Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Anyo at Uri ng Panitikan

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng


pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil
sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang
uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay
na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit


nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil
sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela
at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao


hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito

l. Balita Panitikan, Akdang Tuluyan, at Akdang Patula


Filipino sa Ikatlong Taon

PANITIKAN- ay isang nakasulat na kasaysayan ng lumipas at kasalukuyang


panahon na isinusulat ng makasining na pamamaraan, tungkol sa buhay ng tao,
karanasan, pag-ibig, pananampalataya, tradisyon at iba pa.

URI NG PANITIKAN

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng


patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.

MGA AKDANG TULUYAN

1. NOBELA - isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.

2. MAIKLING- KWENTO - salaysaying may isa o ilang tauhan na may isang


pangyayari sa kakintalan.

3. DULA - itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.

4. ALAMAT - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.

5. PABULA- mga salaysayin ding hubad sa katotohanan na ang mga tauhan ay


mga hayop. Ang la
yunin ng pabula ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring
makahuhubog ng kanilang ugali at kilos.
6. ANEKDOTA - mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling
salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga
mambabasa.

7. SANAYSAY - ito'y nagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may akda


tungkol sa isang suliranin o pangyayari.

8. TALAMBUHAY- isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.

9. BALITA - isang paglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa


lipunan, pamahalaan, mga
industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa.

MGA AKDANG PATULA

APAT ( 4 ) NA URI NG TULA

1. TULANG PASALAYSAY - naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o


pangyayari sa buhay tulad ng kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin sa buhay at
panganib sa pakikipagdigma o kagitingan ng mga bayani.

A. EPIKO - nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao na hindi kapani-


paniwala at puno ng kababalaghan

halimbawa: Indarapatra at Sulayman, Biag ni Lam-ang

B. AWIT at KURIDO- tungkol sa mga paksang may kinalaman sa mga


dugong bughaw na ang
layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo na dala ng mga Kastila.

halimbawa: Ibong Adarna

C. BALAD- tulang inaawit habang may nagsasayaw . Ginagawa ito noong


matagal na panahon.

2. TULA NG DAMDAMIN O LERIKO - ito'y tulang inaawit.


A. AWITING BAYAN - awitin na inialay sa bayan.

halimbawa; Bayan Ko, Magkaisa, Bahay- Kubo

B. SONETO - nagtataglay ng mga aral sa buhay. May labing - apat na


taludtod. Ang nilalaman
ay tungkol sa damdamin at kaisipan.

C. ELEHIYA - tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.

D. DALIT - ito ay tulang pagbibigay pugay sa dakilang lumikha at may


kahalong pilosopiya sa buhay.
- nagsisimula bilang awit tungkol sa relihiyon.

E. PASTORAL- tula na tungkol sa buhay sa bukid.

F. ODA- ito ay pagbibigay pugay sa nagawa ng isang tao, masigla ang


nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

3. TULANG DULA o PANTANGHALAN - tula na itinatanghal sa entablado.

A. KOMEDYA -

B. MELODRAMA -

C. TRAHEDYA -

D. PARSA -

E. SAYNETE -

4. TULANG PATNIGAN - palipahan ng husay sa pagbigkas ng tula.

A. KARAGATAN -

B. DUPLO -
C. BALAGTASAN - Oyayi o ayayi o awiting panghele sa bata

Diyona o awitin tungkol sa kasal


Kundiman o awitin ng pag-ibig
Kumintang o awit pandigma
Soliranin o awit sa paggagaod
Tikam o pandigmang awit na pang-akit sa pakikihamok at mayroon namang pagbati sa bayaning
nagtagumpay
Talindaw o awit sa pamamangka
Kutang-kutang o awiting panlansangan
Maluway o awit sa sama-samang paggawa
Sinaunang Panahon

Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing
karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya.

Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat,
kaligayahan, kasaganaan at iba pa.

Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng
kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga
kasabihan.

Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang
paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng
panghuhula.

Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan,
pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.

Panahon ng Kastila

Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang
pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang
palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo
ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga
pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga
tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang
misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod.
Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at
tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating
mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa
alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok
na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa
layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-
asal.

