Banghay Aralin Sa Health 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA HEALTH 6

SECOND QUARTER
Aralin _: Practice proper waste management.
Pamantayang Nilalaman: Understand the importance of keeping the school and community
environment clean and healthful.
Pamantayan sa Pagganap: Demonstrate healthful practices for a healthful school and
community environment.
Kasanayan sa Pagkatuto: Practice proper waste management.
I. Layunin: Natutukoy at naisasagawa ang mga wastong paraan ng pangangasiwa sa
iba’t- ibang uri ng dumi at basura.

II. Kagamitan: Task Card, tsart, powerpoint presentation, recyclable materials


Sanggunian: Curriculum Guide H6CMH-11-7, www.scrbd.com
Pagpapahalaga: pagiging malikhain
Wastong pagtatapon ng basura

III. Pamamaraan
A. Balik- Aral
Ano- ano ang iba’t- ibang uri ng basura na nakikita natin sa ating tahanan at
paaralan?
Alin- alin sa mga ito ang maaari pa nating gamitin muli at mapakinabangan?
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Ihanda ang isang kahon na naglalaman ng mga larawan ng sumusunod:
- Mga tuyong dahon - styrofoam
- Mga lata - insecticide
- Bote - mga kalawanging bakal
- Plastic bags
- Mga tirang pagkain
Ipapangkat ang mga larawang ito ayon sa kanilang konsepto.
2. Paglalahad
Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pangkatang Gawain. Bigyan ng
sumusunod na gawain ang bawat pangkat:
Pangkat 1- Kami ang mga aktor at aktres
Sa isang dula- dulaan, ipakita ang mga nararapatan gawin sa mga bagay na
nabubulok tulad ng mga tiring pagkain, dahon, mga dumi ng hayop at iba pa.

Pangkat 2- Kami ang mga siyentipiko at imbentor


Gamit ang mga sumusunod na bagay, bumuo ng mga bagay na
kapakipakinabang at makakatulong sa inyo bilang mag- aaral.
- Lata - dyaryo - tali
- Platic - mga kartun
Pangkat 3- Kami ang mga mang- aawit
Bumuo ng awitin tungkol sa wastong pamamaraan ng pagtatago at
pagtatapon ng mga kemikal at mapanganib na waste materials.
Pangkat 4-
Gumawa ng dalawang taludtod na tula tungkol sa kahalagahan ng wastong
pangangasiwa ng iba’t- ibang uri ng basurang nabubulok at di nabubulok.
3. Pagtatalakay
Ano ang tamang paraan ng pangangasiwa sa mga basurang nabubulok?
Ano ang kabutihang dulot nito sa atin?
Paano natin mapangangasiwaan nang maayos ang mga kabilang naman sa
mga hindi nabubulok?
Ano ang 3Rs?
Bakit ito mahalaga?
4. Paglalahat
Ano ang wastong paraan ng pangangasiwa sa iba’t- ibang uri ng dumi at
basura sa paligid?
5. Paglalapat
Punan ang tsart batay sa inyong nakikita sa tahanan at paaralan.
Mga basura/ dumi Wastong Paraan ng Naisasagaw mo ba ang
Pagtatapon at ito?
Pangangasiwa nito OO o HINDI

6. Pagpapahalaga
Anong katangian an gating ipinakikita kapag isinasagawa natin ang 3Rs?
Bilang isang bata, paano ka makatutulong sa wastong pangangasiwa ng mga
basura ninyo sa tahanan at paaralan?

IV. Pagtataya

Isulat ang T kung wasto ang ipinahahayag ng bawat pangungusap at M kung mali.
______1. Ang mga basurang tulad ng lata at papel ay maaaring ibaon upang
maiwasan ang pagkalat nito.
______2. Ang mga tiring pagkain, tuyong dahon at dumi ng hayop ay maaaring
gawing organikong pataba kung pangangasiwaan nang wasto.
______3. Makatutulong ang 3Rs- Reuse- Reduce at Recycle upang mapakinabangan
muli ang mga bagay na hindi nabubulok tulad ng plastic at lata.
______4. Dahil ang plastic ay hindi nabubulok, makabubuting sunugin na lamang ito.
______5. Ang mga kemikal ay nararapat itago nang maayos kung muling gagamitin o
ibaon sa malalim na hukay kung ito ay hindi na kailangan.

