Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

FILIPINO 8
MODULE SA PAGKATUTO

MODULE 1: SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYON


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan sa panahon ng mga katutubo, Espanyol at Hapon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
TRANSFER GOAL: Pagkatapos ng kabanatang ito, ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng isang
sistematikong pananaliksik na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.

INTRODUKSIYON AT MGA POKUS NA KATANUNGAN


Bakit kailangang alamin ang iba’t ibang akdang lumaganap sa Pilipinas sa panahon ng mga katutubo,
Espanyol, at Hapones?
Paano nakatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang pagbabasa ng panitikang namayani sa
iba’t ibang panahon?
Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan n gating lahi dahil bahagi ito ng ating kalinangan at
kasaysayan. Sinasabing ang panitikan at ang kasaysayan ay matalik na magkaugnay. Sa pag-aaral ng
kasaysayan ng isang lahi, lagging bahagi nito ang damdamin, saloobin, paniniwala, kultura at tradisyon ng
bansang kalimitan ay masasalamin sa taglay nitong panitikan. At dahil sa pag-aaral ng panitikan lubusang
nalalaman ang ating kalinangan kaya’t nararapat lamang na pagyamanin at ipagmalaki ang mga ito
sapagkat ang mga ito ay yaman ng ating bayan.
Upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga
katutubo, Espanyol at Hapon, magsasagawa ng isang sistematikong pananaliksik nang sa gayoy maipakita
nila ang pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
Sa module na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
 Ano ang pagkakaiba ng mga bugtong, salawikain at sawikain?
 Paano makabubuo ng isang alamat na maaaring ihambing sa sarili?
 Paano masusuri ang isang pangungusap kung ito ay sanhi o bunga?
 Ano ano ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik?
SAKLAW NG ARALIN
Sa modyul na ito, mababanggit ang mga sumusunod na katanungan na mababasa sa bawat aralin.
KABANATA I: SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYON
Karunungang-Bayan(Tula) Layunin ng Aralin 1
1. Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot
sa mga karunungang-bayang napakinggan
2. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
3. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang
kalagayan.
4. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng
alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan (eupemistikong pahayag).
Alamat ng Durian (Alamat) Layunin ng Aralin 2
1. Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging
makatotohanan/ dimakatotohanan ng mga
puntong binibigyang diin sa napakinggan.
2. Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga
elemento nito.
3. Naibibigay ang kahulugan ng mata-talinghagang
pahayag sa alamat.
4. Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang
sitwasyon gamit ang: -pamantayang pansarili
-pamantayang itinakda.
5. Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga
bagay na maaaring ihambing sa sarili.
6. Napaghahambing ang napanood na alamat sa
binasa.
Bantugan(Epiko) Layunin ng Aralin 3
1. Nakikinig nang may pag-unawa upang : mailahad
ang layunin ng napakinggan;maipaliwanag ang
pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari.
2. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
sa pamamagitan ng: - paghihinuha batay sa mga
ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman
kaugnay sa binasa.
3. Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/
pariralang ginamit sa akdang epiko ayon sa kasing
kahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga.
4. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak
ng paksa: paghahawig o pagtutulad;pagbibigay
depinisyon at pagsusuri.
5. Naisusulat ang talatang: binubuo ng
magkakaugnay at maayos na mga pangungusap;
nagpapa-hayag ng sariling palagay o kaisipan at
nagpapakita ng simula, gitna, wakas.
6. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng
mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito,
iba pa)
Paggawa ng Pananaliksik Layunin ng Aralin 4
1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng
pananaliksik ayon sa binasang datos.
2. Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula
sa video clip na napanood sa youtube o iba pang
pahatid pangmadla
MODULE MAP

ARALIN 2:Ang
Pinagmulan ng
Marinduque

(Alamat)

ARALIN Salamin ng ARALIN


1:Karunungang Kahapon...Baka
Bayan
3:Bantugan
sin Natin
(Tula) Ngayon (Epiko)

