabaho si Luz sa Oman.
A B C
Walang mali
D
_____ 47. Mahalaga ang suporta ng mga magulang kaya mapabuti ang kalagayan ng mga anak.
A B C
Walang mali.
D
_____48. Kapag hindi siya nakapunta ay ikaw ang papalit sa kanya sa pagbabantay. Walang mali
A B C D
_____ 49. Sasama ako sa iyong manood ng pelikula kung ihahatid mo ako pauwi. Walang mali
A B C D
Filipino 8 | S. Y. 2016 – 2017 Pahina 4 ng 4

B. Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang iba’t ibang ingklitik sa bawat bilang. Salungguhitan
ang ginamit na ingklitik sa pangungusap.

50. NGA
__________________________________________________________________________________________
51. SANA
__________________________________________________________________________________________
52. LANG
__________________________________________________________________________________________
53. YATA
__________________________________________________________________________________________

C. Panuto: Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang mga pandiwang nasa aspektong hinihingi sa bawat
bilang. Ikahon ang pandiwang ginamit sa pangungusap.

54. MUHI (Imperpektibo)


__________________________________________________________________________________________
55. KANTA (Katatapos)
__________________________________________________________________________________________
56. LUTO (Kontemplatibo)
__________________________________________________________________________________________

D. Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng pangatnig na hinihingi sa bawat
bilang. Bilugan ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.

57. PAGBUBUKOD
__________________________________________________________________________________________
58. PAGBIBIGAY-LAYUNIN
__________________________________________________________________________________________
59. PAGSALUNGAT
__________________________________________________________________________________________
60. PAGLALAHAD NG BUNGA
__________________________________________________________________________________________

“Kung malubak man ang daan patungong tagumpay,


huwag panghinaan ng loob upang maiangat ang buhay.”
-Ma’am Ignacio

You might also like