Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

LEGENDS:

BLUE- OPEN/CLOSE CURTAIN BLACK- LINES


RED- SFX/ BGM GREEN- NARRATION

SCENE II ( Berbanya)

OPEN CURTAIN

*sfx/ bgm*

*Si Haring Fernando ay nagsisisigaw habang tulog*

Haring Fernando: Aghh! Tama na! Wag! Aghhh!

*Papasok ang katulong na may dalang pagkain, mahuhulog niya ang tray*

Katulong: Mahal na Reyna! Mahal na Reyna! Ang Hari!

*Papasok si Valeriana patakbo sa Hari*

Reyna Valeriana: Mahal ko! Gumising ka! Tumawag ka ng manggagamot! Magmadali ka!

Katulong: Masusunod ho! *bow then tatakbo ng medyo nadadapa *

Reyna Valeriana: Mahal! Juan! Pedro! Diego! Ang inyong Ama!

*Papasok ang magkakapatid nang nagmamadali*

*May hawak na mansanas si Don Diego*

Don Juan: Ina! Anong nangyari, bat nagkakaganyan ang ama?

Reyna Valeriana: Hindi ko alam Juan, hindi ko alam *hahagulgol at mapapaupo*

*Dadaluhan ni Don Pedro ang Reyna, darating ang katulong*

Katulong: Mahal na Reyna, nandito na ho ang mga manggagamot

*Tatayo ang Reyna at magpupunas ng luha*

*Magbo-bow ang mga manggagamot at titignan agad ang Hari*

Reyna Valeriana: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?

Mangagamot : Mahal na Reyna , ikinalulungkot ko pong sabihin sainyo na nasa kritikal na kondisyon na
ang sakit ng mahal na hari.

Reyna Valeriana: Bakit?! Ano ang sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?
Manggagamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya ng
kalungkutan at pag-aalala.

Reyna Valeriana: Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?

Manggagamot : Reyna Valeriana , ang tanging makakapag-pagaling lamang sa mahal na hari ay ang
pagawit ng Ibong Adarna.

Don Diego: Ibong Adarna? At saan matatagpuan ang ibong iyong tinutukoy?

Manggagamot : Ang ibong ito ay matatagpuan sa Bundok ng Tabor. Nakatira ito sa isang
napakagandang puno na may kumikinang na mga dahon, ang Piedras Platas.

Don Pedro: Inang Reyna, pahintulutan niyo akong umalis at Ako! Ako mismo ang huhuli sa Ibong
Adarna.

Reyna Valeriana: Kung gayon, aasahan kita. Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay at gabayan ka nawa ng
maykapal.

*Mag bobow si Don Pedro at aalis*

CLOSE CURTAIN

Scene III (Bundok Tabor)

OPEN CURTAIN

*sfx/ bgm*

(Naglalakbay si Don Pedro papunta sa Bundok Tabor)

(May makakasalubong na ermitanyo)

Ermitanyo: Iho, iho, mayroon ka bang pagkain?

(Hindi papansinin ni Don Pedro at tutuloy lang siya sa paglalakbay)

Don Pedro: Ha!Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas ,mukhang wala pa ang Ibong
Adarna. Kung gayon ako’y magpapahinga muna.

(Nakatulog si Don Pedro sa pagawit ng Ibong Adarna)

(Nataihan ng Ibong Adarna si Don Pedro at naging bato siya)


CLOSE CURTAIN

(Sa Palasyo)

OPEN CURTAIN

Reyna Valeriana: Mahigit ilang buwan na ang nakalilipas , ngunit wala paring balita sa iyong kapatid na
si Pedro. Ako at ang iyong amang hari ay lubos na nag-aalala sa kung anumang pwede niyang sinapit.

Don Diego: Ina , ‘wag ka nang mag-alala. Susundan ko ang aking kapatid na si Pedro, ganun din ang
Ibong Adarna na kailangan niyo.

Reyna Valeriana: Aasahan ko ang inyong pagbabalik, mag-iingat ka.

*magbo-bow si Diego at aalis*

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

(Naglalakbay si Don Diego papunta sa Bundok Tabor)

(Naka salubong rin ang ermitanyo)

Ermitanyo: Iho? Maari ba akong makahingi ng pagkain?

Don Diego: Ano ba! Tumabi ka nga, harang ka sa aking daan!

(Tutuloy sa pag lalakad)

Don Diego: Nasaan na ba ang punong iyon? Ang haba na nang aking nilakbay. *lalakad ng konti*
Huli kang puno ka! *uupo sa ilalim ng puno* Papalubog na rin ang araw, ako’y magpapahinga muna
saglit.