ANG MGA MAKATA NG PANAHON ng amerikano

1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang
unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag).

2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua
Tagala na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na
Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak
ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay
kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog.

3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit.

4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la


Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino
noong panahong iyon.

5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong
kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni
Pinpin.

6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng
panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit.

7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan
ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay
ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang
Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad.

8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa
aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog.

MGA AKDANG PATULA

1. Bugtong

2. Sabi o Kasabihan

3. Salawikain

4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan


5. Pasyon

6. Awit at Korido

MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN

1. Karagatan

2. Duplo

3. Dalit

4. Juego de Prenda

5. Panubong o Pamutong

Panahon ng hapon

Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga


dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na
"Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class".

Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di
pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang
kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang
panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka
ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa
pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan.

Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang
kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang
karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing
kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang
ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga
prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan.

Mga Manunulat at Kanilang akda

1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino)

- Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam)

2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas


Panahon ng Himagsikan

Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano.
Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging
makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa
pamahalaan.

Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan
sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy
pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga
Pilipino.

Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng
mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante
Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano.

Mga manunulat at kanilang Akda

1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas

- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan

3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos )

4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas)

panahon ng amerikano

Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa ay
nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang
mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga
tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap
sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong
kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing
pagbabago ng lipunang Pilipino.

Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may
sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito
ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit
unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang
inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng
isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose
Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan.

Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang
mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa
ang sagot.

Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa
anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda.

Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga
nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga
karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga
awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan.

Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe
sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E.

May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang
mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa
telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang
"People's Power."

Kung ano ang itinaas-taas,Siyang binaba-baba sa pagbagsak.Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng
pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ngmatatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan (Talindaw,
p.3). Ito ay may estrukturang apat nataludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Halimbawa:Magdalita
ang niyog,Huwag magpakatayog;Kung ang uwang ay umuk-ok Masasaid pati ubod.Ang Tulang Pambata.
Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno.Ito rin ay nagpapahayag at
nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.Halimbawa:Putak, putak!Batang
duwag!Matapang ka't nasa pugad!Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di
nakikitang espirito gaya ng mgalamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay
humihingi ng ngpasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang
pangyayari.Halimbawa:Tabi, tabi po, IngkongMakikiraan po lamang.Bari-bari ApoUmisbo lang ti tao.
(Ilokano)Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak
napaksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan,relihiyon, at
kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaít ibang uri nito, isa angtalindaw. Ang
talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig.Ikatlo, ang Kumintang
ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit napampatulog ng sanggol. Nabibilang rin
dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sapangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa
lansangan at marami pang iba. Halimbawa:TalindawSagwan, tayoy sumagwanAng buong kaya'y
ibigay.Malakas ang hanginBaka tayo'y tanghaliin,Pagsagwa'y pagbutihin.Oyayi o HeleMatulog ka na,
bunso,Ang ina mo ay malayoAt hindi ka masundo,May putik, may balaho.Ang Epiko. Ang epiko ay
mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagangpangyayari at kabayanihan ng isang
mamamayan. Ang katangian na makikita sa epiko ay angpagkakaroon ng kaisahan na banghay, mabilis
na aksiyon, paggamit sa mga istoryingkababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin at dakilang paksa
(Talindaw,p.6). Ang ating mganinuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal. Ipangaral sa
mamamayan ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Ang mga sumusunod ay mga iba't ibang
epikong galingsa iba't ibang tribo: una; ang epikong Biag ni Lam-ang ay galing sa mga Ilokano. Ang
epikong ito'yakda ni Pedro Bukaneg na taga-Abra na naging dalubhasa sa samtoy (Ilokano) at
Kastila.Pangalawa; ay ang Maragtas na galing sa Panay. Ito ay kasaysayan ng 10 datung Malay
natumakas sa Borneo (dahil sa kalupitan ni Sultan Makatunaw) at ng mga unang araw nila sa Panayna
kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Aeta. At ang pangatlo'y ang Alim ng mga Ipugaw.Dito
itinutukoy and pagkakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng

kagalitan at patayan sa daigdig bilang tala ng sumpa ng Bathalang si Makanungan.Sa pangkabuuan


mapapansin at mapapag-aralin natin na ang mga tula noong mga matandangpanahon ay nagpapakita
kanilang kahirapan, pagkakawagi laban sa mga kasamaan at digmaan,kasaganaan sa bukid, kaligayaan,
katapatan, at iba pang malapit sa kanilang buhay at kapaligiran.

