Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SAPAT NA NGA BA ang MANAMPALATAYA lamang ?

(ikalawang bahagi)

1. Naitatanong natin ito sapagkat INAAKALA natin na mayroong TUNGALIAN sa PAGITAN ng Pag-GAWA at
PANINIWALA o GAWA at PANANAMPALATAYA.

Sa ating payak na isip, ang mga katagang MANIWALA LAMANG ay parang nag-sasaad na ”MANIWALA sa HALIP na
GUMAWA.” Ang katotohanan ay walang nagaganap na tunggalian sa pagitan ng PANINIWAALA at PAG GAWA.

Ang tunggalian ay nasa pagitan ng ISANG PANINIWALA at ISA PANG PANINIWALA.

Kung iniisip natin na tayo ay MAAARING GUMAGAWA na HINDI NANINIWALA at NANINIWALA na HINDI
GUMAGAWA, ay NAGKAKAMALI tayo ng AKALA.

Sinabi ng Bibliya na ang PANANALIG sa ISINUGO na si Jesus ay ang PAG-GAWA na sinasabing GAWA NG DIYOS.
Ito ay pag GAWA SA ESPIRITUAL. Sinasabing ang PAG-GAWA na ito ay ang mismong PANINIWALA.

Ang GAWA na ito ay umiinog lagpas sa pisikal na pag kilos bagkus ay nasa DIWA, nasa ISIPAN, nasa DAMDAMIN at
nasa PUSO. Ito ay nasa KALAGAYAN NG KALULUWA.

Sa kabilang banda ang PAG-GAWA SA PISIKAL ay ang mga bagay na ating pinagkaka-abalahanan sa araw araw.

Ang PAG-GAWA SA PISIKAL ay ang eksaktong PAGPAPAHAYAG NG ATING KATAWAN sa kung ano ang nasa ating
kalooban. Ang PAG-GAWA SA PISIKAL ay GINAGAWA ng ating katawan, BUNGA ng ating PINANINIWALAAN.

Nakita natin sa araling PAANO BA ANG MANAMPALATAYA na ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng


IMPORMASYON, sa pakikinig at pakikinig o sa isang minsanang pakikinig. Ang nasabing impormasyon ay
nagkakaroon ng pagtubo o pagtulo sa puso at nagiging bahagi o kung minsan ay ITO na MISMO ang nagiging
KABUOAN NG ATING PANINIWALA.

Sa Biblia, ang paniniwalang ito na NABUBUO sa pamamagitan ng pagtanggap ng SALITA ng DIYOS o sa nilalaman
ng BIBILIA ay mas angkop na tinatawag na PANANAMPALATAYA.

You might also like