(Nakatulog si Don Diego sa pagawit ng Ibong Adarna)

(Nataihan ng Ibong Adarna si Don Diego at naging bato siya)

CLOSE CURTAIN

SCENE IV ( Paglalakbay ni Don Juan)

*insert sfx/bgm*

OPEN CURTAIN

(Sa Palasyo)
Don Juan: Ilang buwan na ang nakakalipas ng umalis ang aking mga kapatid ngunit kahit anino man lang
nila ay walang dumating. Kung inyo pong mararapatin , Ako’y pahintulutan ninyong sumunod at hanapin
ang Ibong Adarna na siyang lulunas sa mahal na hari. Ako na lang ang natitirang pag-asa, ako na ang
huhuli sa Ibong Adarna.

Reyna Valeriana: O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin ay

Don Juan: Magiging maayos ang kalagayan ko , ina. Hindi niyo kailangan mag-alala , magiingat ako at
maasahan niyo ang pagbabalik namin.

Reyna Valeriana: Juan, aasahan ko ang iyong pagbabalik kasama ang ibon at iyong mga kapatid.
Gabayan ka nawa ng poong maykapal.

*Bow at aalis si Juan*

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

(Naglakbay si Don Juan upang hanapin ang Ibong Adarna)

*umupo si Juan at nagpahinga*

*dadating ang ermitanyo at kakalabitin si Don Juan*

Ermitanyo: Iho, may pagkain ka ba diyan , pwede ba akong makahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na.

Don Juan: Ito ho , sapat na po sana iyan , iyan na lang kasi ang natitirang baon ko sa aking paglalakbay.
Tanggapin niyo po , at ako’y busog pa naman.

Ermitanyo: Naku, maraming salamat. Sana ika’y pagpalain .

(Paalis na ang Ermitanyo)

*tatayo si Don Juan at pipigilan ang ermitanyo*

Don Juan: Sandali lang ho, Ako’y naglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna , ang sinasabing
nag-iisang lunas para sa sakit na taglay ng aking amang hari. Alam niyo ho ba kung paano ko ito
mabibihag?

Ermitanyo: Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong pagdadaanan. Ngunit
wag kang mag-alala , alam ko ang sagot sa iyong katanungan. Mayroon isang maliit na bahay malapit sa
bundok, kung saan ako naninirahan. Halika at ako’y iyong samahan.

*Pupunta na sa bahay ng ermitanyo*

CLOSE CURTAIN
SCENE V (Sa bahay ng Ermitanyo)

*sfx/bgm*

OPEN CURTAIN

(Naglakbay sila papunta sa bahay ng Ermitanyo)

Ermitanyo: Pumasok tayo, iho.

(Inabot ng ermitanyo ang isang dayap, matalim na labaha, at gintong sintas.)

Ermitanyo: Tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan mo ang iyong katawan at patakan ng
katas ng dayap ang sugat upang hindi ka makatulog. Kailangan mo ding umiwas kung ang ibon ay umipot
dahil ika’y maninigas at magiging bato. At kapag nahuli mo na ang Ibong Adarna, dapat talian mo ito ng
gintong sintas.

Don Juan: Maraming salamat po sa inyong payo.

Ermitanyo: Busilak ang iyong puso iho , kaya’t humayo ka na. Malapit ka na sa iyong paroroonan. Gawin
mo ang lahat ng iyong makakakaya at ingatan mo ang iyong sarili.

(bow si Don Juan at aalis)

CLOSE CURTAIN

Scene V (Pagkahuli sa Ibon)

*insert sfx/bgm*

PINAGPATULOY NI JUAN ANG PAGLALAKBAY PATUNGO SA KINAROROONAN NG PIEDRAS PLATAS.

OPEN CURTAIN

Don Juan: Nandito na ako, sa wakas. Aba’y tunay nga na mahiwaga ang punong ito!

(Nakita niya ang ibong adarna at sumigaw )

Don Juan: Ibong Adarna, halika ( aamuhing lumapit)

(Napatingin ang Ibong Adarna sakaniya, at nagsimulang kumanta)

(Sinugatan ni Don Juan ang kaniyang sarili tulad ng sabi ng ermitanyo)

Don Juan: Arghh!

(Pinilit hindi pansinin ni Don Juan ang sakit at ipinatakan ito ng katas ng dayap)

Don Juan: Huli ka!


(Ang ibong adarna ay ginalaw ang ulo)

(Ibinato ni Don Juan ang gintong lubid)

Don Juan: Sa wakas, ang ibong adarna, magagamot ko na rin ang aking ama at…. ang aking mga kapatid!

