ESP 9 Modyul 13

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang

kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o


hanapbuhay ayon sa iyong:
1. Talento
2. Kasanayan (skills)
3. Pagpapahalaga
4. Katayuang pinansiyal
5. Hilig
6. Mithiin

Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa


teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):
1. Visual Spatial
2. Musical/ Rhythmic
3. Verbal/ Linguistic
4. Intrapersonal
5. Mathematical/Logical
6. Interpersonal/Bodily Kinaesthetic
7. Existential
Mga kategorya na nakalista na Dapat Isalang-
alang sa Pagpili ng Kurso (Career Panning Workbook,
2006):

1. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao


(People Skills) – nakikipagtulungan at
nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at
nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip
para sa iba.
2. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) –
humahawak ng mga dokumento, datos,
bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at
ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang
nauukol sa mga trabahong inatang sa kanya.
3. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things
Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o
nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga
kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga
pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions.
4. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea
Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at
teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga
saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
5. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong
gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo
at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng
makakaya nang hindi nakakaramdam ng
pagod o pagkabagot. Salungat dito ang mga
gawain o bagay na ayaw mong gawin.

Samantala, hinati ng Sikolohistang si John


Holland sa anim ang mga Jobs/ Careers/ Work
environments, ito ay ang mga sumusunod: Realistic,
Investigative, Artistic, Social, Enterprising at
Conventional. Hindi lamang nasa iisang kategorya
ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang
magtaglay ng tatlong kombinasyon. Halimbawa,
maaring tatlo ang kombinasyon ng kanyang trabaho
gaya ng ESA (Enterprising, Social at Artistic) o di kaya
naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o
anumang dalawa o tatlo sa iba’t ibang kombinasyon.
Kung ang linya ng ating interes ay ESA (Enterprising,
social at Artistic), ikaw ay malalagay sa linya na ang
mga trabaho ay may kaugnayan din sa ESA.

You might also like