MODULE 2 Gawing Plus Ang Minus

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

( Effective and Affordable Secondary Education )

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

MODYUL BILANG 2

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 1/16


EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I
Yunit I
Modyul Blg. 2

Gawing Plus ang Minus

I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo?


Napag-aralan mo sa Modyul 2 na walang magkakatulad na
nilalang sapagkat ang bawat isa ay natatangi. Ikaw ay may mga
bukod-tanging kakayahan at iba pang kalakasan na magagamit mo sa
iyong pag-unlad. Walang taong perpekto, kung kaya’t ikaw din ay may
mga kahinaan. Aalamin mo sa modyul na ito ang iyong mga
kalakasan at kahinaan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

A. Nakikilala ang mga angking kakayahan at kahinaan


B. Nasisiyahan sa pagtuklas sa sariling kakayahan at kahinaan
C. Natutukoy ang kanyang mga talino batay sa walong talino ni
Gardner
D. Naitatalaga ang sarili sa pagpapaunlad ng mga kakayahan at
mapaglabanan ang mga kahinaan

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong


mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi
ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat
ang sumusunod na tagubilin:

1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga


gawain.
2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin.
3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.
4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat
sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.
5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging
isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa
mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at
mapaunlad ang sariling pagkatato sa lahat ng mga gawain.
6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung
kailangan.
7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa
kahit nahihirapan.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 2/16


Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga
sumusunod na panimulang pagsubok.

II. Handa Ka na Ba?


A. Isulat ang Plus (+) kung kalakasan at Minus (−) kung kahinaan ang
bawat isa.

1. Madaling mapagsabihan
2. Mahiyain sa pakikiharap sa tao
3. Balat-sibuyas o madaling masaktan
4. Pinaninindigan ang sinabi
5. Laging sumusunod sa uso kahit hindi angkop sa kanya
6. Pagkahilig sa mga kendi at tsokolate
7. Mapagmasid
8. Palapintas
9. Madaling yayain ng mga kaibigan kahit saan
10. May alam sa kahalagahan ng pag-aaral

B. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na


naglalahad ng tamang konsepto.

1. Si Rochelle Ambubuyog ay nabulag matapos ang isang


malubhang sakit. Nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat
sa pamamagitan ng braile. Sa tulong ng kanyang mapagmahal
na magulang at matitiyagang guro, nagtapos siya sa
elementarya, sekundarya at kolehiyo na may karangalan. Ano
ang pinatunayan ni Rochelle?
a. Natupad ang kanyang pangarap na maging matalino at
tagumpay kahit na siya ay bulag.
b. Nalampasan niya ang limitasyon ng kanyang kapansanan
sa pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral.
c. Siya ay bulag kaya walang gaanong hadlang at tukso sa
kanyang pag-aaral.
d. Matiyaga ang kanyang magulang at mga guro kaya siya
ay naging matalino at tagumpay.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 3/16


2. Sina Ana, Melisa at Kristina ay magkakaibigan. Sila ay halos
sabay na nagsilaki at magkakasing-gulang pa. Sila ay
magkakamag-aral din. Si Ana ay mahilig umawit at sumayaw
ngunit ayaw niya ng Matematika. Si Melisa naman ay mahilig
magbasa at magsulat ngunit ayaw niyang sumama sa praktis ng
sayaw. Ayaw niya ng mga maiingay na musika. Si Kristina naman
ang pinakamahusay sa Matematika. Ano ang pinatutunayan sa
sitwasyon?
a. Magkakasundo ang magkakaibigan kahit magkakaiba ng
kanilang hilig at talino.
b. Iba’t iba ang taglay na talino ng magkakaibigan dahil iba-
iba ang kanilang talino.
c. Masaya ang magkakaibigang mayroong iba’t ibang talino.
d. Iba’t iba ang talino at kalakasan ng tao.

