Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA SALITANG DI PAMILYAR

1. Butsaka - bulsa ng damit.Halimbawa: Ang tanging laman ng aking butsaka ay ang aking
pitaka.
2. ALUMANA
Kahulugan:Pansin;salitang karaniwang ginagamit sa diwang pagtanggi at
pinangungunahan ng hindi.
Halimbawa: Anna hindi mo man lang ako alumana kanina
3. BARAT
Kahulugan:Taong palatawad upang makabili nang mura
Halimbawa: Kanina noong bumili kami sa palengke napaka barat niya talaga.
4. EKOLOKWA
Kahulugan: Salitang nagpapahiwatig ng kasiyahan at halos katumbas ng ganyan, tama o
ganyan nga ng isang nagmamanman
Halimbawa: Ang ginawa mong pagawit ay ekolokwa tama ganun nga.
5. HAWAN
Kahulugan:Walang sukal, malinis na, walang nakasangga, aliwalas
Halimbawa: Ang lugar na ito ay talagang napaka hawan ang sarap sa pakiramdam.
6. ITATWA
Kahulugan:Huwag kilalanin
Halimbawa: Hoy! wag mong itatwa ang taong iyan ngayon lang natin siya nakita.
7. Salumpuwit-Ito ay nangangahulugang upuan.
Halimbawa: Ang paboritong salumpuwit ni Lola Basya ay ang gawa sakanya ni Lolo
Tasyo.
8. Salipawpaw - isang sasakyang pang-himpapawid ; eroplano.Halimbawa: Si Anna ay
mahilig magbakasyon sa iba't ibang bansa kaya't madalas siyang sumakay ng alipawpaw.
9. Tipanan - isang lugar kung saan sila nagtatagpo. Halimbawa: Muli kaming magtitipon-
tipon ng aking mga kaibigan sa dati naming tipanan.
10. Alipugha - isang iresponsableng tao.Halimbawa: Siya ay tinuring ng kanyang mga
magulang na tila isang prinsesa kaya't siya ay lumaking alipugha.
11. Katipa - kasintahan.Halimbawa: Madalas akong bumibili ng regalo para sa aking katipa.
12. Talipandas - isang tao na makapal ang mukha.Halimbawa: Si Aling Terry ay tinuring ni
Mang Badong na parang isa tunay na kapatid ngunit dahil siya ay talipandas, hindi niya
ito pinahalagahan.
13. Piging - isang uri ng handaan.Halimbawa: Siya ay nasasabik na dumalo sa piging
sapagkat kaarawan ng kanyang iniirog.
14. Miktinig - mikropono o 'microphone' sa igles.Halimbawa: Nag-iisa lamang ang miktinig
ng karaoke kaya't kami ay nag-uunahan sa paggamit nito upang kumanta.
15. Pang-ulong hatinig - Ito ay ang 'headset' sa ingles.Halimbawa: Si Marco ay mahilig
makinig ng musika kaya't lagi niyang gamit ang pang-ulong hatinig.
16. Anluwage - isang uri ng trabaho ng tao; karpentero.Halimbawa: Hindi nakakalimutan ng
aking ama magdala ng martilyo at pako sa kanyang trabaho dahil siya ay nagtratrabaho
bilang isang anluwage sa tinatayong istraktura sa aming lungsod.
17. Ampang -Panimulang paglalakad ng isang bata.
Halimbawa: Pinanuod ng mag-asawa ang pag-ampang ng kanilang anak.
18. Katoto -Nangangahulugang kaibigan.
Halimbawa: Itinuring niyang mga kapatid ang kanyang mga katoto.
19. Hami -Pautal-utal magsalita dahil sa kalasingan.
Halimbawa: Hami na ang pagsasalita ng asawa ni Aling Marta ng umuwi ito galing sa
kaarawan ng kanilang pinsan.
20. Talipandas – Makapal ang mukha
Halimbawa: Ang mga talipandas ay pumunta sa handaan kahit hindi inimbita.
21. Tsubibo – Ferris Wheel
Halimbawa: Natupad na ang pangarap kong makasakay sa tsubibo noong nakaraang
pista.
22. Salumpuwit – upuan
Halimbawa: Matibay ang salumpuwit na inuupuan ni Nene.
23. Salipawpaw – Eroplano
Halimbawa: Sumakay si Maria sa salipawpaw patungong Hong Kong.
24. Mapaniil – Abusado
Halimbawa: Ang mga kamag-aral ni Jose ay mapaniil.
25. Alipugha – iresponsable
Halimbawa: Ang nag iisang anak ni Mang Lino ay lumaking alipugha.
26. Katipa – syota
Halimbawa: Ang katipan ni kuya ay maganda.
27. Talaksan – papeles
Halimbawa: Naipasa ko na ang mga hinihinging talaksan.
28. Tipanan – Lugar kung saan sila nagtatagpo
Halimbawa: Lagi siyang nag- aantay sa kanilang dating tipanan.
29. Piging – handaan
Halimbawa: Magkakaroon ng piging mamaya sa aming bahay.
Ilan lamang ito sa mga hindi pamilyar na salitang Filipino.
30. Hunsoy -Ito ay isang sigarilyo na mataba at hindi nauubos dahil ang lalagyan ay isang
bakal.
Halimbawa: Hunsoy ang biniling regalo ni Marco para sa kanyang lola.
31. Badhi -Guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran.
Halimbawa: Tinignan ng manghuhula ang badhi sa kamay ni Judy.
32. Alimpuyok -Amoy ng kaning nasusunog.
Halimbawa: Naamoy ni Aling Marta ang alimpuyok ng niluluto ng kanyang anak na si
Nene.
33. Agatat -Marka sa pamamagitan ng patalim.
Halimbawa: Hindi pa rin nawala ang agatat sa kamay ni Lina.
34. Agas -Mahinang kaluskos ng ahas, daga, atbp.
Halimbawa: Narinig niya ang agas ng ahas kaya nagmadali siyang umalis.
MGA SALITANG PAMILYAR

1. Matalino - isang uri ng abilidad na mayroon ang isang tao.


Halimbawa: Siya ang laging bida sa aming klase dahil sya ay matalino.
2. Hangos na hangos - pagod na pagod
Halimbawa: Hangos na hangos siya ng dumating dahil muntik na siyang mahuli sa
kanyang klase.
3. Panuto - instruksyon na pinagbabatayan para sagutan ang pagsusulit.
Halimbawa: Binasa niya ng mabuti ang mga panuto sa pagsusulit.
4. Palikuran - banyo o kubeta.
5. Silid tulugan o pahingahan - kwarto.
6. Pamingganan - lalagyan ng plato.
7. Mag aaral - estudyante na nag aaral.
8. Aklat - libro.
9. Damit - kasuotan.
10. Guro - titser o tagapagturo.
11. Lapis - panulat na may kasamang pambura.
12. Bahay - tahanan o tirahan.
13. Kasambahay - katulong o mga manggagawa.

You might also like