Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang ugnayan ng wika at kultura ay ang mga sumusunod:

•Ang kultura ay hindi maipapasa o maipapahayag sa ilang henerasyon kung wala ang wika.

•Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo sa diwa at saloobin kung wala ang wika.

•Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling
naiintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.

Ang wikang Filipino[2] ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles
ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa
katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba
rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao[3], o mahigit kumulang
isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang
Filipino[4]. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue[5]. Ayon sa
Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa
Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na
ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo."[6] Ang gustong makamit ng wikang
Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar
na kung saan ito'y ginagamit.[7] May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa
karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao[8] at Cebu[9], na bumubuo sa tatlong pinakamalaking
metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.

Ang kultura ang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Ang kultura rin
ang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga pangkat. Ito ang nagpapakita ng talento na kung anong
meron sa kanilang pangkat.

4.1

ANG BAWAT WIKA AY ANGKOP SA BAWAT KULTURA

Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang

kinabubuhulan nito. Magagamit din

ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi kasimbisa ng wikang likas sa

nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang
nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa
kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga
Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin

ng mga “Indios” na may ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura

ng mga Kastila, kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit hindi sapat ang gayon
upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang
nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979)

You might also like