ARALIN
4:Paggawa ng
Pananaliksik

Upang maisakatuparan ang nilalaman ng modyul na ito, nararapat lamang na gawin ang mga sumusunod:
1. Nakakapanayam ang mga lola,lolo at mga magulang gamit ang isang graphic organizer.
2. Nakapagsasagawa ng Story Mountain Organizer.
3. Napaghahambing ang nabasang alamat sa napanood gamit ang Venn Diagram.
4. Natutukoy ang sanhi, bunga at solusyon ng mga pahayag gamit ang PECS chart.
5. Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na napanood sa youtube o iba
pang pahatid pangmadla.
6. Nakasusulat ng isang sistematikong pananaliksik.
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang katagang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
MALI kung ito ay di wasto.
___________1. Ang salawikain, bugtong at palaisipan ay ilan sa mga halimbawa ng karunungang bayan.
___________2. Kwentong bayan ang tawag sa mga kwentong patulang nagsasalaysay ng mga tradisyong
Pilipino.
___________3. Ang awit at korido ay mga panitikang lumaganap sa panahon ng mga Hapones.
___________4. Ang tibag, senakulo at moro moro at komedya ay mga dulang pantanghalang pumapaksa sa
buhay at paniniwalang Katoliko.
___________5. Bukod sa Balgtasan, ang mga pagtatalong patula tulad ng karagatan at duplo, gayundin ang
palaisipan, ay ilan sa mga halimbawa ng karungang bayan.
__________6. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay tulang isinulat ni Jose P. Rizal.
__________7. Sina Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar at iba pa ay nagkaroon ng malaking
ambag sa panitikang Pilipino lalo na sa panahon ng mga Espanyol.
__________8. Sa panahon ng mga hapones ay nakilala ang mga akdang gaya ng Haiku at Tanaga.
__________9. Pawang tungkol sa relihiyon ang mga dulang nalathala sa bansa lalo na sa panahon ng mga
Hapones.
_________10. Ang panulat ay naging sandata ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga dayuhan lalo na
noong panahon ng Himagsikan.
EXPLORE

Ating simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad sa ibaba upang
matuklasan ang ang mga dating alam na at kailangan pang pagtuunan ng pansin patungkol sa mga akdang
pampanitikan noong unang panahon.

Gawain 1: SIMULAN NATIN


Isulat ang iba’t ibang panitikang Pilipino na alam mo gamit ang grapikong pagkatuto. Pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol dito.

Mga
Panitikang
Pilipino

Mga katanungan
1. Alin sa iyong mga naitalang panitikang Pilipino ang pinakagusto mong basahin o pag-aralan?
Bakit?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang panitikan n gating lahi?
3. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating ninuno ng kasalukuyang
panahon?
GAWAIN 2: MAGAGAWA NATIN
Suriin ang ilang karunungang-bayang makikita sa talahanayan sa ibaba. Ilahad ang iyong sariling kuro
kuro kung ito ay may katotohanan o may batayan o walang katotohanan o kathang isip lamang. Lagyan ng
tsek ( ̷ ) ang iyong napiling sagot at saka ito ipaliwanag. Pagkatapos ay sagutin ang katanungan sa ibaba.

Karunungang-Bayan May Walang Paliwanag


katotohanan/ katotohanan/
May Batayan walang
batayan

Pung, pung, kasili, ipinanganak sa kabibe. Ano


ang anak? Babae

Ang maniwala sa sabi sabi ay walang bait sa


sarili.

Bata, bata, pantay lupa, asawa ng palaka.

Kung anong bukambibig, siyang laman ng


dibdib.

Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

FIRM UP

GAWAIN 3: ISULAT NATN


Kapanayamin ang iyong mga lolo, lola at mga magulang o sinumang matanda sa inyong lugar ng ma
halimbawa ng karunungang bayan na alam nila. Isulat ang iyong halimbawa sa biluhaba. Pagkatapos ay
iugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. Isulat mo rin kung ano-ano ang mga posibleng mangyari kung ang mga ito ay hindi na
matututuhan ng mga kabataan sa
kasalukuyang panahon.

MGA KARUNUNGANG BAYAN

SALAWIKAIN SALAWIKAIN SALAWIKAIN

KAUGNAY NG MGA KAISIPAN NG MGA ITO SA TUNAY NA BUHAY SA KASALUKUYAN

POSIBLENG MANGYARI KUNG HINDI NA ITO MATUTUHAN NG MGA MAG-AARAL


GAWAIN 4: BUOIN NATIN
Humanap ng iyong kapareha at pag-usapan ang bawat pahayag kung ano ang magiging sanhi, epekto at
solusyon ng mga ito gamit ang PECs Chart.

Suliranin(Problem) Sanhi(Cause) Epekto(Effect) Solusyon(Solution)


Paglaganap ng crab
mentality sa bansa.
Pagmamalupit o
pagmamaltrato sa
kapwa ng mga nasa
kapangyarihan.
Labis na
pagpapahalaga sa
kayamanan at
kapangyarihan ng
ilang mga taong nasa
katungkulan.

GAWAIN 5: STORY MOUNTAIN ORGANIZER


Gamit ang Story Mountain Organizer ay suriin ang pagkakabuo o pagkakabalangkas ng mga pangyayari ng
binasang “Ang Alamat ng Durian” batay sa elemento ng banghay nito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
mahahalagang pangyayaring naganap sa akda. Pagkatapos ay sagutin mo rin ang mga tanong na makikita
sa ibaba.
GITNA

SIMULA WAKAS

ALAMAT
NG
DURIAN

 Masasabi mo bang naging maayos ang simula ng alamat? Ipaliwanag.