NG P

AH

ON NG MG

STIL
A

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumatingang mga
dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino aynagkaroon ng
maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle angmga dayuhan sa ating
bansa karamihan nilaíy mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng itoay hindi lang nagpe-preach
kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kayaíy madalinilang nai-spread ang Kristianismo at
ang kulturang espanyol. This was possible since ang mgadayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng
willingness to pagkatuto at pag-unawa sa atingmga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at
panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilangmga kamay ang ating mga pusoít isipan ay sumunod din.
Dahil dito ang mga katutubong Pilipino oang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang
nabago ang anyo ng mgakatutubong tula. Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang
panrelihiyon,pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant
na saEuropa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit,at
ang Awit at Korido.Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito
aymagkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mgaEspanyol
ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksaay ayon sa bagong
pananampalataya sa Panginoong HesuCristo.Halimbawa: QuintillaUmulan man sa bundochouag sa
dacong laot,aba si casampalocnanao nang dico loobualang bauonang comot.Ang Pasyon. Ang pasyon ay
marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang
buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakantaat nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula
noong siyaía ipinanganak, dakpin, ipinako sa krushanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang
halimbawa ng pasyon sa isang saknong otaludtod:O Diyos sa kalangitanHari ng SangkalupaanMabait,
lubhang maalamAt puno ng karunungan.Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit itoíy
nagsasalaysay sa buhay niBirheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay
hinahandugan tuwingbuwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo.Ang Awit at Korido.
Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido aysalaysay sa pakikipag-ibigan
at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-punong kababalaghan. Ang awit namaíy
salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit angmga tauhan at walang sangkap na
kababalaghan.Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
Siyamarahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Angkaniyang
subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabangpasalaysay na
tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgascensura dahil nagbalat-
kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mgatotoong mambabasa ito'y may
maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang labansa imperyalismong Espanya.

NG P

N
AH

ON NG P

MB

NS

NG P

GK

MUL

Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mgaliterary
works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from

koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga promlema buhat ng pagkasakop ng mga Indio samga
Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksangmakabayan,
paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop.Ang panahong ito ay nahahati sa
dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda atpanghimagsikan. Ang unang layunin ng
propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma namanggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang
propagandista ay ang ating bayabing si Dr.Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao
upang labanan ang mg sakitt nglipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya
ang popular na tulangpinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina
GracianoLopez-Jaena at si Antonio Luna.Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang
layunin at demands sa Espanya atng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kayaíy nabuo ang
bagong kilusangPanghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas
upangmakamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang
mgaoppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si AndresBonifacio.

A
NG P

AH

ON NG MG

MERIK

NO

Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ngtatlong wika.
Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ngkalayaan ang mga
makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya,relihiyon, sosyalidad, at
pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon deJesus. Siya ay kilala rin sa
pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit atlumayo sa mga tradisyong anyo
ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taongmabababa ang kalagayan sa pamayanan.
Ang kaniyang mga gawain ay makabayanmatimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at
ang kalayaan sa kamay ng mgadayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang
mga tulang siya'y kinikilalaay ang Bayan Ko at Ang Pamana.

