Elite Balik Uli Sa Liderato

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Elite balik uli sa liderato

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t may dalawang puntos lamang si import Alex


Stepheson sa kabuuan ng third period ay hindi ito naging problema ng Blackwater.

Muling napasakamay ng Elite ang solong liderato matapos talunin ang NLEX Road
Warriors, 132-106 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa
Antipolo City.

Ang ikalawang sunod na arangkada ng Blackwater ang nagpaganda sa kanilang


kartada sa 5-1 kasabay ng pagpapalasap sa NLEX ng pang-limang dikit nitong
kamalasan.

“Today is a test of character for sure. NLEX is a great team,” sabi ni No. 2 overall pick
Ray Ray Parks Jr, na pumukol ng bagong career-high na 29 points. “Each and every
test we just want to pass it.”

Nagmula ang Elite sa 98-92 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters (1-2) noong
nakaraang Linggo.

Muli namang naglaro ang Road Warriors na wala si head coach Yeng Guiao, magbabalik sa
susunod na linggo matapos ang cruise vacation sa Europe kasama ang kanyang pamilya.

Tinapos ng Blackwater ang first period bitbit ang 33-19 abante patungo sa pagtatala ng 16-point
lead, 45-29 mula sa fastbreak basket ni Gelo Alolino sa pagsisimula ng second quarter.

Sa third canto ay pinamunuan naman ni Cyrus Baguio, nagsalpak ng dalawang sunod na three-
point shots, ang pagbangon ng NLEX para itabla ang laban sa 63-63.

Muling nag-init ang Elite at itinayo ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 97-80 galing sa
magkasunod na tirada ni Allein Maliksi sa pagbungad ng fourth period.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang Road Warriors.

You might also like