Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paksa: Philippine Litereature

Guro: Ginoong Mark Joseph Natividad Rafal


Miyembro ng ikaapat na grupo: Vince Frederick Dulay, Roy Dela Cruz, Christian
Bryan Sumilang, Claris Amador, John Glenn Mecija Opeda, Norene Acebu, Sean
Abello, Bethany, Yen De Mesa (espesyal na pasasalamat)
Kurso at Sekyon: B.S. Psychology 2-1

1. BIOGRAPIYA NG MAY AKDA


Makata at manunulat ng dulang pampelikula at pangtelibisyon si Jerry B. Gracio.
Ipinanganak sa Tond at lumaki sa nayon ng Nenita, Mondragon, Northern Samar, siya
kasalukuyang komisyoner para sa mga Wika ng Samar-Leyte sa Komisyon sa Wikang
Filipino. Noong 2015, iginawad kay Gracio ang Southeast Asia (SEAWrite) Award sa
Bangkok. Nakatira siya ngayon sa Lungsod Valenzuela.
2. MGA BAGAY UKOL SA AKLAT
Pabalat – Sa pabalat ng bagay tayo, makikita ang dalawang tila kalapating ibon na
pinaghalong kulay asul at berde, magkasandal sa isa’t isa sa isang kagubatang punong-
puno rin ng kulay. Mapapansin din ang bahagharing disenyo sa taas at sa iba naming
bahagi ng pabalat, ang mga gamit katulad ng bird house, liham, sapatos, pera, kape,
salamin atbp.na may koneksyon sa kwento. Marahil ang rason kung bakit kalapati ang
ginamit na analohiya para ilarawan ang buod ng kwento ay dahil sa sumisimbolo ito sa
kalayaan, at ang bahaghari sa komunidad ng LGBTQQIAAP; sa mga ibang detalye
naman, parang nais ilarawang sa kabila mapanghamon at mabangis na kagubatan, kung
ika’y may aasahang sandalan, buhay ay pwede pa ring maging makulay at matiwasay.
Bilang ng pahina – Ang libro ay mayroong 266 na pahina (hindi kasama ang seksyon ng
pasasalamat at deskripsyon sa may akda)
Bahagi ng libro – Mga nilalaman (kasunod pahina kung saan matatagpuan): Siwalat 14,
Love at first sight 20, Pitbull 23, Kuwento 26, Bahay 30, Bad boy, 34, Ideal 38, Abakada
bakla 45, LBTQQIAAP 48, Hirit 56, Awa 58, Karel 61, Pera 65, Ligaw 69, Tindig 72, Tato
75, Regalo 78, Ari 82, Malalaman mo 85, Tuwang 87, Kape 90, Luto 94, Miso 98, Papa
101, Mama 104, Barkada 109, Meet the Mudra 114, Buliran 120, Ama 125, Pusa’t baha
129, Pusang baha 135, Baha at kamatayan 141, Sa sariling bahay 144, Siping 147,
Annibersaryo 151, Kati 154, Lakad 158, Sulat I 163, Sikerto 165, Tawad 169, Hiwalay
176, Sulat 2 181, Moving forward 183, Basag-ulo 187, Sulat 3 192, Sapatos 193, Isang
dekada 196, Couples 198, Pag-asa 202, Onse 207, Conjugal visit 210, Baguio 216,
Tacloban 219, Pagbalik 226, Dose 277, Dalaw-serye 229, Sulat 4 236, The greatest love
241, Tiyaga 245, Sulat 5 248, Trese 254, Signs 255, Tuungkol sa kamatayan 259, Bilin
263.
3. BUOD NG AKDA
Ayos sa may akda – Love story ito na parang hindi. O life story. Sa pamamagitan ng
serye ng maiikling sanaysay, ikukwento sa atin ni Jerry B. Gracio ang kanyang buhay
kasama si pitbull, ibabahagi kung paano kiligin, magpaubaya, kumapit, bumitaw,
magtiwala, magmahal. Nagsimula bilang serye ng mga FB post, patatawanin kayo at
paiiyakin ng aklat. Ipadarama sa inyo ng Bagay Tayo ang pag ibig “na kahit langit, hindi
mahuhusgahan sa ganda.”
Ayon kay Atty. JP Anthony D. Cunada (Dagdag kaalaman) – Ito ang kwento mg
pagmamahalan nina Mong at Jerry ayon kay Jerry. Sa simula, inilalahad ni Jerry ang mga
ginawa ni Mong kung bakit siya napamahal ditto pero habang lumalaon, naikukwento na
rin niya ang mga sakripisyo niya para mapanatili ang komplikadong relasyon.
Nakamamangha maging saksi sa taong umiibig nang mulat ang mata hindi lang sa pag-
ibig at iniibig kundi sa lipunan, simbahan, kasaysayan, pati ang heyograpiya na
pinanggalingnan ng minamahal. Puno ng katatawanan, iyakan, self-reflections, insight,
at paminsan-minsang references sa mga scholarly works para maipaliwanag ang punto
kay Mong na nauuwi sa pagpaliwanag sa kaniyang mambabasa. Isang pagtataya ang
pagsulat ng kompesyonal na aklat tungkol sa pag-ibig sa, at mangingibig sa kapwa lalaki,
kaya ang tapang ni Jerry. Bagama’t nakakatakot naman talaga si Jerry sa kaniyang bigote
at makinis na ulo dahil mukhang sanggano, mas lalo siyang nakilala sa librong ito. Busilak
ang puso’t ang hangarin lamang ay ang kaligayahan ng mga mahal niya. Sinong Mong
ang di iibig? Kaabang abang ang mga susunod pa niyang mga kwento.”