 Saang bahagi ng alamat makikita ang kasukdulan? Naging kapana-panabik ba ito tulad ng
inaasahan?
 Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? Kapanipaniwala ba ang ganitong uri ng wakas?
 May saysay paba o halaga ang alamat bilang mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan? Bakit?
GAWAIN 6: VENN DIAGRAM
Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang katangian ng banghay ng mga binasang alamat.
Ang Alamat ng Durian Ang Alamat ng Marinduque

Pagkakatulad Pagkakatulad

Pagkakaiba

DEEPEN

GAWAIN 7: PAGSUSURI
Ibahagi ang iyong opinion o pananaw batay sa isang balitang dagli na nakatala sa kahon. Isulat ang iyong
sagot sa ibaba nito.
Ayon sa kagawaran ng pananaliksik ng ilang mga unibersidad at
pamantasan sa bansa, masasabing halos mababa ang antas ng
pananaliksik sa Pilipinas. Ang ilang pananaliksik na naisagawa ay
masasabing hilaw o sa wikang Ingles ay tinatawag na “mediocre”. Isa
sa pinakamalaking dahilan marahil ng problemang ito ay ang
kakulangan sa pondo at suporta ng pamahalaan.
GAWAIN 8: GUIDED GENERALIZATION
Sa pamamagitan ng mga sumusunod na sitwasyon, masasagot ang mga kalakip nitong katanungan.
Makabuluhang Unang Pangyayari Pangalawang Pangatlong
Katanungan Pangyayari Pangyayari
Ano ang nakatutulong Paksa: Kabataan Paksa: Dalubhasa sa Paksa: Guro
sa paggawa ng isang Ang kasaysayan ay Wika Ang social media ay
proyektong punong puno ng mga Marami nang siya nang
panturismo sa alala. Alala na kung umuusbong na pinagtutuunan ng
panahon ng mga saan ay buong loob na lengwahe sa ating pansin ng maraming
katutubo, espanyol at isinatitik ng mga bansa na maaaring kabataan. Bilang isang
hapon? manunulat. Bilang makaapekto sa mga guro ano ang
isang kabataa, paano sinaunang sulatin magagawa mo upang
mo mapapaunlad ang patungkol sa mahikayat ang mga
mga akdang naging panitikan. Bilang isang mag-aaral na bigyang
tatak ng bawat nagpapakadalubhasa pansin ang mga iba’t
Pilipino? sa wika, ano ang ibang akdang
maaari mong pampanitikan sa ating
maibahagi upang bansa?
mapanatili ang
orihinalidad ng mga
akdang ito?
Sagot Sagot Sagot

Pantulong na pahayag Pantulong na pahayag Pantulong na pahayag

Dahilan Dahilan Dahilan

Pagkakaisang Diwa:

Mahalagang Pang-unawa:
TRANSFER

GAWAIN 9: BANGHAY NG PANANALIKSIK


Upang maisagawa ang iyong panghuling Gawain, nararapat munang alamin ang tamang hakbang sa
paggawa ng pananaliksik.
Gamit ang Ladder organizer, tukuyin ang tamang hakbang ng pananaliksik sa video clip na inyong
panonoorin.
Unang Hakbang
Pangalawang hakbang

Pangatlong hakbang

Pang-apat na hakbang
Panlimang hakbang

Pang-anim na hakbang

Pampitong hakbang

Pangwalong hakbang

PERFORMANCE TASK: Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay maatasang gumawa ng isang
sistematikong pananaliksik patungkol sa Katutubong Kulturang Pilipino. Ang matatapos ninyong
pananaliksik kasama ang iba pang natapos na Gawain para sa kabanatang ito ay inyong ilalathalasa
pamamagitan ng isang mininews letter na ilalabas ng inyong kapangkat sa paaralan o klase.
Gamitin ang pamantayan sa ibaba bilang gabay sa inyong Gawain.

Mga Pamantayan Puntos Aking


Puntos
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng 10 puntos
datos.
Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik nang naaayon 10 puntos
sa lugar at panahon ng pananaliksik.
Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang 10 puntos
awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katutubong kulturang Pilipino.
Nailalathala sa pamamagitan ng news-letter ang resulta ng 10 puntos
pananaliksik kasama ang iba pang natapos na Gawain na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino.
Kabuuang Puntos 40 puntos

5-napakahusay 2-di-mahusay
4-mahusay 1-sadyang di-mahusay
3-katamtaman
GAWAIN 10: PAGGAWA NG JOURNAL
Sumulat ng paglalarawan kung ano ano ang mga aral na napulot mo mula sa paggawa ng pananaliksik.
Maging ang mga mahahalagang bagay na nagdulot sayo ng tulong upang maisagawa ang nasabing Gawain.
Ibahagi ito sa klase.

Mga Katanungan:
Anong hakbang ng pananaliksik ang para sa iyo ay madali? At ano naman ang hakbang na mahirap
isagawa?
Sa iyong palagay nagdulot ban g maganda ang iyong Gawain?

Inihanda ni:
Mrs. Liezel Fernandez Hernaez

You might also like