Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
Nama National High School

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8

Pangalan:_____________________________________________ Iskor:___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Ilagay ang sagot bago ang bilang.

____ 1. Ano ang kahulugan ng salawikaing “Kung may tiyaga, may nilaga”?
a. pagkakaisa b. pakikipagkapwa c. pakikisama d. pagtitiis
____ 2. Saan nabibilang ang pahayag na “Bahay ni Donya Ines napaligiran ng butones?”
a. bugtong b. sabi-sabi c. salawikain d. sawikain
____ 3. Maagang lumagay sa tahimik ang panganay niyang anak. Ang nasalungguhitan ay
nangangahulugang?
a. Nanahimik b. nagmadre c. namatay d. nagpakasal
____ 4. “Sa taong may hiya, ang salita’y sumpa.” Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa sawikaing ito?
a. Pagkamasinop b. pagkamasipag c.pagkamatiyaga d. pagtupad sa pangako
____ 5. Ang taong nagmamahal sa pera ay ________ ng isang dukha.
a. kapwa b. higit c. katulad d. labis
_____6. Anong sawikain ang katumbas ng “lasing”?
a. amoy tsiko b. amoy mangga c. barik d. lango sa alak
____ 7. Higit na mabilis sa paglangoy si Herby kaysa kay Jambert. Anong salita ang ginamit upang masabing
ang pangungusap ay hambingang di-magkatulad?
a. kay b. higit c. paglangoy d. sa
____ 8. Pareho ng damit sina Alex at Toni nang pumasok sa paaralan kaninang umaga. Anong salita ang
naghuhudyat ng paghahambing?
a. kanina b. damit c. pareho d. at
____ 9. Ang mga sumusunod ay pangungusap na nagpapakita ng hambingang di-magkatulad, maliban sa:
a. Labis ang kanyang pagmamahal sa bayan.
b. Magkasingganda ang Singapore at Hongkong.
c. Di-hamak na matatangkad ang mga Amerikano sa mga Pilipino.
____ 10. Sa paglalaro ng basketball di-hamak na mas mahusay si Jay kaysa kay Rey. Anong uri ng paghahambing
na di-magkatulad ang ginamit sa pangungusap?
a. Pasahol b. di-karaniwan c. karaniwan d. palamang
____ 11. Ito ay isang pagdiriwang na idinadaos ng mga taga-Suyuk sa isang altar sa isang bundok-bundukan.
a. canao b. ritwal c. kunto d. anito
____ 12. Si Kunto’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Ano ang ibig sabihin ng salitang
may salungguhit?
a. madunong c. mandirigma
b. kawal d. maharlika
____ 13. Sa alamat na “Mina ng Ginto”, alin sa mga pahayag ang tunggalian?
a. Nang makita ni Kunto ang ibon sa gubat.
b. Nang maging tao ang ang baboy ramo.
c. Nang maging maging sakim ang mga tao sa gantimpalang kanilang natanggap,
d. Nang lamunin ng lupa ang gintong puno.
____ 14. Saang bahagi ng alamat matatagpuan ang kasukdulan?
a. Simula b. gitna c.wakas d. sa pagitan ng gitna at wakas
____ 15. Sa entablado ng paaralan sila nagtanghal ng kanilang dula-dulaan. Anong pang-abay na panlunan ang ginamit sa
pangungusap?
a. nagtanghal b. dula-dulaan c. sa entablado d. kanila
____ 16. Mamaya kami pupunta sa bahay n gaming kaklase. Anong pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap?
a. Pupunta b. sa bahay c. kaklase d.mamaya
____ 17. Namasyal ang mag-anak sa Manila Zoo. Anong pang-abay na panlunan ang ginamit sa pangungusap?
a. Namasyal b. mag-anak c. sa Manila Zoo d. Zoo
____ 18. Kina Jayson kami kumain ng tanghalian kahapon. Anong pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap?
a. tanghalian b. kahapon c. kumain d. kina Jayson
____ 19. Ito ang ginamit ni Tuwaang upang buhayin ang mga tauhang namatay.
a. kidlat b. sandata c. bulon d. laway
____ 20. Upang makarating sa lugar ng Pinanggayungan ay sumakay si Tuwaang sa____________.
a. karawahe c. kabayo
b. kidlat d. higante
____ 21. Ito ay isang bagay na nagtataglay ng buhay ng Binata ng Sakadna.
a. Gintong bansi b. nganga c. patung d. savakan
____ 22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng aral mula sa epikong “Si Tuwaang at ang Dalaga ng
Buhong na Langit?
a. Huwag mong ibigay lahat masasaktan ka lang
b. Maghintay hanggang mahalin ka
c. Matutong magpalaya
d. Hindi dahil nasaktan ka ay mananakit ka na rin
____ 23. Bakit nagalit ang Binata ng Pangumanon sa Dalaga ng Buhong na Langit?
a. Dahil hindi siya nito ipinagluto ng pagkain.
b. Dahil ipinamigay nito ang kanyang kayamanan.
c. Dahil itinakas nito ang kanyang sasakyan.
d. Dahil hindi nito tinanggap ang kanyang pag-ibig.
