Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mahalagang Kasanayan sa Pag-basa

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga


impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag
na midyum (Urquhart at Weir) •

Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan sa pagsasagawa ng


aktibidad na kinasasangkutan ng awtor na siyang nagsulat o nag-
enkowd ng mga simbolo na walang iba kundi ang mga letra para
maghatid ng mensahe sa bumabasa.

Sa pagtanggap ng masimbolong nakakodang mensahe, kailangang


aktibo lahat sa aspektong mental sa kakayahan ng tagatanggap sa
pagbasa .

Kailangang gumagana ang kanyang memorya para maalala lahat ng


kanyang mga kaalamang pangwika, gayundin, ang kanyang mga
pinagdaanang karanasan para maiugnay sa binabasa.
Kailangang gumamit ng mga istratehiya para madali niyang makilala
ang mga simbolo, makuha ang mga kahulugan, at maintindihan ang
kaisipan o mensaheng ipinarating.

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na


pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis
- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat
- Pagtingin sa higit na maraming salita
- Pagbasa nang higit na mabilis
- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata
Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng


mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang
nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang
bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na
mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat minuto. Ang
napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita
bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa
layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.

Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan


ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang mahalagang bagay na
isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay
karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-
unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan
nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga
tekstong nasa malayang antas.

Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka


babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka
nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na
pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento,
editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa
agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t
ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo,
talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang
pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.

Limang Panukatan o Dimensyon sa Pagbasa


“Ang pagbabasa ay psycholinguistic game dahil ang isang
mambasa ay binubuong muli ng kaisipan o mensahe hango sa kanyang
tekstong binasa.”
- Goodman

Ang pagbabasa ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang


pampanitikan ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan
ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi magkaroon sila ng mga kaalamang
kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao at kalikasan, mga
kagandahang asal,mga aral at mga karanasang maiuugnay sa
katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimension sa pagbasa
na makatutulong sa paglinang ng mga nabanggit na layunin.

I. Pag-unawang Literal

1. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o


pagkuha nito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

2. Pagkuha ng mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng


babasahin

3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sa sariling pagkakaunawa ng


bumabasa.

4. Pagkilala (recognizing) - mga informasyon o ideyang malinaw na


isinasaad ng binasa.

a) Detalye o nilalaman ng kwento

(pangalan ng mga tauhan,panahon,pook)

b) Pangunahing Kaisipan ng talata

(malaking bahagi ng kwento)

c) Paghahambing (Comparison) pakakapareho o pagkakaiba (mga


tauhan,panahon,pook)
pakakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,panahon,pook)

d) Sanhi at Bunga (Cause and Effect)

dahilan ng:(mga tiyak ng pangyayari, kilos sa loob ng seleksyon)

e) Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)

malinaw sa mga pangungusap ang makakatulong sa paglalarawan sa


katauhan ng isang tao.

5. Paggunita (Recalling)-Makagawa sa sariling pangungusap at


maipaliwanag na mabuti ang mga sinasabi sa loob ng kwento.

6. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)


a.) Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)
1) tao

2) bagay

3) pook

4) pangyayari

b.) Pagbabalangkas (Outlining)


1) Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:

2) Tuwirang pagpapahayag

3) Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda

c.) Paglalagom (Summarizing)

1) Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o


pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda.

d.) Pagsasama-sama (Synthesizing)


1) Pagsasama-sama ng mga informasyon o ideyang nangaling sa ibat’t
ibang pananaliksik
II. Interpretasyon (Interpretation)

1. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga


taludtod kung tula.

2. Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal


na kahulugan.

3. Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang


sinasabi sa aklat.

4. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mga


implikasyon at karagdagang kahulugan nito.

5. Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda.

6. Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda.

7. Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa


pagsulat at paggamit ng mga tayutay.

8. Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag


ng may akda.

9. Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng may akda,


pinalalawak ang kaisipang ito at isinasama sa mga ideyang nakuha ng
bumabasa sa pagbasa.

10. Pagbibigay ng opinion at pala-palagay ayon sa mga kaisipan at


informasyong malinaw na isinasaad ng akda.

11. Pag-aanalisa at pagsasama-sama upang magkaroon ng panibagong


pananaw o mataas na pamantayan ng pag-unawa upang bayaan ang
bumabasa na makapag-isip sa nais na ipakahulugan sa mahahalagang
kaisipan ng may akda.

