Statistics and Probability Tagalog

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Statistics and Probability

Midterm Reviewer
Table of Contents
Lesson 1: Random Variables

Lesson 2: Probability Distribution

Bonus Lesson: Summation Notation

Lesson 3: Computing the Mean of a Discrete Probability Distribution

Lesson 4: Computing the Variance of a Discrete Probability Distribution

Ang Pang Ibaba ni Ramon: Not a Love Story

Lesson 5: Understanding the Normal Curve Distribution

Bonus Lesson: Decimal Place Values

Lesson 6: Understanding the Z-Scores

Plus additional puzzles and quiz to practice your skills!

Disclaimer: Basahing mabuti ang bawat salitang makikita sa loob dahil reviewer ‘to, hindi magazine!

Sinisugurado kong hindi masasayang ang perang ipinambili mo dito, dahil pwede mo itong ibenta sa junkshop
pagkatapos. Pwede mo rin gawing eroplanong papel, panggatong sa apoy, gawing confeti, pansapin sa tinapa
pwede rin pambalot sa regalo o kaya pantakip sa ebak ng alaga niyo.

Ang ilan sa mga nilalaman nito ay galing lang din sa mga hand-outs ni Sir Gigante at ang ilan naman ay ayon
lamang sa sariling pananaw ng may-akda na hindi naman maikakailang tao lang din at nagkakamali.
Sorry na, ganda lang.

Bakla po ang may-akda nito kaya maaaring makatagpo tayo ng mga ‘di inaasahang salita.

Minabuti ng may akda na gumamit ng wikang mas maiintindihan ng mga kapwa niya mag-aaral.

Ang reviewer na ito ay maaaring hindi makatulong sa iyo! Enjoy!


Lesson 1: Random Variables

and

Lesson 2: Probability Distribution

Unawaing mabuti ang table nang ‘di magkanda-letche-letche sa probability.

Value of Random
Sample Possible Probability of X
*i-memorize ang mga Experiment Variable X
Space Outcomes P(X)
pangalan ng table at kung (no. of heads)
anong nilalaman nila, HHH 3 1/8
para alam mo kung anong HHT 2 1/8
pagkakaiba nila.
HTH 2 1/8
*’pag pinagsasama-sama
Tossing 3 THH 2 1/8
Head, Tail
lahat ng P(X), 1 dapat ang coins HTT 1 1/8
kalalabasan, ‘pag hindi TTH 1 1/8
equal sa 1 may mali sa THT 1 1/8
P(X). TTT 0 1/8

Definition of terms:

Sample Space (Ω) - The set of all possible outcomes of an


experiment. *Mga posibleng lumabas gamit ang materials na
gagamitin sa experiment

Random Variable - Value that associates real number to


3/8 3/8 each element in the sample space.
1/8 Probability - The chance that an element will be the
outcome.
𝑛𝑜. 𝑜𝑓 𝑓𝑎𝑣𝑜𝑟𝑎𝑏𝑙𝑒 𝑜𝑢𝑡𝑐𝑜𝑚𝑒𝑠 𝑛(𝐸)
𝑝𝑟𝑜𝑏𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑡𝑦 = 𝑃(𝐸) =
𝑡𝑜𝑡𝑎𝑙 𝑛𝑜. 𝑜𝑓 𝑜𝑢𝑡𝑐𝑜𝑚𝑒𝑠 𝑛(𝑆)

*where E stands for


Histogram - A type of bar graph that shows the probability of events event and S for sample
space

Discrete Random Variable -if the possible outcome is “countable”

Ex. the number of defective computers, the number of female athletes, the number of voters

Continuous Random Variable- if the possible outcomes are only “measureable”

Ex. the speed of the car, the time to finish the test, the amount of sugar in a coffee

*usually ‘pag nagsisimula sa “the number” discrete na agad yun! Basta kapag nabibilang discrete.

1
Bonus Lesson: Summation Notation

Bago tayo tumungo sa next lesson, kailangan mo munang makilala si summation notation. Kilala mo na ba si

Σ
summation notation (Σ) ?

Ito si summation notation, mukha lang siyang E pero


hindi siya yon, siya si Greek capital letter “sigma.” Inchendes?

“Sigma” literally means “sum” sa English, kaya naman ginagamit natin ang symbol na ‘to para kunin
ang kabuuang bilang (sum) ng isang pangkat (group of data/function). Ganun yon! Baklang toh!

Nilalagay si summation notation


sa unahan ng isang function.
Kumbaga sa salitang may panlapi,
si function yung salitang-ugat tapos si
ΣXY function

summation notation yung unlapi. Gets mo? So sa Filipino, kung maglalagay tayo ng unlapi sa salitang-ugat,
magbabago yung diwa ng salita; ganun din sa stats, magbabago yung proseso sa pagso-solve sa binigay na
function kapag nilagyan mo na ng summation notation sa unahan ng function. Gets? Kung hindi kawawa ka
naman, bagsak ka na sa Math bagsak ka pa sa Filipino! Hmue!! Tonto!
Anyway, pa’no muna magbasa ng summation orally? Simple lang din... sa pagbabasa ng summation
kailangan mo munang banggitin ang magic word na “the summation of” tapos idudugtong mo na yung
function na katabi.
Hal. “the summation of A”→ ΣA; “the summation of x squared”→ Σx2; “the summation of 3 plus x”→ Σ3+x;
“the summation of you plus me is equals to heart”→Σ(you)+(me)= Ayiieeeeeee!!!!

Basta kapag nakakita ka ng summation notation ibig sabihin kukunin natin yung sum nung function na katabi.
Pero minsan yung function pwede ring maging pangalan ng table.

Hal. binigyan tayo ng table tapos tinanong “what is the ΣA?” & “what is the ΣB?”
Ans.
A B ΣA = 7+8+9 ΣB = 1+2+3
7 1 = 24 =6 Yun na yon! Ang dali lang ‘di ba?
8 2 the summation of A is the summation of B is
9 3 equals to 24 equals to 6

Tapos minsan naman may iba pang condition na binibigay. Meron nang upper limit tsaka lower limit.

