Tungkulin at Responsibilidad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tungkulin at Responsibilidad

ng Mananaliksik

Introduksyon
Tulad ng anumang gawain, ang pananaliksik ay isang malaki at
mabigat na responsibilidad.May mga katangian, pagpapahalaga at
konsiderasyong dapat malaman at mabigyang halaga ng mananaliksik.
Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik
Malaki ang papel mo bilang mananaliksik sa paggawa ng
pananaliksik.Nakasalalay sa iyo ang kredibilidad ng iyong gagawin/ginagawa.
Dahil sa malaki ang papel mo bilang mananaliksik, may mga
inaasahang katangian na dapat mong angkinin.
Sa pag-aaral mo sa unibersidad, ang pagiging matiyaga, masipag, at
maparaan ay nakakatulong sa lalong ikahuhusay ng iyong pag-aaral.Ang
mga katangiang ito ay lalo mo pang kakailanganin sa gawaing
pananaliksik.Gayundin, kailangan ang ingat, katapatan, pagiging sistematiko,
mapanuri, kritikal at responsible.Medyo mabigat ang tungkulin ng
mananaliksik, pero kaya mo ito.Linawin pa natin.
Kailangan mong maging:
 Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang
mapagkukunan maging ito’y sa aklatan, upisina, institusyon,
tao, media, komunidad at maging sa Internet;
 Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi mdaling kunin at
nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga ito;
 Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa
pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga gawain
tungo sa pagbubuo ng pananaliksik. Kailangang
19
nakaprograma ang mga gagawin para hindi masayang ang
panahon. Sa kursong ito, halimbawa, isang semestre lang ang
panahong ibinibigay sa iyo para matapos mo ang
pananaliksik;
 Maingat sa pagpili ng mga datos batay sas katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay
sinisiyasat; at sa pagbibigay ng mga konklusyon,
interpretasyon, komento at rekomendasyon.
o Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y
napatunayan ng mga ebidensya. Halimbawa, ang
isang pangunahing dokumento na may awtentikong
pirma ay mas solido at matibay na patunay kaysa sa
sekondaryong dokumento ng pahayag ng isang
tagamasid lamang;
o Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay
napapatunayan sa motibo, awtoridad, at realidad
(pagiging totoo) ng datos. Halimbawa, lalong may
kredibilidad ang sinulat ng isang historyan kaysa ng
isang matematisyan kung tungkol sa yugto ng
kasaysayan ang datos;
o Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang
hahanapin ang lahat ng datos ukol sa paksa kahit na
may makitang negatibong epekto sa ginagawang
pananaliksik;
o Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at
rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o
ibibigay kung hindi mo pa nabibistay, natitimbang, at
nasusuri ang mga argumento at mga batayang
datos. Hlimbawa, hindi ka basta gagawa ng
konklusyon na TV ang dahilan ng bayolenteng
pagkilos o karahasan ng kabataan ngayon kunghindi
ito napatunayan ng mga datos at hindi mo nasuri ang
mga argumento.
 Analitikalsa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa
at mga kaugnay na paksa. Halimbawa, analitikal ka kung
malinaw mong nakita na ang isyu ng rape ay may iba’t ibang
20
dimensyon – pisikal, emosyonal, moral, ekonomiko, sosyal at
politikal.
 Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa. Hindi lahat ng datos at mga pagaaral ay basta mo tinatanggap
kung hindi sinusuri muna at
tintingnan ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at
kaugnayan ng isang ideya sa iba pang ideya o kaya’y ng mga
partikular na ideya sa kabuuang ideya. Halimbawa, magiging
kritikal ka kung makikita mo na ang EDSA Revolution ay hindi
lamang isang pangyayaring naganap noon Pebrro 25, 1986
kungdi bunga ito ng matagal na panahon ng paninikil sa
karapatan, kolonyalismo, at iba pang mga kadahilanan;
Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa
paksang pinag-aaralan mo; sa pagkuha ng mga datos nang walang
itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa
kinunan; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. Halimbawa, dapat
mong banggitin na may nagawa nang pag-aaral ukol sa iyong paksang “Isang
Pag-aaral sa Persepsyon sa Kababaihan sa mga Nobela ni Amado V.
Hernanadez” kung kaya ang aspektong hindi pa natatalakay ang siya mo na
lang talakayin.Banggitin mo din kung sino ang gumawa ng gayong pag-aaral
kasama ang ibang impormasyon ukol dito.
Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga
tao/institusyong pinakunan mo ng mga ito, at sa pagsisigurong maayos at
mahusay ang mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman
at sa prosesong pagdadaanan.
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik
Sa kahit na anong gawain, may etikang sinusunod upang masanay at
maisaayos ang mga gawain.
