Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MGA KATEGORYANG PAMPANITIKAN:

TRADISYUNAL

Isang Sulating Papel na Ipinasa kay


Dr. Julie Ann A. Orobia
Departamento ng Wika at Panitikan
Kolehiyo ng Sining at Agham
Pamantasan ng Gitnang Mindanao
Lungsod ng Maramag

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa


Asignaturang Filipino 60
(Panunuring Pampanitikan)

nina

Flora Liza R. Baisac


Merry Grace A. Bisnar
Joyce B. Queda
Jevelyn A. Sumalinog

Agosto 23, 2016


PANIMULA
Ayon kay Lyah A. Sermona ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-
aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Ang panitikan ay salamin
ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga
salita.

LAYUNIN
Narito ang mga layunin sa pag-uulat na umaayon sa target na paraan ng paglalahad:
1. maipaliwanag ang walong tradisyunal na teoryang pampanitikan;
2. makapagbigay ng mga halimbawa ng mga akda na napapalooban ng bawat teorya;
at
3. mapasuri sa mag-aaral ang ibinigay na akda gamit ang napiling teorya.

NILALAMAN
A. TRADISYUNAL

Teoryang Klasisismo/Klasismo

Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay nagmula sa Gresya,


sinasabi rito na kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang
kaisipan kaysa sa damdamin. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas
patungo sa pinakamabababang uri.Napapatungkol ito sa pag-iibigan ng mahirap at
mayaman.

Ang mga halimbawang akda:

 Sandaang Damit ni Fanny Garcia (maikling kwento)


 Sumpa ni Rowena Festin (tula)

Teoryang Romantisismo

Nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ang damdaming ito ay


ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap. Nagbibigay ang teoryang ito ng patunay
hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa katotohanan, heroismo at pantasya.
Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa
lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng
espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga
karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalaking nag-
aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

Mga halimbawang akda:

 “ Pagtatapat” ni Lope K. Santos


 Pakikidigma ni Jose Corazon de Jesus

Teoryang Realismo
Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo, masasabing
ang realism ay isang reaksyon sa pananaw na itinataguyod ng romantisismo. Itinataguyod
ng mga realista ang pagtinging dapat na ilarawan ang buhay o mga pangyayari sa lipunan
nang makatotohanan at buong katapatan. Pinangingibabaw sa akda ang katotohanan kaysa
kagandahan. Ang pagtingin at paglalarawan sa buhay ay dapat na walang pagkiling. Buong
katapatang inilalantad ng akda ang mga pangyayari maging ito ma’y napakapangit.

Mga karaniwang paksa ang tinatalakay sa mga akdang realista. Pinapaksa nito ang
mga pangyayaring nasa paligid lamang ng may-akda batay sa kanyang namamasid o
naoobserbahan. Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap sa
buhay ng nakararami tulad ng pagkaapi o pagkababa, paghihirap, pagbaba ng katayuan ng
mga nasa gitnang uri, prostitusyon, pakikibaka ng mga manggagawa. Sangkap din sa mga
akdang realista ang makatotohanang salitang ginagamit ng mga karaniwang tao—bulgar,
balbal, at iba pa.

Karaniwan na panahon at lipunan ng manunulat ang inilalarawan sa akda. Ang


may-akda bilang produkto ng kanyang panahon ay nagtatala ng mga kaganapan sa
panahong iyon ng kanyang lipunan sa masining na paraan – iniluluwal ang teksto o akda
batay na rin sa kamalayang panlipunan ng may-akda. Bunga nito, binibigyang-
interpretasyon ang akda dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa panahon o kaligiran o sa
mga kontekstong cultural, pulitikal at pangkabuhayan kung kalian naisulat ang akda.

Maaaring masuri ang mga akdang realista batay sa mga sumusunod na uri nito
(Ines-Ramos at Mendiola, 1994:47-48):

1. Kritikal na Realismo- naglalarawan ng lipunang pinaghaharian ng mga nasa itaas


na nagpapakita ng panlulupig sa nakababa sa kanila.
2. Sosyalistang Realismo- naglalarawann ng kaapihan ng mga uring manggagawa,
ang pagpupumiglas ng mga manggagawang ito upang makahanap ng katarungan
3. Sikolohikal na Realismo- nagpapakita ng pagkilos ng tao bunsod ng damdaming
likha ng nakapaligid sa kanya.
4. Pino o Mabining Realismo- naglalarawan ng pagiging matimpi ng akda na
ipinamamalas ng mga tauhan sa kanilang kilos at maging sa kanilang pananalita.
Kontrolado nila ang kanilang damdamin. Hindi sila nagpapakita ng karahasan.
5. Sentimental na Realismo- naglalarawan ng mga mithiin ng mga tauhan na nauuwi
sa pangangarap ng gising, paghahangad ng magagandang wakas, mga pag-asang
pinangingibabawan ng damdamin kaysa ng kaisipan sa paglutas ng anumang
suliranin
6. Mahiwagang Realismo o Magic realism- naglalarawan ng katotohanang
hinahaluan ng pantasya, kababalaghan o di kapani- paniwalang mga pangyayari.