NG P

AH

ONG P

TUNGO S

A
P

MB

NS

NG KRISIS

Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob samga
Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minananatin sa mga
Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mgakabataang mag-aaral.
Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sakanilang pamamalakad ng
gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago anglipunan dulot ng kapitalismo,
imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si AmadoHernandez ang kinikilalang makata sa
panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo na angLuha Mo, Aking Bayan" ay naghahayag ng mga
makikitang sakit ng lipunan.
Etimolohiya

Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung meron na ikinabit ang unlaping pang- at
hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para
sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literaturarere sa salitang Wikang Latin - littera - na
nangangahulugang "titik".[2]

[baguhin]Mga uri ng panitikan

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang mga Piksyon (Ingles: fiction) at ang mga
Di-piksyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang
imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-
isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga
prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.[1]

Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang
kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging
tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento.
Kabilang sa mga hindi-bungang-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya,
talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]

[baguhin]Mga akdang pampanitikan

Mga akdang tuluyan

Anekdota

Nobela

Pabula

Parabula

Maikling kwento

Dula

Sanaysay
Talambuhay

Talumpati

Balita

Kwentong bayan

Salawikain

Kasabihan

Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang
kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

Awit at Korido

Epiko

Balada

Sawikain

Salawikain

Bugtong

Kantahin

Tanaga

Tula

[baguhin]Kaugnayan sa kalinangan

Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangang


pinagmulan nito.[1]

[baguhin]Kaugnayan sa kasaysayan

Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil dito natin makikita kung ano ang buhay ng
mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang
obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose
Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng kastila.

Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan.
Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay
ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

[baguhin]Tingnan din

Panitikan sa Pilipinas

Panitikang pambata

Pagsusuring pampanitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Realismo - nakatuon sa tauhan kaysa banghay. Binibigyang-diin na ang


tao ay obhektino at walang kinikilingan sa kanyang mga nakikita. Binibigyang-diin nito
ang katotohanan.

2. Teoryang Humanismo - naniniwala na ang tao ang sentro ng daigdig. Ang tao ang
sukatan at batayan ng kanyang paligid at sariling kapalaran.

3. Teoryang Romantisismo - may pananaw na nagbibigay-kapangyarihan sa


damdamin, imahinasyon at inspirasyon. Naniniwala na nilikha ang mundo na maganda
at walang kapintasan.

4. Teoryang Historikal - bumubusisi sa panahong kinasangkutan ng manunulat at


akdang kanyang isinulat. sumasalamin sa pagbabago ng wika, kalakaran, sistema at
pananaw na umiral sa isang panahon.

5. Teoryang Feminismo - nakatuon sa pananaw kung paano isinulat at naisusulat ang


kababaihan sa panitikan. Sinusuri ang kalagayan at imahe ng mga babae sa panitikan.

6. Teoryang Marxismo - nakatuon sa tunggalian ng uri. Binibigyang-diin ang pwersang


panlipunan tulad ng tunggaliang mayaman at mahirap na siyang batayan sa mga
KONDISYONG MATERYAL. layunin nito na itanghal ang tunay na demokrasya sa
punto ng pagwasak sa uring nagsasamantala at pagtatamo ng pagkakapantay-pantay
sa pangkalahatan.
7. Teoryang Eksistenyalismo - Dumadakila sa ideyang maka-AKO, sapagkat
naniniwala ang teoryang ito na ang tauhan ang Diyos ng kanyang mga
kapasyahan. Ang tao ay may kalayaang pumili at indibidwal na makapagpasya.

8. Teoryang Istrukturalismo - ang panitikan ay sistema ng mga panuntunan.


Nakatuon sa tanong "PAANO" kaysa "ANO"

9. Teoryang Dekonstruksyon - paggamit sa dalawang diskurso ng paghahambing.


Sinusuri kung paano babalikwasin ang isang kahinaan at kamalian sa akdang naisulat
batay sa umiiral na mga perspektiba.

10. Teoryang Pormalistiko - layuning masuri ang anyo, elemento at ugnayan ng mga
salitang ginamit at bumubuo sa panitikan.

sloganwikang pambansa wagnating limutin bagkos atingpagyamanin!!

wika mo wika ko wika ng lahat aydapat pahalagahan at pagyamaninTalumpati

"Masyado nating niyayakap ang wika ng ibang bansa. Dumarating saatin ang kaisipan na
kapagmarunong kang gumagit ng wikangIngles

a Wikang Filipino
[baguhin]Kasalukuyang opisyal na bersyon
Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

Pinagmulan ng wika Wikang Tagalog


Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Jump to: navigation, search

Ang Tagalog (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino) ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng
Pilipinas at ito ang de facto ngunit hindi de jure na batayan na siyang pambansang wikang Filipino.
Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking
pangkat etnolingwistiko.

