Ano Ba Ang Pagsampalataya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1. ANO BA ANG PAGSAMPALATAYA?

Ayon sa Bibliya, ..”Ngayon, ang PANANAMPALATAYA ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga
bagay na hindi nakikita.” … (KJV)Hebreo 11:1

Ang PAGSAMPALATAYA ay KAPANATAGAN o KATIYAKAN na mangyayari ang ating HINIHINTAY o INAASAHAN. Ito din ang
KATUNAYAN o BATAYAN na ang ang isang bagay ay TOTOO, kahit na ito ay HINDI pa namamalas ng MATANG PISIKAL.

Ang Pananampalataya ay maaaring maging isang GENERIKONG SALITA na maisasalin ULI sa salitang TAGALOG na
PANINIWALA o PAGTITIWALA.

“AKO AY NAGTITIWALA kapag sinasabi ng kausap ko kung anong oras at saan kami magtatagpo.”
“AKO AY NANINIWALA kapag ako ay napapangakuan ng ano mang bagay at INAASAHAN ko na ito ay TOTOO bagama’t HINDI
ko pa NAKIKITA.”
“Maraming pagkakataon na kapag ako ay nakipag-usap at may napagkasunduan ay itinuturing ko ito na TAPOS NA,
NAGTITIWALA ako, bagama’t ilang araw pa muna bago ito maganap sa PISIKAL.”

Sa madaling salita ang MANIWALA o MAGTIWALA ay isang bagay na LAGI kong nararanasan. MARUNONG AKONG
MANIWALA o MAGTIWALA. Nangyayari sa akin ito araw-araw at ………NAKIKITA KO NA GAYON DIN ANG LAHAT NG TAO.

Halos sa lahat ng pagkakataon, ang PANINIWALA ay nakabatay sa SALITA o IMPORMASYON na ating NARINIG.
Roma 10:17 “Kaya nga ang PANINIWALA’Y NANGGAGALING SA PAKIKINIG,” …..
Mas madalas nating marinig ay mas malamang na ating PANIWALAAN, bagama’t sa isang pakikinig lamang ay maaari na din
tayong MANIWALA.

Maaaring sa una ay isang IMPORMASYON lamang ito na dumating sa atin, NGUNIT sa sandaling ito ay MAGTUMIBAY SA
ATING PUSO, ito ay nagiging bahagi na ng ating PANINIWALA. Sa kalaunan, maaari pa nga, na ITO na ang BUMUO sa ATING
BUONG PANINIWALA.

Roma 10:17 Kaya nga ang PANINIWALA’Y nanggagaling sa PAKIKINIG, at ANG PAKIKINIG ay sa pamamagitan ng SALITA NI
CRISTO.
Ano ang sinasabi ni Pablo? Sinasabi niya na ang PANINIWALA ay dulot ng PAKIKINIG. … at DAHIL ang nais ni San PABLO ay
dumating sa mga tao ang PANINIWALA o PANANAMPALATAYA sa Panginoong Jesus Cristo ay walang pinakamabuti kundi
MANGARAL ng SALITA ng CRISTO at nang sa gayon ay makapakinig ang mga tao, upang dahil doon ay DUMATING sa KANILA
ang PANINIWALA o PANANAMPALATAYA.

Kung saan natin nais MANIWALA, sa GAYONG SALITA natin IBABAD ang ating PAKIKINIG.

Ang Bibliya ay KALIPUNAN NG MGA AKLAT. Dito ay maaari tayong MATUTO ng KATOTOHANAN, maaari naman din na sa
pamamagitan nito ay MAPATUNAYAN nating MALI ang isang katuruan, maaari ding MAGTUWID ito sa ating mga LIKONG
GAWAIN o ITAMA tayo ng LANDAS, at HIGIT sa LAHAT ay maaari itong mag-akay sa atin sa MATUWID NA PAMUMUHAY o sa
PAGTATAMO ng KALIGTASAN ( 2 Timoteo 3:16).

Maraming mga tao ay may pandinig ngunit HINDI NAKAKADINIG.


May pagkakataong inaakalang may alam ngunit WALANG TUNAY na PAGKA-ALAM.

Ang Bibilya ay maituturing na PINANGGAGALINGAN lamang din ng IMPORMASYON SA SIMULA, tulad ng kung paano may
PINANG-GAGALINGAN lamang din ang LAHAT NG PANINIWALA. Ang kaibahan nga lamang, ang SALITA ng DIYOS ay
BUHAY at MABISA, TUMATAGOS maging sa pinaghihiwalayan ng KALULUWA AT ESPIRITO at NAKAKATAHO NG INIISIP
NG TAO (Hebreo 4:12).

Ang maaaring magsimula na isang impormasyon lamang, kapag ating binulay-bulay at tumulo sa puso ay TIYAK at LUBOS na
magpapahinuhod sa baway isa sa atin. Kapag ang tao ay NAKARINIG at NAPAHINUHOD at NATUON ang kaniyang TIWALA sa
SALITA ng DIYOS, dito nagiging MAS ANGKOP ang salitang “PANANAMPALATAYA,” ayon sa ating nakasanayang pag-gamit ng
kataga.

Ang PANINIWALA o PANANAMPALATAYA SA DIYOS AT SA CRISTO, ay dumarating sa pamamagitan ng PAKIKINIG at


PAKIKINIG ng SALITA NG DIYOS.

ssjtindero@yahoo.com
(0922) 870-2162

You might also like