𝑛=? upper limit / stop Si upper limit ang nagsasabi kung saan *tinutukoy ni upper at
ka dapat tumigil. lower limit kung anu-anong

∑ Si lower limit naman ang nagsasabi kung


number lang yung dapat
mong pagsamahin (yung
lower limit / start kailangang kuhanan ng
𝑖=? san ka dapat magsimula.
sum)
Hal. This time walang binigay na table kaya counting numbers lang gagamitin natin (0,1,2,3,4,5,6,7,8...).
𝑛=6
Since may nadagdag nang upper tsaka lower
∑𝑥 = 1+2+3+4+5+6 limit, may madadagdag na rin sa magic word
𝑖=1  ’pag binasa mo ‘to
= 21
“the summation of X from 1 to 6 is equal to 21”
𝑛=4
= 2+3+4
∑𝑌  ’pag binasa ‘to
𝑖=2 =9
“the summation of Y from 2 to 4 is equals to 9”

Now, ikaw naman!! Isulat mo yung nasa loob ng box tapos kunin mo na din yung sagot. Dali! Dali! Mahaba pa
toh wala pa tayo sa start ng lesson 3

The summation of “a” from 2002 to 2019 is equals to? The summation of “b” from 8 to 12 is equals to?

Okay, remember na kailangan mo munang i-solve si function, ng isa-isa, bago mo sila i-add lahat.

Hal.

(1) (2) (3) (4) (5)


X 8 4 2 6 9
Y 1 3 13 2 7

4
=(X1)(Y1) + (X2)(Y2) + (X2)(Y2) + (X3)(Y3) + (X4)(Y4)
∑𝑋 • 𝑌
1 =(8)(1) + (4)(3) +(2)(13) + (6)(2) *dito i-mumultiply mo muna lahat
the summation ng X sa mga ka-partner nilang Y,
of X times Y =8 + 12 +26 + 12 then yung mga sagot na nakuha mo
pagsasama-samahin mo na
=58
Ito pa: Isa pa:

(1) (2) (3) (4) (5) 4


X 5 3 4 6 9
Y 4 2 8 5 10 ∑𝑋 2
1 *dito naman i-square mo
muna yung mga X bago
=12 + 22 + 32 + 42 mo sila pagsama-samahin,
4 =(5+4)+(3+2)+(4+8)+(6+5)
ok?
=1+4+9+16
∑𝑋 +𝑌 =9+5+12+11
Common error kasi dito is
1 =30
kinukuha muna nila yung
=37
summmation ni X tapos
inii-square yung sagot.
Mali po yun

= (1+2+3+4)2
Isa pa, last na talaga
4 (1) (2) (3) (4)
X 2 4 5 1
∑ 3𝑋𝑌 Y 3 1 2 6
1
*Dito naman may number 3 na sa unahan ng function. Kapag may number na sa unahan ng functon (na
kailangan i-multiply) pwede mo muna ihiwalay yung number na ‘yon sa iba pang variables para mas madali.

So ang mangyayari, ganito:


4 4
magiging
from ∑ 3𝑋𝑌 3 ∑ 𝑋𝑌
1 1

Ganito na lang siya pag sinolve: Instead na ganito

(which is medyo mahaba pero tama rin naman):

=(3)• [(2)(3)+(4)(1)+(5)(2)+(1)(6)] =(3)(2)(3) + (3)(4)(1) + (3)(5)(2) + (3)(1)(6)

=(3)• (6+4+10+6)

=(3) (26)

=78
Practice Time!

Sagutan: I-match ang column A sa column B. Isulat ang titik ng sagot sa patlang na katabi ng bawat bilang

(1) (2) (3) (4) (5) (6) (7) (8) (9) (10)
X 2 4 6 8 10 12 14 16 18 20
Y 3 5 7 9 11 13 15 17 19 21

Column A Column B
10
___ 1.)
∑𝑋
1
M 325 G 56
6
___2.)
∑ 𝑋𝑌
4

3
___3.)
∑𝑋 2 R 110 A 120
1

3
___4.)
∑ 3𝑌 2
1

5
N 249 T 338
___5.)
∑ 5𝑋𝑌
1

5
___6.) ∑ 5(𝑋 + 𝑌)
1
D 1,250

10
___7.) ∑𝑌
1

Isulat ang titik ng iyong mga sagot nang malaman ang katotohanan

_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____
6 7 1 2 7 6 7 3 7 4 5 7

Okay! Ngayon na perfect na perfect ka na sa summmation notation, pwede ka nang mag-proceed sa mga
susunod na topic!!! I swear na madali mo na lang mage-gets yon :) Baklang twoh!!!!
Lesson 3: Computing the Mean of a Discrete Probability Distribution

What does mean mean? I mean, what is the meaning of mean? Luh? meantanga lang eh

Definition of terms muna ulit tayo bago tayo mag-proceed:

Mean (μ)- “average”; intermediate value between several others


*ibig sabihin, sa grupo ng mga numbers siya yung pinaka-representative ng group

Probability Distribution- the table which shows the certainty/impossibility that an outcome may occur
*ito yung may x tsaka P(X) dun sa mga table na unang-una kong pinakita kung natatandaan mo lang naman (see page1)

Mean of a discrete random variable X is the weighted average of the possible values that the random variable
can take.
*ibig sabihin, ito daw yung average na pwedeng maging resulta sa gagawing experiment, expected outcome kumbaga.

Okay, so pa’no kinukuha ang mean ng isang discrete probability distribution:


Step 1. Look at / Construct the probability distribution for the random variable X
Step 2. Multiply each values of the random variable X by their corresponding probability, and
Step 3. Add the results

Okay. Para ‘di ka na mag-memorize ng steps . Tandaan mo na lang ‘tong formula na ‘to:
μ = ΣX•P(X)
Since alam mo naman na kung anong ibig sabihin pag may summmation notation ang function, gamitin mo
na lang yang formula na yan. Yung X•P(X), function yan na nagsasabing si random variable x ay dapat i-
multiply kay P(X). Pero pwede rin siyang maging pangalan ng table, depende kung may probabilty distribution
ka na na may kasama nang table na X•P(X).
Hal.
Ikaw naman, kunin mo yung mean nito!
X P(X) X•P(X) X P(X)
6 ¼ 6/4 1 1/6
μ = ΣX•P(X) = 15/2 or 7.5
7 ¼ 7/4 2 1/6
3 1/6
*Sinasabi nito na ang mean ng
8 ¼ 8/4 4 1/6
probability distribution na ito ay 7.5
5 1/6
9 ¼ 9/4
6 1/6
Color Time!