Mga nilalaman [itago]

1 Kasaysayan

2 Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

3 Mga Wikain o Diyalekto

3.1 Maynila

3.2 Bataan

3.3 Bulacan

3.4 Batangas

3.5 Tanay-Paete

3.6 Marinduque

3.7 Lubang

3.8 Tayabas

4 Mga panlabas na kawing

[baguhin] Kasaysayan

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang tagailog, galing sa tagá- na nangangahulugang "katutubo ng"
at ilog, ibig sabihin ay mga taong naninirahan sa tabi ng ilog. Walang mga halimbawa ng Tagalog bago
dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na ito ay marahil sinunog ng mga unang paring Kastila,
sinasabing masademonyo ito. Unti lamang ang alam tungkol sa kasaysayan ng wika. Ngunit mga
ispekulasyon sa mga linguwista na ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa hilagang silangang
Mindanao o sa silangang Visayas, kasama ng mga kamag-anak nitong mga taga gitnang Pilipinas.
Ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog ay ang Doctrina Cristiana (Christian Doctrine) noong 1593.
Ito ay nakasulat sa Espanyol at dalawang uri sa Tagalog; ang una ay nakasulat sa Baybayin at ang isa
naman ay sa alpabetong Latin.

[baguhin] Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

Ang Tagalog ay ginagamit bilang lingua franca ng Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga
paaralan at sa pagkakalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan.

[baguhin] Mga Wikain o Diyalekto

[baguhin] Maynila

Ang Tagalog ang siyang ginagamit na salita sa Maynila. Ito'y madalas na hinahaluan ng iba’t ibang mga
panrehiyon na diyalekto. Ang Maynila ang tumatayo bilang melting pot ng mga pangkat etnolingwistiko
ng bansa. Ang salitang Tagalog ng Maynila ay may pagkaorihinal, madarama mo ang istorya ng Pilipinas
sa bawat pagbigkas ng mga salitang naangkop na ngayon sa diyalektong ito; bagamat hiram na salita sa
dayuhang mananakop, inangkin nang sarili ng mga Filipino ang bawat salitang ito; na lagi naring gamit sa
lahat ng mga usapin. May pagkamabagal ang pagsalita at may halong mga banyagang salita ang Tagalog
ng Maynila; kabilang dito ang mga hiram na salita galing sa Kastila at Ingles ng mga Amerikano.
Kadalasan, naipagkakasing-kahulugan na ang Taglish at ang Tagalog ng Maynila buhat ng malawak na
paghiram mula sa Ingles. Ito ang naging batayan para sa Pilipino at, pagkatapos, sa Filipino.

Sakop: Kalakhang Maynila, Cavite, at lahat ng mga bayan ng Laguna sa kanluran ng Pagsanjan.

[baguhin] Bataan

Ang Tagalog ng Bataan at Zambales ay maitutulad sa Tagalog ng Maynila, bagaman madalas na


nahahaluan ng Ilokano at/o Kapampangan.
Sakop: Bataan, timugang bahagi ng Zambales, Olongapo, at mga bayan ng Pampanga.

[baguhin] Bulacan

Ang Tagalog ng Bulacan ay may pagka-wordy o pagkamasalita kung ihahambing sa Tagalog ng Maynila.
Maraming salita sa dyalektong Bulakenyo ay hindi nauunawaan sa Kalakhang Maynila. Bukod pa rito,
mabilis magsalita ang mga Bulakenyo.

Sakop: Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija.

[baguhin] Batangas

Ang Batangas ang pinagmulan ng wikang Tagalog at, dahil dito, pinakamalapit sa Sinaunang Tagalog ang
Tagalog na sinasalita rito kaysa sa ibang mga wikain. Ginagamit pa rin dito ang mga salitang nagmula sa
Sanskrit, Arabo, at Persian. Sinasalita nang mabilis at nang may makapal na punto ang Tagalog ng
Batangas, at may pagkaibang-himig ito sa dyalekto ng Maynila.

Sakop: Batangas.

[baguhin] Tanay-Paete

Sakop: Lahat ng mga bayan sa silangan ng Pagsanjan, Laguna, at Rizal.

