Professional Documents
Culture Documents
Etika LP
Etika LP
Etika LP
Masusing Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino 11
Ipinasa kay:
G. Sandro J. Rebadio
Cooperating Teacher
Ipinasa ni:
0|Page
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11
I. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop
na pananaliksik
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino
batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
a. Nakasusuri ng ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, at etika
sa pananaliksik. F11PB-Ivab-100
b. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. F11PU-Ivef-91
2. Pagtsek ng Atendans
May lumiban ba sa klase?
Mabuti, ipagpatuloy ang mabuting gawain. Wala po, titser.
3. Balik-Aral
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo? Tungkol sa Maka-Pilipinong
Pananaliksik at pagpipili ng paksa.
Tama! Ngayon, upang masukat ko kung naalala
niyo pa ang ating tinalakay ay magkakaroon tayo ng
isang Gawain. Ito ay pinamagatang PAK GANERN!
1|Page
2. Maaaring pumili ng tanong sa pananaliksik na sa
internet lamang makikita ang kasagutan. GANERN
3. Bukod sa mga dakilang layunin ng pananaliksik,
maraming kapakinabangan ang mananaliksik mula sa
proseso ng pagtuklas. PAK
4. Hindi maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa
maliliit na bahagi at pumili lamang ng isang aspekto
nito na tiyak na sasaklawin. GANERN
5. Mahalagang maging lunsaran ng maka-pilipinong
pananaliksik ang komunidad. PAK
4. Pagbasa sa mga Layunin ng Aralin
5. Beheybyural Tsart
Kaban ng Kaalaman
Bago natin simulan ang ating talakayan at mga
gawain sa araw na ito ay hahatiin ko muna kayo sa
tatlong pangkat.
May ipapakita ako sa inyong kaban ng kaalaman.
Ang kaban ng kaalaman ay kakikitaan ng mga bulsa na
lalagyan ng puntos bawat gawain. Bibigyan ng puntos
ang pangkat na aktibong nakikilahok sa klase. Ngunit
kapag napansin kong may hindi organisado, maingay,
gumagamit ng gadgets at hindi tumutulong sa gawain
ang mga kasapi ng bawat pangkat ay babawasan ko ang
inyong puntos. Maliwanag Opo, titser
B. DEBELOPMENTAL NA GAWAIN
1. Pagganyak (Paglalarawan sa larawan)
May ipapakita ako sa inyong larawan at may babasahin akong
impormasyon patungkol dito.
2|Page
worker at isa sa mga nagtatag ng Children at Risk Foundation, ang
orihinalidad ng larawang inilahok sa paligsahan ni Solis. Ayon sa
kanya, kinuha niya ang larawan sa Brazil noong 2006 at inilagay sa
internet na siya namang kinuha at inangkin ni Solis.
Umamin sa nagawang kasalanan si Solis. Personal siyang
gumawa ng liham kay Smith at sa harap ng publiko ay sinabing
isasauli niya ang anumang napanalunan sa paligsahan sa orhinal na
may-ari. Pagkatapos ng imbestigasyon ng Unibersidad ng Pilipinas
kung saan kasalukuyang nag-aaral ng MA public Administration si
Solis, pinagpasyahan ng lupon na nag-iimbestiga sa kaso na tuluyan
na siyang paalisin sa unibersidad.
2. Presentasyon
Ngayon ay tatalakayin natin ang Etikal na
Pananaliksik at Mga responsibilidad ng mga
mananaliksik
3. Pamantayan
Ngunit bago yan ay magkakaroon muna tayo ng
kasunduan. May ipapakita ako sa inyong kasunduan na
dapat ninyong gawin hanggang sa matapos ang ating
talakayan at ang pangkat na hindi susunod ay kakaltasan
ko ng puntos. Maliwanag ba klas? Opo, titser.
KASUNDUAN
HINDI KAMI:
Makikipag-usap sa katabi
Gagamit ng selpon
Gagawa ng mga Gawain na hindi kaugnay sa
aming talakayan
Mag-iingay
KAMI AY:
Makikinig sa Guro
Buong-puso na gagawa sa gawaing iniatas ng
Guro
Magiging partisipatib sa klase
3|Page
4. Pagtatalakay
4|Page
5. Pagnilayan/Pagsukat sa naunawaan
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung may naganap na
paglabag sa etikal na pamantayan sa pananaliksik
1.Nanaliksik si Brian tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip niyang basahin ang aklat ni
Paulo Freire na Pedagogy of the Opressed upang makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan
siyang maghanap ng kopya. Nabasa niya sa isang pananaliksik ni Dr. Laura Sy na ginagamit na tala ang
isa sa mahalagang bahagi ng libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni Dr. Laura Sy at binaggit ang
dalawang awtor sa tala. Sa sanggunian, kapuwa rin niya binanggit ang libro ni Freire at artikulo ni Dr.
