Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kaligayahan ay isang salitang simpleng intindihin pero komplikado kung bibigyan paliwanag ang ibig

sabihin. Halos ang bawat isa sa atin kasi ay may sariling kahulugan ng salita na tila ba ang konseptong ito
ay nag-iibang anyo. May mga taong nagsasabing ang kaligayahan ay ang pagkakaroon ng sariling
pamilya, marahil na ang paghahanap buhay o mapasaya ang taong makakapilling nila balang araw ay
isang paraan ng pagiging maligaya, pero may iba na kontento na sa hiling na makompleto ang pamilya o
kahit matulungan man nila. May mga tao naman na nalulugod kapag sila ay nakakagawa ng tama,
kagaya ng ilan na sapat na kapag nakakatulong sa kapwa katulad ng pagbibigay ng charity sa mga
nangangaylangan o ng iba kapag nakikitang masaya ang mga kaibigan at mahal sa buhay. Meron naman
na nakapagbibigay sa kanya ng kaligayahan ang matataas na grado at hiling na balang araw ay
makamtan ang gustong trabaho. Sa ibang mga tao naman, para sa kanila, makakamit ang tunay na
kaligayahan sa pagkilala ng lubos sa Diyos. Ang paglilingkod sa kaniya, pagdama ng kanyang presensiya,
pagkinig at paggawa ng kanyang mga salita ay nagbibigay ng malaking tuwa sa kanilang puso. Pero ang
kaligayahan ay hindi palagiang kinakaylangang mga bagay na sabihin nating tila malaki o sagrado,
merong mga bagay na simple sa paningin, pero nagdudulot ng pagkagalak sa karamihan. Halimbawa nito
ay ang makapunta sa payapa at tahimik na lugar na walang mga bagay na pinoproblema o iniisip at
tanging ang dinadama lamang ay ang kapaligiran. Meron naman na simple lang talaga, mga bagay na
pinaglalaanan nila ng oras para makapagbigay saya sa kanila katulad ng simpleng pakikinig ng musika,
pagbabasa ng literatura, panonood ng mga palabas, o kahit na makakain lamang ng tatlong beses sa
isang araw at makatulog ng maayos ay bagay na kanila nang pinapasalamatan. Ang mga ito ay isa sa mga
paraan o uri ng pagiging maligaya, maaring marami pa sa atin ang may iba pang pagpapakahulugan sa
salitang kaligayahan, pero kung ano man iyon, lahat ng mga ito ay may iisang pinagkakatulad, sila ay
nakapagbibigay ng ngiti sa atin.

You might also like