V. Takdang Aralin
Makipanayam sa inyong mga kapitbahay kung paano nila itinatapon o
pinangangasiwaan ang kanilang mga dumi at basura sa tahanan. Iulat ito sa klase.
BANGHAY ARALIN SA HEALTH 6
SECOND QUARTER

Aralin _: Identify the top ten (10) causes of morbidity and mortality in the Philippines.
Pamantayang Nilalaman: Understand the importance of keeping the school and community
environment clean and healthful
Pamantayan sa pagganap: Demonstrate healthful practices for a healthful school and
community environment.
Kasanayan sa Pagkatuto: Identify the top ten (10) causes of morbidity and mortality in the
Philippines.

I. Layunin: Natutukoy ang sampung pangunahing sakit at sanhi ng kamatayan sa


Pilipinas.

II. Kagamitan: Task Card, tsart, powerpoint presentation


Sanggunian: Curriculum Guide H6DD-11-B. d 9, www.scrbd.com
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kalusugan

III. Pamamaraan
A. Balik- Aral
Anu- ano ang mga wastong pamamaraan ng pagtatapon at pangangasiwa ng dumi
at basura sa tahanan at paaralan?
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Anu- anong mga sakit na ang dumapo sa inyo simula pagkabata?
Magkaroon ng maikling laro:
Ipabuo sa mga bata ang mga jumbled letters upang matukoy ang mga pangalan ng
sakit na inilalarawan sa ibaba:
a. Sakit na sanhi ng paninigarilyo tuerlosiubks
b. Abnormal na pagdami ng cell sa katawan reskan
c. Sakit na nakukuha mula sa lamok ugdnee
d. Paninikip ng daanang tubo sa puso etroks
e. Sakit sa atay ptahetiis
2. Paglalahad
Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pangkatang Gawain. Ipagawa ang
sumusunod sa mga bata.
Pangkat 1- Tayo nang umawit
Pag- usapan sa pangkat ang sumusunod na sakit at dahilan ng kamatayan ng
mga Pilipino. Iulat ito sa klase gamit ang jazz chant o awitin.
- Pulmonya
- Tuberkulosis
- Hepatitis
Pangkat 2- Tayo nang Umarte
Isadula ang sumusunod na sakit at dahilan ng kamatayan ng mga
mamamayan.
- Atake sa puso
- Stroke
- Kanser
Pangkat 3- Tayo nang Gumuhit
Gumuhit ng mga dahilan ng pagkakasakit at pagkamatay ng karamihan sa
mga tao sa bansa.
- AIDS - Diabetes
- Dengue - Sakit sa Bato
3. Pagtatalakay
Ano- ano ang mga pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng mga tao?
Ano- ano naman ang dahilan ng kanilang pagkamatay o mortality?
Paano natin maiiwasan ang mga ito?
4. Paglalahat
Ano- ano ang mga pangunahing sakit na nagiging dahilan ng kamatayan ng
karamihan sa mga Pilipino?
5. Paglalapat
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na sakit.
a. Kanser
b. Tuberkulosis
c. Dengue
d. Pneumonia
e. Hepatitis
6. Pagpapahalaga
Ang kalusugan ang pinakamahalaga nating kayamanan. Paano ninyo maipakikita
ang pagpapahalaga sa kalusugan?

IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Anong ang tawag sa sakit sa impeksyon sa atay?
a. Alipunga b. hepatitis c. pulmonya d. tuberkulosis
2. Alin sa mga sumusunod ang nagiging sanhi ng dengue?
a. Bacteria na nagmumula bulate c. kontaminadong pagkain
b. Ihi ng daga d. virus na dala ng lamok
3. Ito ay sakit sa baga na dulot ng paninigarilyo.
a. Alipunga b. hepatitis c. pulmonya d. tuberculosis
4. Isang malalang sakit na dulot ng abnormal na pagdami ng mga cell sa katawan na
maaaring kumalat sa buong katawan.
a. diarrhea b. kanser c. pulmonya d. tuberculosis
5. Anong sakit ang nakukuha mula sa pakikipagtalik sa taong may sakit nito o dahil
sa pagsasalin ng dugo mula sa taong may sakit.
a. Tuberculosis b. leptospirosis c. pulmonya d. AIDS