Para mas matandaan mo talaga at hindi mawala sa isip mo (pati sa panaginip mo). Kulayan mo ‘to ng kahit
anong kulay na gusto mo.

Lesson 4: Computing the Variance of a Discrete Probability Distribution

Narito ang listahan ng mga termino at simbolo na dapat mong matandaan:

Symbols
Terms Symbol Name
Sample Population
Sample Space
Ω Greek Capital Letter Omega
Summation
Σ Greek Capital Letter Sigma
Mean 𝑥 μ X-bar Greek Small Letter Mu
Variance Small letter s Greek Small Letter
s2 σ2
squared Sigma squared
Standard Deviation Greek Small Letter
S σ Small letter s
Sigma
Number N N Small Letter n Capital Letter N

*Kapag sinabing population, kasama sa experiment lahat ng elements. Kapag sinabi namang sample, kukuha ka lang ng
ilan sa population. Sa madaling salita, sample are just a part/ fraction of the whole population.

*Usually ginagamit si sample ‘pag mahirap o kaya naman imposibleng makuha lahat ng elements. Halimbawa ang
experiment na gagawin ay naglalayong mahanap kung ilang percent ng mga Pilipino ang nagtitiwala pa rin sa pangulo.
Dito, pwede tayong gumamit ng sample kasi sa laki ng Pilipinas, imposibleng matanong natin ‘lahat’, as in each and every
Filipino, sa mga siyudad man o sa mga isla, bundok at kweba; para lang malaman kung nagtititwala ba sila sa pangulo.
Inchendes?
Okay definition of terms muna ulit tayo:

Variance (σ2) is a measurement of the spread between numbers in a data set

Standard Deviation (σ) - just like variance, it describes the amount of spread of the items in a distribution. It
can be obtained by simply getting the square root of the variance

So ayon, nandito na tayo sa variance (σ2) na part. Medyo mahirap i-explain kung ano ang variance at standard
deviation pero sabi ko nga rin sa disclaimer hindi ito magazine so wag kang mag scan reading! Bakla ka! Pag
nabasa mo ng maayos lahat ng ‘to, mage-gets mo din kung para saan si variance at standard deviation.

Si standarad deviation (σ) ay square root lang naman ni variance kaya madali lang siyang kuhain; pero kung
gaano kadali kuhain si standard deviation, gano’n naman kakomplikadong kuhain si variance. Medyo mahaba
yung proseso sa pagkuha ng variance kaya medyo madaling makalimutan, pero dahil nga perfect na perfect ka
na pagdating sa summation notation, madali mo na lang din matatandaan ‘to.

Laman ng table sa ito ang mga functions na kailangan natin para sa pagkuha ng variance.

X P(X) X•P(X) X-μ (X-μ)2 P(X) • (X-μ)2

Masyadong mahaba at madami para kabisaduhin noh? Ako hindi na ko nag-aksaya ng oras para kabisaduhin
pa yang mga yan isa-isa! Alam mo kung anong ginawa ko? Nangodigo ako! Charot! Well, sabi nga kasi nila, sa
hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang misa? Parang ganon? Kaya gano’n din ginawa ko kay
variance. Tinandaan ko lang yung pinakadulong formula niya, ito oh:

*sa hand-out ni Sir, nauuna si (X-μ) 2 kaysa kay P(X). Pero feeling ko kasi nakaka-distract si square (2) pag nasa
σ2 = Σ P(X) • (X-μ)2 gitna ansakit sa mata. Kaya ayun, iilalagay natin si (X-μ) 2 sa dulo. Pareho lang naman yun pero kasi dapat sa
Math, kung sa’n ka komportable dun ka pumunta. I believe that Math should not be irritating to us because it
just want to play with us. Math is a friend of us. And I thank you!

Yan lang tatandaan mo, pero sa proseso ng pagcocompute ganun pa rin naman. Kakailanganin mo pa rin ng
mga table table para ma-solve si variance, ang advantage mo lang is that hindi mo na kailangan pang
kabisaduhin lahat ng mga table. Isang formula lang tatandaan mo then all you need to do is to make himay-
himay the variables to solve. Ok? ‘pag kabisado mona yan cha-chop chopin mo na lang yan kumbaga, para
unti-unti mo siyang masolve. Hanggang sa mabuo mo yung final formula.

Kung nahihirapan ka pa rin tandaan yung formula na yan baka ito matandaan mo. Actually kasi long method
pa yang nasa itaas, may short method pa. Ito oh:
Dito naman sa short method, kung nakikita mo may naka-bracket sa formula, at nasa loob no’n
σ2= [Σ P(X) • X ] – μ
2 2 si summation notation. Ibig sabihin hindi mo muna isasama si neagative mean squared (–μ 2.).
Kukunin mo muna yung summation ni P(X) • X 2 bago mo i-subtract si mean squared (μ2).
Kahit anong gamitin mo sa dalawa, almost the same lang din naman ang lalabas na sagot. Depende sa’yo kung
sa’n ka madadalian. Pero mahirap mamangka sa dalawang ilog! You need to choose between the two or else
you lose them both. Hele!? Nagdrama. Charot! Ako I recommend you to memorize them both para ‘pag
nakalimutan mo yung isa edi may alas ka pang isa. At saka kasi nagpa-quiz si Sir dati na kailangang gamitin
pareho si long tsaka short method, ehh that time ang kabisado ko lang is yung formula na short method kaya
ayun, nangodigo na lang ako. Hmue * Ps. Wag gawin sa midterm, delikado! Pag-quiz lang pwede kaya magmemorize ka!
............................................................................................................................................................................................................................................

