Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Part I

Group Administration

(TAGALOG)

1. Kagamitan: larawan ng mga hugis bilog at parihaba, gunting, papel, pandikit

Pamamaraan:

Sabihin: Gupitin ang hugis bilog at parihaba na nakalarawan. Idikit ito sa


papel.

Marka: 1 kung magupit at madikit nang maayos ng bata; 0 kung hindi

2. Kagamitan: 3 larawan na nagpapakita ng masaya, tahimik at malungkot na mukha.

Sabihin: Binigyan ka ng nanay at tatay ng regalo sa iyong kaarawan.


Alin ang nagpapakita na nagustuhan mo ito?

  
Marka: 1 kung matukoy ng bata ang larawang nagsasaad ng masayang mukha; 0 kung hindi

3. Kopyahin ang salita sa loob ng kahon

Marka: 1 kung maisulat o makopya ng bata ang salita ayon sa nakahalimbawa; 0 kung hindi

4. Bilugan ang larawan na katulad ng nasa kahon.

Marka: 1 kung mabibilugan ng bata ang pangatlong larawan; 0 kung hindi


5. Pagdugtung-dugtungin ang mga putol-putol na linya upang mabuo ang larawan.

Marka: 1 kung mabakat nang buo ng bata ang padron; 0 kung hindi

6. Isulat ang mga bilang na sasabihin ko.

2 8 5
5 5
Marka: 1 kung maisulat ng bata ang tatlong bilang na nabanggit; 0 kung hindi

7. Tingnan ang pattern. (teacher should recite the pattern.)


Pakinggan ang sasabihin kong mga pangalan ng hugis:
tatsulok, bilog, tatsulok, bilog, tatsulok, bilog. Ano ang susunod na hugis?
Iguhit sa patlang.

Marka: 1 kung maiguhit ng bata kahit dalawa man lang sa magkakasunod na hugis;
0 kung hindi

8. Bilugan ang pangalan ng larawang nasa loob ng kahon.

sama
samo
sawa

Marka: 1 kung mabilugan o matukoy ng bata ang pangalan o salita ng nasa larawan;
0 kung hindi
9. Bilugan ang pangalan ng larawang nasa loob ng kahon.

palaka
patola
palara

Marka: 1 kung mabilugan o matukoy ng bata ang pangalan o salita ng nasa larawan;
0 kung hindi

10. Kagamitan: Kwento na “Ang Lobo”

Pamamaraan: Basahin sa mga bata ang kwento at ipasagot ang tanong sa baba.

Ang Lobo

“Si Lola! Si Lola!


Nandito si Lola” sigaw ni Donna.
“Mano po Lola.”
‘Lobo! Lobo!
“Pula ang lobo,
Binigyan ni Lola ng lobo si Donna.

“Salamat po Lola.”
Masaya si Donna.
Naglaro siya ng lobo.

Alin sa mga sumusunod na larawan ang unang nangyari?


Lagyan ng tsek.

Marka: 1 kung matukoy ng bata ang larawang binibigyan ng lola si Donna ng lobo;
0 kung hindi
Part II
Individual Administration

11. Kagamitan: 3 istrip ng cardboard na magkakaiba ang haba

Pamamaraan: Ilagay ang 3 istrip ng cardboard sa mesa.

Sabihin: Ayusin ang mga istrip ng cardboard mula sa pinakamaikli


hanggang sa pinakamahaba.
.

Marka: 1 kung maisasaayos ng bata mula sa pinakamaikli hanggang pinakamahaba;


0 kung hindi

12. Kagamitan: 3 tatsulok (1 pula, 1 dilaw, 1 asul), 3 bilog (1 pula, 1 dilaw, 1 asul), 3
parihaba (1 pula, 1 dilaw, 1 asul), na magkakasinlaki

Pamamaraan: Ilagay ang lahat ng mga cutout sa mesa.

Sabihin:Pagsama-samahin ang magkakatulad/magkakaparehong cutout.

Paano mo pinangkat ang mga cutout?

Mayroon pa bang ibang paraan para pangkatin ang mga cutout? Ipakita ito.

