Kwento NG Isang Ina Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

(Lakad-takbo sa harap ng hagdan si Sisa.

Bakas sa mukha niya ang takot at pag


aalala)

SISA: (Mahinang boses at maluha-luha) Basilio, Crispin, mga anak ko. Nasaan na
kayo?

(Tatakbo sa gilid si Sisa at akmang tatakbo papunta sa kanyang bahay nang Makita
niya sa taas ang dalawang guardia civil na tila may hinahanap sa bahay. Hihinto
siya, Aatras ng kaunti, manginginig at tila di makahinga sa takot.)

(Titingala sa langit si Sisa. Kukunin ng guardia ang isang inahin ni Sisa at


maghahanda na sa pag-alis. Lilingon si Sisa at magbubuntong-hininga at
mabubuhayan ng loob.

SISA: (Halos mapaiyak sa tuwa)Kay bubuti nila’t maunawain!

(Naglakas-loob si Sisa lumakad palampas sa mga guardia civil. Kunwari ay inosente


siya at walang napapansin.)

GUARDIA CIVIL 1: (Nakita si Sisa) Hoy! Ikaw! Tumigil ka!

(Patuloy na naglakad si Sisa.)

GUARDIA CIVIL 2: Aba’t- Hoy, estupidang babae, hindi ba siya nakakaintindi?


Humarap ka sa amin!

(Nanginginig sa takot na lumingon at lumapit sa mga guardia si Sisa)

GUARDIA CIVIL 1: (Tinatakot si Sisa) Sabihin mo sa amin ang totoo,(tinuro ang


puno) kung hindi ay itatali kita sa punong iyan)

(Titingin si Sisa sa puno.)

GUARDIA CIVIL 2: Ikaw baa ng ina ng magnanakaw?

SISA: I-ina ng magnanakaw?

GUARDIA CIVIL 1: Nasaan ang salaping ibinigay sa iyo ng mga anak mo kagabi?

SISA: S-Salapi-(mapapasigaw sa takot nang nilabas ang nang guwardiya ang baril)

GUARDIA CIVIL 1: Wag mong subukang magsinungaling! San mo itinago ang mga bata?

SISA: (Nagbuntong-hininga) G-ginoo, matagal ko nang hindi nakita ang mga anak ko.
Hinanap ko si Crispin sa kumbento, ngunit sabi nila…

(Nagkatinginan ang dalawang guardia civil)

GUARDIA CIVIL 2: Sige, Ibigay mo nalang sa amin ang pera.

SISA: (Lumuluha) Ginoo, kahit magutom pa kami, hindi naming kayang magnakaw.
Sanay na kaming magutom. Ni isang pera’y walang bingay sa akin si Basilio.
Halughugin niyo pa ang bahay. (tiningnan ng pagalit ang guardia) Hindi magnanakaw
ang lahat ng mahihirap.

GUARDIA CIVIL 2: E di, isasama ka namin. (hinawakan ang braso ni Sisa.) Tingnan
natin kung hindi magpapakita ang mga anak mo pag nakulong ka. Tena.

SISA: Sumama? T-teka, parang awa niyo na, mahirap lang ako. (Natatarantang
lumuhod)Mahirap lang ako, Ginoo. Wala na akong maibibigay, kahit ang inahing
pinataba na ibebenta ko sana ay kinuha niyo na. Iwan niyo nalang ako, parang awa!

GUARDIA CIVIL 2: Tena! Gusto mo bang igapos pa kita!

SISA:(Napaiyak)… Payagan nalang ninyo akong mauna sa inyo.

(Nagbulungan ang mga guardia civil.)


GUARDIA CIVIL 1: Sige,basta’t wag kang pahinto-hinto sa daan! Halika na!

(Maglalakad ang tatlo papunta sa bayan. Doon ay magtitinginan ang mga tao sa
kanila. Napatingin-tingin lang rin si Sisa sa kanila habang niyayakap ang sarili)

GUARDIA CIVIL 1: (Lalapit kay Sisa) Gusto mo bang magpahinga?

SISA: (Umiling) Hindi na. Salamat.

(Narinig nila ang duplikal ng kampana. Mas binilisan ni Sisa ang paglalakad para
maiwasan ang mas maraming tao.)

(Napabagal si Sisa ng Makita niya ang dalawang kakilala ngunit tiningnan lamang
siya ng mga iyon. Napayuko siya at nagpatuloy sa paglalakad)

CHISMOSA: (pasigaw at tila naiiskandalo) Sa’n niyo siya nahuli? Nakuha niyo baa
ng pera?

