Professional Documents
Culture Documents
2019 Corpus Christi Liturgy Final 1
2019 Corpus Christi Liturgy Final 1
2019 Corpus Christi Liturgy Final 1
2
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:
PANIMULA
Matapos nito, ang pari ay magbibigay ng kaunting paliwanag ukol sa buod ng Misang
ipinagdiriwang:
PAGSISISI SA KASALANAN
Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y
maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
PANALANGING PAMBUNGAD
Bayan: Amen.
5
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
UNANG PAGBASA
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis (Genesis 14:18-20)
SALMONG TUGUNAN
(Salmo 109, 1. 2. 3. 4)
Tugon: Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
IKALAWANG PAGBASA
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
(1 Corinto 11:23-26)
Mga kapatid:
Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang
Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanula ay dumampot ng tinapay,
nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog
para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalala sa akin.” Gayon din naman, matapos
maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan
na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo sa pag-alala sa
akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay
ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.
Paghahai’y inilahad
nang ialay si Isaac,
ang korderong naglilitas,
ang manna ng nagsilikas.
ALELUYA
Bayan: Aleluya, aleluya! Pagkaing dulot ay buhay, si Hesus na Poong mahal, buhay
natin s’ya kailanman. Aleluya, aleluya!
MABUTING BALITA
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
(Lucas 9: 11b-17)
Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.
HOMILIYA
Matapos ang pangangaral, tatayo ang lahat upang ipahayag ang Sumasampalataya.
SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may
gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon
magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay
na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na
Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; sa kapatawaran ng mga
kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay
na walang hanggan. Amen.
Pagkaraan, gaganapin ang Panalangin ng Bayan.
PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Ibinigay ni Jesus ang kanyang buong sarili bilang pagkaing
nagdudulot ng kapatawaran at kaligtasan. Hilingin natin sa
mahabaging Ama na patatagin niya tayo sa pagkaing ito. Buong
tiwala tayong manalangin: Ama namin, dinggin mo kami.
1. Maging tunay na Katawan nawa ni Kristo ang Santa Iglesya, kung saan may tunay
na pagmamahalan sa isa’t isa at nabubuhay nang marangal ang lahat bilang tao at
anak ng Diyos. Manalangin tayo. (T)
2. Magkaisa at magtulungan nawa ang mga pinuno ng bansa upang ang likas na
yaman ng mundo na nagmula sa Diyos ay mapangalagaan nang husto at
mapakinabangan ng lahat. Manalangin tayo. (T)
3. Magpatotoo nawa ang mga Kristiyano na hindi lamang sa pagkaing lumilipas
nabubuhay ang tao kundi higit sa lahat, sa salita ng Diyos at sa Katawan at Dugo ni
Kristo sa Eukaristiya. Manalangin tayo. (T)
4. Makatagpo nawa ng pag-asa, kaginhawahan, at kagalingan sa sakramento ng
kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo ang mga kapatid nating naghihirap sa
iba’t ibang paraan at kadahilanan. Manalangin tayo. (T)
5. Patuloy nawa mahalin ng mga kabataang bahagi ng Eucharistic Youth Movement si
Hesus sa Banal na Eukaristiya. Akayin nawa nila ang kanilang pamilya at kapwa
kabataan palait sa Diyos. Manalangin tayo. (T)
6. Sumapit nawa ang mga mahal nating mga yumao sa walang hanggang piging sa
langit na inihanda ni Hesus para sa lahat ng sumasampalataya sa kanya.
Manalangin tayo. (T)
7. Sa katahimikan, idalangin natin ang ating mga intensyon at pangangailangan.
(Tatahimik sandali) Manalangin tayo sa. (T)
Bayan: Amen
10
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang Panalangin ukol sa
mga Alay.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na ipinahahayag:
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya
ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba. Pagkapos, ipahahayag ng pari:
Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay aming pinananabikan
15
Nakikipagdiwang:
Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig
Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin
ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
+ Kaawaan mo’t patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan
ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.” Magkadaop ang mga kamay
ng pari sa pabulong na pagdarasal.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang
kalis at pabulong na magdarasal:
Katawan ni Kristo.
Amen.
PAKIKINABANG
Habang ginaganap ang Pakikinabang, ang mga piling miyembro ng Knights of the Altar ay
inihahanda ang lugar kung saan itatanghal ang Banal na Sakramento, gayundin ang telang
20
gagamitin sa pagsamba.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na
Page
Pari: Ama naming mapagmahal, ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang
mapakinabangan at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin ng
kagalingang pangmagpakaylan man.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pari: Manalangin tayo.