So, tell me, nai-imagine mo na ba kung anong gamit ni variance tsaka standard deviation dun sa binigay kong
definition? Kung hindi pa gusto kong imaginine mo ‘toh! Bakla ka pa’no mo mage-gets yung mga susunod na
lesson kung di mo pa lubusang nage-gets yung variance at standard deviation na ‘yan! Okay ku-kwentuhan na
lang kita ng short story, ito ay pinamagatang:

Ang Pang Ibaba ni Ramon: Not a Love Story

Lunes ng tanghali ay naisipang magsimba ng apat na magkakaibigang itago na lang natin sa pangalang Kent
Sandoval Mardoquio, Ramon Christian Tan Panieza, Kenneth Mantos at Michael Parce Olicia (di tunay na
pangalan) sa simbahan ng Bayan. Naglalakad lang sila palagi kahit saan sila pumunta dahil yun ang #goals ng
tropa nila.

Nasa UMC na sila noon nang makita nilang naka-short lang pala ang kasama nilang si Ramon. Suot-suot
nito ang maiksi, kulay maroon at usong-usong short, na may disenyong batik-batik na puti at isinusuot lamang ng
mga kanser sa lipunan; este mga dancer sa lipunan. Walang anu-ano’y diretsahang nagtanong ang likas na maka-
Diyos na kasama nilang si Mantos. “Bakit ganyan ang pang ibaba mo?” tanong nito. “Alin yung short?” pabalik na
tanong naman ng nagtatakang si Ramon. Sumabat naman si Kent at
sinabing “baliw! pang ibaba nga ‘di ba? Edi malamang yung medyas mo!”.
“Ahh ito bang medyas? Paki niyo ba eh gusto kong mag-high socks eh!”
matapang na sagot ni Ramon. Bigla namang sumabat si Michael at sinabing
“Hindi! Ano ba kayong dalawa? Hindi yung medyas ang tinutukoy ni Mantos,
yung sapatos! Tignan mo kasi oh! Naka-high socks na puti tapos yung
sapatos converse na violet!”. “Ahhh, oo nga no?” naliliwanagang sagot
naman ni Kent. Ngumisi ng abot tenga si Ramon at sinabing ito raw ang
MARTA

bagong uso ngayong 2019. “New year, new me” pa nga, ika niya. Ngumiti rin
naman ng abot batok si Mantos at sinabing mali ang pagkakaintindi ng mga
kasama niya sabay sabing, “pang ibaba lang di niyo alam? Short yun!”
natatawang paliwanag nito. “Huh? Short ba yon? Sa’min kasi sa Bicol sapatos yun eh” pagpupumilit ni Michael.
“Sa’min nga medyas yun eh, kasi daw sabi ni Lola galing yung salitang ‘pambaba’ sa salitang-ugat na ‘baba’; tapos
yung medyas medyo hugis baba kaya ayun tinatawag naming pambaba” seryosong sagot naman ni Kent. Natawa
naman ang lahat sa sinabi ni Ramon; “akala ko nga kanina yung sinasabi mong pambaba brief eh, kaya nagtataka
ko kung anong sinasabi mong pambaba eh wala naman akong brief” (Ps. naka-boxer po siya).

Natigil ang tawanan at pagtatalo ng apat nang marating na nila ang simbahan. Saka na lang nila naalala na
wala nga palang misa tuwing Lunes dahilan kung bakit nakasara ang pinto ng simbahan. THE END
Nagustuhan mo ba ang fables? Este short story pala? Nakuha mo ba yung message ng story? (Wow may
message pa yun ahh) Okay ganito yon, nagtatalo sila kasi di nila alam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng
salitang “pang ibaba”. Hindi sila pareho-pareho ng sinasabi pagdating sa salitang iyon. Oo nga naman kasi
noh?! Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ‘pag sinabing pang ibaba? Saan nga ba sinusuot ang pang ibaba?
Simula ba ‘to sa baywang hanggang tuhod? O simula sa baywang pababa? Simula ba ito sa tuhod pababa? O
baka naman sapin sa paa lang ang tinutukoy ng salitang ito.

Well, actually hindi ko rin alam kung simula at hanggang saan kapag sinabing pang ibaba. Pero ang gusto ko
lang naman sabihin sa kuwento ay kung meron tayong sinusunod na rule, hindi na tayo magtatalo-talo kung
simula at hanggang saan ang lamang ang isang kategorya. Yan ang ginagawa ni variance at standard deviation.
Sila yung pinagbabasehan natin para makapagset tayo ng standards/rule kung hanggang saan lang (o gaano
lang kalaki) ang spread o lawak ng isang kategorya para mas madali natin itong mai-describe at mabigyan ng
interpretasyon. Bibigyan pa kita ng halimbawa, this time walang nang mag-aaway-away dahil may susundin na
tayong rule (or should I say meron na tayong variance at standard deviation this time).

Chineckan na ni Ma’am Joson yung test paper ng long test. Nasa ibaba ang mga kategorya at ang score ng HUMSS 11-B.

Margie- 29 Sheila- 14 Christelle- 30 Mga kategorya:

Benjie- 30 Anne- 23 Jhazline- 4 Failed

Lalaine- 24 Jasmine- 29 Ellaine- 16 Good

Marta- 15 Shima- 4 Joeylaine- 16 Very Good

Ngayon pano natin malalaman kung sinu-sinong nag-fail, kung sinu-sino ang good, at kung sinu-sino ang nag-very good
kung ang pa-long test ni Mayora ay 30 items? Simple lang, kailangan lang nating alamin kung ano ba ang standards?
Hanggang anong score ba ‘pag sinabing failed? ‘pag sinabing good? at ‘pag sinabing very good?

Malalaman natin yan sa pamamagitan ni variance at standard deviation. Pero bago yun, alamin muna natin kung ano ang
mean ng mga scores dahil sa mean tayo magsisimulang magbilang ng standard deviation. Kukunin natin ang mean gamit
ang formula para sa mean ng frequency distribution, pero bago ‘yon syempre kailangan muna nating gawan ng frequency
distribution table yung mga scores natin. (Hindi pa natuturo ni Sir yung frequency distribution table, pero sa dulo ng
reviewer na ‘to ituturo ko kung ano yung frequency distribution)
*kung mapapansin mo x bar tsaka s
𝜮𝒇𝑿𝒎 224
̅=
mean 𝑿 = = 18.67 yung ginamit nating symbol, kasi
Frequency Distribution of the scores 𝑵 12
of Humss 11- B sample ‘to hindi population, kasi diba
̅) 𝟐
𝜮(𝒙−𝒙 = 237.39 = 19.78 di naman lahat ng score ng HUMSS
Interval f Xm fXm variance s2 =
𝑵 12 11-B kasama. Diba? Bakla ka!