[baguhin] Marinduque

Ang Tagalog ng Marinduque ay nagpapakita ng mga bakas ng impluwensya mula sa mga wika ng
Kabisayaan. Karamaihan sa mga tagapagsalita ng Tagalog ay hindi nakakaunawa sa anyong ginagamit sa
Marinduque.
Sakop: Marinduque.

[baguhin] Lubang

Isang anyo ng Tagalog ng Batangas.

Sakop: pulo ng Mindoro, kapuluang Lubang.

[baguhin] Tayabas

Ang Tagalog na sinasalita sa lalawigan ng Quezon ang pinakanaiiba sa mga anyo ng Tagalog. Malawak
ang paglagom nito ng mga salitang Kastila, Fukyen, at Bikolano; ilan ding mga salita ang hindi
nauunawaan nang maski kaunti ng ibang mga tagapagsalita ng Tagalog. Bukod sa karaniwang “ya”, na
katumbas ng Batanggenyong “ala e”, may higit-kumulang 200 salita na ginagamit lamang sa lalawigan ng
Quezon, partikular na ang mga silangang bahagi ng lalawigan. Halimbawa ang abyad (asikasuhin), balam
(mabagal), dasig (usog), dayag (maghugas ng mga pinggan), hambo (maligo), lagumba (magloko-
lokohan), pulandit (talsik), tibulbok (pagyanig, vibration), yano (sobra), at iba pa.

Tila nahahati rin ang Tagalog ng Tayabas sa dalawang anyo: ang anyong kanluran na mas nalala

Unang Artikulo: Ang Wikang Filipino sa Hinaharap

I. Mga Layunin

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. mahinuha ang kalagayan ng wikang Filipino sa hinaharap;

B. maipaliwanag ang ambag ng wikang panrehiyon sa wikang Filipino; at

C. makapagmungkahi ng paraan upang mapaunlad ang wikang Filipino.


II. Paksang-aralin

A. Paksa : Ang Wikang Filipino sa Hinaharap

B. Konsepto : Makatutulong ang pagtatampok sa mga wikang panrehiyon sa pagpapaunlad ng wikang

pambansa.

C. Sanggunian : Tambuli, Ikaapat na Taon, Tomo 12 Blg. 3, SY 2008-2009

D. Materyales : worksheet

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Ipamahagi ang worksheet. Ipaliwanag ang panuto.

Pangalan: __________________________________________

Seksyon: __________________________________________ Petsa: _____________

Panuto: Ano ang maaaring maging epekto ng mga konsepto sa unang kolum sa kinabukasan ng wikang
Filipino?

Isulat ang iyong opinyon sa ikalawang kolum.

Konsepto Opinyon

1. pagtatalaga sa Ingles bilang komunikasyong

pandaigdigan

2. pagtatakda ng Konstitusyon sa Filipino bilang wika sa

pagtuturo

3. pagpapatatag ng mga rehiyonal na wika sa bawat

rehiyon

4. pagtangkilik ng UNESCO sa konsepto ng pagtuturo sa

sariling wika

B. Panlinang na Gawain

Anu-ano ang maaaring maiambag ng wikang panrehiyon sa wikang pambansa? Sang-ayon ka ba sa


pagpapatatag
nito?

IV. Pagpapahalaga

Magmungkahi ng mga maaari mong gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino sa inyong paaralan at

komunidad.2 Tomo 12 Blg. 3 SY 2008-2009

V. Takdang-aralin

Magsaliksik tungkol sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng


rehiyonal na wika at

panitikan.

VI. Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.

1-9. pangunahing wika sa Pilipinas

10-14. mga panrehiyong wika

15. wika sa komunikasyong pandaigdigan

Sagot:

1. Tagalog 6. Pangasinan 11. Cebuano

2. Cebuano 7. Samar-Leyte 12. Hiligaynon

3. Hiligaynon 8. Ilocano 13. Ilocano

4. Bicol 9. Tausug 14. Tausug

5. Kapampangan 10. Tagalog 15. Ingles

Ikalawang Artikulo: Ang Galing ng mga Pilipino!

