Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA BUOD NG SONA NI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE

SONA 2016

Sementro sa mga magiging polisiya, mga reporma at


programa gayundin ang mga nais isulong ng administrasyon
ang naging laman ng unang State of the Nation Address ni
Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte ayaw niyang matutol ang


kaniyang talumpati sa paninisi sa iba.

“We cannot move move forward if we allow the past to


pull us back. Finger-pointing is not the way.”

Binigyang diin ng panguo ang kampanya ng kaniyang


administrasyon laban sa illegal na droga.

“There will be no let-up in this campaign. Double your


efforts. Triple them, if need be. We will not stop until
the last drug lord, the last financier, and the last pusher
have surrendered or put behind bars.”

Inaatasan rin ng Pangulo ang National Police Commission o


NAPOLCOM na pabilisan ang imbestigasyon sa mga police
officer na sangkot sa illegal na aktibidad at magsasagawa
ng lifestyle check.

Tungkol naman sa West Philippine sea issue, kinikilala


anya ng bansa ang naging desisyon na ito ng arbitration
court at tiniyak na ipagpapatuloy ang pagresolba sa
territorial dispute sa mapayapang paraan.

Kaugnay ng usapang pangkapayapaan, sinabi niya na


handa niyang ibigay sa Moro people ang bangsamoro Basic law
o BBL.

Kaugnay ng pagpapatuloy ng formal talks, iniutos rin


ng pangulo na ipatupad sa medaling panahon ang unilateral
ceasefire sa CPP-NPA-NDF.

Nais ng pangulo na isulong ang reporma sa pagbubuwis


kung saan nais niya itong gawing simple at pababain ang
personal at corporate income tax rates. Gayundin ang
pagpapaluwag sa bank secrecy law.

Ipirinta rin ng pangulo ang pangangailangan na


maisulong ang federalism, kung saan siya na maisakatuparan
ito sa loob ng ikaapat o ikalimang taon ng administrasyon.
Nais rin ng Pangulo na maipasa ang whistle blower bill,
kasabay ng pagpapalakas sa witness protection program.
Ameyinda sa pagpapahaba ng validity ng passport mula limang
taon sa sampung taon.

At ang pagkakaroon ng Departamento of Overseas


Filipino na tutok sa mga problema ng mga OFW. Iniulat rin
ang ginawa niyang paglagda sa executive order para sa
pagpapatupad ng freedom of information sa ehekutibo.

Inatasan rin ng pangulo ang bagong departamento na


Department of Information and Communication Technology o
DICT na pag-aralan ang mga hakbang sa pagkakaroon ng
mabilis na internet connectivity at maisulong ang libreng
wifi access sa mga public places.

At upang malunasan naman ang congestion sa Metro


Manila, inatasan ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensiya
na paraaan kung posibleng magamit ang mga secondary roads.
Gagamitin na rin anya ang mga airport sa labas ng Metro
Manila tulad sa Clark Airport.

Sa huling bahagi ng talumpati, nanawagan ang pangulo


ng pagkakaisa.

SONA 2017

Sumentro naman ang pangalawang SONA ni Pangulong


Duterte sa War on Drugs. Binanggit ng pangulo na ang
tanging mga opsyon para sa mga drug traffickers ay alinman
sa kulungan o impyerno.

Binigyang diin din ang tungkol sa kaparusahang “eye


for an eye, tooth for a tooth” para sa death penalty,
Binanggit din niya ang tungkol sa pagmimina. Sisingilin ng
mas mataas na buwis ang mga mining company kung hindi sila
gagastos para sa rehabilitasyon ng kanilang pinagmiminahan.

Tungkol naman sa Reproductive Health Law, magdadagag


ng dalawang taong temporary restraining order sa
contraceptives implants. Tinutukoy din niya ang
pagpapanatili sa sistemang pang-edukasyon ng K-12.

