Macropragmatics Walang Panginoon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sosyolinggwistikang Filipino 2019

Makropragmatiks na Talakay sa Maikling Kwentong


“Walang Panginoon”ni Deogracias A. Rosario
Ma. Theresa E. Macaltao

Introduksyon

Maraming kilalang manunulat na Pilipino. Bawat isa ay may sariling istilo sa pagsulat na siyang
ikinaiiba niya sa iba pang manunulat. Iba- iba rin ang genre na kanilang pinagkainteresan at iba- iba ang
paglalahad ng mga kwento at salitaan ng mga tauhan.

Mahalaga ang salitaan sa bawat akdang pampanitikan. Ito ay nakapagdaragdag ng kariktan at


kabuluhan sa anumang sinulat lalo na ng mga salaysay. Kung bibigyang pansin ang mga salitaan, lalo
pang magiging mahusay at malalim ang pagtalakay ditto.

Isa sa mga manunulat na Pilipino na nagtataglay ng kahusayan sa panulatan lalo na sa maikling


kwento ay ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kwentong Pilipino” na si Deogracias Rosario. Si
Deogracias A. Rosario ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong 17 ng Okrubre. Isa siyang makata,
kwentista at peryodista. Kilala rin siya sa mga bansag na D.A.R., Roscelin, Rosalino, Mortimer, Dante A.
Rossetti, Delfin A. Resurreccion, Delfin, Delfin A. Roxas, Dario, Angelino, Rex, Delio at Angelus. Tulad
ng kanyang mga kapanahon, binasa niya ang mga akda nina O’ Henry, Guy de Maupassant, William
Saroyan, William Faulkner, atbp. Sinubaybayan din niya ang mga akda nina Faustino Aguilar, Patricio
Mariano, Lope K. Santos, Veleriano Hernandez Peña at Rosauro Almario.

Nagsulat siya sa pahayagang Ang Demokrasya, 1912; Buntot Pagi, 1914; Taliba, 1917;
Pagkakaisa ng Bayan at Photo News (Liwayway ngayon), Sampaguita, at Lipang Kalabaw. Naging
presidente siya ng Ilaw at Panitik, Katipunan ng mga Kuwentista, at Katipunan ng mga
Dalubahasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Ilan sa kanyang mga maiikling kwentong kilala ay ang
“Aloha”, “Greta Garbo”, “Walang Panginoong”. Siya ang nanguna sa pagsulat ng maiikling kwento na
walang banghay tulad ng kangyang “Ako’y Mayroong Isang Ibon” na tinaguriang “kauna-unahang
kathang walang banghay” na sumasalungat sa tradisyonal na paraan ng pagkukuwento). Namatay siya
noong 26 ng Nobyembre 1936.

Ang kanyang mga panulat ay naglalaman ng mga salitaan ng mga tauhan na madalas ay
pinagmumulan ng tunggalian na kinakailangang mabigyan ng makatotohanan at makatwirang solusyon.

Sa papel na ito, tatalakayin ang mga pahayag at mga salitaan upang lubos na maintindihan ang
nilalaman ng maikling kwentong “Walang Panginoon” ni Deogracias Rosario. Gagamitin sa pagtalakay
ang mga mga akto ng pagpapahayag ni Jean Austin. Kaugnay din nito ang iba’t ibang punto ng
pagpapahayag na binanggit ni John Searle.

Inaasahan na ang papel na ito ay mailalantad ang kahusayan, kabuluhan at kariktan ng nasabing
akda sa pamamagitan ng pagdalumat sa kahulugan ng bawat pahayag.

Page 1
Sosyolinggwistikang Filipino 2019

Metodo sa Pagtalakay

Upang lubos na maging maayos ang paglalahad ng kaisipan, sinikap na mabasa nang may
kahusayan ang “Walang Panginoon”. Binuod ito at itinala ang mga mahahalagang pahayag. Ang mga
tala ng pahayag ay binigyang kahulugan batay sa akto ng pagpapahayag at punto ng pahayag.

Buod
Ito ay kwento ng isang lalaki na pinagkaitang mahalin ang isang babae.
Pinaghiwalay ng isang mayamang Don. Siya ay si Don Teong, ang ama ni Anita. Sa
loob loob niya, tinitimpi niya lahat ng galit na idinudulot ni Don Teong sa kanyang
pamilya sapagkat hindi lamang simpleng pang- aalipin at pagpapahirap sa kanila kundi
lalo na ang kaniyang dangal at pagkatao.

Ang pamilya ni Marcos ay pinagbabayad ng buwis sa lupang kanilang sinasaka


bagaman ang sabi ay pag-aari ng kanilang ninuno. Dahil sa wala silang kakayahan
upang maipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang bayaran ang sarili
nilang pag-aari. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkamatay ng ama ni
Marcos, gayundin sa tiyuhin niyang nagsilbi sa lugar ni Don Teong. Siya ay lubhang
nalulungkot pagkat patago ang pag-iibigan nila ni Anita. Ito ay nalaman rin ni Don
Teong at sinaktan si Anita hanggang sa mamatay. Hindi pa man humuhupa ang galit
niya’y naroon na ang kautusan ng pamahalaan na sila na ay pinapaalis sa kanilang
tahanan. Ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid.

Dahil sa sobrang galit ni Marcos kay Don Teong, gumawa siya ng paraan
para makaganti. Ginamit niya ang kanyang kalabaw upang mailipat ang kanyang galit
kay Don Teong. Araw- araw niyang pinapahirapan ang kanyang kalabaw at siya’y
nakasuot ng damit na katulad na katulad ng kay Don Teong. Hanggang isang araw
nang si Don Teong ay namamasyal sa bukid, bigla siyang sinuwag ng kalabaw at noon
din ay namatay ang ganid na Don. Hindi nalaman ng mga tao kung bakit ganoon ang
naging kamatayan ng Don. Iisa lamang ang nabanggit ng mga tao:

“Kawawang kalabaw na walang Panginoon”.

