Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan at Katangian NG Wika
Kahulugan at Katangian NG Wika
Pagbasa
- pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag
upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.
Layunin ng Pagsulat
1. Informativ na Pagsulat - nagnanais na makapagbigay impormasyon at kung
kinakailangan ay makapagbigay ng paliwanag.
2. Mapanghikayat na Pagsulat - nagnanais na makumbinsi ang mambabasa tungkol
sa isang opinyon.
3. Malikhaing Pagsulat - ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan
katulad ng maiking katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhaing akda.
Proseso ng Pagsulat
1. Pre-writing Stage - sa yugtong ito iniisip at pinaplano ang isusulat. Ang paggawa
ng balangkas ay nakasaad sa yugtong ito.
2. Writing Stage - paggawa ng draft o burador. Dito, ang mga kaisipan ay isinasatitik
na sa papel.
3. Rewriting Stage - nirerebisa ang burador na isinulat, isinasaayos ang
pagkaaksunod-sunod ng presentasyon, winawasto ang baybay, bantas at iba pang mga
elementong gramatikal, binabawasan, dinadagdagan o pinapalitan ang mga sangkap
hanggang sa makamit ang minimithing sulatin.