Professional Documents
Culture Documents
7 Sampaguita
7 Sampaguita
P 7-Sampaguita
Mula sa 3 porsiyento noong Abril, bumilis sa 3.2 porsiyento ang inflation noong nakaraang buwan.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, malaki ang naiambag dito ng presyo ng pagkain
at inumin, maging ang dagdag-presyo sa tubig, kuryente, at gas.
Pero nananatili sa ngayon ang antas ng inflation sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na
nasa 2.8 hanggang 3.6 porsiyento.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, pangunahing dahilan ng pagbilis ng antas ay ang 3.4
porsiyentong dagdag sa antas ng inflation sa pagkain at non-alcoholic beverages.
Dahilan din ang 3.2 porsiyentong pagtaas ng presyo ng tubig, kuryente, gasolina, at iba pang
produktong petrolyo.
Sa isang pahayag, sinabi ng National Economic and Development Authority na nagdulot ng pinsala
ang El Niño sa agrikultuta ng bansa, kaya nagtaas-presyo ang gulay at prutas.
"Weak El Niño conditions persisted, and brought significant damage to the agriculture sector in the
midst of the election period’s strong consumption demand," ani Ernesto Pernia, kalihim ng NEDA.
Pero umaasa naman si BSP Governor Benjamin Diokno na patuloy na babagal ang inflation ngayong
bumababa umano ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Bumilis sa 3.4 porsiyento mula 3.1 porsiyento ang inflation sa National Capital Region.