Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lahat ng tao ay may mithiin, hindi ko na rin ito maikakaila sa sarili ko.

Kaya aming sinagutan


ang MIS(Multiple Intelligences Survey) upang malaman ang mga larangan na kung saan kami ay
may kagalingan. Matapos nito ay pumasok sa isip ko ang kursong pang-akademiko, pero dati pa man
ay nais ko na ang kursong ito kaya pakiramdam ko na magtatagumpay ako rito.

Itong kursong-pangakademiko ay sa tingin ko’y angkop sa aking kakayahan batay na mismo


sa MIS, may kahusayan naman ako rito. At palagay ko rin ay maaari kong maabot ang aking mga
mithiin ayon sa aking itinakdang panahon. Dahil, hindi sa pagmamayabang, alam ko sa sarili ko na
ako ay matiyaga, mapagpunyagi at may pagpapahalaga sa aking mga tunguhin sa buhay. Naniniwala
akong matitiis ko ang lahat para lamang sa aking mithiin.

Sa aking pananaw hindi lang naman ako ang may maraming mithiin o maraming pangarap, at
sa mga mithiing ito ay may tinatawag tayong pangmadalian at pangmatagalan. Isa sa pangmadaliang
mithiin ko ay ang makatapos ng Grade 9. Dahil ilang buwan na lang ay lilipat na kami ng mas mataas
na baitang at kailangan ko nang magpaalam sa aking mga kamag-aral. Ang masasabi ko naman
bilang isa sa mga pangmatagalan kong mithiin ay ang maging siyentipiko. Sapagkat marami pang
taon ang bibilangin upang makamit ito at marami pa akong pagsubok at hirap na pagdaraanan para
sa katuparan nito.

Ang isan mithiin ay ang nais ng puso nating mangyari para sa atin o sa mga taong mahal
natin. Marahil ay mahirap itong mapaltan o mabago, gaya lamang ito nang sa akin. Hindi ko
magagawang bitawan ang aking mithiin dahil sa ito ang hinahangad ng puso ko. Positibo ako at halos
nasa isang daaang porsiyento ang pananalig ko na maisasakatuparan ko ang aking mga mithiin ayon
sa itinakda kong panahon. Dahil anumang mangyari, di ako susuko at papatunayan kong kaya ko
itong tuparin, ano pa mang suliranin ang aking tatahakin.

Sa aking pagtupad sa aking mga mithiin, alam kong hindi ko makakamit ito ng mag-isa.
Kailangan ko ng kaagapay sa aking paglalakbay. Ang mga taong lubos kong pinaniniwala at
pinagkakatiwalaang makakatulong sa akin. Sila ang aking mga guro, kaklase, kaibigan at magulang
na buong puso kong iginagalang. Ramdam ko na lagi silang andiyan para ako ay patnubayan sa mga
bagay na aking gagawin at naniniwala ako na ang kanilang tulong ang magiging daan, nang sa
gayon ay matupad ko ang aking mga mithiin kaya ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa
inyo at sana ay matupad nyo rin ang inyong mga mithiin.
TALENTO, KASANAYAN, HILIG,
PAGPAPAHALAGA AT MITHIIN
TUGMA
SA

TUNGO
SA

Ang pagkakaroon ng Tataglayin mo ang katangian Masisiguro ang pagiging


makabuluhang buhay. Dito, ng isang produktibong produktibo sa iyong gawain,
hindi lamang makakatulong na manggagawa. Ang ikaw rin ay nakikibahagi sa
maiangat ang antas ng iyong produktibong manggagawa ay pagpapaunlad ng ekomiya ng
buhay dahil sa magandang masasabing asset ng kaniyang bansa. Naipapamalas ito sa
kitang kalakip nito kundi ang kompanya o institusyong na pamamagitan ng tamang
halaga ng pagkamit ng iyong kinabibilangan. Katulong siya pamamahala ng oras sa
kaganapan mula sa kasiyahang sa pagpapaunlad ng mga pagtapos ng gawain,
nakukuha at pagpapahalaga sa programa o adhikain ng pagpapasa ng mga proyekto sa
iyong paggawa. kaniyang pinagtatrabahuhan. takdang araw at maayos na
pakikitungo sa iba.

You might also like