Kung hindi pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at
pagkaraan, ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad ang
mga kamay.
Panginoong Jesukristo,
hinihiling naming kami’y gawin mong makasalo nang lubusan
sa bunga ng banal na pakikinabang
sa iyong buhay na idinudulot
sa piging ng paghahain ng iyong Katawa’t Dugong banal
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen
Amen.
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Ang Banal na Misa ay magtatapos dito. Isusunod kaagad ang Pagsamba sa Banal na Eukaristiya.
Aawitin ang “O Salutaris Hostia” habang ginaganap ang pag-iinsenso sa Banal na Sakramento.
Handog na Tagapagligtas
Langit sa amin nagbukas:
Pagkalooban ang ‘Yong angkan
Ng pananggol sa kasamaan
Tutungo ang Paring Tagapagdiwang sa angkop na lugar sa santuwaryo at magkadaop ang mga
kamay na ipahahayag ng Paring Tagapagdiwang:
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Panginoong Hesukristo,
minarapat mong ikaw na kapiling naming
sa iyong Katawan at Dugo ay aming sambahin.
Maihain nawa namin ang pag-ibig na ganap sa Ama sa langit.
Makapag-alay nawa kami ng ganap na paglilingkod
sa aming mga kapatid.
Ikaw na nabubuhay at naghaharing
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo
iisang Diyos magpakailanman.
Bayan: Amen.
PAGSAMBA
Commentator: Idulog natin kay Hesus ang ating mga saloobin nang may pagpupuri sa
Kanyang walang-hanggang awa at biyaya. Buo ang pagtitiwala sa Kanyang
kalooban at may pag-asa sa Kanyang awa, panandalian tayong tumahimik
at magbigay-puri sa Kanya.
PANALANGIN
Pagkatapos maglaan ng saglit na katahimikan, magsisiluhod ang lahat.
ISANG BANSA
Nagmumula sa pagkakaisa
Bumubukal sa pagsasalo
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Koro:
Purihin si Hesus sa sakramento
Purihin ng lahat ng tao
Purihin siya ng Pilipino
Sa pagkakaisa’y lingapin mo
Saglit na katahimikan.
PAGHIPO SA TELA
Habang binabasa ng Commentator ang paanyaya sa susunod na ritwal-panalangin, ang mga
tagapaglingkod sa Dambana, sa pangunguna ng Master of Ceremonies ang mamumuno sa
paglalatag ng tela.
Ang ilang miyembro ng Knights of the Altar at mga Marshall ay tutulong upang maisagawa nang
maayos ang ritwal na ito. Isasagawa ang ritwal nang taimtim sa saliw ng mga piling awitin.
25
Mga awiting maaaring gamitin: Pag-ibig ko, If I Could Touch You, Sa’yong piling, Maging Akin Muli
Sa’yo lamang, Awit ng Paghahangad
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
Sa puntong ito ay hahanay ang mga tagapaglingkod para sa pagsisimula ng prusisyon ng Banal
na Sakramento ay ang sumusunod: (1) Master of Ceremonies, (2) Cross Bearer, (3) Candle
Bearers 1 & 2, (4) Candle Bearers 3 & 4, (5) Candle Bearers 5 & 6, (6) Thurifer at Boat Bearer, (7)
Canopy Holders at Banal na Sakramento na hawak ng Pari, (8) mga Tagapaglingkod sa
Dambana kasama ang Bell Ringer, at (9) mga mananampalataya.
Ang prusisyon ng Banal na Sakramento ay tutungo sa mga istasyong inihanda. Doon ay may
maikling pagninilay at panalangin na babanggitin sa pangunguna ng mga piling kabataan sa
bawat lugar.
Pagkaraan ay iinsensuhan ng pari ang Banal na Sakramento at matapos ito ay muli niya itong
kukunin upang tumungo sa susunod na istasyon.
26
Page
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
PAGBABASBAS
Pagbalik ng prusisyon sa kapilya, ang lahat ay luluhod at aawit.
Bayan: Amen.
Hunyo 22, 2019 – Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo (Puti)
REPOSISYON
Habang itinatago ng Paring Tagapagdiwang ang Banal na Sakramento sa tabernakulo, ang koro
at bayan ay await ng “O Sacrament Most Holy” nang paulit-ulit.