3. Si Manny Pacquiao ay mahusay na boksingero. Nanalo na siya


ng maraming karangalan sa loob at labas ng bansa. Kinilala siya
sa buong daigdig. Ang perang kanyang napanalunan ay ibinili
niya ng kotse at magandang bahay. Tumulong siya sa mga
kababayan niyang kapuspalad. Higit sa lahat, nagbigay siya ng
karangalan sa ating bansa. Ano ang mahihinuha sa sitwasyon?
a. Dapat mong ipagmalaki ang iyong bukod-tanging talino.
b. Masaya ang magbigay ng karangalan sa bansa at
tumulong sa mga kababayan.
c. Maaaring gamitin ang talino at kalakasan sa pagpapaunlad
ng sarili, kapwa at pamayanan.
d. Mahalagang tumulong sa iba upang dumami pa ang mga
biyayang tatanggapin natin.

4. Mahilig mapag-isa si Rogelio. Palabasa siya ng mga aklat at


mahilig magmuni-muni. Malalim ang kanyang pananaw sa mga
bagay-bagay. Mayroon siyang talino sa
a. visual-spatial.
b. interpersonal.
c. linguistic.
d. intrapersonal.

5. Napakamasayahin si Susan. Gustung-gusto siya ng kanyang


mga kaibigan. Palagi siyang kasama sa mga programa sa
paaralan. Napakahusay niya sa pagsulat at sa pagsasalita. Si
Susan ay mayroong talino sa:
a. visual-spatial.
b. interpersonal.
c. linguistic.
d. intrapersonal.

Nahirapan ka bang sagutin ang panimulang pagsusulit? Ngayon


naman ay simulan mo nang sagutin ang mga sumusunod na gawain. Sana
ay malibang at matuto ka sa iyong pagsagot.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 4/16


III. Tuklasin Mo
Gawain Blg. 1
Tingnan ang Profile ng mga Kakayahan sa susunod na pahina. Sukatin
ang iyong kakayahan batay sa mga nakatalang gawain o kakayahan. Kulayan
ang espasyo na naglalarawan ng iyong kakayahan sa bawat titik. Gamitin
ang iskala 1-5 na may mga sumusunod na kahulugan:
1 - Walang kakayahan
2 - May kaunting kakayahan
3 - Katamtaman ang kakayahan
4 - Mahusay
5 - Napakahusay
P A

O 5 B

4
N
C
3

2
M D
1

E
E
L

K F
F

J G

I H

Profile Ng Aking Mga Kakayahan

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 5/16


Magagawa mo kaya ang mga ito?
A. Nakagagawa ng badyet
B. Nakasasali sa iba’t ibang isports
C. Naipahahayag nang epektibo ang iniisip at nararamdaman
D. Naipahahayag ang kaisipan, damdamin at namasid nang patula
E. Nagagamit ang mga pamamaraan na kinakailangan sa matematika
F. Nakaguguhit ng mga larawan na kinagigiliwan ng iba
G. Nakapagtatanim ng mga halaman
H. Nakalalahok nang buong talino sa mga pagtatalo o debate
I. Nakaaawit nang mahusay o nakasasabay sa mga awitin
J. Nakagagawa ng mga produkto mula sa bagay na ginamit na o mga
kagamitang itatapon na
K. Nakatutugtog ng mga instrumentong musikal tulad ng gitara, drum, piano
at iba pa
L. Nakapagmumuni-muni sa sarili ukol sa mga nararamdaman at
nakapagpapalakas ng loob
M. Nakasasagot sa mga palaisipan
N. Nakasasayaw o nakasusunod sa mga hakbang ng pagsasayaw
O. Nakapapakinig nang masusi at nasusuring mabuti ang sinasabi ng kausap
P. Nakapapakinig sa mga puna o komento ng ibang tao nang bukas ang
isipan

Sagutin Mo
1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit?
2. Anu-ano ang natuklasan mo sa iyong sarili sa gawain?
3. Alin sa mga nabanggit sa gawain ang mga kalakasan mo?
4. Alin sa mga nabanggit sa gawain ang mga kahinaan mo?
5. Paano makatutulong sa sarili mo ang iyong kaalaman sa kalakasan at
kahinaan mo?