(Si Don Juan ay tumingin sa kanyang paligid at nakita ang kanyang mga kapatid na matigas sa puwesto at
gawa sa bato)

Don Juan: Aking mga kapatid! Huwag kayong mag-alala, kahit ako’y di niyo man naririnig, naninigurado
ako, ako ang magliligtas sa inyo!

Don Juan: Ngunit paano..? (mapapaisip saglit) Ang ermitanyo! Tama! Baka alam niya ang maaring gawin.

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

(Siya ay bumalik sa kubo ng ermitanyo)

Ermitanyo: Iho? Ano ang iyong pakay at ika’y bumalik?

Don Juan: Alam niyo ho ba kung paano mailigtas ang aking mga kapatid? Sila’y naging bato.

Ermitanyo: Kapatid mo pala ang dalawang prinsipeng iyon. Kung gayo’y kunin mo itong mahiwagang
tubig at ito’y ibuhos mo sa iyong mga kapatid, sila ay babalik sa normal nilang anyo.

(Nagbigay ang ermitanyo ng tubig sa bote)

Don Juan: Maraming salamat!

CLOSE CURTAIN

SCENE VI (Niligtas ang mga kapatid)

*insert sfx/bgm*

OPEN CURTAIN

NAGMADALI SI DON JUAN UPANG ILIGTAS ANG KANYANG MGA KAPATID...

(Binuhusan ni Don Juan ang kanyang mga kapatid ng mahiwagang tubig.)

*magigising ang magkapatid at lalanghap ng hangin*

Don Juan: Mga kapatid!

Don Pedro: Juan, paano ka nakapunta dito? Ikaw rin Diego?

Don Diego: Hinanap kita sapagkat pagkalipas ng ilang buwan , hindi ka parin bumabalik.
Don Juan: Nahuli ko na ang ibong adarna, at pagkatapos, nakita ko kayo na naging bato, kung kaya’t
binuhusan ko kayo ng mahiwagang tubig, kami’y nagaalala na sa inyo sa Barbanya!

Don Diego: Juan, maraming salamat pagka’t kami’y iyong iniligtas.

Don Juan: Huwag nyo nang alalahanin aking mga kapatid.

Don Pedro: Tayo na at maglakbay pabalik ng Berbanya.

CLOSE CURTAIN

PAG-SAPIT NG TAKIP-SILIM AY NAGPAHINGA ANG MAGKAKAPATID

OPEN CURTAIN

(Naunang nakatulog na si Don Juan)

Don Pedro: *pabulong* Diego! Diego! Pumarito ka saglit at may sasabihin ako sayo.

(Lalapit si Diego kay Pedro na nakaupo sa gilid)

Don Diego: *hihikab* Hindi ka ba pagod at ayaw mo pang matulog? Oh ano ang kailangan mong
sabihin?

Don Pedro: Diego, batid kong alam mong laging si Juan ang nabibigyan ng karalangan sa ating tatlo.
Ngayon, hindi puwedeng si Juan nanaman ang ituturing na dakila at magaling ng ating ama at ng buong
kaharian.

Don Diego: Mukhang sasang-ayon ako sa iyong sinasabi kapatid. *evil smile* Ano ang iyong plano?

Don Pedro: Ganito… *aakbay kay Diego at magpapahayag ng plano*

*sasaktan si Don Juan ng magkaptid*

CLOSE CURTAIN

Scene VII (Pagtataksil)

*sfx/bgm*

OPEN CURTAIN

(Nakahilata na si Juan sa sahig)

(Sisipain ng konti si Juan at titignan kung buhay pa)

Don Pedro: Diego, kunin mo na ang Adarna at tayo’y umalis na.


(igigilid ni Pedro ang katawan ni Juan sa gilid)

NAIWAN ANG WALANG MALAY NA SI DON JUAN SA KAGUBATAN AT NAGTUNGO ANG DALAWANG
TAKSIL SA BERBANYA DALA ANG IBONG ADARNA.

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

(Sa Berbanya)

Katulong: *mahuhulog ulit ang hawak na tray* Ma-mga mahal na prinisipe!? Na-nagbalik kayo? Mahal
na Reyna! Mahal na Reyna! Ang mga prinsipe’y nagbalik!

Don Pedro: Berbanya! Kami na ay nagbalik, at aming dala, ang mahiwagang ibong adarna!

Reyna Valeriana: Mga anak! Sa wakas ay nakita ko na kayo muli! (yayakap sa mga prinsipe) Pedro, Diego
at.. Juan… Juan? Nasaan ang inyong kapatid na si Juan?

Don Pedro: Si Juan? At anong kinalaman ni Juan dito?