Marka: 1 kung maipangkat ng bata ang mga bagay ayon sa gamit; 0 kung hindi

13. Kagamitan: lapis, krayola, aklat, magasin, dyaryo, tasa, baso

Pamamaraan: Ilagay ang mga bagay sa mesa.

Sabihin: Pagsama-samahin ang mga bagay na pare-pareho ang gamit.

Marka: 1 kung naisapangkat ng bata ang mga bagay ayon sa gamit nito; 0 kung hindi

14. Kagamitan: 10 popsicle sticks na may kulay dilaw at asul.

Pamamaraan: Ilagay ang 10 popsicle sticks sa mesa.

Sabihin: Ipakita sa pamamagitan ng mga popsicle stick kung papaano


mo sasagutin ang tanong.

Si Lito ay may mga holen. Tatlo ang asul at dalawa ang dilaw. Ilang lahat
ang holen niya?

Marka: 1 kung maipakikita ng bata ang 3 asul at 2 dilaw na popsicle sticks; 0 kung hindi
15. Kagamitan: 10 popsicle sticks

Pamamaraan: Ilagay ang 10 popsicle sticks sa mesa.

Sabihin: Ipakita sa pamamagitan ng mga popsicle stick kung


papaano mo sasagutin ang tanong.

Si Liza ay may 10 bayabas. Ipinamigay niya ang 4 na bayabas. Ilan


ang natira sa kanya?

Marka: 1 kung maipakikita ng bata ang anim na popsicle sticks; 0 kung hindi

16. Kagamitan: 16 popsicle sticks

Pamamaraan1: Ihanay ang 8 popsicle stick.

Sabihin: Bilangin ang popsicle sticks.


Itanong: Ilan lahat ang popsicle sticks?

Ilan

Pamamaraan 2: Maghanay uli ng isa pang pangkat ng mga popsicle sticks katulad ng
ipinakikita sa ibaba.

Itanong: Aling hanay ng mga popsicle stick ang mas marami?


Bakit?
Pamamaraan 3: Pagkatapos ay ayusin ang mga popsicle sticks katulad ng ipinakikita sa
ibaba.

Itanong: Alin ngayon ang mas marami sa dalawang hanay?


Bakit?

Marka: 1 kung ang sagot ng bata ay pareho; 0 kung hindi


17. Kagamitan: masking tape na 4 na pulgada ang lapad at 2 metro ang haba,
. gunting. Maari ding iguhit gamit ang chalk o papel na apat na
pulgada ang lapad at 2 metro ang haba na ididikit sa sahig.

Pamamaraan:

Sabihin: Lumakad sa guhit habang nakadipa ang mga kamay hanggang sa


dulo at bumalik nang palundag.

Marka: 1 kung naisagawa ng bata ang hinihingi ayon sa panuto; 0 kung hindi
18. Kagamitan: larawan ng pusa, manok, kambing, pusit, isda at hipon.

Pamamaraan: Ilagay sa ibabaw ng mesa ang mga larawan.

Sabihin: Pagsama-samahin ang mga hayop ayon sa kanilang tirahan.

Marka: 1 kung napagsama-sama ng bata ang pusa, manok at kambing sa isang pangkat at
pusit, isda at hipon sa bukod na pangkat; 0 kung hindi ganito ang pagkakapangkat

19. Kagamitan: Cardboard na naglalaman ng mga malalaki at maliliit na titik ng


alpabeto

M d
R h
D m
F r
H f
n
Pamamaraan: Ipakita ang dalawang cardboard na mayroong mga titik ng alpabeto: Kard A-
Malalaking titik , Kard B – maliliit na titik

Sabihin: Ituro ang magkapares na malaki at maliit na titik ng


sumusunod: M, D, F, R, H

Marka: 1 kung may 3 tamang naituro ang bata; 0 kung 2 o 1 lamang ang naiturong tama
20.

Sabihin: Tapos na ang gawain ng iyong pangkat at kailangan ninyong


ligpitin ang inyong ginamit.

