KOMUNIKASYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON

Kahulugan
Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at


pasulat. (Tanawan, et al., 2004)

Katangian
Ang komunikasyon ay isang proseso

Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin,
paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon
ng tatanggap.

Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon


mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
1. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko
· Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras, mga
pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.
1. Ang komunikasyon ay komplikado
· Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, iniisip
niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng
kanyang kausap sa kanya.
1. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa
komunikasyon
· Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
1. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
· Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo,
hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.
1. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng
komunikasyon
· Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa
kausap

· Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika


1. Sangkap at Proseso
1. Nagpapadala ng mensahe/sender
· Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.
1. Mensahe
· Dalawang uri ng mensahe

- mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika

- mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal


1. Daluyan/Tsanel
· Kategorya ng daluyan

- daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy,


panlasa at pandama
- daluyang institusyunal – mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono,
e-mail, fax, mobile phone.
1. Tagatanggap ng Mensahe
· Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang
natanggap.
1. Tugon
· Tatlong uri

- tuwirang tugon

- di-tuwirang tugon

- naantalang tugon
1. Mga potensyal na sagabal
· Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.

- semantikong sagabal

- pisikal na sagabal

- pisyolohikal

- saykolohikal
1. Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – komunikasyong pansarili
2. Interpersonal – nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang
mga tao, o sa isang tao at isang maliit na pangkat
3. Pampubliko – nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at
maraming tagapakinig
4. Pangmasa o Pangmadla – nagaganap sa pagitan ng malawakang
media, tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan, atbp.
5. Pang-organisasyon – organisado at nakatutok sa isang hangarin o
adhikain.
6. Pangkaunlaran – aspekto ng kultura ng mga kalahok ang
pinag-uusapan sa antas na ito.
7. Pangkaunlaran – naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa
1. Modelo ng Komunikasyon
1. Modelo ni Berlo
· Pinanggalingan

· Mensahe

· Tagatanggap
1. Modelo ni Aristotle
· Pagtuklas ng kaalamang lohikal, emosyunal o etikal

· Pagsasaayos ng mga kaalaman sa parang istratehikal

· Pagbibihis ng ideya sa malinaw na salita

· Paghahatid ng mensahe mula sa pinanggagalingan tungo sa tagatanggap


1. Komunikasyong Di Berbal
Komunikasyong naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin,
tikas o

tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at kalidad ng


tinig.

Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil:

1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.

2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe

3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at


tagatanggap ng mensahe.

Iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-berbal

1. Oras (Chronemics) – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring


kaakibatan ng mensahe.

2. Espasyo (proxemics) – maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay


natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o public

· Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng mga bagay-bagay sa


isang lugar.

3. Katawan (kinesics) – kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at


kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay

4. Pandama (haptics) – paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng


mensahe

· Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo

5. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp

6. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

7. Paralanguage – paraan ng pagbigkas sa isang salita

8. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon


1. Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang isaalang-alang ang
ilang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang
komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING.
1. Setting (saan nag-uusap?) – ang lugar ay may malaking
impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isaalang-alang ay maaaring
mapagkamalang-bastos o walang pinag-aralan.
1. Participants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n
gating pakikipag-usap depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang
pansin ang edad, kasarian, katungkulan, propesyon atbp.
1. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa
layunin gaya ng pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
1. Act Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang
komunikasyon ay dinamiko, samakatuwid ang isang usapan ay
nagbabago. Kasama ditto ang pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap.
1. Keys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang
gagamitin na babagay sa formalidad ng okasyon.
1. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) – tsanel o daluyan
ng komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang
mensahe.
1. Norms (Ano ang paksa ng usapa?) – Mahalagang
maisaalang-alang ang paksa ng usapan.
1. Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid?
Naglalarawan? O nagpapaliwanag?). Mahalagang batid ng isang tao kung ano
ang genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya
kung anong genre ang kanyang gagamitin.
Mga Sanggunian

Arrogante, J. et al. (2007). Sining ng komunikasyon sa akademikong


Filipino. Manila: National Bookstore.

Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa makabagong panahon. Valenzuela


City: Mutya

Publishing House, Inc.

Garcia, L. et al. (2010). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cabanutuan


City: Jimcy

Publishing House.

Pagkalinawan, et al. (2004). Filipinno I: komunikasyon sa akademikong


Filipino. Valenzuela

City: Mutya Publishing House, Inc.

Tanawan, et al. (2004). Sining ng mabisang komunikasyon. Bulacan: Trinitas


Publishing, Inc.

You might also like