1-10 2 4.5 9 std. dev. s = 4.45


11-20 4 15.5 62
21-30 6 25.5 153 So pa’no gamitin si variance at standard deviation together with the
mean para malaman ang standards......... tug tugz…tug tugz…tug tugz…

Sa aking pagbabalik....
Hello netizens! And hello world! Kanina nga ay nakuha na natin ang mean, variance at standard deviation.
Ngayon nama’y kunin na natin si Aljon na nandito sa puso ko. Ugh!

So meron na tayong mean, variance at standard deviation. So with that, makakapagset na tayo ng standards
para malaman kung sinong failed, good, at very good.

So una mag do-drawing muna tayo ng line

Tapos ilalatag natin sa ilalim ng line yung mga scores ascendingly (hindi lang yung scores ng mga nabanggit, as in lahat from 1
to 30)

0 5 10 15 20 25 30
.

Tapos i-plot mo si mean (which is 18.67). Sa mean tayo magsisimulang magbilang gamit yung standard
deviation (which is 4.4), left and right ng mean magbibilang tayo.

18.67

0 5 10 15 μ 20 25 30

4.45 4.45 4.45 4.45 4.45 4.45

0 5 10 15 μ 20 25 30
18.67

So ayan na, nahati-hati na natin yung scores sa iba’t ibang division (kategorya). Pero ang sabi sa given may
tatlo lang daw kategorya (failed, good at very good) at anim na division ang nakuha natin, kaya gagawin nating
dalawang division sa isang kategorya.

0 5 10 15 20 25 30

So ngayon may standards na tayo na nagsasabing:


Tandaan mong bakla ka: In real
10 pababa = Failed *oh! ngayong may standards na tayong life, hindi sinusunod ang
sinusunod, hindi na natin kailangang magtalo- standards na yan! Dahil ang
11- 19 = Good talo, kasi matematika na mismo ang humusga! nasa curriculum is 75% above
Salamat sa variance at standard deviation dapat ang passing score
20-30 = Very Good

Okay na? Gets mo na si variance at standard deviation?? Syempre gets mo na yan ikaw pa! At dahil gets mo
na! Proceed na tayo sa next lesson.
Lesson 5: Understanding the Normal Curve Distribution

Okay, ngayon pa lang gusto ko nang humingi ng sorry dahil hindi ko ‘to maituturo ng maayos sa iyo. Sa
kadahilanang hindi ako marunong mag-drawing ng perfect na bell-shaped curve dito sa Word. Wala pa naman
akong load so ‘di ako makakapag-download ng picture ng bell-shaped curve. Pero okay lang yan, reviewer lang
naman ‘to, for sure naman nakakita ka na ng normal curve distribution. I-visualize mo na lang mga sinasabi ko.

So simulan natin sa normal curve distribution. Ang normal curve distribution ay isang grapikong
representasyon na binubuo ng linya para sa Z-scores at isang bell-shaped na hugis kung saan ang area sa loob
ay nagpapakita ng probability ng isang tiyak na Z-value.

Area of Probability

l l l l l l l l l l l l l l

μ
Z-scores

Paanong ang isang graph ay magiging perfect curve at talagang yung tuktok ay nasa gitna ng linya?
Nakakaamaze ‘di ba? Bihira lang yun mangyayari sa totoong mundo besh! Kaya dapat kang ma-amaze sa mga
normal curve kasi kakaiba sila (kakaiba sila kahit tinatawag silang normal? How ironic?). Actually kung
gagawan mo ng curve sa ibabaw yung example ko kanina sa variance at standard deviation, malalaman mo
talagang hindi ako perfect na tao kasi hindi yun makakabuo ng perfect curve. Yung tuktok niya nasa bandang
kanan, wala sa gitna kasi nasa gilid yung mean. Sorry ganda lang!

So nasa kabilang page yung anim na katangian ng mga normal curve distribution na galing lang din sa hand-
outs ni Sir.

#CTTO

#CTTSG
6 Properties of the Normal Probability Distribution

1.) The distribution curve is bell shaped

Dahil nga perfect na perfect yung kurba ng mga normal curve kaya tinatawag silang bell shaped na
curve. Kaya pag may nakita kang taong mataba, sigawan mo ng “bell shaped curve” tas pag nagtanong kung
bakit, sabihin mo “kasi perfect ka!”. Charot! Wag mo sila tawaging bell shaped, dahil first of all wala silang
curve; perfect curve pa kaya? Charot!

2.) The curve is symmetrical about its center

Symmetrical ang isang bagay kapag hinati mo ito sa gitna at pantay at magkatulad na magkatulad pa
yung magkabilang hati. Try mo hatiin yung puso sa gitna, diba yung isang hati katulad lang ng kabilang hati.
Yun ay dahil ang puso ay symmetrical about its center; ganun din si bell shaped-curve.

3.) The mean, the median, and the mode coincide at the center

Ito! Ito yung pinakadahilan kung bakit perfect ang isang normal curve. Kasi si median, mode at mean
ay nasa gitna. Si median andun na talaga siya sa gitna. Tapos si mean, certainly nasa gitna rin kasi nandun
siyung average outcome. Tapos si mode yung may pinakamaraming frequency, tapos nasa gitna pa siya; so ibig
sabihin mas tataas yung pabundok ng graph sa gitna tapos pababa ng pababa na sa magkabilang gilid kaya
nagiging perfect bell shaped siya. Ang perfect noh?

