Konteksto at Layunin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

II.

Konteksto

Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kalagayan ng ating kapaligiran ay mahalaga. Sinasabing


ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay na nasa ating paligid ay ang susi sa maayos na
pamumuhay sapagkat nandito ang lahat ng ating pinagkukunan. Ayon sa DENR (2003), ang
labis na pang-aabuso ng mga Pilipino sa kapaligiran ay patuloy na nangyayare dahil sa walang
nagbabawal dito at sa mahinang implementasyon ng mga batas pangkalikasan. Kaya naman
higit na kinakailangan ang aktibong pakikibahagi sa pagpapatupad sa mga batas, ordinansa, at
patakarang pangkalikasan.

Sa mabilis na pagdami ng polusyon at basura, matindi ang panawagan ng gobyerno partikular


ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman. Ayon sa DENR (2018), mahigit 40,000
toneladang basura ang itinatapon sa buong bansa kada araw, katumbas ng higit 4,000
malalaking garbage truck. Sa kalagayan ng ating kapaligiran ngayon, ang mga umiiral na
inisyatibo ng kagawaran upang protektahan ang likas na yaman ng bansa ay dapat nating
suportahan. Hindi kinakailangan maisakripisyo ang kalagayan ng ating kapaligiran sa pag-unlad
ng ating ekonomiya kaya higit na kinakailangan natin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang
mapanatili ng kaayusan at balanse ng bansa. Sa kasalukuyan, maraming mga kinakaharap na
problema ng gobyerno sa iba’t ibang. Bilang mamamayang Pilipino alam natin ang mga
kakulangan ng bansang Pilipinas at tayo’y naghihirap sa mabagal na pag-usad ng ating
ekonomiya.

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay napapanahon at kinakailangan. Sa pamamagitan nito


maipapakita natin ang pagiging responsableng mamamayan ng bansang Pilipinas. Ang
malawakang kasulukuyang problema sa basura at polusyon ay inaasahang maghahatid ng
malaking problema sa ating hinaharap. Kaya naman ang inisyatibong ito ng Philippine Institute
of Chemical Engineers (PIChE) at mga nagmamalasakit sa kapaligiran ay para muling
magpamalas ng kabayanihan,

IV. Layunin

Layunin ng panukalang proyekto na ito na mabigyang pansin at matulungan ang nasisirang


kapaligiran ng kamaynilaan.

Ang mga sumusunod ang mga tiyak na layunin:

a. Maipamalas ang bayanihan sa sama-samang paglilinis ng mga kailugn, estero, kanal,


patubig at karagatan.

b. Mapanitili ang pagkilos at pagsasagawa tungo sa malinis na kapaligiran.

c. Pasimulan ng sama-samang pagkilos ng mga Manilenyo para sa pagkamit ng luntiang


kapaligiran

d. Maipalaganap at maimplementa sa ibang bahagi ng bansa ang naturang proyekto hindi


lamang sa Lungsod ng Maynila.

You might also like