Isang Pagbabagong Anyo Ni Palunsai...

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1st Page Isang Pagbabagong Anyo ni Palunsai

Mula sa Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino

Cotabato City State Polytechnic College

Mahirap lamang si Palunsai ngunit siya’y madasaling tao. Tulad ng iba, meron din siyang pangarap. Nasa wastong taong gulang na siya
upang mag-asawa kaya naghahanap siya ng babaeng mapapangasawa. Alam niyang may naggagandahang anak na dalaga si Dipatuan,
ang pinuno ng kaharian, at alam niyang may balak ang haring papag-asawahin niya ang mga ito mula sa kaniyang mapipiling mga
manliligaw. Gayunpaman, nakapagpasya pa rin si Palunsai na subukan ang kaniyang kapalaran at pinuntahan niya si Dipatuan sa Palasyo.

2nd Page

“ Ang inyong Kamahalan,” sabi ni Palunsai. “May balak po akong hingin ang kamay ng isa sa mga anak niyong babae.”

“ Maari, kung may kakayahan ka.” Sagot ni pinakadiplomatikong taong si Dipatuan. Nakita niyang mahirap lamang si Palunsai ngunit
pinakitunguhan niya ito tulad sa iba pang panauhin. “Tiyak na alam mong meron akong kondisyon…”

“Ano-ano ang inyong mga kondisyon, kamahalan? Nakahanda po akong gawin ang lahat ng nananaisin ninyo.” Sagot ni Palunsai.

“Kung mabibigayan mo ako ng dalawang supot ng perlas na dikya, mapapasaiyo ang sinuman sa mga anak kong mapipili mo. Hindi lang
iyan, may pagkakataon ka pang maging raha at tagapagmana dahil wala akong anak na lalaki.”

Nanlulumong umuwi si Palunsai “Ano ang gagawin ko?, Hindi ako mangingisda at hindi rin ako magaling na manlalangoy. Saan at paano
ako makakaipon ng perlas na dikya?” Malungkot na ibinulong sa sarili.

Gayunpaman, nagpapasyang niyang ialay sa kamay ni Allah ang kaniyang kapalaran. Buong araw siyang nanalangin at umaasang
papatnubayan ng Poong Maykapal.

Kinabukasan, ginawa nila ang naayon sa simbuyo ng kaniyang dadamin, pinuno niya ang dalawang sako ng bao ng niyog at nagtungo.
Habang nagdarasal nililimas niya ang tubig sa karagatan gamit ang mga bao ng niyog. Nang tuluyang bumigay ang pinakahuling bao.
Natagpuan ni Palunsai ang sarili sa gitna ng malawak na tuyong lupa.

“Ano ito? Bulalas ni Palunsai, napatuyo ko ang tubig karagatan… maawaing langit, tingnan mo ang mga dikyang iniwan ng umurong na
tubig… lahat sila’y perlas. Isang milagro! Pinagmilagruhan ako ni Allah!”

Hindi nag-aksaya ng panahon si Palunsai, dali-dali niyang pinuno ang perlas ang dalawang sako. Nang mapuno, mabilis siyang tumakbo sa
dalampasigan, tumayo siya’t pinagmasdan ang muling panunumbalik ng tubig sa karagatan. Lumuhod siya at nagpapasalamat sa walang-
hanggang biyaya ni Allah.

Pagdating sa bahay Hinanap ni Palunsai ang mga bag na buri upang paglagyan ng dikyang perlas. Dahil sa higit na maliit ang mga bag na
buri kaysa sa dalawang sako, marami pa ang natirang perlas sa kaniya.

“Naku po! Mga perlas na dikya” bulalas ni Dipatuan nang ilapag sa harapan niya ang kayamanan.

“ Palabasin ang mga prinsesa, nang makapili si Palunsai kung sino ang gusto niyang mapangasawa.” Utos ni Dipatuan.

Nang maiharap kay Palunsai ang mga anak nito, minabuting pinili ni Palunsai ang pinakabunso hindi
3rd page

Dahil siya ang pinakamaganda kundi mukha itong medaling pakitunguhan at may magandang kalooban. Kaya sinabi niya kay Dipatuan ang
napupurian niya.

“Maari mong pakasalan ang bunso kong anak kung siya mong minimithi.” Sabi ni Dipatuan. “At simulan na natin agad ang pagdiriwang sa
inyong pag iisang dibdib.”

Habang ipinagdiriwang ang pag-iisang dibdib, ipinaayos at binago ang bahay ni Palunsai upang maging karapat dapat na tirahan ng isang
raha.

“Naku! Bakit ba pumayag na pakasalan kay Palunsai?” pangungutyang sabi ng panganay na kapatid sa bunsong prinsesa. “Pangit siya at
hindi kabilang sa dugong maharlika.”

“Hindi mahalaga iyon sa akin. Asawa ko na siya ngayon at natitiyak kong madali siyang mapag-aralang mahalin.” Sagot ng bunsong
prinsesa.