Pananaw Realismo
1) Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
2) Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3) Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)
4) Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
5) Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.

Mga Halimbawang Akda ng Realismong Pagdulog:


 Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo
(akda sa Panahon ng Hapon)
 Yaong Itim na Bathala ni Gumer M. Rafanan (isang maikling kwentong
Cebuano na naisulat noong Panahon ng Republika)
 Tahan na Peping ni Siano (isang sanaysay sa panahon ng Pagwawakas ng
Batas Militar, 1987)
 Mga Putol na Taludtud para kay Denden Mahinay ni Ligaya Tiamson-
Rubin (isang tula sa panahon ng Pagwawakas ng Batas Militar)
 Si Salapid at Radiya Ganding (Kwentong bayan ng mga Maranao)

Teoryang Naturalismo
Marami pang mga pagdulog ang umusbong na nakaangkla sa realism. Kabilang
dito ang mga pagdulog na nakapokus sa tauhan sa akda at kabilang dito ang naturalismo
na sinisikap ilarawan ang kalikasan ng tao nang buong katapatan.
Pesimistiko ang pagtingin sa buhay ang isinisiwalat ng mga akdang naturalistiko.
Ipinapakita sa akda ang kawalan ng kalayaan ng tauhang kumawala sa di magandang
pangyayari sa kanyang buhay na dulot ng mga pangyayari sa lipunan o mga taong
nakapaligid sa kanya.

Si Emile Zola, isang Pranses, ang tinaguriang Ama ng Naturalismo. Ayon sa kanya
na ang isang naturalistang manunulat ay nagtuturing sa sarili bilang makasiyentipikong
sosyolohistang mag-aaral ng lipunan at isa ring sikolohista. Sinusuri nila ang katauhan ng
isang nilalang bilang bunga ng heredeti o biyolohiya at kapaligiran.

Ipinapakita sa akdang naturalista na ang tao ay biktima ng kanyang kapaligiran at


biyolohikal na kadahilanan. Dahil dito, dapat hindi dapat kondenahin ang tauhan sa akda
sa halip ay dapat unawain bilang biktima. Kaya mahalaga sa pagdulog na ito ang ugnayan
ng sanhi at bunga ng mga pangyayaring nakakaapekto sa tauhan sa akda. Mahalaga sa
pagdulog na ito ang pag-unawa sa damdamin ng tauhan.

Mga halimbawang Akda:


 Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg (akda sa panahon ng Republika, 1961)
 Ungol sa Madaling-Araw ni L. Del Mundo (isang maikling kwento sa panahon ng
Batas Militar, 1980)
 Talambahay/Talambuhay ni Cirilo F. Bautista (isang tula sa panahong
Kontemporaryo, dekada’90)

Teoryang Ekspresyunismo
Ayon sa Encyclopedia Britannica, “Expressionism is an artistic style in which the
artist seeks to depict not objective reality but rather the subjective emotions and responses
that objects and events arouse within a person”.
Ipinapaliwanag dito na ang ekspresyunismo ay isang masining na estilo na kung
saan inilalarawan ang pansariling emosyon at mga pagtugon na napukaw mula sa isang tao.
Ayon sa Wikipedia, “expressionism its typical trait is to present the world solely
from a subjective perspective, distorting it radically for emotional effect in order to evoke
moods or ideas. Expressionist artists sought to express the meaning of emotional
experience rather than physical reality”.
“In literature, expressionism is often considered a revolt against realism and natur
alism, seeking to achieve a psychologicalor spiritual reality rather than record external ev
ents in logical sequence.”

Ang Expressionismo ito ay isang salitang ginagamit sa sining at panitikan upang


ipakilala na sa pagpapahayag ng kanyang mga kaisipan at lalong-lalo na ng kanyang
dinaramdam, ang artista o manunulat ay hindi nababahala sa maingat na paglalarawan ng
mga maliwanag na bahagi kundi sa pamamagitan na rin ng mga ito ng mga pakiramdamin
ang kanilang ipinahihiwatig.