Sa larong golf, bahagi ng etika ang hindi pagtawanan, kutyain o paringgan
ang kasamang manlalaro kahit hindi mahusay ang pagtira nito sa bola.
21
Sa mga miting, simposyun at iba pang usapang panggrupo, bahagi ng etika
na patapusin muna ng sasabihin ang isang tao bago magsalita ang iba pang
gustong magsalita.
Sa pagmamaneho, bahagi ng etika ang pagkumpas ng kamay bilang
pasasalamat o pagkilala sa isang behikulong huminto para magbigay-daan sa iyo.
Sa hapag-kainan, hinihingi ng mabuting asal na hintaying matapos ang lahat
bago magligpit ng kinainan o kaya’y humingi ng dispensa kung kailangang umalis ng
maaga kaysa sa iba.
Sa pananaliksik, mayroon ding mga ganito. Anu-ano ang mga etikang ito?
1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa pamamagitan ng mga
tala at bibiliograpiya.
2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o
walang permiso.
Sa mga bukas na salansan ng libro sa aklatan, dyaryo, magasin,
programa sa radio, TV, pelikula at teatro,hindi kinakailangang hingin
ang permiso ng mga sumulat/may-ari para banggitin, sipiin o magamit
na materyal sa pananaliksik.Kailangan lang silang kilalanin sa
bibliograpiya.
Gayunpaman, may mga materyal na kailangang ihingi ng permiso ng
may-ari.Halimbawa, may mga pribadong koleksyon ang mga
indibidwal o kaya’y mga kumpidensyal na dokumento na hindi basta
ipinahihiram ng may-ari.Hingin din ang permiso sa pag-teyp ng mga
interbyu.Kung ayaw ng iniinterbyu na mai-video siya o kaya’y mai-teyp
ay huwag pilitin.Pero huwag namang gawin ito nang patago.
Ang hindi pagsunod sa hinihingi ng etika ay maaring humantong sa di
ninyo pagkakasundo ng taong kinukuhanan ng materyal.Mas malala,
maaaring humantong ito sa korte.Iwasan mong mangyari ito para hindi
makaabala sa iyong pag-aaral.
22
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na
kung negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong
iniinterbyu.
Maging obhetibo at maingat sa pagbibigay ng obserbasyon, kung
kinakailangang gawin ito.Pero kung maiiwasan, manatili sa paksa ng
interbyu.
4. Huwag kang mag-shortcut.
Anumang pag-shortcut ay masasabing bunga ng katamaran.Ayaw
nang magpagod pa.Tinatamad na.Gusto na agad matapos.Pero
anumang pag-shortcut ay magbubunga rin ng di-kasapatan ng datos
na magreresulta sa di rin sapat na pagsusuri.Bitin, ika nga.Paano nga
ba ginagawa ang pag-shortcut? Narito ang ilang halimbawa:
 Kulang/hindi tapos ang paghahanap ng materyales.
 Hindi na sinusuri nang malalim ang materyales.
 Mabilisang nagbibigay ng konklusyon/rekomendasyon para
matapos lang.
5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa
pananaliksik.
Sa mga grabeng sitwasyon, maaring maging dahilan ito ng
pagpapatalsik sa iyo bilang estudyante.Sa susunod na seksyon, mas
detalyado mong makikita ang mga uri ng pandaraya sa
pananaliksik.Tandaan mo na hindi ito ipinapakita sa iyo para gayahin
kundi para hindi gawin nang makaiwas ka rin sa anumang problemang
idudulot nito.
23
Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik
Ang pangongopya ay pandaraya at di-katanggap-tanggap sa
pananaliksik. Maaari din itong humantong sa mga problemang lega. Iwasan
ito para huwag mapasok sa gulo at gusot
Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles
kaugnay ng pangongopya ng gawa ng ibang nang walang pagkilala.
Iba-iba ang anyo/uri/tindi ng pangongopya na puwedeng ituring na
plagiarism. Iba-iba rin ang dahilan kung bakit nagaggawa ito. Puwedeng dahil
lang ito sa kapabayaan, tipogrpikal na kamalian, sinadyang pangongopya, o
tahasang pag-aangkin. Mahalangang malaman mo hanggat maaga ang
dapat mong iwasan.
Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism:
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
Siguro, sasabihin mong hindi ito kapani-paniwala. Pero totoong
nangyayari ang ganito. Sa UP mismo ay marami nang kaso ang
napapabalita. Halimbawa, isang estudyanteng freshman ang
nagsabmit sa propesor ng kanyang papel na gawa ng iba at pinalitan
lang niya ang pangalan nito ng kanyang pangalan. Grabeng trabaho
ito. Tunay itong pandaraya. Ito ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya
sa Unibersidad. At kahit may permiso pa ang sumulat ay matatawag
pa rin itong plagiarism lalo na kung mapapatunayang hindi talaga
kanya ito.
May estudyante ding pinalitan lang ang ilang salita ng ibang katumbas
na salita sa artikulong kinopya sa magasin, tapos ay isinabmit sa
propesor bilang kanyang artikulo. Pag-aangkin ito ng gawa ng iba.
Mabigat din ang kaparusahan dito.
Minsan naman (at talagang nangyari rin ito), isang estudyante ang
nanghiram ng iskrip sa isang istasyong pantelebisyon. Ang paalam
niya ay gagamitin ito sa klase. Ang kaso, gumawa siya ng sariling
kopya at pinalitan niya ng pangalan niya ang awtor ng iskrip (ang awtor
24

You might also like