4. Pagsusuri sa Akda
Marahil isa sa mga pinakalumalaking usapin sa lipunan ang pag-iibigan ng
magkapwa-kasarian. Ang pag-ibig ay wala nga naming tamang hugis at kulay, sapagkat
sino nga bang makapagsasabing ang pag-ibig ay limitado. Ang librong bagay tayo ay
isang tunay kwento ng dalawang lalaking nag-iibigan, inilathala sa masa upang ipakita at
ipaintindi kung ano nga ba talagang meron o nangyayari sa mga ganitong relasyon na
bihira lamang mailantad sa isang tipikal na kristiyanong bansa. Relihiyon ang isa sa
pinakamalaking dahilan kung bakit ang ganitong klase ng relasyon ay hindi pinapayagan
sa lipunan. Kung susuriin, may punto naman ang relehiyon sa pagpapaintindi na ang
lalaki ay ginawa nga para sa babae, paano nga naman dadami ang tao kung ang lalaki
ay para sa lalaki. Ganumpaman, hindi layunin ng aklat na baguhin ang pananaw ng
relihiyon bagkus ng lipunan, sa pagtrato sa mga ganitong klase na relasyon.
Hindi naman maitatatwa na hanggang ngayon may diskriminasyon pa ring
nagaganap sa lipunan para sa ating mga minamahal sa komunidad ng LGBTQQIAAP.
Ang kaugnayan ng salitang bakla sa duwag ay isa marahil sa dahilan kung bakit ang
pagiging bakla ay nakakababa; kesyo mahina, kesyo walang kwenta. Isa ito sa layunin
ng may akda na maintindihan ng marami. Ang pagiging bakla ay hindi masama, hindi
kasalanan, hindi pinili, hindi sakit at higit sa lahat hindi mahina. Sa usaping pag-ibig
naman, tanggap ng bakla ang lipunang pabor sa pagmamahalang lalaki at babae,
Walang issue doon. Ang ibig sabihin ng may akda, inirerespeto niya ang karapatan ng,
halimbawa lalaki, kung gusto niya magmahal ng babae lalo na kung ang karelasyon
niyang kapwa lalaki ay gusto na magkapamilya ay ayos lang naman. Ngunit ang tanong
dito, kapag mahal mo ba ang isang tao kaya mo siyang iwan? Hinding-hindi. “Ang pag-
ibig ay hindi nalilito,” ika nga ng may akda. Naiintindihan ng may akda ang hirap sa
relasyong bakla. Isa pa sa esteriotipong ginagagawa ng lipunan ay ang, sa relasyong
bakla pera-pera lang ang nagpapatakbo upang ito’y humaba. Klinaro ng may akda na sa
lahat naman ng relasyon ay kailangan ng pera. Hindi ba’t nakakapambastos para sa mga
bakla na tignan lamang silang naglalakad na bangko. Maging ang issue sa private time
ng mag asawa sa kulangan kada taon ay napag-usapan din sa kwento, isa sa mga
naglalarawan sa diskriminasyon ng lipunan para sa kabaklaan.
Ganumpaman, sa gitna ng hirap na pinagdaanan ng may akda sa kanyang
relasyon, napatunayan niya naman na ang mga ganitong hamon ng buhay ang isa sa
mga nagpatibay sa buhay nilang mag asawa (tawagan). Ilang beses din silang nag-away
na natungtong sa hiwalayan, pero ganon naman ang pag-ibig, pakawalan mo man,
babalik at babalik. Ito naman ang pinakabuod ng kwento, ang walang kapintasang mukha
ng pag-ibig. Ang nagmamahal ay marunong magparaya at hindi basta basta ang
nagagawa ng kapangyarihan ng pagmamahal, pinatunayan ng kwento kung paano
kayang baguhin ng pag-ibig ang isang tao. Marahil ito ang pinaka gustong ipamahaging
aral ng may akda hindi lamang para sa kanyang mga kapwa akda kundi ganun na rin sa
lahat ng mambabasang marunong umibig – ang pagbabagong kaya nitong gawin hindi
lamang para sa taong iniibig, ganun din sa taong umiibig.

5. REKOMENDASYON
Napaka makulay ng kwento ng may akda, at talagang klaro’t malinaw ang
paglalathala niya sa kanyang buhay. Bagama’t hindi man pokus ng libro talaga ang isyu
ng bakla sa lipunan, kundi ang abstract na anyo ng pag-iibigan, hindi naman ito nabigong
ipaintindi ang kanyang layunin. Isa lang sa nakakapanghinayang ay ang pakiramdam ng
pagkabitin, pagkatapos mo itong basahin. Hindi pa kasi tapos ang kanilang kwento, nasa
kulangan pa si Pitbull (asawa ng may akda), at hinihintay niyang makalaya, maraming
pang pwedeng magandang mangyari. Sa lahat lahat, magaling! sana may part 2!

You might also like