Ano ang iyong gagawin?


a. Maglalaro
b. Tutulong sa pagliligpit
c. Panonoorin ang mga kaklaseng nagliligpit

Marka: 1 kung isinagot ng bata ay “b” ; 0 kung hindi


21. Kagamitan: tatlong larawan

Pamamaraan: Ihanay sa mesa ang tatlong larawan

Sabihin: Ang pangalawang bata sa hanay ay si Jose.


Bibili siya sa kantina.
Aling larawan ang nagpapakita na marunong
maghintay si Jose?

a b c

Marka: 1 kung mapili ng bata ang unang larawan (a); 0 kung hindi
22.
Sabihin: Kinuha ng kaklase mo ang iyong lapis nang walang
paalam. Ano ang gagawin mo?

a. Aawayin ang kaklase.


b. Isusumbong sa guro ang ginawa ng kaklase.
c. Kakausapin ang kaklase na dapat sa susunod ay magpapaalam
siya.

Marka: 1 kung mapili ng bata alinman sa pangalawa (b) o pangatlong (c); 0 kung una (a) ang
isinagot ng bata
23. Kagamitan: aklat ng mga kuwento

Pamamaraan: Ibigay ang aklat sa bata.

Babasahin ko ang kuwento. Ituro mo kung saan ako magsisimulang


magbasa.

Marka: 1 kung itinuro ng bata ang pamagat ng aklat o pahinang pamagat; 0 kung hiindi at
ibang bahagi ng aklat ang itinuro
24. Pamamaraan:

Sabihin: Pakinggan ang magkapares na salitang bibigkasin ko. Kung


magkatunog ang mga ito, sabihin OPO at kung hindi naman, sabihing
HINDI PO.

dahon kahon
aklat anino
lata mata

Marka: 1 naisagot ng bata ay OPO sa una at pangatlong pares at HINDI PO sa pangalawa;


0 kung hindi ganito ang ayos ng pagkakasagot
25. Kagamitan : apat na larawan
Pamamaraan: Bigyan ang bata ng apat na larawan.

Sabihin: Sabihin ang pangalan ng bawat larawan.


Kunin ang larawan ng kalabaw .
Sabihin ang pangalan ng kalabaw. Aling larawan
ang may pangalan na kapareho ng unang tunog ng
kalabaw?

Marka: 1 kung naituro ng bata ang larawan ng kalabasa o masabi ang pangalan nito;
0 kung hindi
26. Kagamitan: larawan ng palengke, parke at ospital

Pamamaraan: Ihanay at ipakita sa bata ang mga larawan.

Sabihin: Ituro ang lugar sa pamayanan na binibilhan ng mga pangunahing


pangangailangan tulad ng pagkain.
Marka: 1 kung maituturo ng bata ang larawan ng palengke; 0 kung hindi

27. Kagamitan: larawan ng pagkain, damit, television

Pamamaraan: Ihanay at ipakita ang mga larawan.

Sabihin: Ituro ang 2 larawan ng kailangang kailangan ng pamilya.

Marka: 1 kung naituro ng bata ang larawan ng mga pagkain at damit; 0 kung isa lamang o
kasama ang pangatlong larawan

28. Kagamitan: Larawan ng mga sumusunod:


 batang nagwawalis
 batang nagtatapon ng basura sa ilog
 batang nagtatanim

Pamamaraan: Ihanay ang mga larawan sa mesa.

Sabihin: Ituro ang larawang HINDI nagpapakita ng pangangalaga sa


kapaligiran.

Marka: 1 kung naituro o matukoy ng bata ang larawang nagtatapon ng basura sa ilog; 0 kung
hindi
29. Kagamitan: larawan ng mesa

Pamamaraan: Ipakita ang larawan.

Itanong: Anong bahagi ng mesa ang nawawala?

Marka: 1 kung matukoy ng bata na paa ang nawawalang bahag ng mesa; 0 kung hindi

30. Kagamitan: larawan ng 3 mangga

Pamamaraan: Ihanay ang mga larawan sa mesa.

Itanong: Alin ang naiiba? Bakit?

Marka: 1 kung matukoy o maituro ng bata na ang larawang may dahon ang naiiba; 0 kung
hindi

You might also like