Alam kong medyo mahirap unawain pero isipin mo na lang yung bulkang Mayon na napakaperfect at
symmetric na symmetric din. Isipin mo kung yung bunganga ng bulkang Mayon ay nasa tagiliran (or nasa
paanan ng bundok) lang, wala sa mismong tuktok, ampanget nun ‘diva? Lalo na pag nagging bato na yung
lavang ibubuga niya.

lava flow lava flow

lava flow

Bulkang Mayon (na perfect) Bulkang Mayon (na may tumor sa gilid)
4.) The width of the curve is determined by the standard deviation of the distribution

‘Di ba si standard deviation yung nagsasabi kung ga’no kalaki yung spread (sakop) ng bawat category
(like: failed, good, vey good). Tama? So malalaman natin kung ga’no kalapad yung curve kasi ang isang curve
ay nahahati lang daw sa “anim” na category may tatlong categories sa kaliwa,at tatlo din sa kanan. So ibig
sabihin kung may anim tayong categories sa baba at ang bawat isang category ay merong sukat na 5 standard
deviation, di hamak na mas maliit ‘to kaysa sa normal distribution na may 11 na standard deviation.

A normal curve ditribution with the


standard deviation of 5

Area of Probability

5 5 5 5 5 5
l l l l l l

Six Z- scores / range of each μ


catergory

A normal curve ditribution with the


standard deviation of 11

Area of Probability

11 11 11 11 11 11
l l l l l l l

Six Z- scores / range of each μ


catergory
5.) The tails of the curve flatten out indefinitely along the horizontal axis, always approaching the axis but
never touching it. That is the curve is asymptotic to the base line

‘Asymptotic’ ibig sabihin di daw tatama yung curve line sa base line

left tail right tail


Asymptotic tails with the
base line

6.) The area under the curve is equals to 1. Thus, it represents the probability or propotion or the
percentage associated with specific sets of measurement values.

Area of Probability

equals to 1

Four-Step Process in Finding the Areas Under the Normal Curve Given a Z-Value

Step 1. Express the given Z-Value into a three-digit form. Z < 1.8234231 Z < 1.82

Step 2. Using the Z-table, find the first two digits on the left column. 1.8

Step 3. Match the third digit with the appropriate column in the right. 0.02
Step 4. Read the area (or probability) at the intersection of the row and the column. .9656

*Hindi ko na yan idi-discuss kasi alam mo na kung pa’no magbasa ng z-table. Basta sa first left column mo titignan yung unang unang
dalawang digit (yung ones at yung tenths) tapos sa top row mo naman titignan yung pinakahuling digit (yung hundredths decimal
place)
Bonus Lesson: Decimal Place Value

Sa pagbabasa nga pala ng mga decimal numbers, may magic word din na kailangan banggitin. I mean may
tamang paraan ng pagbasa ng mga decimals, tinuro ‘to nung Grade 5 (pero nagcutting kang hayup ka!) pero
hindi natin ginagamit. Nasanay na lang tayo na binabasa na lang talaga yung mga digit ng dire-diretso, kaya
ayun, di nakakapag-intindihan kapag nasagot ng orally kay Sir. Halimbawa: 2.12 “Sir two point one two po!”
“Sir two point twelve po!” instead na “two point twelve hundredths”

Ganto kasi yan...

Binabasa din yung place value pagkatapos banggitin yung decimal number, dudugtungan lang ng ‘ths’ sa dulo
ng decimal place value. Unlike sa whole number, walang “ones” sa mga decimal, sa tenths nagsisimula. (Lahat
ng decimal place binabasa maliban sa tenths). Tingnan mo ‘to.

1 , 8 2 0 . 0 0 2 5
Thousand

Thousandths

Ten Thousandths
Tenths
Hundred

Tens

Hundredths
Ones

decimal
place
values

whole number place values

So ‘pag binasa yung nasa itaas ganito,

“One thousand eight hundred twenty point twenty five ten thousandths”

Minsan yung iba pinapalitan pa yung ’point’ ng ‘and’

“One thousand eight hundred twenty and twenty five ten thousandths”

Ganun yung tamang pagbasa besh!!! Hindi “one thousand eight hundred twenty point zero zero two payb!”

Ginagamit din si decimal place values sa pag-convert ng decimal into fraction (nang hindi gumagamit ng
calculator). Isusulat mo lang yung mga decimal sa taas(numerator) tapos yung decimal place value sa
ilalim(denominator). Tapos kukunin mo yung lowest term.
*dito naman hindi
Hal. 0.38 0.068 0.0055 0.500 na binabasa yung
(zero point thirty eight (zero point sixty eight (zero point fifty five ten (zero point five) thousandths kasi
zero yung pinaka
hundredths) thousandths) thousandths)
dulo. Dini-
disregard natin
38 16 8 68 34 17 55 11 500 1
= = = = = = yung mga zero sa
100 50 25 1,000 500 250 10,000 2,000 1,000 2 dulo.
Lesson 6: Understanding the Z-Scores

Marami sa’tin ang nalilito kung kailan titingin sa left table at sa right table ng Z-table. Kaya naman bago tayo
mag proceed, gusto kong mamaster mo muna ang line, ang area, at ang fraction na itunuturo na nooong
elementary pa lang.

Alam naman natin na ang line ay binubuo ng maraming tuldok (points). Gamit ang mga lines ay nakakakuha
tayo ng mga measurement at ang pinaka madalas na line na ginagamit natin ay ang number line.

l l l l l l l l l l l l l l
-5 -4 -3 -2 -1 0 1 2 3 4 5 6

number line

Sa normal distribution; yung straight line sa ilalim ng bell shaped curve ay isang number line. Number line na
nag-iindicate ng mga Z-scores at nagre-range lang from -3.4 hanggang 3.4, at syempre nasa gitna si 0.

Yung mga number sa number line na ‘yon ay ang mga Z-scores.

-3.4 3.4

l l l l l l l
-3 -2 -1 0 1 2 3

Tinuro din satin kung ano ang area, tama? Na kahit na anong hugis, polygon man o hindi, ay may area sa loob;
basta’t ito ay sarado (closed figure). Tinuro na din sa’tin kung ano ang fraction dati. So ngayon, bibigyan kita
ng example na pang elemetary, kasi meron ’tong pinagsamang area at fraction.

Okay, imagine bumili si Michael ng Maximus pizza (isang buo). Tapos hindi niya pinahati sa walo, apat na slice
lang kasi dalawa lang naman kaming kakain. Kala mo kasama ka? Nope kaming dalawa lang sa bahay nila noh!
Tapos ang tanong, ilang percent ng pizza ang makakain ko at ilang percent ng pizza ang makakain ni Micahel,
kung kukuha lang muna kami ng tig-isa? Yeah! You’re right! 25% ng pizza sakin, at 25% naman kay Michael.
Bakit? Kasi sangkapat (1/4) ng isang buong pizza ang nakain ko at sangkapat din kay Michael (1 divided by 4 is
0.25 which is equivalent also to 25%). 25% + 25% = 50% so overall 50% na ng pizza ang nakakain namin.

