Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Si Usman, ang Alipin

- June 21, 2017

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna

isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang

nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi
si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong

sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang
hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang
lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga
tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan.
Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na
sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad
ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang
amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi
siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng
lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya
ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang
sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay
ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at
Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa
kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang
lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang
pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan. Nang
makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan
ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa
mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre
Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre
Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre
Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging
sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.

Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong

kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang
panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

You might also like