Teoryang Humanismo
Nagmula sa Latin ang salitang Humanismo na nagpapahiwatig ng mga “di-
syentipikong larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining at
iba pa. Ayon sa ibang historyador, ang humanismo ay maaring ituring na “pagbabalik sa
klasisismo” lalo na yaong akdang sining noong panahon ng Renasimyento.
Ang pokus ng teoryang ito ay tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan
ng lahat ng bagay ang Panginoon ng kanyang kapalaran”.
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang
maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkakaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala
sa isang di makukubling kasaysayan.
May bunga ang panitikan sa tao. Kinikilala ang tao bilang panukat ng maraming
bagay at pangyayari. Inilalarawan kung paanong ang tao ay nakikibaka sa buhay at mga
karanasan sa mundo. Itinatanghal ang kalagayan ng tao bilang isang indibidwal na may
pananaw sa buhay at malayang ekspresyon ng kakayahan.
Sa pagsusuri, mainam na tingnan ang mga sumusunod:
a. pagkatao
b. tema ng kuwento
c. mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
d. mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan at pamamaraan
ng pagbibigay-solusyon sa problema.

Pananaw Humanismo
1. Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa rito.
2. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino – kakayahan
at kalikasan ng tao.
3. Para sa humanista ang literatura ay kailangang:
a. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito.
b. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo.
c. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa.
d. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth).
e. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan (pisikal,
moral, sikolohikal).
Ang mga halimbawang akda ng Humanismo:
 Titser ni Liwayway A. Arceo (1995)
 Impeng Negro ni Rogelio Sikat (
 Tata Selo ni Rogelio Sikat
 Lupa ng Sariling Bayan
 Si Pinkaw ni Isabelo S. Sobrega
 Sugat ng Kahapon

Teoryang Eksistensyalismo
Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito dahil utak ang
nagpapagana sa tao. Ang bawat tao ay may kalayaang pumili at dahil sa kalayaang ito, ang
tao ay responsable sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng kanyang
ginawang pagpili. Dito, sinusuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala,
paninindigan na ang tao lamang ang tanging may kakayahang magdesisyon sa kanyang
sariling buhay.
Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang Eksistensyalismo ay nakikita sa
mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga
tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang
resulta ng kanilang kalayaang pinili.
Ang tao ay napalilibutan ng maraming posibilidad at mapagpipilian kung paano
niya gustong mabuhay. Siya ang lumikha ng kanyang sariling buhay na ayon sa kanyang
desisyon. Kadalasan ang mga desisyon niya ay nakaaapekto sa relasyon niya sa ibang tao.
Sinasabing hindi rin naman nabubuhay ang tao nang mag-isa lamang.
Dahil bukas ang Eksistensyalismo sa mga posibilidad, posibleng maraming
magkakatunggaling direksyon ang puntahan ng pananaw na ito. Isang direksyon ay
ang theistic o paniniwalang may Diyos o isang makapangyarihang nilalang na nag-uugnay
sa lahat ng nilalang. Maaari rin naming ang puntahan ng Eksistensyalismo ay
ang atheistic o ang paniniwalang ang tao ay may walang hanggang kalayaan. Kung kaya,
hindi na niya kailangan pa ang tulong mula sa anumang Diyos o sa isang
makapangyarihang nilalang. Kaya niyang mabuhay sa kanyang sarili lamang.
Pananaw Eksistensyalismo
1. Malaya ang tao– siya lamang ang maaaring magdesisyon kung paano niya
guguluhin ang panahon niya habang siya ay buhay
2. Responsable ang tao– siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang
desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
3. Indibidwal ang tao– walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip,
damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
4. Walang makapagsasabi kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa
pinag-uusapan.

Ang mga halimbawang akda:


 Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
 Timawa ni Agustin Fabian
 Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg
 Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla

Teoryang Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa


mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na
higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang


nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at
pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.

Pananaw ng Imahismo
1) Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang
akda/tula.
2) Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3) Malinaw ang mga epekto nito.
4) Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.

Mga halimbawang akda:

 Ang Guryon ni Idelfonso Santos


 “Panambitan”
(Tula/Bikol) Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng“Panambitan” ni Myrna Prado

KONGKLUSYON

Ang mga teoryang pampanitikan ay nakatutulong upang matulungan ang


mambabasa na masuri at maintindihan ang nabasang akda. Mas nabibigyan ng linaw at
interpretasyon ang mga nabasang akda gamit ang mga ito. Sa pagsusuri, kinakailangan ang
sapat na kaalaman at oras.

SANGGUNIAN

Santos, Angelina L. 2010. Lipunan, Manunulat, Akda at Mambabasa. MSU-IIT, Iligan


City.
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html
Mga halimbawa ng imahismo. Nakuha noong Agosto 20, 2016.
https://www.facebook.com/notes/marcelino-miko-salen-cosico/lesson-no-3-
panambitan-teoryang-imahismo-pls-read-iv-newton-narra-molave-
sampalo/132293746801306/
https://www.youtube.com/watch?v=rSJvG_esTzw
https://www.youtube.com/watch?v=CZGradN2Ibg
https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/384008141745455
https://www.scribd.com/doc/297263325/TEORYANG-PAMPANITIKAN

You might also like