(Nagbulong-bulungan ang mga tao. Napabilis ang kanyang paglakad.)

GUARDIA CIVIL 2: Hoy! Dito ang daan!

(Tumakbo si Sisa habang sinigawan ng mga guardia. Nakita niya ang isang pinto at
nadapa siya at takot na umiyak)

(May babaeng naninigarilyo. Nakahiga at nakapatong ang ulo sa hita ng kanyang


kalaguyo May ilang babaeng naglalaba at naglilinis ng sandata at may isang
babaeng kumakanta nang masagwang awitin. pumasok sa silid na may dalang batya.)

CHISMOSA:(Nakita si Sisa. Sumisigaw) Mukhang nakawala ang mga sisiw at inahin


lang ang dala mo? (Ibinaba ang batya at lumapit kay Sisa. Hinawakan ang baba at
minasdan ang pagmumukha.) Kung-sa-bagay, mas mainam naman ang inahin kaysa sa
sisiw.

(Marahas na binitawan ng babae ang pagkakahawak kay Sisa at kinuha muli ang
batya.)

SUNDALO: Nasaan ang sarhento? Pinasabihan na ba ng kumander?

(Nagkibit balikat lamang ang dalaga at nagtrabaho.)

SUNDALO: (Hinila si Sisa sa isang kulungan.) O siya, diyan ka muna.

(Umiiyak at napaupo si Sisa sa isang sulok.)

SISA: (Humihikbi at wala sa sarili) Diyos ko, ingatan niyo po ang mga anak ko!

MATAPOS ANG DALAWANG ORAS

ALPERES: (pumasok) Oh, tanghali na. Kumain na kayo. (Umupo sa isang silya) Ano
bang balita rito?

SUNDALO: (Masaya) Ah, nahuli po namin ang ina ng dalawang magnanakaw!

ALPERES: (Napaupo ng tuwid) Ano?! (TIningnan niya sa kulungan si Sisa at nagging


dismayado) Palayain niyo siya!

(Nagtaka ang mga sundalo at mga babae)

SUNDALO: P-po? Bakit ho?

ALPERES: (Humarap sa kanila) Pakana lang yan ng prayle. Kung gusto niya ibalik
ang salapi ay itanong niya kay San Antonio o kaya’y magreklamo siya sa Nuncio.
(exit)

SUNDALO: (Lumapit kay Sisa) Hoy, pwede ka nang lumabas.

(Tulala lang si Sisa kaya pinagtulukang pa siyang pinaalis sa kulungan.)


(Naglakad pauwi si Sisa. Pumasok siya sa kanyang kubo at hinalughog ang bahay.
Umalis siyang muli. Nagpagala-gala. Pumunta siya bahay ni Tandang Tasyo)

SISA: Tao po! Tao po! Nakita niyo ba ng mga anak ko?

(Nagsimula na siyang mag-alala at bumalik sa kanilang bahay)

SISA: Basilio! Crispin!(biglang natahimik at hinintay ang sagot)

SISA: (Naglakad-lakad sa bahay at humiyaw)Crispin! Basilio! Nasaan na kayo!

(Umalis siya sa bahay at naglibot-libot ang kanyang mata. Nawawala na siya sa


katinuan)

SISA: Crispin! Basilio!

(Lumalapit at kinakausap na ang madla. Tatanungin kahit sino kung nakita ba nila
ang kanyang mga anak. Sinisigaw nang paulit-ulit ang kanilang mga pangalan.)

(Bumalik si Sisa sa bahay at humiga sa banig. Nakita niya ang damit ni Basilio at
kinuha iyon. Nakita niya ang bahid ng dugo at niyakap ang damit.)

SISA: (Umiiyak) MGA ANAK KOOOO!

(Nagpagala-gala siya muli nang umiiyak. Sinisigaw at inuungol ang pangalan ng


kanyang mga anak, hanggang sa puntong natatakot na sa kanya ang mga nakakarinig)

(Sumigaw si Sisa na puno ng pagdurusa. Lumuhod siya at patuloy na umiyak. Di


nagtagal, napalitan ng halikhik ng kanyang mga hikbi. Bumangon siya at
nagsimulang maglakad. Ngumingiti. Lumalapit sa madla at kumakanta. Kinakausap
niya ang lahat ng bagay at napatawa ng malakas)

DI KO KABALO PAUNSA NI IEND.

You might also like