Sy.
2. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads. Natanggap ito para sa
publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa kulturang popular. Hindi na niya ipinagpaalaman
sa bandang Eraserheads ang paggamit niya ng mga kanta nito sa kniyang pananaliksik. Ang katuwiran
niya ay matagal na itong isinapubliko at nagkawatak-watak na ang banda.
6. Paglalahat
Patungkol saan ang ating tinalakay? Etikal na Pananaliksik at Mga
responsibilidad ng mga mananaliksik
.
Sa pagsasagawa ng isang
pananaliksik, Bakit kailangan kang
maging etikal? Upang mabigyan ng katapatan ang mga
respondent at upang magkaroon ng positibong
tugon ang mga respondente sa iyong
pananaliksik
7. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga Mahalaga ito upang magkaroon tayo ng
Gabay sa etikal na pananaliksik? kaligiran tugkol sa mga dapat at hindi
natin dapat gawin sa pagsasagawa natin ng
pananaliksik.
Bakit mahalagang maikobli ang mga
impormasyon na nakuha mo sa iyong
respondente/impormant? Dahil ang mga impormasyon na nakalap
ay sa mananaliksik at sa impormant
5|Page
lamang makakalat lalo na sa mga
sensitibong paksain.
Bakit mahalaga ang pagkilala sa pinagmulan Mahalag ito upang bigyan ng pormal na
ng ideya sa pananaliksik? pagkilala ang pinagmulan ng ideya at
upang hindi ka makakasuhan ng
plagiarism.
IV. EBALWASYON/APLIKASYON
A. Ilipat
Batid kong, naunawaan na ninyo ang ating
tinalakay, ngayon upang masukat ko kung may
natutunan ba kayo sa ating talakayan ay
magkakaroon tayo ng isang Gawain.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kaso sa Plagiarism sa bansa. Pagkatapos magbasa, magpalitang-
kuro kung may nagawa bang paglabag sa mga gabay sa etikal na pananaliksik, kung ano ang kalikasan ng
plagiarism sa kaso at kung makatwiran ba ang nagging resolusyon nito. Tukuyin rin ang mga mahahalagang
aral mula sa kaso. (50 puntos)
PANGKAT 1 Paggamit ni Senador Tito Sotto ng ilang mahahalagang sinabi ni Robert F.
Kennedy sa kaniyang talumpati sa Senado ng walang kaukulang pagbanggit sa
pinagmulan nito ( http://www.rappler.com/nation/15858-kennedt-to-sotto-this-
is-a-clear-case-of-plagiarism )
PANGKAT 2 Paggamit ni Manny V. Pangilinan, isang makapangyarihang negosyante, ng
mga kataga mula sa mga kilalang personalidad sa kanyang talumpati nang
walang pagkilala
( http://www.gmanetwork.com/news/story/187652/news/nation/mvp-
borrowed-from-other-grad-speeches-says-sorry )
PANGKAT 3 Pagkopya ni Karen Davila sa ilang bahagi ng akda ni Angela Stuart Santiago
para sa kanyang dokumentaryo tungkol sa pagkamatay ni Cory Aquino
( http://www.pep.ph/news/22804/writer-accuses-karen-Davila-of-plagiarism )
PANGKAT 4 Its more Fun in the Philippines slogan https://news.abs-
cbn.com/lifestyle/04/17/12/switzerland-backs-its-more-fun-ph-slogan
V. Takdang Aralin
Para sa inyong takdang aralin ay may inihanda akong maikling pasulit. Ipasa ang sagutang papel sa
susunod na tagpo.
Panuto: Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa pamantayan ng etikal na
pananaliksik at H naman kung hindi.
_____1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa tagasagot ang layunin ng
pag-aaral.
_____2. Makabubuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng pananaliksik.
_____3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya kung nakuha naman ito
sa hindi kilalang blogsite sa internet.
_____4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isinalin naman ito sa ibang wika.
_____5. Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral.
_____6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-tanggap na hindi na balikan ang
mga tanong nagging kalahok sa pananaliksik.
_____7. Kailangang mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik.
_____8. Kailangang paramihan ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang magmukhang malalim ang
pananaliksik.
_____9. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa dalawang refereed journal
upang tiyak na matanggap ito.
_____10. Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang resulta ng pananaliksik.
6|Page