Resulta ng pagsusuri sa mga pahayag

Sa unang bahagi ng kwento, sinimulan ito sa pamamagitan ng isang paghihimig (Onomatopeia).


Ang pahayag na ito ay isa nang makabuluhang bahagi ng kwento dahil ito ang iniikutan ng kabuuang
pangyayari sa kwento. Ginamit ang tunog na:

Page 2
Sosyolinggwistikang Filipino 2019

Klem bang! Klem bang! Klem bang!

Kung tutuusin, isa lamang itong tunog ng kampana. Bagamat kitang- kita ang kahulugan nito,
sa aktong lokyusyonari, ang ‘klem bang! Klem bang! Klem bang!’ ay nangangahulugang pagtunog ng
kampana, o kaya ay agunyas. Sa aktong ilokyusyonari, mahihinuha na maraming ibig sabihin ng tunog
maaaring agunyas na mayroong namatay, palatandaan din ito ng pagkamatay ng kapatid ni Marcos, ng
kanyang kasintahan at ng pagkamkam ng kanilang ari- arian ng mayamang Don. Nangangahulugan na
kahit ang simpleng tunog kung titignan sa konseptong akto ng pahayag ay mayroong kahulugang higit
pa sa nababasang salita. Ang perlokusyon ng pahayag na ito ay ang kilos na ginawa ni Marcos: ang
takpan ang kanyang tainga at pagsusumiksik sa ilalim ng mesa sa tindi ng kanyang takot na marinig ang
agunyas. Kung gayon, batay kay Searle, matutukoy na ang punto ng pahayag ay isang Direktibo
(directives) sapagkat ito ay waring nag- uutos kay Marcos upang gawin ang kilos na ‘pagtatago’.

“Tapos na ba? Tapos…”

“Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa?”

Kung ating susuriin ang pahayag sa aktong lokyusyonari ay tumutukoy lamang ito sa oras ng
pagtunog ng kampana ay mnangangahulugan lamang ito na oras ng ukol sa kaluluwa, sa aktong
ilokyusyonari ito ay nagtataglay ng kahulugang nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng
panalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Ang perlokusyon na pahayag ay
ang kilos na ipinakita ni Marcos pagkatapos banggitin ng kanyang ina ang mga taong mahal niya na
sumakabing buhay at ito ay hindi niya pagkibo, hindi pagsagot, hindi pagsasalita ngunit sa kanyang
reaksyon, sa kanyang sarili,sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may
nagsasalita. Makikita sa loob ng pahayag ang direktibo dahil makikita kay Marcos ang kilos ng
“matinding galit” .

“Dahil din as kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng
batingaw,”

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,”

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” Sa aktong lokyusyonari simpleng kakikitaan ng
kahulugang may nangyaring hindi alam ng kanyang ina.” Kung alam lang ni Inang ang nasabi niya sa
sarili, sa aktong ilokyusyonari may malalim na kahulugan, maaaring ang paimbabaw ay walang kaalam
alam ang matanda, ngunit sa kailaliman ng pahayag, ito ay nangangahulugang may pangyayaring
nagdulot ng ikasisiya o ikalulungkot ng isang tao. Tulad ng nangyari sa kasintahan ni Marcos, masakit
ang pagkawala ng mga minamahal niya sa buhay. Ang mga pasakit na pinagdaanan ng mga ito sa kamay
ng Don.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ani Marcos, hindi nasusukat ng kanyang ina ang pait na nararamdaman
niya sa pagkawala ni Anita, dahil walang kaalam alam ang kanyang ina sa tunay na nangyari sa
pagkamatay ng babaeng mahal niya. Sa pahayag ng perlokusyon kakikitaan sa kilos na ginawa ni

Page 3
Sosyolinggwistikang Filipino 2019

Marcos na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita.
Kilos ng “lungkot at pighati”bunga ng sinapit ng mga mahal sa buhay.

“Bakit ka mag-iisip ng gayon, tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

“ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang magkapantay,”

Sa pahayag na ito kung ating tatarukin sa lokosyunaryong pahayag, isinasaad nito ang
pagkapantay pantay ng tao, anuman ang kulay o di kaya’y estado sa buhay.Sa Ilokosyunayong pahayag,
may nais itong ipahiwatig dependi sa pinagdaanan ng tao sa lipunang ginagalawan. Ngunit sa likod ng
pahayag sa anyong ilokosyunari, pinapatatag lamang ni Marcos ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
kasabihan na iyan sa layuning maligawan si Anita. Sa Pag-ibig din walang mayaman, walang mahirap
kapag ito ang tunay na naramdaman, naniniwala rin siya na ang katapat ng langit ay lupa. Sa pagsusuri
sa mga pahayag sa anyong perlokosyunari ipinapakita sa kilos ng pangunahing tauhan na hindi hadlang
ang pagkakaiba ng kulay, estado sa buhay, ang agwat ng mahirap at mayaman kung ang sandata ay ang
tunay na pagmamahal.

“ ang katapat ng langit ay pusalian”.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliit.
Magtiis tayo.”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalaglag po ang dahon sa kanyang
kapanahunan.”

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?”

“walang mang-aalipin kung walang napaalipin”.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!”

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon tulad ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak.
“Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,”

Page 4
Sosyolinggwistikang Filipino 2019

Page 5

You might also like