Gawain Blg. 2

Tingnan ang larawan o maze. Ituring na kuwarto o silid ang bawat


parisukat. Ipagpalagay na ikaw ay papasok sa bawat silid hanggang sa ikaw
ay makalabas.
Kung nakapasok ka na sa silid, tumigil ka at alalahanin ang mga
nagawa mo dito. Pagkatapos, gunitain mo ang iyong damdamin ukol sa silid
na ito.
Sa iyong kuwaderno, isalarawan ang damdaming ito sa pamamagitan
ng pagguhit ng angkop na mukha sa silid. Iguhit ang mukha na masaya
o malungkot Pagkatapos, ipahayag kung bakit ganito ang iyong
naging damdamin.

Halimbawa:

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 6/16


Silid ng Mathematika:
Masaya ako sa silid ng Matematika dahil napauunlad ko rito
ang antas ng aking pag-iisip.

LABASAN
SILID NG ENGLISH SILID NG EDUKASYON LABORATORYO
SA PAGPAPAHALAGA/
GUIDANCE AND
COUNSELING

AKLATAN SILID NG SINING SILID NG AGHAM

KANTINA SILID NG COMPUTER

SILID NG ARALING
PANLIPUNAN

SILID NG
TECHNOLOGY AND
LIVELIHOOD
EDUCATION
SILID NG
MATEMATIKA
+ -* / χ √ £ ¥ $ % < =>
[¼ ½ ~ ÷

PASOK DITO GYMNASIUM

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 7/16


Sagutin Mo

1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit?


2. Anu-ano ang mga bahagi sa larong maze ang nilagyan mo ng
mukhang masaya? ng malungkot? Bakit?
3. Saang silid ka higit na nakadama ng kasiyahan? ng kalungkutan?
Bakit?
4. Paano mo gagamitin sa iyong pakikipagkapwa ang mga natuklasan
mong kalakasan at mga kakayahan?
5. Paano mo naman paglalabanan ang iyong mga kahinaan?

IV. Ano Ang Iyong Natuklasan?

Batay sa natapos na aralin, isulat mo sa loob ng kahon ang mga


natutuhan mong konsepto. Gabay mo ang halimbawa sa unang bilang.

1. Bawat tao ay pinagkalooban ng mga natatanging talino at kakayahan.


Mahalagang paunlarin ito para sa kabutihan ng sarili at ng kapwa.

2.

3.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 8/16


V. Pagpapatibay
MULTIPLE INTELLIGENCES
Unawain ang tsart. Tandaan ang walong uri ng kakayahan o
intelligences.
Linguistic Intelligence
Katangian
• Paggamit ng wika at salita sa iba’t ibang paraan
• Paglalahad ng kaisipan at damdamin
Mga Gawain
• Manunulat
• Mamahayag
• Manunula
• Mambabatas
Pagpapaunlad
Pagbasa ng mga pahayagan at aklat araw-araw
Pagsagot sa mga crossword puzzle
Pagsali sa mga contest at debate
Paggamit ng dictionary para sa mga salitang hindi maunawaan

Logical-Math Intelligence
Katangian
• Paggamit ng numero, hugis at mga simbolo
• Pag-unawa sa mga abstract at mga simbolo
Mga Gawain •
• Scientist Statistician
• Accountant Computer programmer
• Police investigator Economist
Pagpapaunlad
• Pagsali sa mga samahan sa Matematika at Agham
• Pagsagot ng puzzle sa Matematika at Agham
• Panonood ng Discovery Channel at National Geographic Magazine

Musical Intelligence
Katangian
• Pagkahilig sa musika
• Paggamit ng mga instrumento sa musika
Mga Gawain
• Mang-aawit
• Composer
• Conductor
• Guitarist, pianist, drummer, at iba pa
Pagpapaunlad
• Panonood ng mga konsiyerto
• Pagsali sa sabayang pag-awit o paligsahan
• Pag-aaral ng paggamit ng instrumento
• Pagsabay sa umaawit