50% o ½ o 0.5 o sa Sa mahirap Hindi na namin


madaling salita, na salita, naubos yung kalahati
pang area ng pizza
kalahati na ng isang kalahati na
25% 25% kasi iba na pinakain
buong pizza ang ng area ng
sakin ni Michael.
nakain namin at 50% pizza ang Guess what???
kalahati na lang din 25% 25% nakuha Hmmmmm Sherep
ang natira. namin. Gets? Ugh!
Okay punta na tayo sa lesson. Sa normal distribution, yung bell-shaped curve ay halos makabuo na ng closed
figure together with the number line sa ibaba niya (pero tandaan na isa mga properties ng normal distribution
ay ‘asymptotic si bell-shaped curve kay base line’, ibig sabihin di talaga sila tatama sa isa’t isa at ibig sabihin
din, hindi sila nakabuo ng closed figure). Pero i-assume na lang natin na nakabuo sila ng closed figure, meaning
to say, may area sa loob nila. Yung area na yun ay equal to 1. At yung area na yun ang nagrerepresent ng
probability ng normal distribution.

Z-values yung tawag dun sa mga number (or point) sa number line sa ibaba ng bell shaped curve pwede rin
siyang tawaging z-scores. Gamit ang Z-table, malalaman natin kung gaano kalaki ang area ng isang given Z-
value. Pero bago tayo tumungo do’n, kailangan mo munang malaman kung ano ang ibig sabihin ng greater
than (>) at less than (<) z.
’pag sinabing “z is less
Hal. Z < 0.24 Z > 1.34
than z-value” (z < z-value),
hinahanap yung area sa Hinahanap na area Hinahanap na area
kaliwa ng z-value.

‘pag sinabi namang


“z is greater than z-value”
(z > z-value), hinahanap
yung area sa kanan ng
z-value.
0.24 1.34

So sa paggamit ng Z-table makakakita ka ng dalawang side, isa na may negative Z-values at isa na may positive
Z-values. One of the reasons kung bakit maraming nahihirapan dito sa lesson na ‘to is that, hindi nila alam na
yung area lang sa kaliwa ng z-values ang kayang ibigay ng Z-table sa kanila. Yes! You read it right! Area lang sa
kaliwa ng z-value ang kayang ibigay sa’tin ng Z-table

Area na makukuha
‘pag tinignan yung
Z-score sa Z-table

μ
Z-score

Area lang sa left side ng Z-score ang kayang ibigay ni Z-table, kaya don’t be confused! Kapag ang area na
pinapahanap ay nasa right side na ng z-score (tulad ng nasa kabilang page), hanapin mo muna yung area nung
left side tapos i-minus mo sa 1; yung sagot (difference) ay yung area nung right side (which is yung
pinapahanap sa’yo). Halimbawa pinapahanap sa’yo ang area ng z-core na z > 1.25, ganito gagawin mo:
Hindi mo kagad
makukuha ‘tong
area na ’to
Pinapahanap
sa’yo

μ 1.25
*Itong area lang na ‘to ang kayang ibigay ng Z-table sa’yo

So para makuha mo yung area ng pinapahanap sa’yo, kunin mo muna yung area sa left side ni 1.25, which is
.8944 (point eight thousand nine hundred forty four ten thousandths). Then 1 - O.8944 = O.1056. So ang area
ng pinapahanap sa’yo ay 0.1056. Ibig sabihin, may 10.56% chance na ang isang number ay kasama sa area na
pinapahanap sa’yo.Gets? Bakit nagging percent bigla? Kasi nga ang area sa loob ng bell shaped ay
nagrerepresent ng probability. Kung hindi pa rin eh okay lang basta ang mahalaga marunong ka nang kumuha
ng area kapag binigyan ka ng Z-value. Okay!

Basta kapag less than ang symbol (<), kung anong makuha mo sa z-table yun na kagad ang sagot. Kapag
greater than naman ang symbol (>), kung anong makuha mo sa z-table, i-minus mo muna sa 1. Maliwanag?

Okay. May times naman na hindi kagad binibigay yung Z-score (specially kapag word problem). Kaya kailangan
mo munang hanapin si Z-score para masagutan yung problem. Wag kang mag-alala! May formula naman para
mahanp si Z-score:

where:
𝑋−𝜇
𝑧= (𝑧 − 𝑠𝑐𝑜𝑟𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑝𝑜𝑝𝑢𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑑𝑎𝑡𝑎);
𝜎
μ = population mean

σ = population standard deviation


𝑋 − 𝑋̅
𝑧= (𝑧 − 𝑠𝑐𝑜𝑟𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑠𝑎𝑚𝑝𝑙𝑒 𝑑𝑎𝑡𝑎) 𝑋̅ = sample mean
𝑠
s = sample standard deviation

X = given measurement

Ito naman yung formula ‘pag yung iba yung kukunin:

𝑋− 𝜇
𝜎= ; 𝜇 = −𝑧𝜎 + 𝑋 ; 𝑋 = −𝑧𝜎 − 𝜇
𝑧
Halimbawa

Nagpa-long test ulit si Ma’am Joson. Ang score ni Ellaine at Joeylaine ay 16; ang mean natin ay 15 ; at ang standard
deviation ay 4.4. Ngayon gagamitin natin yung formula para malaman natin kung ano ang katumbas na z-score ng score
nila at para malaman din natin kung ilang percent ng long test ang nasagutan nila ng tama.

𝑋−𝑋̅ 16−15 1
𝑧= ; = ; = 4.4 ; z = 0.23
𝑠 4.4

So kung itong buong


normal distribution
ang buong long test
ni Ma’am Joson;

Ito lang yung nasagutan


nina Ellaine at Joeylaine
The rest, hindi
nang tama
nila nakuha

l l l l l l l
μ
-3 -2 -1 0 1 2 3
0.23

At kung titignan mo naman ang katumbas na area ng z < 0.23, ang makukuha mo ay 0.5910. Ibig sabihin, 59.10% lang ng
test ang nasagutan nila ng tama.