____ 24. Taglay ng gintong bansi ang buhay ng Binata ng Sakadna. Ano ang kahulugan ng bansi?
a. Gitara b. kuwintas c. plawta d. sandata
____ 25. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa savakan maliban sa:
a. Pagbibigay ng nganga ng mga ikakasal
b. Mga bagay para sa babaeng ikakasal
c. Mga nakabalot na pagkain
d. Alay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal
____ 26. Kung ikaw ang Binata ng Sakadna, ano ang dapat mong ginawa nang umupo ang iyong mapapangasawa sa tabi ni
Tuwaang?
a. Hahamunin ko agad-agad si Tuwaang ng labanan.
b. Aawayin ko ang aking mapapangasawa.
c. Ipapakulong ko si Tuwaang.
d. Kakausapin ko ng masinsinan ang aking mapapangasawa tungkol sa kanyang ginawa.
____ 27. Ang epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng buhong na Langit ay tumatalakay sa____________.
a. pakikipaglaban b. pag-ibig c. mga Diyos d. relihiyon
____ 28. Natuto siya nang husto sapagkat nag-aral siya ng mabuti. Ano ang ginamit na hudyat upang ipahayag ang bunga sa
pangungusap?
a. sapagkat b. nang c. nag-aral d. mabuti
____ 29. Sumakit ang tiyan ni Andy ___________ hindi siya kumain ng tanghalian. Anong hudyat ng sanhi ang dapat gamitin sa
pangungusap?
a. bunga nito b. dahil c. ng d. para
____ 30. Nagsumikap siya sa buhay _____________ naman nakaahon sila sa hirap. Anong hudyat ng bunga ang angkop na
gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. kaya b. kasi c. tuloy d. bunga nito
____ 31. Nag-ensayo si Chris sa pagsulat ng balita sa loob ng limang buwan, ______________ ay nakamit niya ang unang
gantimpala sa ginanap na Division School Press Conference na ginanap sa Tayug National High School.
a. bunga nito b. kaya c. naman d. dahil
____ 32. Sino ang nagpapasimula ng larong karagatan?
a. Dalaga b. binata c.bata d.matanda
____ 33. Ito ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo.
a. Bilyako/bilyaka b. duplero/duplera c. mambibigkas d. manunula
____ 34. Anong alamat ang batayan ng larong karagatan?
a. Alamat ng isda b. Alamat ng Sirena c. Alamat ng sising ng isang dalaga d.Alamat ng bangka
____ 35. Ano ang kahulugan ng pagsisid sa larong karagatan?
a. paghuli ng isda b. pagsagot sa talinhaga c. pagbibigay ng talinhaga d. bugtong
____ 36. Tinawag na dulang pantahanan ang duplo dahil _______________________.
a. Idinaraos ito sa bakuran ng isang tahanan
b. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan
c. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya
d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala
____ 37. Ang sumusunod na anyo ng panitikan ay mga paligsahan sa pagtula, maliban sa:
a. karagatan b. balagtasan c. duplo d. elehiya
____ 38. Ang duplo at karagatan ay mayroong pagkakatulad maliban sa isa.
a. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay
b. Ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay
c. Daglian ang pagmamatuwid
d. Pinangungunahan ng isang matanda
____ 39. Sa paggamit ng eupemistikong pahayag dapat iwasan ang ______________.
a. Makahikayat b. makakumbinsi c. makapukaw d. makasakit
____ 40. . Ito ang eupemistikong pahayag na sumakabilang buhay.
a. Babaero b.namatay c.nabuhay d.namasyal
____ 41. Imbis na sabihin mong tsismis ay mas mainam na sabihing___________________.
a. balitang kutsero b.sabi-sabi c. balita d. bantay-salakay
____ 42. Sa halip na katulong sa eupemismo mas mainam na tawagin itong ___________.
a. Kamag-anak b.kasamac.kasambahay d.katiwala
____ 43. Ito ay elemento ng tula na tumtutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
a. kariktan b. sukat c. tugma d.talinhaga
____ 44. Sa anong panahon umusbong ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”?
a. Panahon ng Amerikano b. Panahon ng Esapanyol c. Panahon ng Hapon d. Panahon ng Katutubo
____45. Gunita’y lagging sakbibi ng lumbay, walang alaala’t inaasam-asam. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. itapon b. kaligayahan c. tatalikuran d. matinding kalungkutan
____ 46. Sa unang saknong ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa “ ,paano inilarawan ng awtor ang
pag-ibig niya sa bayan?
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya,
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig?Wala na nga,wala.