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 9/16


Visual-Spatial Intelligence
Katangian
• Paglikha ng mga bagay o gamit
• Pagkahilig sa kulay o disenyo
Mga Gawain
• Photographer Manlililok
• Pintor Cinematographer
• Arkitekto Guro sa Art
Pagpapaunlad
• Pagsali sa mga gawain na may kinalaman sa sining
• Paggawa ng sariling disenyo ng mga kagamitan
• Pagdalo sa mga seminar ng sining
• Panonood ng mga exhibit

Bodily-Kinesthetic Intelligence
Katangian
• Paggamit ng katawan sa pagbibigay kahulugan
sa kilos
• Pagkilos o paggalaw ng maliksi at nasa tiyempo
Mga Gawain
• Mananayaw Factory worker
• Atleta Karpintero
• Artista Aerobic Instructor
Pagpapaunlad
• Pag-eehersisyo araw-araw
• Pag-aaral ng mga sayaw, martial arts
• Pagsali sa mga isports tulad ng basketball, volleyball, at iba pa
• Panonood ng mga programa ukol sa isports

Interpersonal Intelligence
Katangian
• Pag-unawa sa damdamin at kakayahan ng iba
• Pakikihalubilo sa ibang tao
Mga Gawain
• Politician * Administrator
• Principal/Guro * Manager
• Pari/Pastor/Imam/Ministro
Pagpapaunlad
Pagkakaroon ng dayalogo o pag-uusap ng pamilya
Pakikipag-usap sa iba
Pagsali sa mga samahan sa paaralan at simbahan

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 10/16


Intrapersonal Intelligence
Katangian
• Pag-unawa sa sariling damdamin at kalagayan
• Pagkilala sa sariling kalakasan at kahinaan
• Paggamit ng sariling kaalaman sa pagpapasya
Mga Gawain
• Counselor
• Madre
Pagpapaunlad
Pagninilay-nilay
Pagbasa ng mga aklat
Pagdalo sa mga seminar
Pagkausap sa sarili
Pagbasa ng Bibliya at pagdarasal

Naturalist Intelligence
Mga Katangian
• Pagkahilig sa kalikasan
• Pagkahilig sa hayop at halaman
Mga Gawain
• Magsasaka
• Veterinarian
• Tagapag-alaga sa zoo
Pagpapaunlad
• Pagsali sa tree planting
• Paglalakbay at pagmamasid sa kapaligiran
• Pagtatanim ng mga halaman
• Pag-aalaga ng mga hayop sa bahay
Henry Tenedero, Breaking the IQ Myth
Taglay na ng tao ang mga potensyal at kakayahan sa kanyang
pagsilang. Ang mga taong nakapaligid sa kanya ang tutulong upang
mahubog ang mga ito. Ang mga magulang ang siyang gagabay upang
matutuhan niya ang mga pangunahing paraan upang mabuhay. Sa paaralan,
naroon ang mga guro upang bigyan siya ng pormal na pag-aaral at
pagsasanay ng kanyang mga potensyal at kakayahan. Samantala, ang
determinasyong matuto ay mahalaga upang lubos na mahubog ang mga likas
na potensyal at kakayahang ito.
Kaalinsabay ng mga potensyal at kakayahang likas sa tao ay ang
kanyang mga kahinaan at limitasyon. Kung paglalabanan ang mga
kaninaang ito, hindi magiging ganap na kahinaan ang mga ito kundi mga
pagsubok at hamon ng buhay. Higit sa lahat, ang mga angkop na
pagpapahalaga ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kababaang
loob ng sinuman.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 11/16


VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo
Isulat sa angkop na kahon ang sagot mo sa bawat tanong. Sundan ang
unang halimbawa.
Kakayahan Ko

Mga kakayahan ko Mga uri ng kakayahan ko


Hal: Paglalaro ng basketbol ayon kay Gardner
• •
• •
• •
• •
• •

Mga taong makikinabang sa Paano ko pauunlarin ang


kakayahan ko mga kakayahan?
• •
• •
• •
• •
• •

Kahinaan Ko
Mga Kahinaan Ko Paano nakasasagabal ang
Hal.: Pagiging mahiyain kahinaan ko?
• •
• •
• •
• •
• •

Paano ko paglalabanan ang Mga pagpapahalagang


mga kahinaan ko? kakailanganin ko
• •
• •
• •
• •
• •

VII. Gaano Ka Natuto?

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 12/16


A. Isulat ang titik na “T” kung ang pagkaunawa mo sa pangungusap
ay tama at titik na “M” kung mali ang pagkaunawa mo rito. Ituwid
ang mga maling pahayag.