Inapila din ng pangulo sa lehistura na ipasa kaagad


ang National Land Use Act (NALUA) para magkaroon ng
rasyonal at mas maayos na paggamit sa lahat ng kalupaan
para sa food security, housing, businesses and
environmental conservation ng bansa.

Inatasan ng pangulo ang organisasyon ng Caninet


Cluster on Climate Change Adaptation na mabilis rumisponde
kasama ang pangngailangan ng LGU’s, private sector at lath
ng apektdong komunidad.

at s huling bahagi ng talumpati ang mahalagang papel


ng mga Overseas Filipino Workers o OFW. Sinabi rin niyang
malaki ang parte sa ekonomiya ng mga remittances ng mg OFW.
Tinaasan ng pangulo ang assistance sa kanila na mula 400
milyon na ngayon ay 1 bilyon na.

SONA 2018

Binigyang diinpa rin ng pangulo ang War on Drugs. Ayon


sa kanya ipagpapatuloy niya ang anti-drug campaign. Para sa
mga human right advocates, bianggit niya ang “You’re
concern is human right. Mine is human lives” na pra bang
pwedeng ihiwalay ang karapatang mabuhay sa pagiging buhay.

Hinggil naman sa korupsyon, sinbi ng pangulo na dapat


itong sugpuin. Sinabi rin niya na may kinakailangan siyang
i-terminate na mg itinuturong na kaibigan dahil sa
incompetence o sangkot sa maling gawain at mga katiwalian.
Hindi niya binanggit kung bakit inilipat at iniluklok niya
ang ibang tinanggal niya sa ibang posisyon sa gobyerno.

Kinilala rin ng pangulo ang kabayanihang ginawa ng mga


sundali at pulis na namatay sa pakikipaglaban sa Marawi
City. Binanggit niya na malaki ang budget para sa pagpaayos
muli ng Marawi. Pero hindi niya binanggit kung bakit
binobomba at inaabuso ng mga military ang mga Lumad sa
Mindanao.

Pipirmahan pa lamang niya ang BBL o batas Bangsamoro


dahil kailangan daw niyang repasuhin dahil baka may
idadagdag ang ibang kongresista sa bill.

Hinggil naman sa patakaran sa dayuhan, binanggit niya


na dapat makipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa lalo sa mga
kapit-bahay sa Timog-Silangang Asya. Sinasabi niyang may
mga benepisyo ang nangyayaring “re-energized” na relasyon
sa pagitan ng Pilipinas at Tsina at ipinangako niya na
ipagtatanggol niya ang interes ng bansa sa West Philippine
Sea. Hindi niya binanggit kung bakit may kumakalat na
balita na hindi pa rin ibinibigay ng Tsina ang pera na
dapat ihandog sa Pilipinas dahil sa mga ekplorasyon at
pananatili nila sa mga isla natin.

Tungkol naman sa kontraktuwalisasyon aniya, nagsisikap


ang pamahalaan na humantong sa pag-reregula ng 300,000 na
manggagawa na tinanggal ng PLDT, may mga pang-aabusong
nagaganap laban sa mga manggagawa ng NutriAsia at marami
pang ibang korporasyon nagpapahirap sa mga manggagawa nito
at walang maayos na kilos mula sa kanyang administrasyon.
Para mas madismaya pa ang masa, sinabi rin ng pangulo na
hindi pala sapat ang ehekutibo niyang kapangyarihan para
pagbawalan ang kontraktuwalisasyon niya noong siya’y
tumatakbo pa lamang.

Binigyang diin din niya ang reporma sa buwis. Ipinilit


ng Pangulo ang Reporma sa Buwis. Nais din niyang pumirma pa
ng TRAIN Package 2 sa pagtatapos ng 2018 kahit na
naghihirap lalo ang mga mahihirap sa masang Pilipino lalo’t
tumitindi ang implasyon.

Sa usaping naman sa kalusugan nais niyang ipasa ang


pangkalahatang bill na nagsasaad ng pangangalaga sa
kalusugan.

You might also like