Reyna Valeriana: Noong matagal na kayong nawala, ang inyong kapatid ay nagpasyang sundan kayo,
upang mapagaling na ang inyong ama at mahanap kayo. Ngunit.. ngunit mukhang hindi niyo siya
kasama.. Oh Diyos ko! Mahabaging Diyos!

(Mapapaupo ang reyna ngunit dadaluhan siya ng mga anak)

Don Diego: Inang Reyna, huwag ka nang maiyak. Ang mahalaga’y narito na kami at hawak na naming
ang Ibong Adarna na siyang makakapagpagaling kay Ama. Kaya’t tahan na…

Don Pedro: (Papatayuhin si Reyna Valeriana) Tahan na Ina. Mabuti pa’y dalhin na natin ang Ibong
Adarna ka’y Ama upang siya’y gumaling na.

(Dinala ang ibon sa hari ngunit hindi ito kumanta)

Reyna Valeriana: Bakit ayaw kumanta ng ibon?

Don Pedro: Baka ito’y pagod pa dahil sa layo ng aming nilakbay. Ibong Adarna, inuutusan kitang umawit
ngayon din. (hindi aawit ang ibon)

Don Diego: Pedro, Ina. Hayaan muna nating magpahinga ang ibon. Ipagpatuloy natin ito kinabukasan.
Ako rin ay magpapahinga muna pagka’t ako’y napagod rin sa haba ng aming nilakbay.

Reyna Valeriana: Mabuti pa nga…

CLOSE CURTAIN
Scene VIII (Si Don Juan)

OPEN CURTAIN

Ermitanyo: Iho! Anong nangyari sa iyo? Ika’y bugbog at kay dami ang sugat! Halika’t ika’y aking
gagamutin

Don Juan: Mara…ming…….sa…laa..mat….p-p-po….

Ermitanyo: Walang anuman, iho.

CLOSE CURTAIN

Scene IX (Bumalik si Don Juan sa Berbanya)

OPEN CURTAIN

Don Juan: Ama! Ina!

Reyna Valeriana: Juan! Anak! Salamat sa diyos at ika’y nakauwi na! (Niyakap ng mahigpit) Ako’y alala----
- (biglang kumanta ang ibon)

(Bigla itong nagpalit ng anyo at sinabi kung ano ang nangyari kay Don Juan)

Ibong Adarna: Reyna Valeriana, paumanhin sa aking pag-antala ngunit ako’y may nais ipahayag. Si Don
Juan ang tunay na nakahuli sa akin, hindi ang mga taksil na si Pedro at Diego. Si Don Juan ang dapat na
makatanggap ng parangal.

Haring Fernando: Pedro, Diego! Totoo ba ang sinasabi ng Ibong Adarna?!

(tutungo ang dalawa)

Haring Fernando: Dapat kayong parusahan! Hindi ako makapaniwala na ito’y inyong nagawa!

Don Juan: Ama! Kahit ano pang ginawa nila, sila parin ay aking mga kapatid. Ang kanilang ginawa ay
tapos na at ngayon ako’y buhay pa. Kaya’t sanay wag niyo nang ituloy ang pagpaparusa.

Haring Fernando: Papalagpasin koi to. Ngunit kapag kayo’y nagka-sala muli ay hindi ko na kayo
mapapatawad at kamatayan na ang kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?!

Magkapatid: Opo, ama.

CLOSE CURTAIN

Scene X (Nakalaya ang Ibong Adarna)

OPEN CURTAIN
(Nakutulog si Juan sa pagbabantay sa ibong adarna.)

Don Pedro: Diego! Bilis! Ating pakawalan ang ibong adarna upang masisi si Juan!

Don Diego: Yan ay isang magandang ideya kapatid!

(Pinakawalan ni Diego at Pedro ang ibong adarna.)

(Nagising si Juan)

Don Juan: Ang ibong adarna! Mukhang ito’y nakatakas! Kailangan ko itong mahanap at baka mag- alala
pa ang mahal na hari.

(Umalis na si Don Juan at hinanap ang Ibong Adarna)

CLOSE CURTAIN
OPEN CURTAIN

Haring Fernando: Nasaan ang Ibong Adarna?!

Don Pedro: Hindi ho namin alam. Si Juan ho ang huling nagbantay sa Ibong Adarna. Siya rin ay
nawawala.

Haring Fernando: Kung gayon, inaatasan ko kayo na hanapin ang inyong kapatid na si Juan pati na rin
ang Ibong Adarna. ngayon na!

Don Diego: Masusunod, ama.

CLOSE CURTAIN

Scene XI (Paghahanap kay Don Juan)

OPEN CURTAIN

Don Diego: Juan! Juan! Asaan ka na ba?!