I. Mga Layunin

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. makilala ang mga bantog na Pilipino sa iba’t ibang larangan;

B. maipaliwanag ang halaga ng paggawad ng pagkilala; at

C. matalakay ang mga katangiang taglay ng mga pinararangalan.


II. Paksang-aralin

A. Paksa : Ang Galing ng mga Pilipino!

B. Konsepto : Kilala ang mga Pilipino sa daigdig sa pagiging mahusay sa iba’t ibang larangan.

C. Sanggunian : Tambuli, Ikaapat na Taon, Tomo 12 Blg. 3, SY 2008-2009

D. Materyales : larawan ng mga bantog na Pilipino

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Ipakita ang larawan ng sumusunod na kilalang Pilipino. Tukuyin ang larangang kinabibilangan ng bawat
isa.

1. Levi Celerio

2. Rafael “Paeng” Nepomuceno

3. Gelacio Guillermo

4. Lea Salonga

B. Panlinang na Gawain

Gaano kahalaga ang pagbibigay ng parangal sa isang indibidwal? Kung mayroon kang nais parangalan,
sino

ito? Bakit siya ang iyong napili?

IV. Pagpapahalaga

Anu-anong katangian ang dapat taglayin ng isang tatanggap ng parangal? Isa-isahin ito.

V. Takdang-aralin

Magsaliksik tungkol sa mga kilalang Pilipino. Itala ang kanilang naging kontribusyon sa larangang
kanilang

kinabibilangan.3 Tomo 12 Blg. 3 SY 2008-2009

VI. Pagsusulit

Panuto: Isulat ang pangalan ng kilalang Pilipinong tinutukoy sa sumusunod na mga bilang.

________ 1. International Bowler of the Millennium


________ 2. lumikha ng musika gamit ang dahon

________ 3. nagwagi ng Laurence Olivier Award

________ 4. pinakamahusay na makata sa mundo

________ 5. pinakamahusay na atleta sa Pilipinas

________ 6. gumanap na Kim sa “Miss Saigon”

________ 7. kumatha ng “Ang Pasko ay Sumapit”

________ 8. naihanay kina Neruda, Dickinson, at Dylan

________ 9. nakilala bilang artista at mang-aawit

_______ 10. Pambansang Alagad ng Sining noong 1997

Sagot:

1. Rafael “Paeng” Nepomuceno

2. Levi Celerio

3. Lea Salonga

4. Gelacio Guillermo

5. Rafael “Paeng” Nepomuceno

6. Lea Salonga

7. Levi Celerio

8. Gelacio Guillermo

9. Lea Salonga

10. Levi Celerio

Ikatlong Artikulo: Ano ang Panitikang Third World?

I. Mga Layunin

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. maipaliwanag ang mga di-pamilyar na konsepto;

B. maihambing ang mga katangian ng Third World at First World; at


C. masuri ang epekto ng kolonisasyon sa panitikang Third World.

II. Paksang-aralin

A. Paksa : Ano ang Panitikang Third World?

B. Konsepto : Ang Panitikang Third World ay isang protesta laban sa pang-aabuso ng mayayamang

kolonista.

C. Sanggunian : Tambuli, Ikaapat na Taon, Tomo 12 Blg. 3, SY 2008-2009

D. Mga Materyales: manila paper, masking tape, pentel pen, worksheet

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na konsepto:

1. Third World

2. First World

3. panitikan

4. kolonisasyon

5. Panitikang Third World4 Tomo 12 Blg. 3 SY 2008-2009

B. Panlinang na Gawain

Ibigay ang mga katangian ng Panitikang Third World. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol rito
tulad

ng katangian, mga bansang kabilang, at mga halimbawa ng manunulat sa diagram sa ibaba.

IV. Pagpapahalaga

Ipaliwanag ang epekto ng kolonisasyon sa panitikan ng mga bansang Third World. Paano naapektuhan
ng kasaysayan

ang panitikan?

V. Takdang-aralin

Bumasa ng isang akda mula sa Third World na bansa. Anu-anong isyu ang tinatalakay sa akdang ito?
VI. Pagsusulit

Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama, at M naman kung mali sa patlang sa
bawat bilang.

