Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panalangin ng Bayan

Pari: Ama walang kapantay ang pag-ibig na ibinigay Mo sa amin na dapat


ibahagi namin sa aming kapwa subalit, kung minsan kami pa ang nagiging
dahilan ng kanilang kabiguan o kapahamakan. Kaya kami ngayon ay sama-
samang dumadalangin sa Iyo.
LWEC: Para sa mga namumuno ng ating inang simbahan sa pamumuno ng
ating Sto. Papa Francisco I, Warlito ating Obispo, sa lahat ng mga pari at
sa lahat ng mga lingkod layco, nawa’y maging matatag sila sa lahat ng
pagsubok at bigyan ng kalakasang pisikal at espiritwal, upang ang itinanim
nilang pananampalataya na nililinang ng mga layco at pinatutubo naman
ng Panginoon sa puso ng bawat mananampalataya ay lalong yumabong.
Manalangin tayo at wikain natin ; Panginoon tulungan Mo kaming mahalin
ang aming kapwa.
LWEC: Para sa namumuno ng ating pamahalaan, nawa’y huwag nilang
hangarin ang labis na kapangyarihan kung ito’y ikapapahamak ng ating
kapwa, manapay hangarin natin ang katapatan sa paglilingkod, dahil ang
tunay na kapangyarihan ay nasa Panginoon. Manalangin tayo.
LWEC: Para sa ating mga kapatid na dumaranas ng matitinding suliranin sa
buhay, lalo na ang karamdaman, huwag nawa tayong magkait ng tulong
sa kanila, ibukas natin ang ating palad at puso, dahil ang tunay na pag-ibig
sa kapwa ang kabuuan ng pagsunod sa utos ng Diyos. Manalangin tayo.
LWEC: Para sa kabataan nawa’y paakay sila sa mga ginintuang aral na nagmula
sa ating mga magulang, na natutunan sa Salita ng Diyos upang sila’y
maging matatag sa mga tukso at makaiwas sa tawag ng makamundong
teknolohiya. Manalangin tayo.
LWEC: Para sa mga seminaristang naririto ngayon sa ating bayan, nawa’y
maging inspirasyon sila ng mga kabataan upang sila man ay magkaroon ng
interes sa bokasyong ipinagkaloob sa kanila ng Diyos, at matapos nawa
nila ito upang maragdagan pa ang mga paring naglilingkod sa ating bayan.
Manalangin tayo.
LWEC: Para sa mga mahal natin sa buhay na yumao na lalong higit ay sa mga
walang nakaka-alaala nawa’y makamit na nila ang buhay na walang
hanggan sa piling ng Ama. Manalangin tayo.
Pari: Panginoon tunay nga pong walang taong nabubuhay para sa sarili
lamang,kaya kami ngayon ay nagsusumikap na mahalin ang aming kapwa
tulad ng pagmamahal Mo sa amin. Ang lahat ng ito ay hinihiling naming
sa Pangalan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like