(Mabubunggo si Juan nang nakatalikod)

Don Juan: Mga kapatid?

Don Pedro: Juan, mabuti naman at nahanap ka na namin.

Don Juan: Kung gayon, bumalik na tayo sa berbanya at baka tayo’y kanilang hinihintay.
Don Diego: Sandali, ayaw niyo bang dito muna tayo manirahan sa bundok na Armenia? Ang buhay dito
ay payapa at wala tayong lungkot na daranasin.

Don Pedro: Magandang ideya iyan aking kapatid.

CLOSE CURTAIN

NAPAG DESISYUNAN NG TATLONG MAGKAKAPATID NA MANIRAHAN MUNA SA BUNDOK NG


ARMENIA. ISANG ARAW HABANG SILA’Y NAGLALAKBAY, NAKAKITA SILA NG BALON.

OPEN CURTAIN

Don Pedro: Mga kapatid nakikita niyo ba ang balon na iyon? Tara’t ating silipin.

(Kanilang tinignan ang balon)

Don Juan: Ang balong ito’y mukhang mahiwaga.

(Bumaba si Don Pedro, natakot at mabilis na umakyat pabalik)

Don Diego: Mauna ka Pedro! (bababa si Pedro sa balon)

Don Pedro: Hawakan niyo ng mahigpit ang tali! *Takot na takot* Wala naman atang bagay na nakaka-
akit sa balon na iyan, mabuti pa na umuwi na tayo!

Don Diego: --Ako na nga lang susubok, mukhang takot na takot ka kapatid .

(Bumaba si Don Diego, natakot at nagmadaling umakyat pabalik)

Don Diego: Napakalalim naman ng balon na iyan, at tsaka tama si Pedro, wala naming magandang
mapapala sa balon na iyan… Mas maganda pa kung umuwi na lang—

Don Juan: Sandali lang, mukhang pareho kayong takot na bumaba sa balon na iyan , ako na lang ang
bababa. Baka mayroon pa tayong makuha na magandang regalo para kay ama!

(Bumaba si Don Juan na puno ng tapang at lakas)

CLOSE CURTAIN

Don Juan: O , hiwaga! Mala-engkato nga ang balong ito. Mayroong palasyong kumikinang sa loob nito.

Scene XII (Mahiwagang Balon)

*fairytale sfx*

Don Juan: Anong klaseng lugar ito? (Maglalakad si Don Juan , palibot-libot)
Prinsesa Juana: *tumili ng malakas*

Don Juan: Ha?! Sino ang iyon? May mga tao ba dito sa loob ng balon?

Prinsesa Juana: Tuloooooong!

Don Juan: May nangangailangan ng aking tulong! *sisigaw* Sandali lang! Ililigtas kita.

(Hahanapin niya si Juana)

OPEN CURTAIN
(Makikita niya si Juana sa stage, siya ay aakyat)

Don Juan: Sandali’t ikay aking ililigtas.

(Tinutulangan na makatakas si Juana)

(Darating bigla ang higante)

Prinsesa Juana: Ang higante!

Don Juan: Ahhhhhhhhhhh!

(Kakalabanin ni Don Juan ang higante)

Prinsesa Juana: Maraming salamat sa iyong pag sagip sa akin.

Don Juan: Walang anuman. O, marikit na prinsesa , tapos na ang inyong pag durusa. Halina’t iwanan na
natin ang balong ito.

Prinsesa Juana: Ngunit sandali lang, ang aking kapatid. Hindi natin siya puwedeng iwan!

Don Juan: Sige, sandali lang at siya’y aking pupuntahan.

CLOSE CURTAIN

(Bababa ng stage si Don Juan at aakyat uli)

OPEN CURTAIN

Prinsesa Leonora: *umiiyak*

Don Juan: Sandali lang aking prinsesa , wag ka ng umiyak at ika’y aking aking ililigtas.

(Darating ang serpyente)

(Maglalaban ang dalawa, matatalo ang serpyente)

Don Juan: Don Juan ng Berbanya. *mag bobow*


Prinsesa Leonora: Maraming salamat sa iyong pagliligatas saakin.

Don Juan: Walang anuman, halika na’t balikan na natin ang iyong kapatid.

CLOSE CURTAIN

(Bababa sa stage si Juana, Leonora at Juan)

Mga prinsesa: Maraming salamat sa iyong tulong.

Don Juan: Tara na’t umalis na tayo sa balon na ito, hinihintay pa tayo ng aking mga kapatid.