____1. Nabuo matapos ng Rebolusyong Industriyal ang Third World.

____2. Mabilis ang produksyon sa mga bansang kabilang sa Third World.

____3. Ang mayayamang bansa ang lumikha sa Panitikang Third World.

____4. Ang mga bansa sa Third World ay kolonya ng mayayamang bansa.

____5. Si Octavio Paz ay isang manunulat mula sa Third World.

____6. Masasalamin sa akdang Third World ang sugat ng pananakop.

____7. Ang Hapon ay isa sa mga bansang nagtatag ng kolonya sa Asya.

____8. Mahihirap na bansa ang nakikinabang sa labis na produkto.

____9. Talamak ang Panitikang Third World sa Britanya at Espanya.

___10. Kalayaan ang isa sa mga tema ng Panitikang Third World.

Sagot:

1. T 2. T 3. M 4. T 5. T 6. T 7. T 8. M 9. M 10. T

Sagot sa Hamong Pangkaisipan:

1. bitamina

2. tilaok

3. Kankanay

4. talumpati

5. manugang

6. Persia

7. hunyango

8. Azcarraga

9. bunso

10. hinete
Document Uploaded by J.D. Lim

Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang SuccessosFelices
(Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811lamang nalathala
ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabothanggang labinlimang
tomo.(2) Panitikang Rebolusyonaryo at SedisyosoSa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang
pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila,karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang
rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayangPilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at
nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing
diskriminasyon ng mga Kastila samga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na
sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino sa
panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala angmga pahayagang propagandista na
pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 nanaglalayong “matamo ang pagbabagong
kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang
malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan
at demokrasya.”Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t
ibangsagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila atupang
patuloy na makasulat.Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong
Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me
Tangere at ElFilibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa
mgarebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mgasanaysay
gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga saMalolos.Ang mga bayaning
sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), GracianoLopez-Jaena, Antonio Luna,
Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, ApolinarioMabini, at marami pang iba ay
nagsisulat din.

Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip angmga
Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaangKastila. Kung
relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman angnaging pangunahing
ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mgailang imortal na makatang Pilipino
na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Some Rights Reservedhttp://projectdennio.blogspot.com/


Document Uploaded by J.D. Lim

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila,Tagalog at
iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan saIngles noong 1910
dahil sa mga bagong silang na manunulat.Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio
Apostol na sumulat ng mga oda parakay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging
mga talumpati; si Lope K.Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng
panitikang sosyalista; siJose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag
na ‘HusengBatute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw
angipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat
ngimortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.Ang mga
Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mgagurong Tomasites sa
pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikangaya ng oda at nagpakilala sa
pinilakang-tabing – ang pelikula.Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano,
naimpluwensiyahan dinang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito.
Dala nila angmga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbungasa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit
nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-
unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mgaPilipino
ang panonood ng pelikulang-tahimik.Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga
dokumentaryo ukol sa pagsabog ngmga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong
bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.Ang mga unang
pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ngkanyang dalawang nobela. Ang
pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-
unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng
Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni
Hermogenes Ilagan) namalateatro rin ang kinalabasan.Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na
makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunithindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. Ang
dula ay sadyang kinasangkapan ng mgamanunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng
bayan at makabayang pananaw.Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang
ihambing sa ipinalasap ngmga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.Isa sa mga
unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mgaAmerikano at sedisyoso ay
ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – angTanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad
ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulangito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti
napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na

Some Rights Reservedhttp://projectdennio.blogspot.com/


Document Uploaded by J.D. Lim

manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino aytumuligsa rin sa
Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi AkoPatay” na hindi na nakilala
ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may- bahay.

Pananakop ng Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ngHapon ang
Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya salarangang panitikan ng bansa
ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansasa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles atitinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit
ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunogdin ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong
hindi mababahiran ng kanluraningideya ang panitikang nililikha.Ang panahong ito sa kasaysayan ng
bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ngPanitikang Filipino dahil higit na malaya ang
mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa
pangalan nina LiwaywayA. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-
feministang maikling-kwento.Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may
bilang na pantig na 5-7-5sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat
na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

You might also like