stem o bahagi ng aytem na nagpapahayag ng suliranin opsyon o pamimiliang sagot
Ang stem ay maaaring:
1. Pangungusap na hindi natapos Sa kwentong nabasa, nagitla si Nena sapagkat A. nakakitan siya ng anino sa harapan niya. B. may humalbot sa kanyang dalang bag. C. nakarinig siya ng sigaw ng mga tao. D. may naalaala siyang nakakatakot 2. Pangungusap na may patlang: “_______ nawala ang mga aklat?” “Sa aklatan” A. Kailan C. Bakit B. Saan D. Paano 3. Buong pangungusap: Itinaon nila ang pasinaya ng bagong tindahan sa kaarawan ng kanilang ina. A. itinapat C. ginawa B. isinama D. binalak 4. Pangungusap na nagtatanong Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali? A. nagtutulug – tulugan C. nagbibingi-bingihan B. nagpapatawa D. nagpapaloko
Ilang alituntunin sa paggawa ng maramihang pagsusulit
1. Huwag gumamit ng mga hindi pamilyar na salita, terminolohiya, at parirala sa pagbuo ng istem. 2. Huwag gumamit ng mga pantukoy na maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan tulad ng kadalasan, madalang, ilan at iba pa. 3. Iwasan ang komplikad at magulong organisasyon ng mga salita sa pagbuo ng istem. Mainam din na gawin itong maikli hangga’t maaari. 4. Mas mainam kung gumamit lamang ng payak na pangungusap sa pagbuo ng istem. 5. Ang mga opsyon o pagpipiliian ay nararapat na konektado sa isa’t isa. 6. Iwasan ang mga istem na nagpapakita ng sagot sa iba pang aytem. 7. Iwasan ang maglagay ng opsyon na kasingkahulugan lamang ng isa pang opsyon sa isang aytem. 8. Iwasan ang pagbuo ng mga tanong na walang tanong. 9. Gamitin ang pagpipiliang “wala sa nabanggit” kung ang sagot sa aytem ay eksakto. Kung ang istem ay nagsasabing piliin ang pinakamainam na sagot, hindi angkop na ilagay pa sa pagpipiliian ang “wala sa nabanggit”. 10. Maiging gamitin ang “lahat ng nabanggit” o “wala sa nabanggit” nang madalang lamang. Subalit pinakamaiging huwag na itong gamiting opsyon o pagpipilian.