(Punta sa balon)

OPEN CURTAIN

(Agad na inakit ni Don Pedro at Diego ang dalawang prinsesa)

Don Juan: Tara na’t baka hinihintay na tayo sa Berbanya

Prinsesa Leonora: Saglit lang! Naiwan ko ang aking singsing, mahalaga sa akin iyon!

Don Pedro: Singsing lang naman yon, mas importante na makabalik tayo sa—

Don Juan: Hayaan mo’t ito’y babalikan ko Prinsesa Leonora.

Don Pedro: *pabulong* Tsk.

(Bumaba ulit si Don Juan ngunit pinutol ng kanyang mga kapatid ang lubid)

Don Juan: AHHHHH!

(Nahulog si Don Juan)

Prinsesa Leonora: Bakit niyo ginawa iyon! Isa kayong taksil sa sarili niyong kapatid!

Don Pedro: Prinsesa Leonora, si Don Juan ay masyado nang nagmamagaling. Mabuti pa’y tumungo na
tayo sa Berbanya.

Prinsesa Leonora: Ngunit---

Don Diego: Tara na!

CLOSE CURTAIN

Scene XIII (Pagbabalik sa Berbanya)


OPEN CURTAIN

Reyna Valeriana: Pedro! Diego! Jua-, teka nasan si Juan?

Prinsesa Leonora: Si Jua-

Don Pedro: Paumanhin Ina, ngunit hindi namin nahanap si Juan. Tanging ang ibong adarna lamang ang
aming natagpuan.

Don Diego: Mahal na Ina, nais kong ipakilala ang dalawang maririkit na prinsesa na aming
mapapangasawa. Si Prinsesa Leonora at Prinsesa Juana.

(Bow sila. Ngingiti si Juana pero tahimik lang si Leonora na nakatingin ng masama kay Pedro at Diego)

Reyna Valeriana: Mabuti pa’t pumasok na kayo. Ipaghanda niyo sila ng piging..

*aalis si Reyna Valeriana, umalis rin sina Don Pedro at Leonora, susunod sana si Juana ngunit pinigilan
siya ni Don Diego.

Don Diego: Juana, batid ko’y alam mong ako’y may pagtingin sa iyo. Nais kong hingin ang iyong kamay
sa kasal.

(mapapatakip si Juana sa bibig)

Prinsesa Juana: Wala akong karapatang tumangi Don Diego.

IKINASAL NGA SINA PRINSESA JUANA AT DON DIEGO, SAMANTALANG SI PRINSESA LEONORA AY
TUMANGGING MAGPAKASAL KAY DON PEDRO AT SINABING HIHINTAYIN SI DON JUAN.

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

(Nag mumukomok si Leonora)

Prinsesa Leonora: Aking alagang lobo, iligtas mo si Don Juan , upang siya ay mapasaakin. Don Juan, ako’y
nangungulila sa iyong pagmamahal!

(Aalis na ang lobo)

CLOSE CURTAIN

TUMUNGO ANG MAHIWAGANG LOBO SA KINAROROONAN NI DON JUAN

OPEN CURTAIN

(Gagamutin ng lobo si Don Juan at aalis)

(Magigising si Don Juan at babangon)

Don Juan: Nasaan ako? Kailangan ko nang bumalik sa Berbanya, bako ako’y kanila nang hinahanap.
CLOSE CURTAIN

Scene XIV (Muling paglalakbay ni Don Juan)

OPEN CURTAIN

(Mag lalakad si Don Juan at biglang darating ang Ibong Adarna)

Don Juan: Oh! Ibong Adarna, bakit ka naparito?

Ibong Adarna: Mayroon akong magandang balitang nais iparating sa iyo, Don Juan.

Don Juan: Ano naman ang balitang ito?

Ibong Adarna: Sa kaharian ng Delos Cristales, naninirahan ang isang magandang prinsesa na nag-
ngangalang Maria Blanca, na ipinanganak upang ibigin ka, siya ang anak ng mabagsik na Haring Salermo.
Kaya’t kung hahanapin mo siya, ang babala ko lang sayo ay, mag ingat ka.

Don Juan: Maria Blanca? Prinsesa ng Delos Cristales? Kung siya nga talaga ang para sa akin, ay
hahanapin ko sya ngayon din. Aalis na ako, at maglalakbay upang hanapin ang pag-ibig na maatagal ko
nang nais.

(Maglalakbay si Don Juan patungo sa Delos Cristales)

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

(Nakakita ng ermitanyo at ito’y kanyang lalapitan)

Don Juan: Maari po bang magtanong.

Ermitanyo: Ano iyon?

Don Juan: Alam niyo po ba kung saan ang daan patungo sa kaharian ng Delos Cristales?