12. Paghinuha (Inferring)

a) Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye

b) Pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaaring


naisama ng may akda na nakakatulong upang ito’y makapagturo,
maging kawili-wili at makatawag pansin.
13. Pagkakasunud-sunod (Sequence)

a) Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang


maaaring maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahayag na
mga kilos o mga pangyayari.

b) Pagbibigay ng haka-haka sa kung anu-ano ang maaaring susunod na


mangyari kung ang akda ay natapos nang hindi inaasahan, ngunit ito’y
pinabayaang mangyari.

14. Paghahambing (Comparison)

Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o masabi ang pagkakaiba ng:

a) mga tauhan

b) panahon

c) mga pook

15. Pagkakaugnay ng sanhi at bunga

a) Paghahaka sa mga motivo ng mga tauhan at kanilang mga kinikilos


ayon sa takbo ng panahon at pook

b) Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sa


kanyang panulat ang:

1. mga kaisipan

2. mga gayong pananalita

3. katauhan ng tauhan

16. Katangian ng Tauhan

Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa likas na ugali ng mga tauhan batay


sa malinaw na palatandaangipinahahayag ng akda.

a) Pagkuha sa maaring kalabasan ng kwento

b) Pagbasa sa unang bahagi ng akda at ibase sa pagbasang ito ang


palagay sa maaaring kahinatnan ng akda.

c) Pagbibigay kahulugang akda


III. Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)

1. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa

2. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular sa suliranin

3. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa:

a) katangian

b) kabuluhan

c) katumpakan

d) pagkanakatotohanan

4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan


o sa akdang nabasa

a) naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda

b) sang-ayon o di sang-ayon sa sa kababasang akda

c) makikita ng mga kaisipang nakagugulo ng damdamin o


kaya’ynakapagpapalubag-loob

5. Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit


ayon sa:

a) katumpakan

b) pagiging kasiya-siya

c) kung ito’y kinalulugdan

d) kalimitan ng pangyayari

6. Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o fantasya


lamang batay sa karanasan ng bumabasa.

7. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinion lamang, analisahin o


tantyahin:

a) ang pagsulat ay ibinase ayon sa kaalaman ng paksa ng mga


bumabasa
b) ang intension ng may akda

Mga tanong ng maaaring sundan:

1) Binibigyan ban g sapat na pagpapatotoo ang kanyang katapusan?

2) Nagtatangka ba ang may akda na ibaling ang inyong pag-iisip?

8. Pagpasya sa kaangkupan

Bininigyang pasya ang kasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang bahagi


ng akda. Sa anong bahagi ng kwento inilalarawang mabuti ang tunay na
katangian ng pangunahing tauhan

9. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral

Pasyahan ang kinalulugdan at kinasisiyahang ugali ng mga tauhan


batay sa alituntunig moralidad o sistema ng pagpapahalaga.

Tanong na maaaring sundan:

a) Tama ba o mali ang tauhan sa kanyang ginawa?

b) Ang ikinikilos ba niya ay mabuti o masama?

IV . Aplikasyon sa Binasa /Paglalapat

1. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang


magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa

2. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng


bumabasa.

3. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.

4. Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang


tinanahanan at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang
siya’y mag-isip, makadama at umasal ng kanyang ikinikilos.

5. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan.

Naranasan mo rin ba ang katulad ng nangyari sa tauhan sa loob ng


kwento? Ano ang ginawa mo?
6. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga
problema.

Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin?

V.Pagpapahalaga (Appreciation)

1. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan


sa binasang seleksyon.

2. Pagdama sa kagandahan ng ipinahiiwatig ng nilalaman ng kwento.

3. Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga


damdamin ng mga tauhan sa kanilang pakikipagtunggali, papupunyagi
at paghihirap.

4. Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan,


pagkabigo, pagdakila o kabaliktaran nito) ayon sa pamamaraan ng may
akda sa kanyang:

a. mabisang pagpapahayag

b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan

5. Pagdama sa nilalaman ng seleksyon.

Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyon ayon sa:

a. interes

b. kagalakan

c. pagkainip

d. pagkatakot

e. pagkayamot

f. pagkagalit

g. pagkasuklam

h. kalungkutan

i. iba pa

You might also like