Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Matalinong Pintor

Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila.
Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay
ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.

Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, �Huwag kang aalis,
Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo.�

�Ano po iyon, inay?� tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan


nilang mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.

�Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng
pinturang puti at brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo.�

Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos
niya ay parang utos ng reyna na di mababali.

Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-iisip


niya ang tiyak na nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa
pag-aantay sa kanya, o di kaya�y naglalaro na at hindi na siya hinintay.

Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang


sulok ng mahabang bakuran. �Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi,� wika
niya sa sarili. �Binabalak pa naman namin ni James na ilampaso ngayon sina Henry.�

Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura, natanaw
niyang dumarating ang kapwa bata ring si Vince.

�Hoy, Zandrey!� Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang
paghahaplos ng pintura sa bakod.

�Ano ang ginagawa mo, Zandrey?�

Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na.

�Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka.�

�Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin.�

Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadong-ganadong itinuloy ang


pagpipintura. Maya�t-maya�y sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at tila
tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay nakatungangang nagmamasid.

�Papinta rin nga,� maya-maya�y pakiusap, nito. �Titikman ko lang magpintura.�

�Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang maayos
ang pintura nito.�

�Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko,
pagpintahin mo lang ako.�

�O, sige na nga.� Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang
kababata. Habang pinapanood niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak
para mapadali ang trabaho niya at makaipon pa siya ng mga regalo.

Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey si
Armel. Binigyan siya nito ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod naman
dito si Erick, saka si Ethan, si Alexander, si Richard.
Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisa-isang bilangin ng matalinong si
Zandrey � may yoyo, trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi,
larawan ni Batman at Robin, komiks na Superman, mahabang tali ng borador, plastic
na baril-barilan, singsing na tanso�.

Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may paayon,
pasalungat, may kulang-kulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey, ang bakod
ay napakaganda, dahil ni-kaunti man ay di siya napagod at nakakamal pa siya ng
maraming yaman.

sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalake.
Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang lalake ay nagkalas ng mga
ilang butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal
nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula noon, di
na nagyabang uli ang hangin.

You might also like