Isa pang example, 555 lang na trabahador ang talagang tapat at masipag magtrabaho sa kompanya ko. Hindi ko alam
kung ilan talagang trabahador ang meron ako pero di naman na yon mahalaga. Basta alam ko lang na ang mean nila ay
500 at ang standard deviation naman ay 107 at sila ay makakabuo ng normal distribution. Tanong, ilang percent ng mga
trabahador ko ang tapat at masipag pa rin magtrabaho sa kompanya ko?
𝑋−𝜇
So gagamit ulit tayo ng formulang 𝑧 = 𝜎
para makuha si z-value. Pagkatapos makuha si z-value gagamit na tayo ng z-
table para makuha yung katumbas niyang area o probability. Tapos, tapos na!

O ikaw na mag-solve wala ka nang masyadong ginagawa eh! Basta ang tamang sagot is ito, pero naka jumbled 0 5 . 6 9 %
Tips:

• Tulad nga ng sabi ko kanina, maraming nalilito kung kelan titingin sa left table (negative table) at sa right
table (positive table) ng Z-table para hanapin ang area ng binigay na z-value. Wag kang malilito bes! Binili mo
‘tong revieer kaya tuturuan kita ng tips. Ganito lang naman kasi ang technique diyan. Tignan mo lang kung
anong symbol ang ginamit para sa z-value na pinapahanap sa’yo, kung ito ba’y greater than (>) o less than (<).
Kung less than ang symbol, wala ka nang ibang gagawin. Hanapin mo lang siya sa Z-table, kung negative siya
edi sa negative mo siya hanapin; kung positive edi sa positive mo siya hanapin. Ganun lang! Pero kapag
greater than naman, kailangan mong palitan yung sign ng z-value. Kung positive siya hanapin mo siya sa
negative; kapag negative siya, hanapin mo sya sa positive. Yun na yon! Ang galling diba?

Okay ito yung nabuo nating law....If:

 z < - (z score), go to negative table • z > - (z score), go to positive table

 z < + (z score), go to positive table • z > + (z score) go to negative table

Tips para sa midterm exam


• Hindi mo kailangang magkabisado ng napakaraming formula, all you need to use is your imagination.
“Kailangan mong maging si Spongebob” ika nga ni Ma’am Velasco nung Grade-9. I-visualize mo yung mga
tanong hindi yung binabasa mo lang.
• Sometimes kaya di rin natin nage-gets yung tanong kasi di tayo nag-eenjoy. Sinasabi kagad natin na mahirap
yan mahirap yan kahit ang totoo keri naman. Wag ka kagad ma-stress! Balikan mo na lang yung tanong kung di
mo makuha. Tumawa ka muna! Ngitian mo si Sir! Kahit magmukha kang asong nakangiti sa kaniya okay lang.
Pag nagawa mong ngumiti sa teacher mo magagawa mo ring ngumiti sa mga topic niya.
• Makakatulong din kung tatagalugin mo yung mga tanong (specially yung word mga word problem)na
binbigay/ tinatanong, kasi di mo talaga mage-gets kung babasahin mo lang nang babasahin hindi mo naman
inuunawa.
• Makakatulong din kung maa-apply mo sa totoong buhay yung mga lesson kasi dun talaga masusubok kung
na-gets mo yung topic.

•At pinakahuling tip, mag-review ka bago mag-exam. Okay?

Nagmamahal, J.K.R.M.
Puzzle solving: Isulat sa titik ang numero ng tanong; kung saan nakasulat ang tamang sagot (gulo noh? para
maiba lang). Pagkatapos ay iguhit ang linya (na nasa loob ng kahon, sa itaas ng titik) sa parte ng puzzle kung
saan makikita ang numero ng tanong.
Hal.
• • • • • •
• • • •
• • 1 • • • •
• •
• • • •
• • 0.0222 0.1977 0.9998
1
0.2500 • • • •
1
1 • • • • (titik) (titik) (titik)
(titik)

Find the probability of the following • • • • • •


z-scores:
• • • • • •
1.) z < 1.68 5.) z > 2.01
2.) z < -0.85 6.) z > -1.05 0.2912 0.5040 0.08531
3.) z < 3.49 7.) z > - 0.01
4.) z > 0.55
(titik) (titik) (titik)
Answer the following problems:
8.) Give the probability of the given data:
𝜎= 20.30 μ = 69 X= 69 • • • • • •
9.) Given the mean of 21 and standard
deviation of 6.2. Find out what percent of • • • • • •
Jasmine’s answer is correct, given that her 85.31% 50% 99.69%
score is 38.
10.) Given the mean of 100 and a standard
deviation of 29.41. What percentage of (titik) (titik) (titik)

the customers entered Hypermarket are


boys. Given that there are 131 boys and • • • • • •
69 girls inside
• • • • • •
11.) What is the lowest score can I get in
order to pass the exam. Given that the 0.59 48 0.9535
μ = 30; the 𝜎= 8.8 and the passing score
ranges only z < 2.00 and z > 3.40. (round
(titik) (titik) (titik)
off your answer into whole number) (Tip:
Draw it)
12.) Give the last z-score on the left and
13.) the last z-score on the right of the • •

middle 40% of a normal distribution table. • •

-0.52

(titik)
Huhulaan ko kung sinong love mo? For sure siya lang natakbo sa isip mo ngayon.

• • • • • • • • • • • •
5 3
• • • • • • • • • • • •
5
• • • • • • • • • • • •
12 7
• • • • • • • • • • • •
2 3 11 11
• • • • • • • • • • • •
5 5 6 9 8 3
• • • • • • • • • • • •
7 7 12
• • • • • • • • • • • •
3 4 1 8 9 2 5
• • • • • • • • • • • •
4 11 11 6
• • • • • • • • • • • •
1
• • • • • • • • • • • •
13 9 2 7
• • • • • • • • • • • •
10 10 3 11 2
• • • • • • • • • • • •
13 13 9 13 6 10
• • • • • • • • • • • •

Corny nga siguro yan and it’s sad but it’s true. I’m way to good at goodbye

You might also like