Ermitanyo: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyong
sasalubong sa iyo, ang barong na ito’y ipakita mo sa kanya. (ibibigay ang barong) Kaya humayo ka na’t
baka ikaw ay didilimin sa daan.

Don Juan: Salamat po.

NAGLAKBAY SI DON JUAN PATUNGO SA BUNDOK NA KINAROROONAN NG ERMITANYO


Ermitanyo: Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isang distorbo!

(Ibibigay ni Don Juan ang baro)

Ermitanyo: Isang galak ko sa pagkakita sa baro mo. Paumanhin sa aking inasal. Ano po ba ang aking
maipaglilingkod sa inyo?

Don Juan: Marangal na ermitanyo, saan ba matatagpuan ang Kaharian ng Delos Cristales?

Ermitanyo: Ikaw ay ililipad ng aking agila patungo sa Delos Cristales.

(mag bo-bow si Don Juan)

Scene XV (Delos Cristales)

LUMIPAD ANG AGILA, PATUNGO SA KAHARIAN NG DELOS CRISTALES

OPEN CURTAIN

(Nakita ni Juan si Maria Blanca at ito’y kanyang linapitan)

Don Juan: *Namangha sa kagandahan* Ako si Don Juan *bow* ang lalaking magmamahal sa iyo habang
buhay, at magbibigay ng ligayang walang hanggan.

Maria Blanca: Shh.. wag kang maingay baka tayo’y marinig ni Ama.

Don Juan: Para sa iyo sinta, magpapakilala ako sa iyong ama at susundin ko ang anumang gusto niya na
gawin ko.

(Pupunta sila kay Haring Salermo)

CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

Haring Salermo: Anak, sino ang lalaking toh? Ka-awa awa siya tingnan.

Maria Blanca: Ama, siya si—

Don Juan: Ako po si Don Juan, Prinsipe ng Kaharian ng Berbanya, at ang nararapat na maging kasintahan
ng inyong anak.

Haring Salermo: HA HA HA! Nakakatawa ka naman, ang tinis-tinis ng iyong boses. Di bali na, bago mo
mapakasalan ang isa sa aking mga prinsesa, kailangan muna kitang i-daan sa mga pagsubok. Maari rin
naman kung ayaw mo, pero ang pangalan mo ay sisikat sa Delos Cristales bilang ang pinaka-duwag na
prinsipe sa daigdig.
Don Juan: Tatanggapin ko po ang inyong mga hamon, mahal na hari.

Haring Salermo: Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang bundok upang pagtaniman ng trigo.
Ito’y iyong patubuin, pagkatapos ay anihin at sa aking pag gising ay may tinapay na akong kakainin.

Don Juan: Masusunod ho *bow*

CLOSE CURTAIN

ANG UNANG HILING NG HARI AY NAGTAGUMPAY SA TULONG NG KAPANGYARIHAN NI MARIA


BLANCA

OPEN CURTAIN

(Ibibigay ang tinapay kay Haring Salermo at mag bobow)

CLOSE CURTAIN

ANG IKALAWANG HAMON AY ANG PAGHULI SA 12 NEGRITO NA PINAKAWALAN SA KARAGATAN. ANG


IKATLO AY ANG PAGLALAGAY NG BUNDOK SA GITNA NG DAGAT AT GAGAWING KASTILYO, NA
BANDANG HULI AY KANYA RING INALIS ANG KASTILYONG ITO UPANG MAKITA ANG NAHULOG NA
SINGSING NG HARI SA KARAGATAN. ANG PINAKAMAHIRAP AY ANG PAGHAHANAP NITONG
SINGSING. KANYANG PINAG HATI-HATI ANG KATAWAN NI MARIA UPANG HANAPIN ANG SINGSING
NG HARI, DAHIL DITO NAWALA ANG ISA SA MGA DALIRI NI MARIA. GAYUNPAMAN, LAGI NITONG
NAPAG TATAGUMPAYAN ANG LAHAT NG PAGSUBOK SA TULONG NG MAHIKA NI MARIA BLANCA.
MATAPOS MAPAGTAGUMPAYAN NI DON JUAN ANG LAHAT NG HAMON, SIYA AY PINAPUNTA NG
HARI SA ISANG KWARTO, NA MAY TATLONG PINTO.

OPEN CURTAIN

Haring Salermo: Isa sa likod ng tatlong pintuang ito, ay ang prinsesang hinahangad mo. Kanilang mga
daliri lang ang iyong makikita. Ngayon, ituro mo kung nasaan si Maria Blanca.

