Professional Documents
Culture Documents
Filipino Reviewer Grade 6
Filipino Reviewer Grade 6
Overseas Filipino Workers ang tawag sa karamihan ng mga kababayan natin nais
mangibang bansa o makipagsapalaran sa kung anong trabaho ang naghihintay sa kanila. OCW ang
dating tawag sa kanila o Overseas Contractual Workers sapagkat hindi permanente ang aabutan
nilang trabaho sa ibang bansa kung hindi ay isang kontrata lamang na pinirmihan na kalimitan
dalawa o hanggang tatlong taon ang dapat bunuin matapos ay puwede ulit pumirma ng bagong
kontrata para makapag-trabaho.
Bakit nga ba marami sa ating mga Filipino ang may kagustuhang makalabas ng bansa?
Simple lang ang kasagutan, para kumita ng mas malaki kaysa sa kasalukuyang kinikita dito.
Ang pinaka nangungunang dahilan ng mga OFW sa pagkakaroon ng malaking sahod ay ang
makapag-pundar ng bahay at lupa para sa kanilang pamilya. Sino nga ba sa atin ang hindi
gugustuhin na magkaroon ng sariling ari-arian? Para sa hinaharap ay may maipagmamalaking “sa
atin ito”.
Kayod kalabaw ang karamihan sa mga manggagawang Pinoy saan man sa mundo, upang
makapag-ipon ng malaki at maipadala sa pamilyang naghihintay sa bansang sinilangan. Kahit sobra
na ang pangungulila sa pamilya, binabalewala na lamang ito at itinutuon ang atensyon sa
pagtatarabaho. Hindi madali ang maging OFW. Dahil mag-isa kang haharapin ang buhay sa ibang
bansa, walang ibang kikilos para sayo kung hindi ang sarili mo. Mula sa paghahanda ng damit na
isususot para sa trabaho, pagkain at kung ano-ano pa na ‘di mo maaaring iasa sa iba. Matututuhan
mong maging independent sa mga ganitong pagkakataon. Nagtitiis ang iba na hindi bumili ng mga
nagmamahalang gamit o di kaya’y nililimitahan ang pagkain nang sa gayon ay malaki ang matipid sa
pang araw-araw na pamumuhay doon. Ang ilan naman ay paunti-unting nag iipon ng mga
maipapadalang gamit o kung ano mang mabili sa bawat araw ng sahod para sa balikbayan box na
ipapadala sa Pilipinas. Siyempre hindi mawawala sa pasalubong ang paborito ng lahat, ang
tsokolate na galing abroad