V. Takdang Aralin
Mangalap ng mga balita sa dyaryo tungkol sa iba’t- ibang sakit na nagiging sanhi ng
kamatayan sa Pilipinas.
BANGHAY ARALIN SA HEALTH 6
SECOND QUARTER

Aralin _: Distinguish the communicable from the non- communicable disease among the top 10
causes of morbidity and mortality. (p. 61)
Pamantayang Nilalaman: Understand the importance of keeping the school and community
environment clean and healthful.
Pamantayan sa pagganap: Demonstrate healthful practices for a healthful school and
community environment.
Kasanayan sa Pagkatuto: Distinguish the communicable from the non- communicable disease
among the top 10 causes of morbidity and mortality. (p. 61)
I. Layunin: Naibibigay ang pagkakaiba ng sakit na nakahahawa sa sakit na di
nakahahawa.
Natutukoy ang mga sakit na nakahahawa at di nakahahawa sa mga sakit na
kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagkakasakit at kamatayan.

II. Kagamitan: Task Card, tsart, powerpoint presentation, kahon, piraso ng papel
Sanggunian: H6DD. 11a- 8, www.scrbd.com
Pagpapahalaga: Papapahalaga sa kalusugan

III. Pamamaraan
A. Balik- Aral
Ano- ano ang mga nangungunang sakit sa bansa na nagdudulot ng kamatayan ng
mga mamamayan?
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Laro: Doctor, doctor I am Sick
Pangkatin ang mga bata sa dalawa. Bubunot ng piraso ng papel ang isang
kamiyembro mula sa kahon na naglalaman ng iba’t- ibang sakit. Papahulaan
nya ito sa pamamagitan ng iba’t- ibang kilos o signal. Ang pangkat na
makakakuha ng mas maraming puntos ang mananalo.
2. Paglalahad
Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pangkatang Gawain. Ipagawa ang
sumusunod na gawain.
Pangkat 1- Dula- Dulaan (Sakit na nakahahawa)
Isadula ang mga sanhi ng pagkalat ng sumusunod na sakit:
- Dengue
- Tuberkulosis
- Hepatitis
- Aids
Pangkat 2- Awit (Sakit na di- nakahahawa)
Bumuo ng awit o jazz chant tungkol sa sumusunod na sakit ng hindi
nakakahawa.
- Kanser - sakit sa bato
- Stroke - Atake sa puso
Pangkat 3-Tula
Pangkatin ang sumusunod na sakit. Iuat ang inyong sagot sa pamamagitan ng
tula.
- Pulmonya - Tuberkulosis
- Hepatitis - Atake sa puso
- Stroke - Kanser
- AIDS - Dengue
- Diabetes - Sakit sa Bato

Nakahahawa Hindi Nakahahawa

3. Pagtatalakay
Paano napangkat ang mga sakit?
Alin- aling sakit ang nakakahawa?
Alin- alin namang mga sakit ang hindi nakakahawa?
Paano natin maiiwasan ang mga sakit lalo na ang mga sakit na hindi
nakahahawa?
Bakit dapat nating ingatan ang ating kalusugan?
4. Paglalahat
Paano nagkakaiba ang sakit na nakahahawa sa mga hindi nakakahawa?
Ano- ano ang mga sakit na nakahahawa?
Ano- ano ang mga sakit na nakahahawa?
5. Paglalapat
Punan ang Venn Diagram ng mga sakit depende sa uri nito.

Sakit na Sakit na
Nakahahawa
Hindi

Nakahahawa

6. Pagpapahalaga
Ano ang inyong magagawa upang manatiling malusog at ligtas sa anumang
sakit?
Bakit mahalaga ang kalusugan?

IV. Pagtataya
Isulat ang N- kung ang sumusunod na sakit ay nakakahawa at DN- kung hindi
nakahahawa.
_____1. Pulmonya ____6. Hepatitis
_____2. Tuberkulosis ____7. Kanser
_____3. Atake sa puso ____8. AIDS
_____4. Stroke ____9. Dengue
_____5. Diabetes ____10. Sakit sa Bato
V. Takdang Aralin
Gumawa ng album ng iba’t- ibang sakit na nakahahawa at di nakahahawa.

You might also like