a. dakila b. dalisay c.dalisay at dakila d. dakila at dalisay

____ 47. Mula sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, ano ang kahulugan ng saknong na ito:
Kung ang bayang ito’y masasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang , kapatid;
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
a. Handang iwan ang bayan para sa pamilya
b. Handang lumaban para sa pamilya
c. Hindi niyang kayang talikuran ang pamilya
d. Handa niyang iwan ang pamilya para sa bayan
____ 48. Ipaghahandog ang buong pag-ibig, hanggang sa may dugo’y ubusing itigis. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. Matinding kalungkutan b. kaligayahan c. tatalikuran d. itapon
____ 49. Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. Ang ibig sabihin ng pag-irog ay_________.
a. lumiyag b. itapon c. inilabas d. tatalikuran

____ 50. Sino ang pangunahingh tauhan sa kuwentog “Uhaw ang Tigang na Lupa”?
a. anak b.ama c. ina d. kapatid
____ 51. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. May ina, ama at mga anak c. Maayos ang bahay
b. May masaganang pamumuhay d. may pagmamahalan’t respeto sa isa’t isa
____ 52. Ano ang nakita ng anak sa loob ng maliit na kahita?
a. Larawan ng kanyang ama c.larawan ng ibang babae
b. b.lawaran nilang mag-anak d. larawan ng kanyang ina
____ 53. Kung ikaw ang bata sa “Uhaw ang tigang na Lupa”, ano ang iyong gagawin sa nararamdaman mong “katahimikan”
sa inyong tahanan dahil sa hindi pagkikibuan ng iyong mga magulang?
a. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako.
b. Ipagwalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam.
c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak, karapatan kong malaman ang nangyayari sa aming pamilya.
d. Pababayaan ko na sila sapagkat baka mapagalitan pa ako.
____ 54. Ito ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa huwarang pamilya.
a. Magiging sikat sa pamayanan
b. Magkakaroon ng matatag na pamayanan
c. Lahat ng nanaisin ay maibibigay ng magulang
d. May pananagutan at may pansariling disiplina
____ 55. Bakit kaya Uhaw ang tigang na Lupa ang pamagat ng kuwento?
a. Dahil dumaranas ng el ninñ o ang nayon
b. Dahil uhaw sa patubig ang mga palayan
c. Dahil naghihintay ang ama sa kanyang unang minahal
d. Dahil uhaw sa pagmamahal ng isang pamilya ang anak
____ 56. Ano ang isinisimbolo ng liham sa “Uhaw ang Tigang na Lupa”?
a. nakaraanb. pag-ibig c. pamilya d. karunungan
____ 57. Ito ay uri ng pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag
ng pandiwa.
a. Pamanahon b. panlunan c. pamaraan d.pantangi
____ 58. Kinamayan niya ako nang mahigpit. Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.
a. Kinamayan b.niya c. ako d. nang mahigpit
____ 59. _____________________ magpasundo sa mga anak si Aling Pusit.
a. Mabilis b. Madalas c. Mahusay d. Taimtim
____ 60. Ang tsuper na ______________________ magmaneho ay malapit sa disgrasiya.
a. Mabilis b. Madalas c. Mahusay d. Taimtim

You might also like