1. Ang pagkilala ng mga kahinaan at kalakasan ay simula ng


paglinang ng iyong pagkatao.
2. Mahalagang matuklasan lamang ang kalakasan at paunlarin
ito.
3. Ang kahinaan ng tao ay mananatiling kahinaan niya
habangbuhay kung wala siyang gagawing aksiyon tungkol
dito.
4. Kailangang makinabang ang kapwa sa iyong mga kalakasan
at kakayahan.
5. Magkakapareho ang mga kalakasan at kahinaan ng lahat ng
kabataan.
6. Iilan lamang ang mga taong pinagkalooban ng mga talento.
7. Mapagkakakitaan ang paggamit ng mga talento at iba pang
kakayahan.
8. Mahalagang gamitin ang kakayahan para sa pansariling
kabutihan lamang.
9. Ang mga kalakasan o mga talento ay huwag gagamitin sa
kasiraan ng kapwa.
10. Napauunlad ang sariling pagkatao sa pagpapayaman o
pagpapaunlad ng kakayahan.

B. Tukuyin kung anong uri ng intelligence ang taglay ng mga sumusunod.


Isulat sa angkop na espasyo o sa katapat na kolum. Maaaring 2 o higit
sa isang intelligence ang ginagamit sa isang propesyon o gawain.
Naibigay na ang sagot sa unang bilang.

Propesyon Uri ng Intelligence Propesyon Uri ng Intelligence


1. Computer Visual-spatial, Logical- 11. Pulis-
programmer mathematical,Linguistic imbestigador
2. Magsasaka 12. Manunulat
3. Manlalaro 13. Accountant
4. Pintor 14. Beautician
5. Reporter 15. Guro
6. Mang-aawit 16. Mananahi
7. Counselor 17. Veterinarian
8. Scientist 18. Photographer
9. Mangingisda 19. Manager
10.Mananayaw 20. Gitarista

C. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na naglalahad ng


tamang konsepto.

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 13/16


1. Si Rochelle Ambubuyog ay nabulag matapos ang isang
malubhang sakit. Nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat
sa pamamagitan ng braile. Sa tulong ng kanyang mapagmahal
na magulang at matitiyagang guro, nagtapos siya sa
elementarya, sekundarya at kolehiyo na may karangalan. Ano
ang pinatunayan ni Rochelle?
a. Natupad ang kanyang pangarap na maging matalino at
tagumpay kahit na siya ay bulag.
b. Nalampasan niya ang limitasyon ng kanyang kapansanan
sa pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral.
c. Siya ay bulag kaya walang gaanong hadlang at tukso sa
kanyang pag-aaral.
d. Matiyaga ang kanyang magulang at mga guro kaya siya
ay naging matalino at tagumpay.

2. Sina Ana, Melisa at Kristina ay magkakaibigan. Sila ay halos


sabay na nagsilaki at magkakasing-gulang pa. Sila ay
magkakamag-aral din. Si Ana ay mahilig umawit at sumayaw
ngunit ayaw niya ng Matematika. Si Melisa naman ay mahilig
magbasa at magsulat ngunit ayaw niyang sumama sa praktis ng
sayaw. Ayaw niya ng mga maiingay na musika. Si Kristina naman
ang pinakamahusay sa Matematika. Ano ang pinatutunayan sa
sitwasyon?
a. Magkakasundo ang magkakaibigan kahit magkakaiba ng
kanilang hilig at talino.
b. Iba-iba ang taglay na talino ng magkakaibigan dahil iba-iba
ang kanilang talino.
c. Masaya ang magkakaibigang mayroong iba’t ibang talino.
d. Iba-iba ang talino at kalakasan ng tao.