Sa kabila ng panlalait ng nakatatandang kapatid, ang bunsong prinsesa at si Palunsai ay tahimik at masayang nagsama bilang mag asawa.
Lalong nagsikap si Palunsai na maging mabuting asawa. Palagi siyang nananalangin ng patnubaykay Allah, lalo na nang malaman niya ang
napakasamang pang aapi na tinitiis ng asawa dahil sa kaniya.

Isang araw, sinabi ni Palunsai sa asawa. “ Maligo tayo sa ilog at magdala tayo ng niyog na nakudkod para sa ating buhok.”

Humiwalay si Palunsai sa kaniyang asawa at naligo habang sinasalubong ang agos. Nasisiyahang naligo rin ang prinsesa sa malamig na
tubig nang biglang may namataan siyang ilang bagay na lumulutang.

“Ano iyon?” pagtataka niya. Habang papalapit ang lumulutang na bagay sa kinaroroon niya ay bigla siyang napasigaw “ Naku! mga
kasuotan ito ni Palunsai.”

Sa pag aakalang nalunod si Palunsai dali-daling pinuntahan ng prinesa ang lugar na doon naliligo ito.

Mabilis niyang hinanap ang asawa at nang hindi ito matagpuan, matamlay siyang umupo sa pampang at humahagulgol ng iyak.

Nasa gayon siyang kalagayan nang biglang isang napakakisig na lalaking sakay sa isang matikas na kabayo ang lumapit sa kanya.
Nagtatakang niyaya siyang umuwi.

“Tahan na, mahal kong prinsesa, umuwi na tayo.”

“Lumayo ka, hindi kita kailangan!”

“Bakit ka umiiyak? May masamang nangyari ba sa iyo.”

“Lumangoy sa mabilis na agos ang aking asawa nang makita kong lumulutang kasabay ng ago sang kaniyang mga kasuotan.” Umiiyak na
isinalaysay ng prinsesa. “Kanina pa ako naghahanap sa kaniya ngunit

4th page

Hindi ko siya matagpuan kahit saan man. Ang kinakatakutan ko, baka siya’y nalunod.”

“Ha ha ha” marahang tawa ng prinsipe.” Bakit hindi pa tayo umuwi ngayon?”

“Hindi mo ba naming ang sinabi ko kanina? Sinabi ko hindi kita kailangan. Umalis ka na!”

“Ibigay mo sa akin ang mga kasuotan ni Palunsai.” Sabi ng di kilalang lalaki sa prinsesa habang bumababa sa kabayo.

“Ano ang gagawin mo sa mga ito?”


“ Isusuot ko ang mga ito, pagmasdan mo.”

Nang maisuot ng di kilalang lalaki ang kasuotan ni Palunsai, di makapaniwalang napabulalas ang prinsesa. “ Ikaw nga si Palunsai! Ngunit
ang iyong mukha… napakisig mo!”

“Mahal kong asawa, dininig ni Allah ang aking mga panalangin. Walang sawa akong nagsusumamo sa kaniyang, tulungan akong
magbagong-anyo para sa iyong kapakanan.”

“ Ngunit bakit? Minamahal naman kita kahit hindi ka makisig.”

“Alam ko ngunit ayaw kong kinukutya ka ng mga kapatid mo” pagpapaliwanag ni Palunsai. Ipinagkaloob ni Allah ang aking dalangin at
pinalitan na si Sumedesn sa Alungan.”

Buong pagmamahal na nagyakapan ang mag-asawa at sila’y umuwi. Humanga ang mga taong madaanan nila sa kakisigan ng lalaki ngunit
nagtatanong sila sa inasal ng prinsesa na sa buong pagkakaalam nila’y asawa siya ni Palunsai.

“Sabihan ang prinsesang makipagkita sa akin.” Utos ni Dipatuan nang umabot sa kanya ang balita. Kasama ang asawang si Sumedsen sa
Alungan pumunta sila sa palasyo.

“Nasaan ang iyong asawa na si Palunsai?”

“Inyong kamahalan” nagsalita si Sumedsen sa Alungan para sa prinsesa. “ Ako po si Palunsai, Dininig ng maawaing Allah ang aking mga
panalangin at binago niya ang aking anyo”

Upang patunayan, isinuot muli ni Palunsai ang lumang kamiseta at agad na nakilala ng sultan ang dating si Palunsai. Niyakap ni Dipatuan
ang kaniyang makisig na manugang.

Pinagalitan ang matandang kapatid ng prinsesa dahil sa kaniyang masaman pag-uugali. Nang Makita ang pagbabago ng kaniyang bayaw
ay humingi siya ng kapatawaran sa mag asawa ayon din kay Allah.

Nang namatay si Dipatuan nagging tagapagmana ng trono si Sumedsen sa Alungan. Naging masagana ang kaharian ng kaniyang mabuti at
matalinong pamumuno.

You might also like