INILABAS NG TATLONG PRINSESA ANG KANILANG MGA DALIRI AT AGAD NA NAPANSIN NI DON JUAN
ANG DALIRI NI MARIA BLANCA DAHIL ITO’Y PUTOL.

(Ituturo ni Don Juan ang pinto kung asan si Maria Blanca)

(Lalabas si Maria Blanca sa pinto)

Haring Salermo: Hindi maari! Hindi kita gusto para sa aking anak-

Maria Blanca: Wala na ho kayong magagawa, ama. Ako’y sasama kay Juan at mamumuhay ng payapa!

(Aalis ang dalawa, bababa ng stage)

Haring Salermo: *sisigaw* Pagsisisihan niyo ito! Hindi kayo magtatagumpay! Isinusampa ko na sa
mismong pagtapak ni Juan sa Berbanya ay makakalimutan ka niya Maria Blanca!

(Biglang mahihimatay)
CLOSE CURTAIN

OPEN CURTAIN

*insert sfx/bgm*

(Hahawak ni Don Juan ang kamay ni Maria)

Don Juan: Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya upang magbigay alam sa lahat na tayo’y
magpapakasal na. Babalikan kita.

Maria Blanca: Mag-iingat ka aking mahal. Ipangako mo na ika’y babalik.

Don Juan: Pangako.

(Bibitawan ni Juan ang kamay ni Maria , sabay aalis)

CLOSE CURTAIN

Scene XVI (Kasal)

PAG KARATING NI DON JUAN SA BERBANYA AY NAKALIMUTAN NA NIYA SI MARIA BLANCA, DAHIL SA
SUMPA NI HARING SALERMO

OPEN CURTAIN

*insert sfx/ bgm*

Prinsesa Leonora: Don Juan, aking mahal! Ako’y maligaya’t ikaw ay bumalik para sa akin.

(Magmamadaling yayakapin ng Reyna si Don Juan)

Haring Fernando: Juan, ika’y nagbalik.

(mag bobow si Juan)

Prinsesa Leonora: Mahal na hari, ako po’y magpapakasal kay Don Juan. Siya ang aking tunay na mahal.

Haring Fernando: Kung gayon, bukas na bukas din kayo’y ikakasal na.

CLOSE CURTAIN

AT DUMATING NA NGA ANG ARAW NG PAG-IISANG DIBDIB NI DON JUAN AT PRINSESA LEONORA.
KINABUKASAN NAGHANDA ANG BUONG BERBANYA. ISANG MALAKI AT MAGARANG KASALAN ANG
GAGANAPIN SA KAHARIAN. NAGDIWANG ANG MGA MAMAMAYAN NANG MALAMAN ANG KASAL
NINA DON JUAN AT PRINSESA LEONORA.
OPEN CURTAIN

*sfx/bgm*

Pari: Prinsesa Leonora, tinatanggap mob a si Don Juan bilang iyong katuwang sa buhay?

Prinsesa Leonora: Opo.

Pari: Ikaw naman, Don Juan, iyo bang tinatanggap si Prinsesa Leo-

*papasok si Maria Blanca kasama ang mga ita*

Maria Blanca: Itigil ang kasal!

*Magugulat ang mga bisita*

*Mag luluksa si Leonora pagkatapos sumayaw ng mga ita*

*sfx/bgm*

*Maglalapit si Maria Blanca at Don Juan habang nagsasara ang kurtina*

*Titigil ang pagsara ng kurtina at hahawakan ni Juan ang kamay ni Maria*

Don Juan: Maria, aking tunay na mahal. *yakap o halik*

CLOSE CURTAIN
Ibong Adarna (cast)

Ibong Adarna: Trisha Alberto

Haring Fernando: Mark John Gabarda

King Salermo: Allen Dela Cruz

Don Pedro: Rodolfo Manabat

Don Diego: Vinz Marollano

Don Juan: Khyle Llgas

Prinsesa Juana: Khasandra Santos

Prinsesa Leonora: Khate Corrales

Reyna Veleriana: Jesseh Shammah Sumaylo

Maria Blanca: Ashley Penaranda

Higante: Kenjie Agullano

Serpyente: Karl Agullano

Enchanted fox: Jenromme Manabat

Mang gagamot: John Mark Francisco

Guwardya: Philip Delos Reyes & Arvey Ubaldo

Ermitanyo: Inigo Zapanta

Ermitanyo 1: Margaret Ladia

Ermitanyo 2: Emmanuel Ibbara

Negrito: Lorraine Garcia , Danica Arnaez , Erich Pardinas , Glendale Rodriguez , Rey Ann Antonio

Katulong: Jemima Jariel

Pari: Ivan Eusebio

You might also like