3. Si Manny Pacquiao ay mahusay na boksingero. Nanalo na siya


ng maraming karangalan sa loob at labas ng bansa. Kinilala siya
sa buong daigdig. Ang perang kanyang napanalunan ay ibinili
niya ng kotse at magandang bahay. Tumulong siya sa mga
kababayan niyang kapuspalad. Higit sa lahat, nagbigay siya ng
karangalan sa ating bansa. Ano ang mahihinuha sa sitwasyon?
a. Dapat mong ipagmalaki ang iyong bukod-tanging talino.
b. Masaya ang magbigay ng karangalan sa bansa at
tumulong sa mga kababayan.
c. Maaaring gamitin ang talino at kalakasan sa pagpapaunlad
ng sarili, kapwa at pamayanan.
d. Mahalagang tumulong sa iba upang dumami pa ang mga
biyayang tatanggapin natin.

4. Mahilig mapag-isa si Rogelio. Palabasa siya ng mga aklat at


mahilig magmuni-muni. Malalim ang kanyang pananaw sa mga
bagay-bagay. Mayroon siyang talino sa

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 14/16


a. visual-spatial.
b. interpersonal.
c. linguistic.
d. intrapersonal.

5. Napakamasayahin si Susan. Gstung-gusto siya ng kanyang mga


kaibigan. Palagi siyang kasama sa mga programa sa paaralan.
Napakahusay niya sa pagsulat at sa pagsasalita. Si Susan ay
mayroong talino sa:
a. visual-spatial.
b. interpersonal.
c. linguistic.
d. intrapersonal.

D. Sumulat ng maikling sanaysay ukol sa paksang “Kaya Kong Gawing


Lakas Ang Aking Kahinaan”. (10 puntos)

VIII. Mga Sanggunian


Punsalan, Twila G. et. al. 1993. Kapwa: Pagmamahalan at
Pananagutan. Manila: Rex Bookstore.

Tenedero, Henry S. 1998. Breaking the IQ Myth. Manila: Henyo


Publications.

Susi sa Pagwawasto

Handa Ka Na Ba?
A.
1. Kalakasan 6. Kahinaan
2. Kahinaan 7. Kalakasan
3. Kahinaan 8. Kahinaan
4. Kalakasan 9. Kahinaan
5. Kahinaan 10.Kalakasan
B. 1. b
2. d
3. c
4. d
5. b

Gaano Ka Natuto?
A.
1. T 6. M

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 15/16


2. M 7. T
3. T 8. M
4. T 9. T
5. M 10. T

B.
1. Logical-math 11. Logical-math
2. Naturalist 12. Linguistic
3. Bodily-kinesthetic 13. Logical-math
4. Visual-spatial 14. Visual-spatial
5. Linguistic 15. Interpersonal
6. Musical 16. Bodily-kinesthetic
7. Intrapersonal 17. Naturalist
8. Logical-math 18. Visual-spatial
9. Naturalist 19. Interpersonal
10. Bodily-kinesthetic 20. Musical

C. 1. b
2. d
3. c
4. b
5. d

D. Rubric sa pagtataya ng sanaysay

Score Antas ng Paggawa


9-10 May kaugnayan sa paksa, maayos ang mga pangungusap,
malinis ang presentasyon
7-8 Medyo may kaugnayan sa paksa, maayos ang mga
pangungusap, malinis ang presentasyon
5-6 Medyo may kaugnayan sa paksa, hindi gaanong maayos
ang mga pangungusap liban sa ilang lihis na ideya, malinis
ang presentasyon
3-4 Kaunti lang ang may kaugnayan sa paksa, lihis ang mga
ideya, hindi gaanong malinis ang presentasyon
0-2 Kaunti lamang ang may kaugnayan sa paksa, lihis ang
karamihan sa ideya, hindi maayos ang mga pangungusap,
magulo ang presentasyon

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 16/16

You might also like